Napawi ang lungkot sa mga mata ko dahil sa sinabi sa akin ni tita. Kaagad siyang dumukot sa kanyang bulsa at iniabot sa akin ang isang ticket.
"Mas mabuti pang wag mo nang tanungin sa akin kung paano ako nakakuha ng ticket. Basta't ikaw na ang bahalang sumagot ng bangka papunta sa Mindoro. Alam naman nating dalawa na sobrang fan na fan ka ni Alden at bilang matagal tagal ka na rin namang naninilbihan sa aking hampaslupa ka, siguro naman ay napasaya pa rin kita kahit papaano!"
Napayakap naman akong bigla kay tita dahil sa sobrang saya.
"Ipapahiram ko muna sayo ang cellphone ko para naman may magamit ka pagdating mo doon sa venue!"
"Thank you so much tita Anabel, hulog po talaga kayo ng langit sa akin. Sana ay pagpalain pa kayo."
"Che! Basta't pag igihan mo ang trabaho mo para naman matuwa ako sayo. 6 pm pa naman 'yan gaganapin kaya samahan mo muna ako sa palengke ng umaga!"
"Tita may isa pa po kasi akong problema..."
"At ano na naman 'yun Jane?"
"Gusto ko sanang bumili ng bagong damit para sa darating na concern ni Alden. Mayroon po kasing mga fans ang magpapagawa ng Aldenatics na tshirt at mabibili lang sa halagang 150. Ako na po ang bahala sa pamasahe ko... please tita, hindi ko na po kasi alam kung saan ako kukuha ng pambili ng tshirt sa once in a lifetime concert ni Alden sa mindoro!"
Napabuntong hininga naman si tita Anabel, "Hay nako Jane, ano ba ang nakita mo sa Alden na yan at wala ka nang ibang bukambibig kundi siya!"
"Pasensya na po kayo tita, nararamdaman ko kasi na isang beses lang ito mangyayari sa buong buhay ko kaya lulubus lubusin ko na."
"Hay nako..."
Nilabas ulit ni tita ang kanyang wallet at nagbigay sa akin ng pera. Nang kinagabihan ng araw na ito, nagpunta ako sa palengke upang bumili ng tshirt para mapaghandaan ko ang the best night of my life. Halos hindi na nga ako makapag trabaho ng maayos eh.
Lumipas ang araw na ito ng may ngiti sa aking labi pero hindi ako maka tulog ng maayos kakabantay sa mga updates ni Alden sa kanyang social media account. Pag open ko ng comment section ng post niya kanina, tumambad na naman sa akin ang mga negative comments ng ilang mga bashers.
"Ang bobo mo mo talaga Alden, saksakan ka lang ng kayabangan, pasalamat ka marami kang backer sa showbiz!"
"Kung ano ano ang pinagsasabi mo kay Joshua, pero kung tutuusin mas matalino at gwapo siya sayo!"
"Ang kapal naman ng mukha mo makasabi ng mali sa bashers, ayan tuloy binabalikan ka na nila!"
"Malalaos ka rin Alden, enjoy mo lang ang peak ng karera mo!"
"Puro ka lang naman lyp sync at pa cute, hindi naman talaga maganda ang boses mong gago ka!"
Ilan lang ito sa napakaraming negative comments na nababasa ko sa comment section. Kumukulo talaga ang dugo ko kaya nireplyan ko talaga ang mga bashers dahil isa ako sa mga keyboard warriors ni Alden at gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang siya!
"Hampaslupa kang fake account ka. Bakit di mo ipakita ang mukha mo para magkaalaman kung sino ang mas gwapo sa inyong dalawa ni Alden?"
Bigla namang nag reply ang dummy account, "Sus ipagtatanggol mo pa ang idol mo eh hindi nga yan magaling mag ingles. Malalaos din ang idol mo!"
Dumami lalo ang nagrereply sa messages ko at sobra akong naloka talaga ako sa kanila at itinulog ko na lang ang stress.
Kinabukasan ng hapon, pagkatapos ang duty ko sa palengke ni tita Anabel, kaagad akong umuwi at talaga namang dinala ko ang make up ko at damit na susuotin.
Bago ako umalis, nagpaalam muna ako kay tita Anabel na abala sa pagkain.
"Hindi ka ba muna kakaing hampaslupa ka? Baka mamaya ay himatayin ka doon sa venue eh!"
"Wag po kayong mag-alala tita, kaya ko na po ang sarili ko. Ayaw ko rin naman kasing malate sa concert!"
Tumingin naman sa akin si John, "Tita pasalubong po ha? Wag ninyo kakalimutan!"
"Okay sige, ano ba ang gusto mong pasalubong?" tanong ko kay John.
"Diba po sa resto bar po kayo pupunta tita Jane?"
"Oo doon nga, bakit?"
"Kahit isang case na lang po sana ng alak ang ipasalubong ninyo!"
Nagtinginan na naman kaming dalawa ni tita Anabel sa pagkagulat. Bago pa man ako magsalita ay inunahan na ako ni John.
"Isang case po sana ng beer para kay Mama. Ang sabi niya kasi darating daw po ang mga kaibigan niya mamaya at mag iinuman sila!"
"Sige na Jane, umalis ka na at baka kung ano pa ang masabi ni little John!"
Umalis na ako at pagkarating ko sa laot, marami akong nakasabay na Aldenatics. Sa sobrang excited nila ay nakasuot kaagad sila ng Aldenatics tshirt at sobrang kakapal ng mga make up nila. Sumakay ako sa bangka kasabay sila. Tahimik lang ako na nakasakay sa bangka habang nag uusap usap naman silang lahat.
Ilang oras ang nakalipas ay nakarating narin kami sa pampang ng Mindoro. Panay ang picture ng mga tao habang ako, naki cr muna sa isang tindahan para magpalit. Mabuti na lang at pinayagan ako, syempre nag make up na rin ako dahil ayaw kong magpakabog.
Habang nagme make up ako sa cr, hindi ko maiwasang marinig ang mga taong nag uusap sa labas.
"Uy alam niyo bang mayroong pa raffle si Alden at secret ang prize?" sabi ng isang bakla.
"Talaga sis? Ang dami dami natin dito at sobrang mahal pa ng ticket na binili natin. Sana talaga ay isa sa atin ang mabunot!" sambit ng isang babae.
"Kaya nga eh... okay na sana kung hug ang prize na ibibigay sa atin ni Alden. Grabe, galing pa tayong Mindanao at hindi biro ang travel natin para lang sa one night concert niya!" reply nung bakla.
Napahinto tuloy ako sa pagme make up sa mga naririnig ko sa labas at nakinig lang ako muli.
"Nagtataka talaga ako kung bakit sa maliit lang na resto bar gustong mag concert ni Alden gayun isa syang big star sa bansa natin!"
"Ang chika ko gusto raw niyang magbakasyon dito sa Puerto Galera at yong resto bar na 'yun ay pagmamay ari ng isa sa mga tito niya!"
Bigla naman ako nakarinig ng malakas na hiyawan ng mga tao sa labas. At alam ko na iyon ang indikasyong nandito na si Alden sa Puerto Galera. Binilisan ko ang pagme make up at pagsuot ng tshirt na Aldenatics. Paglabas ko ay kaagad akong nagtungo sa tapat ng resto bar at habang papalapit ako, lalong lumalakas ang hiyawan ng mga tao.