ALEXA POV NATAGPUAN ko ang sarili kong kasama ni Forth sa isang restaurant malapit sa opisina. Hindi ko rin pala magawang tiisin ito. "Ano gusto mo?" tanong nito. Palagi kami ni Japet dito kaya alam ko na rin ang siyang masarap dito. Pochero at dalawang kanin ang siyang inorder nito gumaya na rin ako bukod kasi sa sinigang ito lang din ang siyang masarap dito. "Mabuti nakauwi ka ng maayos," aniya sa akin. Kahit naman hindi ko siya kasama makakauwi naman din talaga ako ng maayos ang problema nga lang ang naging usapan namin. "Ayos lang din naman nag-grab nalang din ako," casual kong sagot. Alam kong nahahalata pa rin nito ang siyang pananahimik ko pero wala rin ito magagawa dahil hindi ko pa rin naman tuluyang nakakalimutan ang siyang mga nangyari. "I'm happy na maging katrabaho k

