Isang linggo na ang nakalipas magmula nang magkaayos kami nina kuya Noel at kuya Jar, at sa isang linggong nakalipas ay masasabi kung mas lalo silang naging sweet and carrying sa akin. That's why im very thankful to have a brother like them and especially to Mommy and Daddy. They always by may side kapag kailangan ko nang karamay, kahit hindi ko man sabihin na kailangan ko sila alam kung ramdam nila ‘yun. Kaya hindi ko kayang mawalan na naman nang mahal sa buhay, katulad nang pagkawala ni Lola dahil sa sakit na leukemia.
Tinago niya sa aming lahat ang tungkol sa sakit niya, kung saan nanghihina na siya nang subra ay doon pa namin tuluyang nalaman ang lahat. Kung sana ay naagapan pa, edi sana nakasama pa namin siya hanggang ngayun. Kahit anong pilit namin sa kanya na magpagamot, ay ayaw niya talaga. Ngunit dahil na rin sa hiling niya na makasamang muli si Lolo ay pinagbigyan na namin. Kaya kahit masakit sa amin na bitawan si Lola ay ginawa na lamang namin, dahil ayaw na rin naming makita si Lola na nasasaktan sa tuwing nagche-chemo siya. Parang pinipiga ang aming puso sa tuwing umiiyak siya dahil sa sakit.
Lumipas rin ang ilang araw nang tuluyan nang namahinga si Lola kasama si Lolo. Kaya nang time na wala na si Lola sa tabi ko ay palagi akong umiiyak sa kwarto at hindi kumakain. Dahil sa tuwing kumakain ako ay palagi kung naalala ang mga luto ni Lola, kaya mas pinili kung magkulong sa kwarto at umiyak nang umiyak.
Mabuti na lamang na palaging nasa tabi ko sina Mommy, sila ‘yung naging sandalan ko. Hanggang sa hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakabangon sa pagkakalugmok, sila ‘yung palaging nakikiusap sa akin na wag akong sumunod kay Lola. Alam kung masakit kay Mommy na makita ako sa ganung sitwasyon, ngunit ano’ng magagawa ko. Napamahal na ako nang subra kay Lola, siya ang palagi kung kalaro sa tuwing mag-isa lamang ako. Kaya masyado akong apektado sa pagkawala niya.
Nasa dugo na rin namin ang magkaroon ng ganitong sakit, kaya hindi maikakaila na isa sa amin ang magmana ng ganitong sakit.
Naramdaman kung may pumahid sa pisngi ko, kaya kunot-noo ko itong tiningnan. Nakita ko si kuya Noel na may lungkot sa kanyang mga mata, habang nakatingin siya sa akin.
“Umiiyak ka na naman, Babe," malungkot na sabi ni kuya Noel.
Ngunit sa halip na sagutin ay niyakap ko na lamang siya at duon humagulhol sa dibdib niya. Naramdaman ko namang marahan niyang hinahalpos ang aking likod na mas lalong ikinaiyak ko. I feel safe the way he do that, at isa rin ito sa nakahiligan ko sa kanya. Sa tuwing umiiyak ako sa kanya ay ito ang ginagawa niya sa akin, that's why i love them so much. Natatakot ako na baka dumating ang araw na mamawalan na naman ako ng mahal sa buhay, hindi ko maisip na kapag nangyari ang bagay na ‘yun ay siya namang pagguho nang mundo ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak habang nasa dibdib ako ni kuya Noel.
Naalimpungatan ako bigla nang maramdaman ko na naman ang isang haplos, isang haplos na palaging nagpapabilis nang t***k ng aking paso. Ito ‘yung haplos na naramdaman ko nang nakaraang araw habang mahimbing na nagpapahinga sa ilalim nang puno. Hindi ko muna iminulat ang aking mga mata at hinintay ko na umalis siya, ngunit biglang kumunot ang noo ko ng may sinabi siya na hindi ko maintindihan.
“Jusqu'à nouveau, mon amour”
Malambing ang pagkakasabi nito sa kabila ng kanyang baritonong boses habang hinahaplos ang aking mukha. Hindi rin nagtagal ay wala na akong naramdamang presensya sa aking tabi, kaya unti-unti kung dinilat ang aking mga mata sabay libot libot nang aking paningin sa paligid. Ngunit ni isang anino o bakas man lamang ay wala akong nakita, wala rin akong nadinig na pagbukas at pagsara nang pintuan sinyales na may taong lumabas.
Sino naman kaya ang nasa likod nang baritonong boses na iyun, ni wala man lamang akong kasama dito sa loob. Imposible naman kung guni-guni o panaginip lamang iyun, dahil kahit nakapikit ang aking mga mata ay gising na gising naman ang aking diwa. Napabaling naman ang aking paningin sa may pinto nang bumukas ito at pumasok duon si kuya Noel na may pag-aalala sa kanyang mga mata.
“Anong problema, Babe? Bakit pinagpapawisan ka? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni kuya Noel.
“May pumasok ba dito, Babe, habang tulog ako?"
Kinakabahan kung tanong sa kanya, nararamdaman ko na rin ang panginginig nang buo kung katawan sa hindi malamang dahilan. Nakita ko naman na napalunok si Kuya Noel habang ang kanyang tingin ay nasa malayo.
”W-Wala naman, B-Babe, bakit m-may p-problema ba?” nauutal na sabi ni kuya Noel.
“May narinig kasi akong baritong boses habang hinahaplos nito ang aking mukha, at may sinabi rin ito na hindi ko maintindihan. Naririnig ko rin ‘yun kapag nagpapahinga ako sa ilalim nang puno sa may garden. Hindi ko mawari kung ano itong aking nadarama, dahil sa tuwing nagsasalita siya ay bumibilis ang t***k nang aking puso sa hindi malamang dahilan.” pagpapaliwanag ko kay kuya Noel.
Napakunot noo naman ako nang mapansing pinagpapawisan at panay lunok si kuya Noel habang kinakausap ko siya, kaya hinawakan ko ang kanyang noo at leeg upang siguraduhin na hindi siya nilalagnat.
“Bakit pinagpapawisan ka, Babe? Malakas naman ang aircon, wala ka namang lagnat,” kunot-noo kung tanong sa kanya.
Ngunit hindi niya ako sinagot bagkus ay hinila niya ang kamay ko palabas nang kwarto kung saan ako natutulog kanina. Paglabas namin ay bumungad sa akin ang hindi kalakihang salas na may isang mahabang sopha, dalawang single sa magkabilang gilid at isang maliit na babasaging mesa. Habang nililibot ko ang aking paningin sa loob ay bigla na lamang akong napahinto sa isang larawan, kaya naisipan ko itong lapitan. Ngunit bigla na lamang akong napahinto nang may humawak sa palapulsuhan ko at marahas na ipinaharap, at nakita ko duon si Kuya Jar na halatang kinakabahan. Kaya nagtataka ko itong tiningnan.
“Ahmm… Anong g-gagawin m-mo d‘yan, Love?” nauutal niyang sabi.
“May nakita lang kasi ako doon, parang pamilyar kasi sa akin ‘yung larawan na ‘yun.”
“Wag m-mo n-na ‘yung pansinin, Love, b-baka namamalikmata ka lang," nauutal pa rin na sabi ni kuya Jar sabay hila sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad nang tumama ang noo ko sa matigas na likuran ni kuya Jar, kaya hinamas ko ito upang mabasan ang sakit. Bigla namang humarap si kuya Jar na may ngiti na sa kanyang mga labi.
“Tara, Love, kain tayo,” nakangiti niyang sabi.
Sabay hila sa akin at pinaupo sa harapan nang isang babasaging mesa na ngayun ay maraming pagkain na nakahain. Hindi rin nagtagal ay nag-umpisa na kaming kumain kasama ang mga kaibigan nina kuya. Nasa kalagitnaan na ako nang aking pagkain ng maramdamang may nakatitig sa akin, kaya inilibot ko ang aking tingin upang hanapin kung kanino ito nanggaling. Ngunit biglang nanglaki ang aking mga mata nang makitang titig na titig sa akin si Zack habang may kaunting mga ngiti sa kanyang mga labi, kaagad ko ring binawi ang aking tingin ng marinig ang mumunting halakhakan nila. Hanggang sa natapos na kaming kumain, kaya napagpasiyahan kung ako na lamang ang maghuhugas ng pinagkainina namin. Nang matapos na akong maghugas ay bumalik kaagad ako sa kusina, ngunit napahinto na lamang ako sa paglalakad ng may marinig akong nag-uusap.
“Bakit mo naman kasi tinakot ‘yung kapatid namin, Zack. Kung nakita mo lang reaction niya kanina ay subra siyang natakog, mabuti na lang nakaisip ako ng palusot,” sabi ni kuya Noel.
“That’s not my intention na takutin siya, i just want to look at her for a while and hold her small face when she was sleeping. Hindi ko naman alam na natatakot siya.” paliwanag naman ni Zack kay kuya Noel.
Bigla naman akong napaatras ng makarinig ng yabag patungo sa kinaroroonan ko, hanggang sa may nasagi akong isang bagay dahilan upang ito‘y mabasag at tumama ang ilang bubog sa aking paa. Napatili naman ako ng makitang maraming dugo ang umaagos sa aking paa kaya, nakaramdam naman ako ng pagkahilo. Ngunit bago ko ipikit ang aking mga mata ay narinig ko pa ang mga mumunting muras nila kuya Noel.
“What happen, Babe? What the f*ck"
“Sh*t not now”
Hanggang sa tuluyan na akong nawalan nang malay.
Napamulat ako nang mga mata ng marinig ko ang boses ni Daddy na parang galit na galit, kaya inilibot ko ang aking paningin upang hanapin kung saan ito nanggagaling. Nakita ko sina kuya Noel at kuya Jar na nakayuko habang nakaupo sa may sopha at si Daddy naman ay nakatayo sa harapan.
“Sa susunod na mangyayari pa ito sa kapatid n‘yo, alam n‘yo na ang mangyayari sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Galit na sabi ni Daddy kina kuya Noel at kuya Jar na ngayun ay nakayuko pa rin.
“Dad, wala naman po silang kasalanan ehh… Ako po ‘yung may kasalanan kung bakit po ako nasugatan. Kaya wala po’ng kasalanan sina kuya Noel at kuya Jar. Hindi ko naman po sinasadyang masagi ‘yung vase,” sabi ko kay Daddy habang nakayuko.
Naramdaman ko naman na may humaplos sa likuran ko, kaya nilingon ko kung kanino ito nanggaling. Ngayun ko lang napansin si Mommy na nakaupo sa may gilid nang higaan ko habang hinahapolos niya ang aking likuran. Nginitian ko muna si Mommy bago ko ibinalik ang tingin sa harapan kung saan nakatayo si Daddy na ngayun ay makikita mo ang takot sa kanyang mga mata. Maya‘t-maya ay lumapit si Daddy sa akin sabay yakap nang mahigpit.
“I’m sorry, Sweety, i just cant imagine if we lost you,” malungkot na sabi ni Daddy sa akin.
“Hindi ba kami kasali d‘yan!" pasigaw na sabi ni kuya Jar sabay lapit sa aming tatlo.
Pagdating nang hapon ay nadischarge na ako sa hospital, dahil hindi naman daw malala ang natamo kung sugat. Nahimatay lang daw ako dahil sa subrang takot ko sa dugo. At kasalukuyan kaming nandito sa kusina habang naghahapunan, panay tukso naman sa akin sina kuya Noel at kuya Jar kay Zack. Dahil kesyo bakit hindi daw ako umamin kay Zack na nagugustuhan ko siya, like duhh! Wala akong gusto duon for petes sake. Anong akala nila sa akin, magkakagusto ako sa hambog na lalaking ‘yun? Tss! Never, over my sexy and hot body. Kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo ay hindi ko siya magugustuha. Halata namang playboy ’yun, mukha at pananamit palang alam mo ng playboy siya.
Hanggang sa natapos na kaming kumain pero hindi pa rin sila tumigil kakatukso sa akin. Bakit ba kasi nila ako pinagpipilitan sa lalaking ‘yun, alam ko namang guwapo siya. Pero ano naman ang gagawin ko sa guwapo niyang mukha kung ang pangit naman ng ugali. Hindi uubra sa akin ‘yang kapugian niyang ‘yan, laos na ’yan sa akin. Hindi na bago sa akin ‘yang mga ganyang itsura, dahil naranasan ko na rin ‘yan. Kung gaano siya kaguwapo ay siya namang pangit ng pag-uugali. Sa una lang ‘yan sila sweet pero sa huli iiwan at paiiyakin ka rin nila sa huli. May pangako pang nalalaman ehh… mapapako naman. Lahat nang mga lalaki mga sinungaling. Sa una ka lang nila papasayahin, sa huli maiiwan ka ring mag-isa habang umiiyak.
Pagkayapos namin kumain ay agad rin akong nagpaalam sa kanila na magpapahinga na, dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Pagkadating ko nang kwarto ay agad ko ring ginawa ang palagi kung ginagawa tuwing gabi bago matulog. Nang matapos na ay humiga na ako sa kama at hinintay na dalawin nang antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.