CHAPTER 3

1018 Words
JANE POV Nagtinginan naman ang mga mokong na lalaki sa gulat nila sa biglaan kong pagsasalita. "Inaano ka ba namin miss? Kamag anak ka ba ng bobong artista na 'yun?" tanong ng lalaki sa kaliwa. "O isa ka sa mga uto u***g fans na sumasamba sa kanya kahit na alam mong wala siyang maidudulot na maganda sa kabataan?" "Oo nga! Nag aaksaya lamang kayo ng panahon sa idolo ninyong saksakan ng yabang!" dagdag pa ng tukmol na lalaking nasa kanan. "Tama, umalis ka na dito miss... wag kang makikisali sa usapan ng iba. Mind your own business!" pananabat pa ng lalaki sa gitna. Sa galit ko ay dinuro ko sila isa isa habang nakataas ang kilay ko. "Hoy mga dakilang tambay, wala kayong karapatan na manghusga ng kapwa ninyo. Hindi niyo alam ang totoong nangyayari sa buhay ni Alden! Palibhasa kasi napupuno kayo ng inggit sa kanya dahil di hamak na mas gwapo at mayaman siya sa inyo!" "Hahahahaha!" malakas na halakhak nila matapos kong magsalita. Tila ba ay walang talab ang sinabi ko sa kanilang tatlo. "Tara na nga at pumasok na tayong tatlo sa trabaho. Mahirap magsalita sa taong nabubulag sa katotohanan!" sabi ulit ng lalaki sa kanan. Tumayo silang tatlo at naglakad papalayo, sinundan ko naman sila. "Hoy mga kupal, bumalik kayo dito mga bastos! Akala naman ninyo ang gugwapo ninyo! Real talk lang tayo, wala pa kayo sa kalingkingan ng idol ko kaya shut up!" Hindi naman nila ako pinansin at tuluyan ng lumayo. "Bakit na naman po kayo nakikipag away tita? Lagi na lang po kayong ganyan eh!" Lumingon ako sa likod at nakita ko ang cute kong pamangkin na si Matthew. Nakasimangot siya sa akin pero nag bless pa rin siya. "Sorry pamangkin, ayaw ko naman talagang makipag away pero marami kasi talagang bashers si Alden. Alam mo naman siguro na fan na fan niya ako diba?" "Tita, diba po sinabi ko na sa inyo na wag na po kayong makikipag away? Paano kapag napahamak kayo? Sino ang maghahatid sundo sa akin?" "Sorry na baby, umuwi na lang tayong dalawa at promise me na wag mo sasabin sa mommy mong nakipag away ako ha? Alam mo naman siguro na marami nang iniisip si mommy mo diba?" Tumingin si John sa ice cream vendor. "Sa isang kondisyon, bilhan niyo po muna ako ng ice cream!" Dumukot ako ng limang piso sa bulsa ko at binilhan ko si John ng ice cream. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag niya at naglakad kami pauwi. "Tita, bakit po ba crush na crush ninyo si Alden kahit na alam niyo pong hindi siya papatol sa inyo?" Medyo na offend ako sa tanong ni John sa akin pero inisip ko na lamang na bata siya at wala pa siyang control sa mga sinasabi niya. "Eh kasi gwapo siya at masipag... tapos magaling pa siyang kumanta at sumayaw. At higit sa lahat mayaman pa siyang lalaki. Alam ko naman na wala akong pag-asa sa puso niya pero makita ko lang siya araw araw ay masaya na ako." "Gusto niyo po ba siyang makita sa personal, tita?" "Aba syempre naman! Actually magpupunta siya sa Puerto Galera para mag concert. Siyempre alam mo naman na malapit lang dito ang Mindoro so kailangan ko talagang umattend para naman makapag pa picture ako sa kanya!" "Tita baka pwede din po ako sumama sa inyo? Alam niyo naman siguro na gusto kong gumala pag may time!" "John, sa resto bar kasi gaganapin ang concert ni Alden at hindi pwede ang bata doon kaya bawal." Pag uwi namin sa bahay ay nakabusangot na naman ang tita Annabel ko. Akala mo naman ikinaganda niya ang pagsimangot sa akin. Kahit na siya na lang ang natitira kong kamag anak, nananatili siyang sakin sa akin at pinag trabaho ako sa bahay niya na para bang hindi kami magkadugong dalawa. Pag bless na pag bless ni John ay kaagad siyang nagsumbong kay tita Annabel. "Mommy, alam mo po ba si tita, nadatnan ko po si tita na nakikipag away kanina sa labas. Pinagtatanggol niya po yung idol niyang si Alden na hindi naman po siya kilala." Napatingin naman ako kay John dahil hindi ko lubos akalain na magsusumbong siya kay tita, "Akala ko ba secret lang natin 'yun? Bakit ka naman biglang nagsumbong?" Hinila na naman ako ni tita Annabel sa buhok papasok sa kanyang bahay. "Araw ko po tita nasasaktan po ako!" pagrereklamo ko sa kanya. "Talagang masasaktan ka sa aking bruha ka! Wag na wag mong pagsasalitaan ng little John ko lalo na sa harapan ko. Dakilang palamunin ka lang naman sa bahay na ito!" "Grabe naman po, pinaghihirapan ko naman po ang kinikita ko dito sa bahay... wag naman po kayong magsalita ng ganyan tita Annabel"! "Hoy Jane, baka nakakalimutan mong baon ka na sa utang sa akin dahil jan sa pagbili bili mo ng mga posters at album ni Alden! Hindi ko talaga naiintindihan kung bakit marami ang kagaya mo na patay na patay sa ganyang bobong lalaki... oo magaling siyang kumanta at sumayaw, pero alam naman natin na wala siyang utak... trending na naman nga yang bopols mong iniidolo eh!" Tagos sa puso ko ang sakit sa sinabi sa akin ni tita Anabel kaya pumasok ako sa kwarto ko upang magkulong. Pagdating ko ay wala na halos lahat ng koleksyon ko kay Alden- lahat ng mga posters, albums, at mga Alden tshirts na koleksyon ko, lahat sila ay nawala ng parang bula. Pumasok naman bigla si tita Anabel sa loob at nagpaliwanag siya sa nangyari. "Jane, pasensya ka na, alam ko namang matagal mo nang naipundar ang mga collection mo kay Alden pero nagigipit din kasi ako sa kakabali mo kaya binenta ko na ang mga collection mo sa palengke. Grabe nga eh, wala pang isang oras, ubos na kaagad ang mga paninda ko!" "Tita naman, alam niyo wala na akong bagay na maipagmamalaki sa mundo kung di ang mga iyon. Sana naman po ay kinonsider ninyo ang mararamdaman ko bago kayo nagdesisyon!" "Wag kang mag-alala, may nagsabi sa akin na magco concert siya sa Puerto Galera, nakabili kaagad ako ng ticket para sayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD