CHAPTER 5

1059 Words
Nakipag siksikan talaga ako sa mga tao para lamang makita ko si Alden. Muntikan pa ngang magkaroon ng stampede pero mabuti na lang at may mga guards na umawat. Kumaway sa amin si Alden at nang makita ko siya ay halos mapamura talaga ako. "OH s**t! BAKIT ANG GWAPO MO ALDEN?" Ilang beses ko itong sinisigaw at wala na akong pakialam kung mapaos man ako. Halos naiyak pa nga ako dahil sa hindi ako makapaniwalang nakita ko na rin sa wakas ang idol ko matapos ang ilang taon. Masasabi ko na mas guwapo si Alden sa personal, lalo na kapag tumitingin siya. Sobrang lakas ng appeal niya at para bang gusto kong isurrender sa kanya ang virginity ko. Kaya lang, isa lang akong ordinaryong tao at malabo magkagusto sa akin ang isang kagaya niya. Grabe ang lundag ng puso ko dahil sa nakita ko si Alden sa personal. Kinuhaan ko siya ng litrato at bigla siyang ngumiti sa akin. Mayroong dalawang guard na humila sa kanya papasok sa loob ng resto bar kaya pumila na lang ako papasok ng restobar. Matyaga naman ako pumila papasok sa loob ng resto bar kasabay ang daan daang tao. Noong una akala ay maliit lamang ang venue subalit nang makarating ako sa loob, mayroon din pala itong kalakihan at kaya nitong mag accommodate ng daan daang mga tao. Dahil sa cheap price lang ang nabili ni tita na ticket ay sa sulok lamang ako banda ng restobar nakatayo. Keri lang naman dahil kita pa rin ang stage mula sa kinatatayuan ko. Tanging disco light, mga cellphone, at ilaw na nanggagaling sa stage ang silbi naming liwanag sa loob. Medyo mainit dala na rin ng siksikan ang mga tao. Pero para sa akin na isang die hard fantard, wala ito sa sayang naibibigay ni Alden sa aming mga fans niya na nagtipon tipon para sa gabing ito. ALDEN POV Nasa dressing room ako habang naghahanda ng sarili. Pero sumasagi sa isipan ko ang babae kong fan kanina. Maganda siya at may something sa ngiti niya na hindi ko makita sa iba. Sa unang pagkakataon, tila ay nagkakagusto ako sa isang fan. Sana talaga ay makita ko siya mamaya sa loob ng venue dahil kung di, hahanap ako ng paraan para lang magkita kami ulit dalawa. Lumapit na naman sa akin si tito Michael at binigyan niya ako ng buko pie na hinihingi ko. "Yan ang isa sa mga delicacy na nakita ko rito na nirequest mo!" Kaagad akong kumagat sa buko pie at masasabi kong isa ito sa masasarap na natikman ko sa buong buhay ko. "Sayang talaga ang dami ng tao sa labas na gusto kang makita, sana ay mas malaki ang venue natin sa susunod para ma maximize natin ang profit ng concert mo!" "Come on tito, sabi ko sayo bigyan mo ako nang hanggang bukas para makapag relax. Alam mo naman na sobra akong stress at masarap magbakasyon sa ganitong panahon. Besides, nagsasawa na talaga ako sa large crowd at gusto lang nang ganitong simpleng set up so please, wag na kayong kumontra!" "Masyado ka talagang makulit Alden... Bukod doon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mong awayin si Joshua sa national tv. Masakit ang sinabi mo sa kanya at alam ko na kumukulo na ang dugo ng kanyang team niya ngayon. Sana naman ay maisip mo na bilog ang mundo at maaaring mangyari ang mga bagay na hindi mo inaakala!" "Give me a break tito. Malabo naman na maungusan ako ng isang kagaya ni Joshua. Itataya ko pa ang mahigit 100 million pesos ko sa bangko at tinitiyak ko sayo na malabo yang mangyari. At kung sakaling magdemand ng apology ang kampo nila, hindi ako magsasabi ng sorry! Kung tutuusin nga eh dapat pang magpasalamat si Joshua dahil pag uusapan na naman siya sa soc med nang dahil sa akin!" Lumapit sa akin si May at may ibinulong. Nagtaka naman si tito Michael sa amin. "Saglit lang, ano ang nangyayari dito? Mayroon ba kayong tinatago sa aking dalawa?" tanong ni tito. Napangisi naman ako kay tito. "Wala ito boss, may maliit na favor lang akong hiningi kay May at mukhang nagtagumpay naman siya sa pinag uutos ko sa kanya." Halata kay tito na kabado na naman siya. "Hay nako Alden... baka mayroon ka na namang kalokohang ginagawa. Noong nakaraang araw nang mag perform ka sa Big Box Stage, mayroon kang iniuwing babae sa inyo. Mabuti na lang talaga at walang media ang sumusunod sa atin nang araw na iyon kundi malalaos ka nang wala sa oras!" Sinimangutan ko naman kaagad siya dahil nauumay na ako na limitado lang ang pwede kong gawin bilang isang artista, "Ito ang mahirap kapag artista eh... marami kang bawal gawin. May personal na buhay rin naman ako at pangangailan bilang lalaki. At tsaka, saglit ko lang naman tinikman ang babae at binigyan ko ng pera para tumikom ang bibig niya." "Oh siya, magpe perform ka na naman ulit sa stage. Galingan mo Alden, kailangan ay hindi nila mahalata na may ilang parts ka ng song na ili lyp sync para ma maintain pa rin natin ang boses mo!" "Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo boss na ayaw kong mag lyp sync hangga't maaari? Nagbayad ang mga fans ng mahal na ticket para lamang makita ako tapos lolokohin ko lang sila!" Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay bigla namang pumasok ang may ari ng resto bar na si Madelyn. "Hello Alden, the show is about to begin within five minutes dahil nandyan na ang bandang tutugtog para sayo. Also, please do not forget na magpakilig ka ng isang fan mamaya para naman mas maging masaya ang gabing ito!" Napatayo ako, "Wag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala sa bagay na iyan!" Matapos kong mag ayos ng sarili ay kaagad na tumugtog ang kanta ko sa stage. Hawak ang mikropono sa aking kamay ay lumabas ako ng stage at sinimulang kumanta. Grabe ang hiyawan sa akin ng aking mga fans at alam ko na sila rin ang nagtatanggol sa akin sa social media. Sa pagkakasabi sa akin ni May ay nasa gawing kaliwa ang babaeng nakita ko sa labas kanina subalit masyadong madilim ang crowd kaya nahihirapan akong makita siya. Matapos ang tatlong pagkanta ko kasabay ng mga fans, tumigil muna ako upang iannounce na gagawin na namin ang aking pa raffle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD