Chapter 2: Love at First Sight

1791 Words
Tamad akong bumangon habang kinukusot-kusot ang dalawang mata. Dahil sa narinig kong mga katok mula sa labas ng kuwarto, natigilan ako. “Babe, gising na! Male-late ka na!” malakas na sigaw ni Kuya Noel sa labas. “Love, gising na! Pare-pareho talaga tayong male-late nito, eh,” maktol na sabi naman ni Kuya Jar. Kahit inaantok pa ay tumayo na lamang ako at binuksan ang pinto. Nang mabuksan ko na ay bumungad sa akin ang dalawa kong kuya na mga naka-uniform na. “Ano ba iyan? Ang iingay ninyo! Kitang natutulog iyong tao, eh,” nakanguso kong reklamo sa kanila. “Aba! Ikaw na nga ‘yong ginigising, ikaw pa ‘yong galit. Dali na, maligo ka na. Male-late talaga tayo nito,” naiinip na sabi ni Kuya Noel. “Ba’t ang aga niyo akong bulabugin? P’wedeng five minutes pa? Ang aga pa, eh,” nagpapadyak kong sabi sa kanila. “Anong maaga? Babe, 7:30 na po. Late na po tayo.”  Nang marinig ko ang sinabi ni Kuya Noel ay parang nawala ang antok ko kaya patakbo akong pumunta ng banyo. “Mga peste talaga kayo, Kuya! Ba’t ngayon niyo lang ako ginising?” naiinis kong sabi sa kanila habang nasa loob na ako ng banyo. “Aba, Katana! Kailan ka pa natutong magmura, ha? At isa pa, kanina ka pa namin ginigising. Sadyang tulog-mantika ka lang talaga,” galit na aniya ni Kuya Noel. “Love, huwag mo ring kalimutan na magsipilyo kasi nangangamoy na rin,” pahabol na paalala ni Kuya Jar. Ano raw, mabaho? Binugahan ko ang aking kamay at inamoy ito. Ang baho nga! Napailing na lamang ako at nagmadaling naligo. Nang matapos sa pag-aayos ng sarili ay mabilis akong bumaba ng hagdanan saka busangot na umupo katabi ang dalawa kong kuya. “What’s with that face, honey? What happen? Is there something wrong?” sunod-sunod na tanong ni Mommy, umiling lang ako at inumpisahang kumain. Narinig ko naman ang hagikgikan ng dalawang tukmol. Tss. Siguradong pinagtitripan na naman ako ng dalawang ‘yan. “You now what, My. Siguro hindi pa iyan nakaka-move on sa nangyari kahapon sa kanilang dalawa ni Zack. Ang dating kapatid natin na hindi naniniwala sa true love at love at first sight, ngayon natamaan na! Hindi na siya tatandang dalaga,” mapang-asar na sabi ni Kuya Jar. Narinig ko naman ang tawanan nila Mommy. “Anong natamaan? Ako, natamaan sa pangit na iyon? Tss! Never. At kahit na kailan ay hindi ako maniniwala sa true love, at love at first sight na ‘yan. Aksaya lang iyan ng oras at panahon ko. Mas mabuti pang pagtuunan ko na lang ng pansin ang pag-aaral ko, kaysa diyan sa walang kuwentang bagay na iyan,” naiinis kong sabi sa kanila.  Ngunit sa kaloob-looban ko ay kabaliktaran sa sinabi ko dahil iyon na yata ang nararamdaman ko ngayon. Sino ba namang babae ang hindi mahuhulog at mai-inlove doon? Parang nasa kanya na lahat ng hinahanap ng mga babae, at kabilang na ako roon. “Ba’t parang ang lalim ‘ata ng iniisip mo, love? ‘Di ko masisid sa sobrang lalim. Ano, nai-inlove na ba ang prinsesa namin?” Napabaling naman ako kay Kuya Jar nang magsalita ito. Naabutan ko pa itong nakangiti habang nakatingin sa akin. “Whatever, Kuya Jar,” inis kong tugon sa kanya sabay irap. Pinagpatuloy ko na lamang ang pag-ubos ng pagkain ko, dahil late na talaga ako. “Okay! Hihinto na, ang sungit parang may dalaw,” aniya habang nakataas ang mga kamay na parang sumusuko na, ngunit hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil pabulong na ito. Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako. Sakto ring natapos kumain sina Kuya Noel at Kuya Jar. “Bye, My. Bye, Dy,” paalam ko sa kanila sabay halik sa pisngi. “Bye rin, sweety.” “Bye, honey.”  “Boys, take care of your little sister, especially you, Noel. You are older than them, so take care of them since Katana is still innocent,” paalala ni Mommy sa amin. “Yeah, we always do that with our little brat, My,” pang-aasar na habol pa ni Kuya Noel kaya pinukulan ko siya ng masamang tingin. “What did you just say, babe? Me? A little brat? How come na naging little brat ako?” naiinis kong tanong sa kanya. Pero ang loko tinawanan lang ako kaya binalingan ko ng tingin sina Mommy at Daddy na nakatingin lang sa amin. “My, oh! Si Kuya Noel, he called me a little brat! Kailan pa ako naging brat? Eh, ang bait ko kaya,” pagsusumbong ko kay Mommy. “Hindi katulad niyo! Especially you, Kuya Noel! You always have a lot of ,” dagdag ko pa na ikinabusangot nilang dalawa.  Alam ko kasi mga kabalastugan ng dalawang ‘yan, ‘di ko lang sinasabi kina Mommy at Daddy dahil marami pa silang inaatupag na trabaho at ayaw ko lang na madagdan na naman dahil lang sa dalawang ugok na ito. “What did you say, sweety? Marami silang babae? Is that true, boys?” paniniguradong tanong ni Daddy sa amin. “Dy, ano kasi .  .  . A-Alis na kami. Bye, take care!” pagpapalusot ni Kuya Noel. Nakita ko naman na napailing sina Daddy at Mommy. “And you, little brat, let’s go because we’re already late,” naiinis na sabi ni Kuya Noel sabay hila sa akin. Sumunod naman si Kuya Jar.  Pagkarating namin sa labas ng mansyon ay sumakay na kaagad kami sa van at inumpisahan nang paandarin ni Manong Driver ang van papuntang Gray University. Hindi nawala ang tilian at bulungan nang makarating na kami sa school, pero hindi na lamang namin sila pinansin at dire-diretsong lumakad papuntang classroom ko. Ihahatid pa kasi nila ako.  “Bye, Love. Bye, Babe! Take care,” nakangiti kong paalam sa kanila sabay halik sa pisngi. “Yeah, you too,” sabay na sabi ng dalawa. Bago ako pumasok ag hinintay ko muna sila na mawala sa paningin ko bago kumatok sa pinto. Tatlong katok ang ginawa ko bago bumukas ang pintuan at nakita ko roon ang Professor namin na nakatayo na sa harapan ko habang seryosong nakatingin sa akin. “I’m sorry, Prof. I’m late.” nakayuko kong hingi ng paumanhin. “It’s okay, Miss Smith. On time ka lang dumating, hindi pa naman ako nagtuturo kaya hindi ka pa late. Take your sit.”   Nakita ko naman si Katelyn na nakangiti habang nakatingin sa akin pagkapasok  ko kaya nginitian ko rin ito at umupo sa tabi niya.  Nagsimula nang magturo ang Professor namin at focus akong nakinig sa kanya. Mabilis na natapos ang klase namin sa kanya nang hindi ko namamalayan. Okay, class. That’s for today, we will continue this tomorrow and don’t forget to study because we will we have a long long quiz tomorrow. Dismiss.” Pagkasabi ng Prof namin ay lumabas na rin siya iilang saglit bago pumasok ang second Prof namin. Maagang natapos ang AM class namin. Niyaya ko kaagad si Katelyn nang matapos kong isilid ang aking mga gamit. Paglabas namin ay biglang umingay ang buong hallway dahil naglalakad sina Kuya Noel at Kuya Jar kasama ang mga barkada nito papunta sa direksyon namin ni Katelyn. Napunta naman kay Zack tingin ko at nagkatitigan pa kami habang naglalakad sila. Nakaramdam ako ng tila paru-parong nasa sikmura ko habang nakatitig ako sa mga blangko niyang mga titig.  Nang tuluyang makalapit na sina Kuya Noel at Kuya Jar ay hinalikan ko muna sila sa pisngi saka tumingin sa direksyon ng mga kaibigan niya, especially Zack, at kinawayan sila sabay ngiti. Ayaw ko namang maging rude sa harapan nila at baka isipin nila na hindi ko sila pinansin. Ibinalik ko naman ang aking tingin kila Kuya na may mga pang-aasar na mukha kaya inirapan ko sila. “Let’s go, I’m hungry na,” nakanguso kong sabi sa kanila sabay hawak sa tiyan. Narinig ko naman ang hagikgikan ng mga kaibigan nila pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang boses na nanggaling mismo kay Zack. Natulala ako habang nakatingin sa kanya, dahil ang sexy niyang tumawa. Nakakaakit, amfufu! Sobrang sexy, hindi ko mapigilan ang matulala. Nabalik ako sa ulirat nang may tumapik sa balikat  ko, at doon ko lang napansin na nakarating na pala kami sa cafeteria. Tiningnan ko naman kung sino ang tumapik sa balikat ko, si Kuya Jar na may nakalolokong tingin. “What?” medyo may pagkairita kong tanong sa kanya. “Ang sabi ko, ano ba’ng gusto mong kainin? Kanina ka pa nakatulala r’yan, ang lalim ‘ata ng iniisip mo. Kaya pala hindi masisid ni Zack,” mapang-asar na sabi ni Kuya Jar. Hindi ko na lang pinansin ang iba niyang sinabi dahil nagugutom na talaga ako.  “Dating gawi,” simpleng sagot ko sa kanya at umupo na. Ilang oras ang lumipas bago dumating sila kuya at inilapag na nila ang mga pagkain, kaya inumpisahan ko na’ng kumain. Habang kumakain ako, feeling ko may nakatingin sa akin pero isinawalang bahala ko na lamang ‘yon at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang natapos na akong kumain ay naisipan kong magpaalam kila kuya na pupunta muna ako ng garden. “Magpapaalam lang sana ako na pupunta muna ng garden, kung papayagan niyo ako,” malumanay kong pagpapaalam sa kanila. Kunot-noo naman nila akong tiningnan. “I don’t have class after this break time kaya plano ko sanang doon muna tumambay sa garden para makapag-study, kasi may long quiz kami mamaya after lunch,” paliwanag ko sa kanila. Tumango naman kaagad sila na nagpapahiwatig na pumapayag sila.  Pagkarating ko roon ay naupo ako at inilabas ang mga gamit at saka nag-umpisa nang mag-aral. Nang matapos akong mag-review ay naisipan ko munang matulog, tutal may isang oras pa naman, kaya matutulog muna ako. Nahiga ako sa damuhan, malinis naman kaya ayos lang. Ilang minuto lang ang itinagal hanggang sa maramdaman kong nilalamon na ako ng antok. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng bell, hudyat na magsa-start na ang klase, kaya tumayo na ako at pinagpagan ang uniform ko bago isinukbit ang bag sa aking balikat. Hindi naman ako nahuli sa klase pagkarating doon. Ako na ang naghintay ngayon sa labas ng room nila kuya dahil mas nauna namang natapos ang klase ko. Sabay-sabay naming tinahak ang Parking Lot para makauwi na. “Hi, My. Hi, Dy! Good evening,” bati ko sa kanila nang makapasok kami sa loob ng bahay. “Oh, hi! Tara, dinner is ready,” pag-aya ni Mommy. “I’m full, My. I need to go to my room na. Goodnight po,” nakangiti kong paalam sa kanila sabay halik sa mga pisngi nila. Pagkatapos ay dumiretso na ng kwarto para makapagpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD