Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Tamad ko itong pinatay sabay kusot ng dalawang mata saka ako tumayo. Bago ako pumunta sa banyo ay tiningnan ko naman ang orasan na nakasabit sa may dingding ng kuwarto. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang 07:20 na. Patay! Eight pa naman magsisimula ang klase ko. Hahanapin ko pa ang aking silid kung saan ako papasok, dahil unang araw ng pasukan namin ngayon kaya patakbo kong tinungo ang banyo at saka nagmamadaling naligo.
Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa kabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko. Nagmamadali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Kinuha ko kaagad ang bag na nakalagay sa ibabaw ng kama nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili.
Mabilis akong bumaba ng hagdan. Nang makababa na’y nakita ko ang dalawang nakatatandang kapatid na lalaki kasama sina Mommy at Daddy. Hindi nila napansin ang presensiya ko kaya naisipan ko sila na pagtripan. Napahagikhik naman ako dahil sa aking naisip kaya inumpisahan ko nang maglakad palapit sa kanila.
“Goodmorning, people!” pasigaw kong bati na siyang nagpagulat sa kanila habang pinipigilan ko ang aking pagtawa, dahil sa nakita kong mga reaction nila.
Si Kuya Noel ay malapit nang mahulog sa kanyang kinauupuan. Si Kuya Jar naman ay naibuga ang kanyang kinakain sa mukha ni Kuya Noel. Si Mommy naman ay nabulunan pa. At samantalang si Daddy ay napaso ang bibig dahil sa iniinom nitong mainit na kape.
“Ang epic ng mga mukha ninyo,” sabi ko habang pinipigilang matawa. Masama naman nila akong tiningnan.
“Sweety!”
“Honey!”
“Babe!
“Love!” sabay-sabay nilang saway.
“Sorry,” nagpapa-cute kong sabi sa kanila sabay piece sign.
“Alam mo talaga kahinaan namin, ‘no? Halika na nga rito at nang makapag-agahan ka na. Para hindi kayo lalong mahuli sa mga klase n’yo,” ani Mommy sabay iling.
Kaagad akong naupo na kung saan napagigitnaan ako nila Kuya Noel at Kuya Jar. Malapit ako sa mga kuya ko kaya kahit sa mga nakasanayan naming tawagan sa isa’t isa ay hindi ganoon na katulad sa ibang magkakapatid.
Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at nagpaalam na rin sa kanila. “Bye, Mom, Dad, Babe, at Love!” pagpapaalam ko sa kanila sabay halik sa mga pisngi nila.
“Take care, sweety,” pahabol pang sabi ni Daddy.
“You too, Dad!”
Matapos makapagpaalam sa kanila ay pumunta na ako sa garahe kung saan naka-park ang gagamitin kong sasakyan.
“Sa akin ka na sasabay, Babe!” Napahinto ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Kuya Noel sa gilid ko.
“Hindi. Sa akin ka sasabay, Love!” Biglang sulpot din naman ni Kuya Jar.
“Huwag na nga kayong mag-away, mag-van na lang tayo para sabay-sabay na tayong tatlo. Tutal, pare-parehas lang naman tayo ng school na papasukan.” Matapos kong sabihin iyon ay nauna na akong pumasok sa van. Hindi rin naman nagtagal at pumasok na sina Kuya Noel at Kuya Jar kasama ang driver namin. Kaagad na pinaandar ni Manong ang sasakyan patungong Gray University kung saan kami pumapasok.
Pagkarating, naunang bumaba ang dalawa kaya sinalubong sila ng mga babaeng nagsisitilian.
“Narito na ang Smith Brothers!” rinig kong sabi pa ng isang babae sa kasama nito.
“Noel, pakasalan mo na ako!”
“Jar, paisa!”
“Noel, free ako mamayang gabi.”
“Jarquio, palahi ako!”
Ilan lang iyan sa mga isinigaw ng mga babae sa kanila. “May nagkakagusto pa pala sa mga tukmol kong kuya,” usal ko sa aking sarili sabay ngiti.
“You look crazy, Babe. You’re smiling without reason,” nakangusong sabi ni Kuya Noel.
“Right, bro,” sang-ayon naman ni Kuya Jar.
“Whatever,” naiinis kong sabi sabay irap sa kanila at saka tuluyang lumabas ng van. Ang kaninang tilian ay napalitan ng mga bulungan nang makita nila akong bumaba sa sasakyan.
“Who’s that girl?”
“Yeah! But she’s beautiful and gorgeous.”
“Bitch.”
“Attention seeker!”
“Nilalandi siguro niya ang dalawang kings.”
“Wow! Chix p’re, liligawan ko iyan.”
“Asa ka namang sasagutin ka niyan, siguradong ako ang sasagutin niyan.”
