ALEXA POV KINAGAT ko ang pang-ibabang labi ko. Gusto kong panindigan ang siyang pag-iwas ko kay Forth. Sa sulok ng mga mata ko alam kong lihim itong nakatingin sa akin. "Mabait ba si Douglas?" tanong ni Chester. Liningon ko muna ang siyang tinutukoy nito, bago ko siya sinagot. "Okay naman siya. Matagal na ako sa kompanya niya, so far! Nasa maayos naman ang lahat," aniya ko. Tumango-tango lang ito. Hindi ko alam kung bakit natigilan ito magsalita. "Nakatingin sa'yo si Forth," mahinang bulong niya sa akin. Napalunok ako. Tulad nga ng nararamdaman ko--- alam kong nakatingin ito sa akin. Pinipili ko lang dedmahin. Dahil iyon ang nararapat. "Hayaan mo siya! Pakinggan nalang natin si Douglas," aniya ko. Binaling ko ang buong pansin ko kay Douglas, sa agenda ng meeting namin ng araw na

