CHAPTER 8

1521 Words
CHAPTER 8 ALEXA POV "NANDITO pala kayo!" bungad na sabi sa amin ni Forth nang makalapit na ito sa amin ni Grace. May lihim akong naramdaman na saya nang hindi ko aakalain na makikita ko pa pala ito--- akala ko pa naman. Hindi ko na ito makikita nang araw na ito, pero heto si Forth nasa harap ko kasama namin ni Grace nakangiting nasa  tabi ko. "Kararating lang din namin 'diba, Lex?" kunwang tanong sa akin ni Grace, na agad ko naman sinang-ayunan dahil wala pa naman talagang trenta minuto mula nang dumating kami at nang makita nga namin ito. "Bar hopping or looking new friends?" natatawang tanong nito. Napangiti ako sa kaniya, hindi alam ang siyang itutugon sa tanong nito. "Maiwan ko muna kayo, may pupuntahan lang ako," paalam ni Grasya, hindi na ako nito hinintay pang magsalita. Agad na itong tumalikod iniwan kami ni Forth. "How's work?" tanong sa akin ni Forth nang tuluyan nang nawala si Grace sa paningin namin, hindi ko alam kung saan na ito nagawa pero alam ko naman na hindi ako iiwan ng isang iyon. Gusto lang siguro nitong magkaroon kami ng oras  ni Forth, kaya mad pinili nitong umalis keysa ang samahan kami nito. "Okay naman!" tugon ko. "By the way! You want to drink?" tanong nito sa akin.  Bahagya pa akong mag-isip naka-isang kopeta  na kasi ako ng Tequila baka mamaya pag napasobra malasing lang ako. Kilala  ko pa naman ang sarili ko pagnalalasing baka mahirapan lang akong makaakyat sa unit ko pag si Grace lang ang siyang makakasama kong maghatid sa akin. "Okay lang naman," sagot kong halos 'di lumabas sa bibig ko. Since! Gusto ko rin makasama pa ng matagal si Forth. Nagpatiuna ito sa akin, inikot ko ang tingin ko sa paligid sa ilang mga taong nandoon- halos nakainom na rin ang lahat base na rin sa mga bote na nasa kaniya-kaniyang table ng mga ito. Medyo humina na rin ang tugtugan na nagmumula sa isang banda sa taas sa pribadong parte. "Are you okay?" tanong ni Forth nang lingunin ako nito. Hindi ko alam kung saan kami tutungo nang pumasok kami sa isang bubog na pinto at tuluyang nawala ang ingay na naririning ko sa labas. Binuksan nito ang switch at tumambad sa akin ang isang maliit na kwarto may paikot na upuan at isang monitor ng TV na hula ko para sa videoke. Pribado rin ang siyang silid na ito kasya ang apat o limang katao- nawala na yata sa isip ko si Grace kung saan na nga ba ito nagsuot. FORTH POV "Okay ka lang ba? No worries. Safe ka sa akin!" sabi ko sa kaniya nang mapansin ko ang pagiging tahimik nito. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba nandito kami sa lugar na ito? Ang sa akin lang naman ay gusto ko siyang makasama at magkaroon pa ng pagkakataon para makilala.  Dahil tulad nga ng sabi ni Douglas- magiging katrabaho ko ito kasama ang mga pinsan ko. "Okay lang naman," tugon nito sa akin. Pilit ang ngiting sumilay sa labing napansin ko.  As of now! I want her to be comfortable with me. Mukha naman siyang mabait. Nginitian ko siya. "Light lang ang order ko," aniya ko pagkatapos kong mag-dial sa intercom at ibigay ang siyang order ko para sa amin. "I prefer with ladies drink," aniya sa akin.  Kinuha ko ang remote sa harap ng mesa namin- binuksan ang TV at sa paligid narinig namin ang siyang malamyos na tugtugin. Right here waiting, ang siyang pumailanlang sa kabuuan ng munting silid kong nasaan kami naroon. Ilang sandali pa ang siyang lumipas sa gitna ng katahimikan naming dalawa- may dalawang waiter ang siyang kumatok para dalhin ang order ko para sa amin. Agad kong nilagyan ng ice cube ang baso nito at ladies drink na sapat na para rito. "Cheers!" aniya ko sa kaniya kasabay ang pagtaas ng baso ko sa ere- ginaya ako ni Alexa. We make cheers to each at napangiti kami sa isa't isa.  Ngayon ko lang napansin na pag sa malapitan pala sadyang maganda ang dalawa; ang dalawang biloy sa pisngi nito, ang matangos na ilong, bilugan na mata, maging ang makapal na kilay at magandang tubo ng pilik-mata--- babaeng babe ang isang 'to. Napalunok ako sa naisip, hindi ko alam kung bakit bigla-bigla ko na lamang napapansin ang panlabas na taglay nitong katangian. "You know how to sing?" tanong ko pafa basagin ang siyang katahimikan na mayroon kaming dalawa. Umiling-iling ito sa akin. Napakibit-balikat, kasabay nang pag simsim ng alak nito sa sariling baso. Platinum passion ang siyang kinuha ko para sa kaniya, medyo may kamahalan ito. Pero ito lang ang siyang alam kung alak na hindi masyadong nakakalasing, ayaw ko rin siyang malasing. Kung titingnan ko ng maigi si Alexa mukhang hindi ito sanay sa hard drinks- parang madaling malasing ang isang 'to, at iyon ay isa sa iiwasan ko. "Ikaw na lang," nahihiyang suhestyon nito.  Napalunok ako nang humarap ito sa akin, hindi ko alam kung sa labi niya ako napatuon. Maganda ang korte nito, maliit lang at natural lang din ang siyang kulay. Tipong hindi na nito kailangan ang makapal na lipstick sadyang natural ang siyang gandang mayroon si Alexa. "Do you have boyfriend, Alexa?" hindi ko napigilan ang sarili ko ng tanungin siya. . . . . NAPALUNOK  ako sa narinig kong tanong ni Forth sa akin, hindi mawari kung saan galing ang tanong na iyon. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan makaramdam ng kaba? E, alam ko naman na  malayo sa iniisip ko ang siyang motibo ng tanong nito. "W-wala!" nauutal kong maiksing totoong sagot sa kaniya. Hindi rin ito nagsalita pagkatapos kong sagutin ang tanong niya, tinuon nito sa isang songlist na nasa harap nito ang siyang tingin. Lihim kong pinagmasdan si Forth ang maganda nitong mata, manipis na labi, matangos na ilong, maging ang makinis nitong mukha at hindi rin lumagpas sa akin ang siyang maganda, at makintab nitong buhok na lalong nagbigay ng pagiging lalaking-lalake nito. "Kayo? Kayo na ba ni Chelsea?" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para itanong sa kaniya ang bagay na iyon. Pero kung sagutin niya man ng OO! Handa naman ako! Handa naman akong masaktan. Umiling-iling ito. "We're getting there," walang pakundangan nitong isagot sa akin. Lihim akong napaismid sa isip ko may nagtatakbong mali. "Kung pikotin ko kaya 'to!" bulong ko sa sarili. Hindi ko napigilang matawa sa naisip ko sa lalaking katabi ko ngayon. "What's funny?" tanong nito. Pilit akong ngumisi sa kaniya, minsan talaga sadyang wirdo lang ako! Hindi ko alam kung bakit ako nakakaisip ng mga bagay na hindi naman nararapat. Bakit kasi hindi nalang ako makuntento sa libreng silay? Nakakasama ko pa siya! Bakit kailangan ko pa i-level-up ang mga bagay-bagay. "Thanks for your company," sabi ko nalang nang wala na akong maisip na sasabihin pa. Ngumiti ito sa akin, ginulo-gulo ang buhok ko. "Thank you also, Alexa." Ito na naman ang pasaway kong puso hindi ko na naman mapigilang hindi makaramdam ng saya sa ginawa at sinabi niti sa akin. Pagdating talaga kay Forth, pakiramdam ko ambilis matunaw ng lahat. "Saan na kaya si Grace?" tanong ko sa kaniya sa pagtatakang nararamdaman ko sa kaibigan ko. Tinext ko naman ito para sabihing nandito kami ni Forth sa isang private booth and I was expected hindi man lang ako nireplayahan ng bruha. "Baka may nakilala. Hayaan mo na. Nandito naman ako e," sabi ni Forth. Pinagmasdan ko ito hanggang sa kunin nito ang mic at nagsimulang kantahin ang kantang napili nito. Magaling si Forth, ang ganda ng boses nito para ka lang dinuduyan. Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya ng lihim- hindi ito nakakasawa. Iyong tipong habang tumatagal mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin mo. Ang swerte lang din talaga ni Chelsea at nabihag niya ang puso ni Forth ang siyang malas ko naman dahil alam ko sa sarili kong kailanman hindi na yata ako magugustuhan nito. Kawawang nilalang! Napaismid ako sa naisip, bakit ko naman kinakawa ang sarili ko? E, may laban naman ako kung tutuusin--- nasa akin ang alas na magbibigay pagdadalawang-isip dito. Pero paano ko sisimulan? Paano kung sa akin si Forth hindi maniwala? Hindi ko naman siguro matatanggap na magalit ito sa akin, lalo pa't pakiramdam ko maayos naman kami sa isa't isa. Napailing-iling ako hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na ito.  I will stick to friendship! Be contented 'ika nga nila. Maging masaya nalang sa kung saan man kami dalhin ng tadhana. Afterall! Forth is still Forth sa puso ko walang magbabago roon mananatili ko siyang gugustuhin at magugustuhan kahit na ano man ang mangyari. "Okay ba?" tanong nito nang ibalik ang mic sa ibabaw ng mesa. Ngiti ang siyang tinugon ko sa kaniya, sabay na napatango ng sunod-sunod. "No doubt! Magaling ka naman talaga," sagot ko.  Tumawa ito sa akin, sinandig ang ulo sa headboard ng upuan. Wala pa naman itong naiinom gaano pero pakiramdam ko may tama na ito! May tama na siguro sa akin. Napangisi nalang ako sa naisip minsan talaga ambisyosa lang ako. "Wanna go in my unit, Alexa? Have some fun...."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD