JANE POV
Nagulat ako ng halikan ni Alden ang pisngi ko at nakangiti lang ako hanggang sa matapos ang kanta. Lumuhod naman bigla sa akin si Alden at hinalikan ang kamay ko.
"Maraming salamat sayo magandang binibini. Mamaya pagkatapos ng aking concert ay pumunta ka sa PA ko na si May at tsaka mo malalaman ang premyong naghihintay para sayo!"
Feeling ko ay para akong prinsesa sa mga sandaling ito. Baon ko pa nga ang ngiti sa aking labi hanggang sa alalayan ako ni Alden patungo sa gilid ng stage kung saan nakatabi ko mismo ang Personal Assistant niyang si May.
"Nag enjoy ka ba?" tanong ni May nang tumabi ako sa kanya.
"Sobra po!" masayang sabi ko.
"Wag kang mag-alala, sigurado akong matutuwa ka kapag na-claim mo na ang premyo mo!"
"Maraming salamat po sa inyo Ma'am!"
"You are welcome. Just call me May, anyway if I am not mistaken ikaw yata yung nakikita ko sa sss fan page ni Alden na todo ang tanggol sa kanya. Ako kasi ang admin noon kaya nakikita ko kung gaano karami ang comments. Thank you for defending Alden. Masasabi ko na sobra mong deserve na mabunot ngayon!"
"Hehehe... wala 'yun. Alam ko naman na mabuting tao si Alden kaya todo ang pagtatanggol ko sa kanya!"
Masayang natapos ni si Alden sa kanyang mini concert at pinagbigyan niya lahat ng tao sa loob na gustong magpa picture sa kanya. Nang nawala na ang lahat ng tao at ako na lang ang audience na natira, bigla akong niyaya ni May sa loob ng waiting area at binigay sa akin ang brown envelope.
Binuksan ko ang envelope at nagulat ako sa prize na naghihintay sa akin.
"Dear lucky winner, congratulations dahil ikaw ang maswerteng nanalo ng isang romantic date sa akin. Wag kang mag alala, wala kang sasagutin. Ang tanging hatid ko lang ay ang mapasaya ka bukas bago ako bumalik sa maynila!"
Abot langit ang ngiti ko sa nabasa ko. Bilang isang fan, sino ba ako para tumanggi sa isang romantikong date kasama ang ultimate crush ko? Pero nang maisip ko sila tita, halos balutin ulit ako ng lungkot.
"Oh bakit Jane? Mayroon ka bang problema? Bakit parang mayroong bumabagabag sa iyong isipan?" tanong ni May.
"Eh kasi po ano eh... kung bukas na po gaganapin ang date, hindi po ako makakapag handa ng sarili ko. Bukod po roon, mayroon din kasi akong obligasyon sa pamilya ko. Kaya bukas ay kailangan ko na rin pong umuwi!" dismayado kong sabi.
"Wag kang mag-alala Jane, ako ang bahalang magpaliwanag sa family mo. Isang araw lang naman ang hinihiling ko sayo. Isipin mo na lang na araw araw mo silang makakasama pero ako, once in a blue moon lang. Bukod doon, ikaw talaga ang gusto kong maka date dahil sa isa kitang die hard fan!" pagsisingit ni Alden na kakarating lamang sa waiting room.
Lumingon kaming dalawa ni May sa kanya at nakita ko siyang nakasando lamang at shorts. Hindi ko naman mapigilang tumingin sa shorts dahil bakat na bakat ang kanyang alaga. Matangkad kasi si Alden at may lahi talaga siyang American sa side ng papa niya kaya feeling ko ay talagang may malaki siyang sikreto na tinatago.
"Sige aalis muna ako, excuse me!" sambit ni May.
Pagkaalis niya ay bigla naman akong niyaya ni Alden.
"Tara Jane, ituloy natin ang pag uusap natin sa labas. Gusto pa kitang makilala!"
Inoffer na naman ni Alden ang kamay niya sa akin at tumalbog na naman ang puso ko sa kilig.
"P-pero marami kasi ang tao sa labas, baka bigla ka nilang pagkaguluhan!"
Hinawakan ni Alden ang kamay ko, "Wag kang mag-alala, alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yan. May kotse naman ako eh, pwede tayong pumunta sa ibang parte ng Puerto Galera na walang masyadong tao. Or kung gusto mo, mag di disguise na lang ako para naman matuloy ang lakad nating dalawa?"
Pumasok naman ang matandang lalaki at namukhaan ko kaagad siya- ang manager ni Alden na si Michael na kasama minsan ni Alden kapag mayroon itong interviews o projects. Masasabi ko na may hitsura din si Sir Michael at maganda siguro talaga ang lahi nilang dugong artista.
Inakbayan naman niya si Alden para malaman nitong dumating na siya kaya pumiglas ako sa pagkakahawak ni Alden sa akin.
"Please take a rest pamangkin, pwede mo namang kausapin ang lucky winner bukas sa short date ninyong dalawa!" wika ni Michael kay Alden.
Napatingin naman sa akin si Michael at iniabot ang kanyang kamay, "Congratulations sayo Jane... sana ay nag enjoy ka sa concert at maging masaya ka pa lalo sa date ninyo ng pamangkin ko."
"The pleasure is mine sir," sambit ko kahit na nahirapan akong mag construct ng English.
"So mayroon kaming inihandang room para sayo para bukas ng maaga ay ready ka na sa upcoming date ninyong dalawa ni Alden. Sa ngayon ay kailangan niya munang magpahinga dahil hindi siya pwedeng magkasakit."
"Tito please!!! Hayaan niyo sana akong magpaliwanag kay Jane bilang ako ang makaka-date niya bukas. At gusto ko siyang makausap ng masinsinan at gusto ko ay kaming dalawa lang. Kahit sana five minutes lang..."
"Matigas talaga ang ulo mong bata ka..." kamot ulong sabi ni Sir Michael na biglang lumabas sa waiting room.
Sa totoo lang, hindi ko lubos akalain na magtatalo silang dalawa sa harap ko. Mabait kasi silang dalawa sa harap ng camera at ang buong akala ko ay ganun din sila behind the scene.
Muling hinawakan ni Alden ang kamay ko.
"Come on, ipagda drive kita at mayroon tayong pupuntahang magandang part ng Puerto Galera!"
Kumunot naman ang noo dahil sa ipinapakitang kabait ni Alden- fan niya ako pero medyo na-we weirduhan lang ako kung bakit siya nagkakaroon ng interes na makausap ang isang katulad ko.
"Bakit parang mayroong pagtataka sa mukha mo, Jane?" tanong ni Alden, "Sa tinagal ko sa telebisyon, kaya ko kaagad basahin ang tao base sa mukha nila. Kung nagtataka ka kung bakit ako mabait sayo, yun ay dahil may nakita ako sayong espesyal- bagay na hindi ko makita sa iba!"