Nanginig ako sa gulat sa narinig ko mula kay Sir Michael. "Alam mo iha, magpapakatoto lang ako sayo, mahilig kasi si Alden sa mga virgin na babae at halos lahat ng mga babaeng kinuhaan niya ng virginity, iniwan niya lahat. Bilang ako ay nagtatrabaho lamang sa kanya, wala akong magagawa kung di hayaan lamang siya sa gusto niya. Nakita mo naman siguro kung paano niya ako sagut sagutin diba?" "Sorry, ang sabi po sa akin ni Alden, bibigyan niya raw ako ng trabaho kung sakaling palayasin ako ng tita ko." "Ginagamit ka lang ni Alden, sa siyam na sinabi niya sayo, sampo doon ang hindi totoo. Pero ako, totoo ako sa mga binibitawan kong salita. Aaminin ko, hindi ako nagagandahan sayo Jane, pero maganda ang hubog ng katawan mo. Siguro naman, makukuha kita sa magandang offer diba? Kung pinapalaya

