ALEXA POV TAMANG-tama ang siyang pagtayo ko. Nasa harap ko na si Forth, sa akin nakatingin. "Hinahanap kita nandito ka lang pala," untag nito sa akin. Nakaramdam ako ng pagtataka sa biglang pagsulpot nito sa harap ko at sabihin sa akin ito. "Excuse me?" Nakakunot-nuo kong pasaring sa kaniya. Habang si Japet at Chester tahimik lang na nakikinig sa amin. "Bakit mo naman ako hinahanap? May kailangan ka ba, Sir?" May diin sa huling salitang binitiwan ko sa kaniya. Gusto ko lang naman kasi maramdaman niya na mula ngayon hindi ko na kailangan ang siyang presensiya niya. That I don't care about him anymore. "Hi! I'm Chester.. Ka-trabaho ka ba namin?" napalunok ako sa pagpapakilala ni Chester kay Forth. How come na hindi nito natandaan ang lalaki? E, ang pagkakatanda ko ito ang siyang