Nagpanting ang aking mga tainga dahil sa mga narinig kong sinabi nila laban sa akin. Bakit ko naman sila lalandiin? Eh, mga kapatid ko naman sila. Ano ito, family stroke? Susugurin ko na sana ang mga babae na nagsabi niyon nang may mga brasong humila sa akin pabalik sa puwesto ko kanina.
“Ano’ng sabi ninyo? Hindi n’yo ba kilala kung sino ‘yong sinabihan niyo ng ‘b***h’ at ‘attention seeker’? Sige, pakikilala ko siya sa inyo. This girl beside us, is Katana Louisa Smith, ang nag-iisang anak na babae at kapatid namin. Kaya kapag may nalaman kami na sinasaktan at binubully n’yo siya katulad ng ginagawa n’yo sa mga newbie rito, kami ang makakalaban ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo?” malamig na sabi ni Kuya Noel sa mga estudyanteng nandito sa hallway.
“Yes, king,” sabay-sabay nilang sabi habang nakayuko.
“Babe naman! Ba’t mo naman ‘yon sinabi? Baka wala na akong maging kaibigan dito dahil tinakot niyo,” nakanguso kong sabi sa kanila.
“Hindi namin sila tinakot, Babe. We’re just protecting you from the bullies here,” malambing na sabi naman ni Kuya Noel.
“Yeah! You’re right, bro. Kaya ‘wag ka ng magtampo, love. Tara, samahan ka na namin sa Dean’s Office,” sang-ayon naman na sabi ni Kuya Jar. Tumango na lamang ako bilang tugon at sabay kaming tatlo na lumakad para kuhanin ang mga kailangan ko.
Nang matapos na naming makuha ang mga kailangan ko ay hinatid na nila ako sa classroom ko. Ilang sandali pa ay bumukas na rin ang pinto at bumungad sa akin ang isang matipunong lalaki na may katandaan na rin habang nakasuot ng pang-gurong uniporme.
“Transferee?” tanong niya.
“Yes po,” magalang kong sagot.
“Introduce your self.” matapos niyang sabihin 'yon ay pumasok na ako at tumayo sa harapan upang makapagpakilala sa mga kaklase ko.
“Good morning everyone! I’m Katana Louise Smith, 18 years old. Hope we all become friends!” nakangiti kong pakilala sa kanila. Nagtaka naman ako nang bigla silang mapalunok gayon din ang propesor namin.
“K-Kaano-ano mo ba sina Mr. Kim Noel Smith at Mr. Jarquio Smith?” halatang kinakabahang tanong ng Prof namin.
“Mga kapatid ko po. Bakit po?” may pagtataka kong tanong sa kanya.
“Nothing, you may seat now. Beside with Miss Madrigal,” ngiting pilit niyang sabi sabay turo sa kabilang banda, kaya sinundan ko ‘yong itinuro niya at doon naupo.
“Hi! I’m Katelyn Madrigal.”
Napatingin naman ako sa nagsalita. Nakita ko ang isang babaeng nakangiti habang nakatingin sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Nakangiti ko iyong tinanggap at nagpakilala rin. Pagkatapos niyon ay ibinalik ko ang tingin sa harapan dahil nag-umpisa nang magturo ang Prof namin.
Mabilis na lumipas ang oras at kasabay niyon ang pagtunog ng bell, hudyat na tapos na ang klase namin. Nang matapos kong likumin ang mga gamit, inaya ko na si Katelyn na lumabas. Sa paglabas namin ay roon ko nakita sila kuya na hinihintay ako habang pinalilibutan sila ng mga kababaihan.
“Kuya,” tawag-pansin ko sa kanila. Nabaling naman sa akin ang buong atensyon ng mga estudyante rito sa hallway, kasama sila kuya at ang mga barkada niya.
“Hi, Love!
“Hi, Babe.”
Sabay-sabay nilang tawag sa akin habang papalapit. Nabaling ang tingin nila kay Katelyn habang nakakunot ang noo.
“Oh! Who’s this beautiful girl beside you, Love?” takang tanong ni Kuya Jar habang nakatingin kay Katelyn.
“Uhm . . . Babe, Love, this is Katelyn Madrigal, she’s my classmate and my friend now,” pagpapakilala ko kay Katelyn sa kanila. Inilahad naman nila ang kamay nila upang makipagkamay kay Katelyn. Namumulang tinanggap ng katabi ko ang kamay ng mga kapatid ko para tugunan ang pakikipagkamay ng mga ito sa kanya.
“Let’s go, I’m hungry ,” agaw-pansin ko sa kanila habang nakanguso. Kasi naman, si Kuya Jar hawak niya pa rin ang kamay ni Katelyn. Kakamot-kamot namang napatango si Kuya Jar, kaya inumpisahan na naming maglakad papuntang cafeteria.
Pagkarating namin doon ay tilian kaagad ang bumungad sa amin pagkapasok. Sila Kuya Jar naman at ang dalawang kaibigan nila ang nag-order ng pagkain. Hindi rin nagtagal ay bumalik sila bitbit ang mga pagkain.
“Babe, this is Jade and Jerry Assunsion, their twins,” pakilala ni Kuya Noel sa dalawa nilang kaibigan. Kumaway naman ang dalawa sa akin kaya nginitian ko naman sila.
Habang kumakain kami ay naramdaman kong parang naiihi ako kaya mabilis kong inubos ang pagkain at tumayo agad. Naagaw ko naman ang atensyon ng mga kasama ko.
“Guys, excuse muna ako, ha? I need to pee na kasi. ‘Di ko na matiis, eh,” pagpapaalam ko sa kanila sabay takbo palabas ng cafeteria.
Habang tumatakbo ako papuntang CR, hindi inaasahan na may bumangga sa akin dahilan nang pagkakaupo ko sa lupa. Masama ko namang tiningnan ang ang taong iyon, ngunit gano’n na
lamang ang gulat ko nang makita ang isang guwapong nilalang habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
“Hey! Babe, what happened?” Biglang sulpot ni Kuya Noel sa gilid habang inaalalayan naman ako ni Katelyn.
“And wait, what are you doing? Why are you seating on the ground?” dagdag na tanong ni Kuya Noel.
“That man just bumped on me while I’m running,” pagpapaliwanag ko.
“Kami na ang humihingi ng sorry, bro sa ginawa ng kapatid namin. Nagmamadali kasi siya papuntang CR kaya hindi ka niya napansin,” paliwanag ni Kuya Jar.
“Yeah, it’s okay. I understand,” sagot ng lalaki.
“Babe, this is Zackarria Antonie Mathew Gray, the soon owner of this school, and also, one of our friend. Bro, this is our lil sis, Katana Louise Smith.”
Sa paglipas pa ng ilang mga oras, namalayan ko na lang na nakasakay na pala kami sa van, pauwi sa bahay.
“Are you okay?” Napabaling naman ako kay Kuya Noel dahil sa tanong nito, kaya tinanguan ko na lamang siya bilang sagot. Kasi naman, hindi talaga ako maka-move on sa lalaking ‘yon. Unang beses akong na-attract sa lalaki at si Zack ang unang lalaking nakaagaw ng atensyon ko.
Sa pagkarating namin sa bahay, nauna na akong bumaba ng sasakyan. Nadatnan ko naman sina Mommy at Daddy sa Living Room habang nanonood ng TV. Nilapitan ko sila at hinalikan sa pisngi saka walang imik na pumunta ng kuwarto para magpalit ng damit.
Pagkatapos kong magpalit ay sakto ring may kumatok at tinawag ako para maghapunan na. Pagkakaba’y nasa hapag-kainan na sila at ako na lang ang hinihintay. Tahimik akong naupo sa gitnang bahagi ng dalawa kong kuya.
“Grabe pala ang epekto sayo ni Zack, Babe! Hanggang ngayon tulala ka pa rin,” mapanuksong sabi ni Kuya Noel.
“What do you mean, Son?” tanong naman ni Mommy.
“Nothing, Mom. Don’t mind,” nakanguso kong sagot kay Mommy.
“Huwag kang maniwala r’yan, My. Kasi ganito iyon, habang kumakain kami bigla na lang tumayo si Katana at nagpaalam sa amin para pumuntang CR. Natapos na lang kaming kumain pero hindi pa rin siya bumabalik kaya tumayo na kami para puntahan siya. Kaso nakita namin siyang nakaupo sa lupa habang tulalang nakatingin kay Zack. Kaya iyan, hanggang ngayon nakatulala pa rin,” mapangasar na kuwento ni Kuya Jar kay Mommy.
“Don’t tell me, it’s Zackarria Antonie Mathew Gray, the only son of Mrs. Larra Gray and Mr. Jhonne Gray?” nagtatakang tanong ulit ni Mommy. Nakita ko namang tumango sila kuya hudyat na iyon nga ang sagot. Biglang umalingawngaw ang sigaw ni Mommy sa loob ng mansyon.
“So, you already met Zack?” tanong ulit ni Mommy kaya tumango ako bilang sagot.
Napuno naman ng tuksuhan at tawanan ang buong hapag-kainan, at ang buong topic ay ako. Kesyo dapat ganito o ganiyan ang gagawin ko kapag nagkita kami ni Zack.
Nakakainis.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako ng kuwarto dahil kung hindi ay aasarin na naman nila ako. Kaagad akong dumiretso sa banyo at ginawa ang evening routine ko.