ALEXA POV
.
.
.
MASAYANG natapos namin ang trabaho kahit papano konti nalang para mabuo ko ang isang pahina para sa article na ginagawa ko tungkol sa Banda na kinabibilangan ni Forth.
"Coffee break?" untag sa akin ni Japet. Pasimple akong humikab sa antok na nararamdaman bago ko sinagot ito. Tamang-tama at nagyayaya magkape ang isang tao. Actually! Kanina pa rin kasi ako nakakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa maaga kong pag-gising.
"Ibili mo nalang kaya ako, para kasi akong matutumba sa antok na nararamdaman ko," aniya ko sa kaniya. Humikab din ito ng pasimple nahawa na yata sa akin.
"Magpapautos na lang ako," sabi nito sa akin. Tumayo itong bigla tinungo ang isang ginang sa gilid na parte ang nagsisilbing messenger ng kompanya lalo na pag may inuutos ang mga ilan sa amin. Napangiti ako nang lihim kong pinagmamasdan si Japet, kahit papano nagiging madali sa akin ang trabaho ko dahil sa tulong na binibigay nito sa akin. Ito lang din kasi ang nag-iisa kong close sa trabaho bukod kay Grace na isang Bank manager sa isang malaking banko ng Pilipinas.
"Nagpautos na ako kay, Manang," sabi nito sa akin nang makaupo na ito sa sariling cubicle nito.
"How's the project?" ilang sandaling tanong nito sa akin. Sinirado ko ang laptop ko binalik ang tingin sa kaniya. Kumuha ng isang candy na nasa ibabaw ng desk ko para mawala kahit papano ang antok na nararamdaman ko.
"Okay naman! Kailangan ko nalang siguro sila ma-interview para sa ilang bagay na kailangan kong idagdag sa ginagawa ko," tugon ko sa kaniya.
"Ang swerte mo 'no! Si Forth yong napunta sa'yo," aniya pa nito. Napangiti nalang ako bilang tugon sa sinabi niya sa akin. Tama si Japet maswerte nga ako dahil sa rami ng article writer ng company ni Douglas, isa pa ako sa napili niya. I mean ako mismo talaga ang siyang napili niya.
"Naaantok talaga ako," sabi ko.
"Magpahinga ka kaya muna. Ano'ng oras ka ba kasi natutulog?" tanong nitong natatawa. Maaga naman ako nagpahinga kagabi ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng antok ng sobra sa ganitong oras. Tatlong oras pa bago ako umuwi at sa gunita ko lihim akong umaasa na sana may isang Forth akong makasabay ulit.
"Wala naman masamang umasa," napalakas kong sabi na kinalingon sa akin ni Japet, natatawa. Natawa lang din ako sa hindi ko inaasahang sinabi ko para kay Forth sa pag-asam kong makasabay itong muli sa pag-uwi.
FORTH POV
.
.
MASARAP lahat ang pagkaing hinanda ng pamilya ni Chelsea para sa pagbisita ko sa kanila at sa pormal na pagpapakilala kahit na nililigawan ko pa lang ito. Ramdam ko rin ang siyang pagtanggap sa akin ng mga ilang kamag-anak nito- kilala pa nga ako ng ilan bilang gitarista sa isang bandang kinabibilangan ko at isang MVP player sa isang basketball dito sa bansa.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Chelsea nang lapitan ako nito sa kinauupuan ko sa gilid ng pool kong saan ang ilang kamag-anak nito ay nasa kabilang bahagi lang. Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya sagutin.
"Ayos lang naman. Ikaw? Are you tired?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi ito paroon parito para sa ilang bisitang dumating. Umupo si Chelsea sa tabi ko paharap sa magulang nitong nagma-majong patalikod sa amin.
"Nakakapagod.." Hinawakan ko ang balikat nito pinisil-pisil ito. Para lang din makabawas sa pagod na nararamdaman niya.
"Do you know how to play majong?" tanong nito sa akin. Umiling-iling akong hindi pa rin binibitiwan ang balikat niya hanggang sa hindi siya makaramdam ng ginhawa at maibsan ang pagod sa pagiging punong abala niya sa munting salo-salo.
Nagpaalam ito sa akin para puntahan muna ang magulang nito. Nakangiti akong sinundan ng tingin si Chelsea, hindi ko man masasabi sa sarili kong 'SHE IS THE ONE!' ngayon palang wala na akong ibang gusto dahil sigurado na akong si Chelsea ito.
ALEXA POV
KATATAPOS lang namin pagsaluhan ang mainit na kape. Medyo nakaramdam na rin ako ng ginhawa, kailangan ko nalang siguro ng ila pang minuto para magpasya na akong umuwi. Gusto ko na rin makapagpahinga sa mahabang oras ng trabahong mayroon ako ngayon. Wala na rin sigurong balak pang pumunta pa si Forth dito kasama ang mga pinsan niya- baka kako wala rin silang agenda kay Douglas. Napatikhim ako hindi ko alam kung bakit may naramdaman akong lungkot, umaasa pa naman ako ngayon na makita ito kaya nga kahit late na nagdaang kagabi naisipan ko pang kulayan ang buhok ko at i-trim ng konti ito.
"Miss mo?" tanong ni Japet. Napansin siguro ang pananahimik ko. Mahinang tawa ang siyang tinugon ko rito.
"Tingin ko," maiksi kong tugon. Mapanuksong tingin ang siyang binato nito sa akin.
