CHAPTER 6

1057 Words
JANE POV Grabe ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi ko lubos akalain na makikita ko sa personal si Alden. Bukod sa mas gwapo siya sa personal, talaga namang magaling siyang kumanta at sumayaw. Ubos na nga ang boses ko sa kakahiyaw sa pangalan ni Alden pero keri lang, minsan lang naman ito mangyari sa isang taon. Basta ako forever ko siyang idol kahit na hindi ako ang mabunot niya sa raffle. Bubunot na sana siya pero bigla ulit siyang napatingin sa crowd at tila ay mayroon siyang hinahanap. Ang swerte swerte naman hinahanap niyang tao, siguro ay mayroon siyang natipuhan sa mga audience kaya ganoon na lamang ang determinasyon sa kanyang mga mata. "Bago ko bunutin ang mananalo, gusto ko lang muna kayo pasalamatan sa pagpunta ninyo sa aking mini concert sa Puerto Galera. Marahil ay nagtataka ang iba sa inyo kung bakit ko gusto mag concert sa maliit na venue, di tulad ng mga venue ko sa aking mga nakaraang concert. Gusto ko lang kasi makita ang lugar na ito at labis akong namangha nang makita ko na rin sa wakas ang likas na ganda ng Puerto Galera!" Nagpalakpakan kaming lahat sa mahabang salaysay ni Alden at sumasangayon ako sa mga sinabi niya. Maya maya pa ay bumunot na siya sa aming mga tickets at natahimik nang ilang sandali ang mga tao. Tumingin ulit si Alden sa crowd at binasa niya ang kanyang nabunot. "Congratulations..." May pa drum roll pa talaga ang banda bago i-announce ang magiging winner. Kung sino man ang nabunot ni Alden, sobrang swerte niya kasi tinupad niya ang pangarap ko para sa sarili ko. Well, general admission lang naman ang ticket ko kaya obviosly, imposible na ako ang mapili. "Ikaw ang maswerteng tatanggap ng prize, Jane from Aklan!" Nagpalakpakan lahat ng tao in-announce ang nanalo. Samantalang ako, nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa kaba ng marinig ko ang pangalan Jane. Hindi ako nag react kaagad dahil baka ibang Jane ang narinig ko. But walang nag react sa mga audience kaya pinagpawisan ako ng husto. "Jane, nasaan ka?" tanong ulit ni Alden. Wala talagang lumitaw kahit na isa kaya lakas loob akong nagtaas ng kamay. "Nandito ako, Sir Alden!" Natuon lahat ng atensyon ng mga tao sa akin subalit nakatitig lamang ako kay Alden na natulala nang makita akong muli. "Wow! Please pumunta ka sa stage Jane, congratulations dahil deserve mong manalo ng ating special prize!" nakangiting sabi ni Alden. Pumunta ako sa stage at tumunog na naman ang kanyang music na 'you're only mine.' Nang paakyat na ako sa hagdaan ay inoffer ni Alden ang kanyang kamay sa akin sabay ngiti. "Tara Jane, haharanahin muna kita bago ko igantimpala sayo ang premyo!" Tangina! Yung mga ngiti at tingin ni Alden sa akin, gustong gusto ko talaga. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Nang hawakan ko ang kamay ni Alden, para bang nasa alapaap kaming dalawa at walang tao sa buong paligid. Nang makaakyat na ako sa stage, hindi niya binitawan ang kamay ko at ininterview ako. "Jane... maraming salamat sa pagdalo mo sa mini concert ko. Gusto ko lang malaman kung gaano na ba kita katagal na fan?" Binigay ni Alden ang mikropono sa akin para marinig ng audience ang sagot ko. Nahihiya akong tumingin kay Alden dahil sa hiya pero hindi ko talaga ma resist ang maganda niyang ngiti. "Ahh..." Hinawakan ni Alden ang leeg ko at ang lamig nang kamay niya. "Okay ka lang ba Jane? Bakit tila ay pinagpapawisan ka at namumutla pa ang mga pisngi mo." "S-sorry... eh kasi... siguro ay dala lamang ito ng kaba!" nanginginig na sagot ko kay Alden. "Sige... ako ang bahala... wawalain natin ang kaba mo Jane!" "P-paano?" tanong ko habang tagaktak ang pawis ko. Niyakap ako ni Alden ng mahigpit at nagpalakpakan ang mga tao. Napayakap na rin ako sa kanya at tumulo ang mga luha ko sa sobrang saya. Ang bango bango ni Alden at ang init ng katawan niya. Bumulong naman siya kaagad sa akin. "Hindi ko lubos akalain na ikaw ang mabubunot ko. Ikaw kasi yung nakita kong babae kanina sa labas Jane, grabe mukhang itinadhana talaga ang pagkikita nating dalawa." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Sino ba ang mag-aakala na ang isang kagaya ko ay mang aakit ng isang artistang sobrang sikat kagaya ni Alden. Lumipas ang ilang minutong yakapan naming dalawa ay kumalas siya at nagtanong ulit. "So, nawala na ba ang kaba mo, Jane?" tanong niya sabay kindat sa akin. Pag bigay niya sa akin ng microphone ay nauutal utal pa rin akong sumagot. "Ah... eh... ano kasi isa mo akong die hard fan at ipinagtatanggol kita palaga sa mga bashers mo. Alam mo, hindi ko maikakaila na napasaya mo ako simula nang manalo ka sa Star Singing Competition at tinalo mo si Joshua. Mayroon pa ako ng lahat ng mga posters mo, mga albums, mga magazines, at napanood ko na lahat ng teleserye at movies mo!" Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid pero nakatingin lamang ako sa mukha ni Alden. "Wow, maraming salamat naman sayo Jane! At dahil sa die hard fan kita, okay lang ba sayo na suklian ko ang kabutihang ginawa mo sa isang harana?" Tumulo na naman ang luha ko dahil sa saya, "Sino ba ako para tumanggi sa iisang idolo ko?" Kinuha ni Alden ang kanyang panyo at pinunasan niya ang luha sa aking mga mata. "Wag kang mag-alala Jane... bilang isang die-hard fan ko, obligasyon ko na pasayin kita sa isang munting kanta para sayo!" Lumingon si Alden sa mga tao habang hawak ako sa kanyang balikat. "Everyone, palakpakan natin si Jane and sing along with me kung alam ninyo ang lyrics ng kanta." Lahat kami ay naki sing along kay Alden nang kantahin niya ang 'your only mine.' "Binaba ko na ang telepono ngayong gabi, May nangyari sa unang pagkakataon. Dahil ang posibilidad na sana ganoon din ang mararamdaman mo. Tungkol sa akin, sobra, sobra Bakit ako patuloy na tumatakbo sa katotohanan. Ang lagi kong iniisip ay ikaw. Nahipnotismo mo ako, natulala. At ngayon ko lang nalaman. Naiisip mo ba kapag nag-iisa ka Lahat ng kaya natin, kung saan mapupunta ang bagay na ito' Nababaliw ba ako o naiinlove' ibang crush lang ba talaga?" Nang sinabi niya ang word na crush ay bigla niya akong nihalikan sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD