PAMBIHIRA ka naman, Tatz! Ang tagal mo naman. Hinakot mo ba ang buong condo mo? Tatlong araw ka lang sa campsite. Hindi ka lilipat ng bahay at di ka rin magtatanan, angal ni Jaja. Aba! Kanina pa kami tustang-tusta sa init dito sa kahihintay sa iyo.
Nasa ng San Antonio, Zambales na ang mga ito at naghihintay sa kanya. Habang siya naman ay nasa Dinalupihan, Bataan pa lang. Halos dalawang oras pa ang layo niya sa mga ito.
Pasensiya naman. Hindi ko napaghandaan ang trip na ito. Siyempre naghanap pa ako ng dapat kong isuot. Ayokong magpakita kay Craig na mukhang ewan. Gusto kong tiyakin na maganda at sexy ako sa paningin niya. Tapos nagbilin pa ako sa opisina
Ngayon lang siya basta-basta aalis ng trabaho. kahit pa sabhin niyang may sakit siya, di pa rin siya basta-basta na lang makakapagpabaya sa trabaho. Tiniyak din niyang walang problema sa condo niya bago siya umalis. Napakabusisi niya sa ganoong mga bagay. Tiniyak din niyang organized ang lahat ng gamit niya. Na kaakit-akit siya sa mga damit na dala lalo na sa mga swimsuit. Gusto niyang makalimutan ni
Okay. Mauuna na kami sa Anawangin. Kanina pa naghihintay ang bangka sa amin. Sumunod ka na lang doon, sabi nito.
Ano? Iiwan na ninyo ako?
Oo. Kanina pa kami gutom na gutom dito at pagod. Kailangan pa naming i-prepare ang campsite. Magpapadala na kaming ng tao sa bayan para sunduin ka at kasabay mong pumunta sa Anawangin. Okay na ba?
Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi niya. Pwede bang mag-request? Gusto ko si Craig ang sumundo sa akin.
Sige susubukan ko. Sa tapat ng munisipyo ng San Antonio ka bumaba. Basta i-off mo na yang cellphone para hindi ka na matawagan pa ng opisina mo. Mahirap na baka mabulilyaso pa ang bakasyon mo at maisipan mong bumalik ng Manila.
Hindi na. Buo na ang desisyon ko na makuha si Craig.
Sabihin mo sa akin kung may maitutulong ako. Panahon na para magka-lovelife ka. O paano? Magkita na lang tayo mamaya. May nakita akong guwapong kasama ng bangkero kanina. Gusto ko siyang papakin.
Naku! Kaya naman pala hindi mo ako mahintay. Ipinagpapalit mo ang pagkakaibigan natin dahil sa isang lalaki.
Alangan namang ikaw lang ang may love life. Dapat ako rin. Matagal-tagal na rin nang huli akong nagka-boyfriend.
Natatawa na lang niyang ini-off ang cellphone niya. Nakadama siya ng excitement. Parang noong nag-eigteen years old siya kung saan binigyan na siya ng kalayaan ng magulang niya na gawin ang kahit ano. She was taking hold of her life, of her future.
Niyakap niya ang sarili at ipinaling ang tingin sa nadadaanang palayan. Masarap sa paningin ang berdeng tanawin. Ano na ba ang mga na-miss niya sa buhay dahil sa pagharap niya sa trabaho niya? Karamihan sa mga kaedaran niyang kaibigan ay nag-asawa na. Sila na lang ni Jaja ang natirang walang asawa sa kanilang mga magkakabarkada noong high school. Sa pamilya niya ay nag-iisa na lang siyang single. Twenty-seven pa lang siya ay old maid na ang trato sa kanya ng mga kamag-anak niya. Umiiyak pa ngang dumalaw sa kanya ang nanay niya noong isang buwan dahil naunahan na daw siyang mabuntis ng pinsan niyang disisiete anyos pa lang. Sabik na sabik na daw itong magkaapo.
Siguro ay ito na ang tamang panahon para sa lahat. Ito na ang tamang panahon para asikasuhin niya ang sarili niya. Ito na ang panahon para tapusin ang espekulasyon na magiging matandang dalaga siya. Hindi iyon mangyayari dahil nandiyan na si Craig.
Kuya, gaano pa tayo kalayo sa San Antonio? tanong niya sa kundoktor nang dumaan sa tabi niya para alalayan ang isang pababang pasahero.
Nasa San Marcelino na tayo, Maam. Sa susunod na bayan na po iyon.
Basta sa munisipyo ninyo ako ibaba, sabi niya at dali-daling inilabas ang make up kit niya. Hindi niya alam kung kailangan ng make up sa beach at kung appropriate iyon sa pagka-camping. Basta ang alam niya ay kailangan niyang magpaganda para sa unang pagkikita nila ni Craig matapos ang maraming taon.
She needed to make an impression. Hindi na siya ang kiming dalagita na hindi makatingin ng direkta dito at hindi alam ang sasabihin kapag kausap nito. May kompiyansa na siya ngayon. Kukunin niya ang anumang gusto niya sa kahit na anong paraan. Iyon ang dahilan kung bakit matagumpay siya sa piniling larangan. Iyon din ang gagamitin niya para makuha si Craig.
Maya maya pa ay tumigil na ang bus sa harap ng munisipyo ng San Antonio, Zambales. She could feel the excitement sizzling through her veins. Napangiwi siya pagbaba ng bus dahil parang matutusta siya sa init ng araw. Nagsimula na ring magprotesta ang sikmura niya. Gutom na siya. Sa kamamadali niya ay hindi na siya halos nag-agahan kanina. Sa sobrang excitement ay di rin niya pinansin ang pagkain kahit nang mag-stop over kanina ang bus na sinakyan niya. Masyado siyang busy sa paghahanda sa muli nilang pagkikita ni Craig.
She was ready to get him. Nakahanda na ang ngiti niya. Nakahanda na rin ang sasabihin niya. At kahit na tustado pa siya sa init ng araw, kailangan ay maganda pa rin siya sa paningin nito. Titiyakin niyang mabubura na sa puso nito ang babaeng dapat ay pakakasalan nito. Siya na lang ang nag-iisang babae sa puso at isipan nito mula ngayon. Siya na lang.
Tatiana? said the husky voice of a man at her back.
Nagtayuan agad ang balahibo sa batok niya nang marinig ang boses na iyon. So manly, so earthy and knee-buckling. Boses pa lang ay parang hinahaplos na nito ang balat niya. Bumilis ang t***k ng puso niya. Natitiyak niyang kay Craig ang boses na iyon. Ito lang ang may kakayahan na magparamdam ng ganito sa kanya.
Abot hanggang tainga ang ngiti niya nang humarap dito. Hi Nawala ang ngiti niya nang makita ang guwapo at matangkad na lalaki sa harap niya. He looked rugged and very manly. Ang babaeng pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Ang lalaking kayang magpatunaw ng buto sa isang ngiti lang. Antonov.