"Magkikita rin kayo ulit n'on. Swear!" sabi sa akin ni Japet. Kibit-balikat na lang ang siyang tinugon ko sa kaniya kasabay ng paghanda ng gamit ko pauwi.
Tulad ng pangako sa akin ni Grace susunduin daw ako nito sa opisina para sa ilang bagay na pag-uusapan namin tungkol sa ex nitong pinsan ni Chelsea.
MAGDADAPIT-HAPON na rin ang siyang pagdating nito. Nakataas na ang kilay ko ng hintuan niya ako ng sariling sasakyan niya.
"Hop in!" pabirong utos nito sa akin. Natatawa nalang akong sumakay patabi sa kaniya sa driver side.
"Ang aga mo ha," pabiro ko ring reklamo sa kaniya. Ngumisi lang itong nakakaloko sa akin- halata na namang may ginawa ang isang to. Knowing Grace! Alam kong may dinaanan na naman ito kung hindi jowa malamang isa na namang kinalolokohang lalaking umagaw ng atensyon nito.
"He is cute." Sinasabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali sa naging bungad nito sa akin pagkasara ko mismo ng pinto ng sasakyan nito.
"Saan mo na naman nakilala?" tanong ko. Ngumiti lang ito sabay ang siyang pagkindat sa gawi ko.
"Hay naku! Pag ikaw talaga may nakikilala ambilis mong makalimot," sabi ko sa kaniya. Binuhay nito ang makina ng sasakyan nito hindi pinansin ang iba pang sasabihin ko.
"Cute rin naman si Forth, ah," natatawang baling nito sa akin. Binato ko siya ng tissue na nasa tabi niya- palaging maraming alam ang isang ito pag ito na mismo ang noko-corner sa biruan naming dalawa.
"Nakita mo ba siya?" tanong nito ilang sandali. Nagkibit-balikat akong malungkot na umiling-iling dahil hindi ko man lang ito nakita ngayong araw na ito.
"Ano'ng plano mo?" tanong ko kapagdaka, tukoy ko sa ilang larawan ni Chelsea na nasa pangangalaga niya.
"Gusto kong pag-isipan at kumpirmahin ang lahat ng totoo tungkol sa larawan na 'yon, Alexa." Napatungo ako sa sinabi sa akin ni Grace, sa isip ko 'yon din ang gustong mangyari ang malaman muna ang totoo kung sino ang lalaking iyon sa buhay ni Chelsea.
"Saan tayo?" Umikot ang tingin ko sa labas ng bintana habang nasa kalagitnaan kami ng traffic nasa edsa na rin pala kami halos. Sadyang walang pinagbago ang lugar na 'to traffic pa rin ang kahabaan.
"Pub?" Nilingon ko siya sa bahagi niya- napangiti akong tumango-tango sa kaniya. Like of our routine bar after tiring day.
FORTH
PAGKAGALING ko sa bahay ni Chelsea- nagpasya muna akong tumuloy sa isang Pub. Wala naman akong gagawin sa unit ko, isa pa sadyang nagpaiwan si Chelsea sa bahay nila- niyaya ko naman siya pero wala raw itong gana. Hindi ko nalang ito pinilit, gusto ko rin siya makapagpahinga sa maghapon niyang pag-asikaso sa mga bisita. Sa Tomas Morato ko piniling dumaan, ilang beses na rin akong nagawi rito gawa ng mga pinsan kong madalas dito.
I parked my car. Agad na umibis pagkatapos- mag-iilang bote lang siguro ako pampatulog lang. May sarili akong alak sa condo ko pero iba pa rin ang atmosphere na nagmumula sa lugar na ito. Siguro dahil sa marami rin akong makikita minsan pa may ilang nakikilala. Pagkatapos kong mag-present ng id ko sa isang matipunong guard ng lugar na ito, agad na akong nakapasok.
Maingay ang lugar, iba't ibang amoy na rin ang siyang naaamoy ko ; alak, sigarilyo, vape at iba't ibang pabango na nagmumula sa iba't ibang tao na nagawi ngayong gabi rito.
ALEXA POV
ISANG kopeta palang naman ng Tequila ang naiinom ko. Pero bakit parang lasing na ako? Nahihilo ba ako? Namamalikmata? Hindi mawala ang siyang tingin ko sa lalaking nasa may pintong nagpalinga-linga sa paligid. Hindi ako pweding magkamali- kilala ko ito, kilalang-kilala ko.
"Grace! Grasya..." Hila ko sa manggas ni Grace. Hindi pa rin nawawala ang siyang tingin ko sa lalaking hindi ako pweding magkamaling si Forth ito..
"Si Forth.." mahinang sigaw ko kay Grace, dahil na rin sa malakas na tugtog na nagmumula sa isang liveband sa may 'di kalayuan paharap sa amin.
"Si Forth nga," kumpirma ni Grace. Sa loob loob ko napangiti ako dahil sa hindi ko inaasahang hindi rin pala matatapos ang araw na ito na makikita ko ang lalaki. Pabilis nang pabilis ang siyang pagtibok ng puso ko, habang papalapit ito sa gawi namin ni Grace.
"Forth, Forth! Here.." sigaw ni Grace. Hinawakan ko ito sa braso pero huli na at nagsalubungan na ang mga mata namin ni Forth nang mapatingin ito sa gawi naming dalawa ni Grace. Ngiti ang siyang sumilay sa labi nito at ganoon din ako na tila tumigil ang lahat ng galaw sa paligid naming dalawa.