bc

Beyond the Reason Why (Tagalog)

book_age12+
635
FOLLOW
2.4K
READ
love-triangle
playboy
goodgirl
sensitive
neighbor
comedy
sweet
mxb
city
office lady
like
intro-logo
Blurb

Umiikot ang buhay ni Tatiana sa trabaho at wala siyang oras sa love life niya. Pero nang malaman niyang kasama ang first love niyang si Craig sa high school reunion niya ay nagbago ag isip niya. Sa pagkakataong ito ay ayaw na niyang itago pa ang lihim niyang pag-ibig dito. Plano niya itong akitin sa Anawangin trip nila.

Akala niya ay natupad ang pangarap niya nang pasukin siya nito sa tent para dalhan ng hot tea para sa hangover niya. Kaya di na niya pinalagpas ang pagkakataon at hinalikan niya ito. Subalit sa panggigilalas niya ay hindi si Craig ang kasama niya kinabukasan kundi si Antonov- ang mortal niyang kalaban.

Ang masaklap ay pinapalabas nito sa lahat na patay na patay siya dito. Paano na siya makakadiskarte kay Craig? At paano pa niya maiisip si Craig kung mukhang kumikiling ang puso niya kay Antonov?

Kaaway ba talaga ito ng puso niya o magkasabwat ang mga ito para bulabugin ang mundo niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Tatz, wala ka ba talagang planong sumama sa Anawangin? Pwede ka pa namang humabol sa amin, ungot ng kaibigan ni Tatiana na si Jaja habang kausap niya sa cellphone. Medyo hilo pa siya dahil kalahating oras pa bago ang pag-ring ng alarm clock niya saka ito tumawag. Gusto pa mandin niyang sulitin ang lahat ng natitirang oras ng pagtulog niya dahil tiyak na haggard na naman siya pagdating sa opisina. Jaja, alam mo naman na busy ako. Tambak ang trabaho ko. Ultimo nga ikakain ko na lang, isinasabay ko pa rin ng trabaho. And I cant afford to spend three days in a place where theres no cellphone signal, no internet, ni walang kuryente at matutulog lang ako sa tent. Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho pag-uwi ko? Nagtatrabaho siya sa isang accounting firm. Sa dami ng projects niya ngayon na hawak ay di niya afford na magbakasyon man lang kahit na isang araw. Ultimo Sabado at Linggo ay nagtatrabaho siya. May inaasam kasi siyang promotion at hindi ito ang oras para basta na lang siyang mawala sa trabaho. Puro ka trabaho. You are missing a lot. Aba! Pagpahingahin mo naman ang sarili mo. Kahit may sakit ka, sa trabaho mo idine-devote ang oras mo. Wala kang social life. Nandito ang mga kaklase natin noong high school. Hinahanap ka nila. Saka hindi mo ba naiisip kung gaano kasarap na mag-camping sa beach, mag-bonfire habang nagkakantahan at nagsasayawan? Ngayon pa lang nare-relax na ako sa tunog ng hampas ng alon sa dagat. That is wonderful. Pumikit siya at in-imagine ang ganda ng Anawangin ayon sa nakita niya sa online invitation para sa reunion nilang magkakakaklase sa taong iyon. Mistulang paraiso nga ang lugar. Parang nag-aanyayang mag-relax siya at mag-enjoy. Bigla siyang dumilat nang maalala ang mga trabaho. Disiplina, disiplina, disiplina iyon ang kailangan niya kung gusto niyang makuha ang promotion na inaasam niya. Hindi ito ang oras para magbakasyon. I am sorry, I cant. Nagpapatulong pa ang isang kasamahan ko sa account na hawak niya. Nagkasakit kasi ang anak niya.” Bumuntong-hininga ito. Oras na para isipin mo ang sarili mo at di puro ibang tao. Kailangan ko nang ilabas ang alas ko. Anong alas? nakakunot ang noo niyang tanong. Sandali lang. May ipapadala ako at tawagan mo ako kapag nagbago na ang isip mo. Isang picture ang ipinadala nito sa cellphone niya. May kasamang lalaki sa picture si Jaja. Biglang nawala ang antok niya nang makilala ito si Craig, ang crush niya noong high school siya. Hindi niya alam kung magko-collapse siya, magha-hyperventilate, magtititili sa shock o sabay-sabay iyong gagawin. Nanginginig ang kamay niyang tinawagan si Jaja. Oh, my God! Oh, my God! S-Si Craig a-ang kasama mo sa picture. N-Nasa Pilipinas siya! aniyang habol ang hininga at sinapo ang namamanhid na pisngi. Anong ginagawa niya dito? Crush niya si Craig noong high school siya subalit hindi nito alam. Mabait kasi ito, guwapo, matalino at walang kaere-ere. Matapos mag-high school ay nag-migrate na ang pamilya nito sa Amerika. Huli niyang balita ay ikakasal na ito. Bigla siyang nawalan ng pag-asa. Si Craig lang ang nag-iisang lalaking nagustuhan niya. Kahit pa nga nag-date siya noong college at pagka-graduate ay di siya nakakilala ng lalaking papantay sa mga katangian nito. Hindi natuloy ang kasal niya. Iyon lang ang sinabi niya sa akin kaninang nagkausap kami. Mukhang di niya gustong ikwento kung bakit hindi natuloy ang kasal niya. Biglaan daw ang pag-uwi niya sa Pilipinas. Para siguro maka-recover. Ito na ang chance na hinihintay mo, kinikilig na sabi nito. H-Hindi natuloy ang kasal niya? usal niya at ang lahat ng sinabi nito ay mistulang ugong na lang sa tainga nito. Ano? Gusto mo ba siyang makita? Aba! Bilis-bilisan mong humabol dito dahil nasa NLEX na kami. P-Pwede pa akong humabol? usal niya. Oo naman. At bilis-bilisan mong kumilos dahil nandito si Flonancy. Kanina pa nagpapa-cute iyon kay Craig. Umakyat ang dugo sa ulo niya nang marinig ang pangalan ni Flonancy. Cheerleader ito noon at pakiramdam nito ay patay na patay dito ang lahat ng guwapo sa campus. Pero si Craig lang ang hinabol-habol nito. Nawalan siya ng lakas ng loob noon na sabihin kay Craig na gusto niya ito dahil lagi siyang nilalait-lait ni Flonancy. Na kesyo di daw siya magugustuhan ni Craig dahil maraming babaeng mas maganda na nagkakagusto dito. Ngayon ay may kompiyansa na siya sa sarili. Hindi na siya ang Tatiana na nilalait-lait nito noon at di kagandahan. Alam niyang maganda siya. Siya ang tipo ng babaeng hinahabol ng mga may utak-utak na lalaki. Siya ang tipo ng babae na magugustuhan ni Craig. At dahil natupad ang pangarap niyang di matuloy ang kasal nito, hindi na niya palalagpasin ang pagkakataon. Bigyan mo ako ng instruction papunta diyan, sabi niya. Susunod ka na? Paano ang trabaho mo? tanong nito. May sakit ako ngayon hanggang sa Sunday. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi niya. Kaya walang magta-tag ng picture ko sa f*******:. Okay? Oh, perfect! Tatlong araw sa isang lugar na walang signal ng cellphone. Hindi siya matatawagan ng boss niya o ng mga kasamahan niya sa trabaho. Pwede din niyang kalimutan ang trabaho sa loob ng tatlong araw. Sa loob ng maraming taon ay wala siyang ginawa kundi mag-focus sa trabaho at sa pagpapaunlad ng career. Mababago na ang lahat mula sa araw na iyon. Makakapaghintay ang trabaho niya. Makakapaghintay din ang inaasam niyang promotion. Oras na para magkaroon naman siya ng personal life. Oras na para sa pag-ibig. Hindi siya aalis ng Anawangin ng walang love life. Titiyakin niyang babagsak si Craig sa mga kamay niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
416.4K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.4K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
792.1K
bc

Stan's Obsession (Last Story of Womanizer)

read
102.8K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
866.1K
bc

Worth The Wait

read
202.0K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook