Chapter 3: Looking From a Far

1727 Words
Isang linggo na rin ang nakalipas magmula nang makapasok ako sa Gray University. Ganoon pa rin naman at walang nagbago sa daily routine ko. Gigising sa umaga, minsan late pa nga, pero nandiyan naman sina Kuya Noel at Kuya Jar na tagagising ko.  Kasalukuyan akong nandito sa garden ng school para mag-aral, tapos kapag may natitira pang oras ay matutulog ako at magigising na lang sa tunog ng bell. Kahapon, habang pinag-aaralan ko ang topic ng isang subject namin, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa malayo kaya nilibot ko ang aking tingin sa buong lugar. Wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa akin. Baka nga guni-guni ko lang iyon. Pero these past few days, palagi ko na lang napapansin na may nakatingin sa akin sa malayo o kaya’y nakasunod sa akin. Pero kapag hahanapin ko naman kung saan nanggaling ang mga tinging iyon ay wala akong mahanap. Pero nasisiguro kong mayroong tao talaga ang nakasunod sa akin, ngunit sino naman kaya ‘yon? Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kalaunan ay nakaramdam na rin ako ng pagka-antok kaya itinabi ko ang aking mga gamit at saka nahiga sa damuhan, kung saan ako palaging natutulog. Naalimpungatan ako bigla nang maramdaman ko ang paghaplos ng sino man sa aking pisngi. Hindi ko idinilat ang aking mga mata, bagkus ay nanatili akong pikit. “Tu es si belle mon amour, non seulement à l’extérieur mais aussi à l’intérieur. C’est pourquoi je t’aime, parce que tu as ta propre beauté que personne d’autre n’a. Si je pouvais juste te posséder et t’épouser tout de suite, je l’aurais fait depuis longtemps. car ce n’est pas le bon moment, mais je continuerai à vous suivre pour assurer votre sécurité. Au revoir mon amour jusqu’à encore.”  Malambing ang pagkakasabi nito sa kabila ng kanyang baritonong boses habang hinahaplos ang aking mukha. Ilang minuto rin ang ginawa niyang pagdama roon hanggang sa maramdaman ko ang isang malambot na bagay na dumampi sa noo ko. Nang wala na akong maramdamang presensya saka ako nagmulat para hanapin at kumpirmahin sana kung sino man iyon,  ngunit wala na akong naabutan kahit inilibot ko na ng tingin ang buong paligid. Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang bell kaya tumayo na rin ako para pumuntang cafeteria. Wala kasi kaming pasok kanina dahil may meeting ang Prof namin, tatlong oras din ang ipinahinga namin.  Pagkapasok sa cafeteria, tanaw ko na kaagad ang dalawa kong kuya kasama ang mga barkada nila na nakaupo rin sa kung saan kami madalas pumuwesto. “Ay, ang haba ng hotdog ni Zack!” Nagulat na lang ako nang may biglang pumulupot na kamay sa braso ko. Tiningnan ko kung kanino galing iyon at kay Katelyn lang pala. Nang-aasar itong nakatingin sa akin? “Papatayin mo ba ako sa gulat, beshy?” kinakabahan kong tanong sa kanya habang nakahawak sa aking dibdib. “Hoy, beshy ano iyon?” nakalolokong tanong sa akin ni Katelyn. Doon ko lang napansin ang sinabi ko kaya napatakip naman ako ng bibig saka inilibot ng aking paningin ang buong cafeteria. Mas lalo pa akong nahiya nang makitang nasa akin na pala lahat ng atensiyon nila. Tiningnan ko sila kuya at nakita ko ang mapang-asar nilang mga tingin, especially kay Zack. Feeling ko, umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papuntang mukha kaya napayuko ako habang papunta sa puwesto nila kuya. Narinig ko naman ang hagikhikan ng dalawa kong kapatid. Kasalanan naman ‘yon ni Katelyn, eh. Kung hindi niya sana ako ginulat, hindi ko iyon masasabi. Kainis. “Hindi ko akalain, babe na pinagpapantashayan mo pala si Zack sa isip mo,” mapang-asar na sabi ni Kuya Noel dahilan para mas lalong pumula iyong pisngi ko. Narinig ko naman ang mga tawa nila pero mas nangibabaw ang boses ni Zack habang tumatawa. Hindi ko pa rin inangat ang aking tingin, dahil patuloy lang akong nakayuko. Kasi naman, sinong hindi mahihiya sa sinabi ko? At ang mas nakahihiya  pa ay napalakas ko ang pagkakasabi. “Stop it, guys. Nahihiya na tuloy si Kat-kat,” malambing na saway ni Zack. First time in my life na may tumawag sa akin na Kat-kat, at kay Zack pa talaga nanggaling. Ang sarap sa tainga habang binibigkas niya ang pangalan ko. “Ayieee!  Kinikilig si Katana!” Kinikilig naman na sabi ni Katelyn habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko. “Hindi ko alam, Kat na pati sa isip mo ay pinagpapantasiyahan mo pala ako. Hindi mo man lang sinabi, ready naman akong maghubad sa harapan mo para pagsawaang tingnan ‘tong buong katawan ko,” tunog-husky pa ang boses niya nang sabihin ito sa akin. Napakagat naman ako ng aking pang-ibabang labi dahil sa kilig. Ngayon ko lang namalayan na nakaharap na pala ako sa kanila habang naka-lipbite. Narinig ko naman ang mga tilian at tawanan nila rito sa loob ng cafeteria kaya feeling ko mas lalong pumula ang pisngi ko. “Hoy, babe ang landi mo. At isa pa, Zack hindi puwede iyang sinasabi mo, ang bata pa nitong kapatid namin tapos maghuhubad ka sa harapan niya? Hindi puwede iyon. Kahit may kahalayan din ito minsan, birhen pa ito. Kaya bawal pa siya sa mga ganiyan, kapag hindi pa siya nakapagtapos ng pag-aaral ay hindi namin siya papayagan,” mahabang litanya ni Kuya Noel. Nagpanting naman ang tainga ko dahil sa narinig kaya masama ko siyang tiningnan. “Ano sabi mo, babe? Ako, mahalay? Wow, ha? Ano’ng akala mo sa akin, pokpok? Lilinawin ko lang, hindi ko iyon sinasadyang sabihin. At isa pa, siya?” galit kong sabi sabay turo kay Zack na ngayon ay walang emosyon na nakatingin sa akin. “Wala akong gusto sa kanya. Asa naman siyang pagpapantasiyahan ko siya! Ano siya, gold?” inis kong dagdag sabay tayo para lumabas ng cafeteria. Napansin ko naman na biglang tumahimik ang buong cafeteria pero ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad papuntang classroom. Narinig ko ang pagtawag nila pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nawalan na ako nang ganang kumain dahil sa sinabi ni Kuya Noel. Pagkarating ko sa room ay expected ko na, na wala pang tao kaya isinubsob ko na lang ang aking ulo sa desk at natulog ulit. Nagising ako dahil may narinig akong mga ingay sa paligid. Inilibot ko ang aking tingin sa buong classroom, nandito na pala ang mga classmate ko. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang Prof namin. “Good morning, class. So, we will continue our discussion,” seryosong panimula ng Professor namin at inumpisahan  nang mag-discuss. Sa pagsapit ng lunch time, habang inililigpit ko ang aking mga gamit rinig ko kaagad ang tilian mula sa labas. I’m sure na sila kuya na iyon. Pagkalabas ko ay nilapitan ko sila na nagpangiti sa kanilang dalawa saka hinalikan ang mga pisngi nila sabay alis para mauna nang maglakad. Nakita ko pa na yayakapin sana nila ako pero inalisan ko sila kaya mabilis na lumungkot ang mukha nila. Nauna ako sa puwesto namin pati na rin sa pag-order, sakto rin sa pagpasok nila kuya pero itinuon ko lang ang aking tingin sa pagkain. Hanggang sa matapos ako ay hindi ko pa rin sila iniimikan at basta na lang na hinalikan ang mga pisngi bilang paalam. Bumalik ako sa classroom namin, saktong pagdating din ng Prof namin. Hanggang sa natapos ang mga pang-hapong klase namin, nanatili akong walang imik. Pababa na ako ng building namin nang makasalubong ko sila kuya kasama ang mga barkada niya. Nilapitan ko sila para batiin sa pamamagitan nang paghalik sa kanilang mga pisngi. Pagkatapos niyon ay dumiretso na ako sa Parking Lot at nauna nang sumakay sa van. Bago pa man sila makapasok ay nagsuot na kaagad ako ng earphone at ipinikit ang aking mga mata para matulog. Nagising ako nang maramdaman ko ang paghaplos sa aking pisngi. Alam kong si Kuya Noel iyon pero nanatili akong tulog. “Babe, I’m sorry sa sinabi ko kanina. Hindi ko talaga sinasadya. Sana mapatawad mo si Kuya. I love you always.” Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko at hindi rin nagtagal ay narinig ko ang mga yabag nito papalabas ng van. Sa pagmulat ko ng aking mata, ako na lang ang nandito sa loob kaya hindi na rin ako nagtagal pa rito at lumabas na rin. Pagkapasok sa loob ay binati ko sina Mommy at Daddy pero hindi na rin ako tumambay pa. Dumiretso na ako kaagad sa kuwarto at ginawa ang aking evening routine. Nagbabad lang ako sa aking cellphone nang matapos ako sa pag-aasikaso sa sarili nang may kumatok sa labas ng kuwarto ko. “Bukas po iyan,” sabi ko. “Sweety, is there something wrong with you and your Kuya’s? I’m free, I will listen,” malambing na sabi ni Mommy habang may bitbit na pagkain. “It’s okay if hindi mo man sabihin kung ano man iyang alitan n’yong tatlo, sana magkabati na kayo. Umiiyak na iyong dalawa mong kuya roon sa baba. Oh, mag-dinner ka muna, hindi ka kasi sumabay sa amin kumain.”  Pagkasabi ni Mommy no’n ay inumpisahan ko na’ng kumain. Hindi rin naman nagtagal at lumabas din si Mommy. Nang matapos ako sa pagkain, kasabay niyon ang pagkatok ng sino man pero hinayaan ko lang. Humiga ako hanggang sa maramdaman ko ang paglubog ng magkabilang side ng aking kama hanggang sa may dalawang pares ng mga kamay ang yumapos sa akin pero hindi ko pa rin sila pinapansin. “Babe, I’m sorry for what I have said earlier sa cafeteria. I didn’t mean to say that. Hindi namin kaya na ganiyan ka ka-cold sa amin,” garalgal na simula ni Kuya Noel. May naramdaman akong likido na tumulo sa aking pisngi kaya pinunasan ko ito at saka hinarap si Kuya Noel. “I’m sorry din po for being cold to the both of you and I didn’t mean to shout at you,” nakayuko kong sabi sa kanila. Iyong kanina, nagtampo lang ako dahil sa sinabi nila pero hindi ako nagalit. Sabihin niyo ng softhearted ako, pero hindi ko kasi kayang magalit sa kanila dahil mahal ko sila, eh. “Ano, bati na tayo?” singit naman ni Kuya Jar kaya tumango naman ako na ikinakinang ng mata niya. “Kuya’s, tabi tayong tatlo matulog?” pagpapa-cute kong tanong sa kanila. Nakangiti naman silang tumango kaya sabay-sabay kaming humiga na at napagigitnaan nila akong dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD