JANE POV "Jane, kung ano man ang mayroon tayong dalawa ngayon, wag mo sana itong ipagsasabi sa iba. Lalo na kay Alden dahil alam naman natin na iba ang ugali niya." Nginitian ko si Sir Michae, "Makakaasa po kayo Sir Michael, alam ko naman po ang tungkol sa bagay na yan at wiling naman ako na itago ang lahat ng ito kay Alden hangga't tinutupad ninyo ang pangako niyo sa akin." He gave me an assuring smile, "Wag kang mangamba, totoo naman ako sa mga sinasabi ko sayo. Pero syempre, si Alden kasi ang huling may say dito. Kung naipangako naman niya ang trabahong gusto niyang ibigay sayo, marked my words, gagawin niya iyon!" Nako talaga! Bakit para bang paiba iba ng statement si Sir Michael, kanina lang sinabi niya sa akin na walang isang salita itong si Alden and then all of a sudden, ganito

