ALEXA | CHAPTER 16 TULAD ng usapan namin ni Forth maaga akong nagising. Hindi ko alam kung seryoso ito sa sinabi niya sa aking sasama ito sa Pampanga- ayos lang naman kasi, kaibigang matalik ko rin si Divine tingin ko nga nandoon na rin si Grace. Trenta-minuto na akong naghihintay sa kaniya. Ang sabi niya sa akin sa text on the way na raw ito- at hindi na muling nag-text pa. Inisip ko nalang na baka napagtripan na naman ako ng lalaking iyon, inis na naman ang siyang namayani sa puso ko. Napabuntong-hininga akong napatayo- kanina pa ako ayos dahil ang buong akala ko makakarating ito ng maaga. AALIS na sana ako ng may narinig akong katok mula aa labas- napakunot nuo ako sa isip ko iniisip ko ring si Forth ito. I check everything wala na rin akong naiwan pang nakabukas o kahit na ano. K

