Chapter 51

2017 Words
"Kamusta ang mga tao doon? Sinaktan ka ba nila?" tanong ni Grant sa akin. Siya ang sumalubong sa akin pagkauwi ko dahil saktong nasa labas siya ng gate at pauwi pa lang rin. "Ayos naman ang mga puppet ni Arman." Nanatili akong nakatayo dahil hinihintay kong umalis ang sasakyan ni Dexx bago ako nagsalita. "Puppet?" "Oo. Bawat isa sa kanila ay may pinapagawa si Arman. Para silang mga kawal ni Arman." Hindi ko na narinig ang sinabi ni Grant dahil nauna na akong pumasok. Gusto ko na magpahinga dahil sa pagod ko. Nasa kwarto lang ako at naisip ko ang gagawin ko laban kila Dexx. Tatanggapin ko ang alok nila bilang maging parte ng Lacson Empire. Kahit alam ko naman kilala na nila ako kung sino talaga ako. Hindi naman sila basta magtitiwala sa isang tao na ngayon lang nila kilala. Kung sa tingin nila ay mapapatahimik nila ako, pwes, papatunayan kong nagkakamali sila. "Kamusta ang pagpunta o doon?" tanong sa akin ni Camilla habang nasa hapagkainan na kami ng gabing iyon. "Camilla, galit sa kanila ang mga tao doon. Panigurado, masama rin ang turing nila sa magsasaka nila," sabi ko kay Camilla nang pagbalik ko. "Hindi na natin problema iyon Margaret. Ang plano natin ang intindihin mo. Kailangan makuha mo ang loob nila tapos ay maging Consultant ka ni Dexx." "Alam ko naman na may ideya na sila kung sino ako. Kung tingin nila ay makukuha nila ako par maanahimik, nagkakamali sila," sagot ko kay Camilla at nakita kong ngumiti siya sa akin bilang suporta. Dumating si Grant at agad siyang nakisalo sa amin. Hindi na muli namin napag-usapan ang tungkol sa mga Lacson ng gabing iyon at mga personal na bagay ang napag-usapan namin. "Grant, may kailangan ka ba sa kompanya mo?" tanong ni Camilla sa kapatid at doon ko lang napansin na wala nga palang sariling sekretarya si Grant, kaya paano kaya nag pagpapatakbo niya sa kompanya? "Wala nga ate, gusto ko sana mag-hire?" tanong ni Grant sa kanya at tumango lang si Camilla. "Margaret, anong posisyon pala ang ibibigay sayo ni Arman?" tanong sa akin ni Camilla at napatigil ako sa pagkain. "Gusto ko sana maging Consultant niya," sagot ko sa kanya at tumitig siya sa akin. "Sige, yan rin ang gusto ko pero ang pagkakaaalam ko, gagawin ka niyang Vice Governor?" tanong ni Camilla sa akin. Palipat-lipat ang pagtingin ni Grant sa amin na parang bola na pinagpapasa-pasahan namin ni Camilla. "Huwag ka na pumasok sa politika doon dahil hindi ka kilala ng mga tao. Matatalo ka lang," dagdag niya bilang sagot sa sarili niyang tanong. Wala talaga kong balak mapasama sa mga politiko dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako mamanalo. Hindi ako kilala ng mga tao kaya bakit ako iboboto? Hindi ako magpapasakay sa gusto ng mga Lacson porket alukin ako ng mataas na posisyon, si Dexx pa rin ang masusunod. Kung kaya mas maigi talaga kung ako ang magiging Consultant niya. Kailangan kong pag-aralan ang hawak nilang lugar para malaman kung ano ang mga bagay na ginawa nila para apihin ang mga tao doon at gagamitin ko iyon laban sa kanila. Madali lang maghanap ng proweba kung paano mapapaamin si Dexx sa kasalanan niya pero ang pagpapahirap nila sa mga magsasakaya ay hindi madaling gawin dahil marami silang ina-grabyadong tao. Simula sa maliit na pagpapasahod nil hanggang sa pag-angkin ng mga lupang sinasaka ng mga tao tapos ay maliit lang kung bumili ng sako ng bigas. "Nga pala, Grant. Nalaman ko na may mga investors ang lumipat sayo?" tanong ko sa kanya para naman maramdaman niya na parte siya ng plano namin. "Oo, pano mo nalaman?" "Pinagalitan ni Arman si Misa dahil hinayaan niyang lumipat ang mga investors." "Kaya ba nasabi mo na puppet sila Dexx dahil si Arman ang namumuno sa kanila?" "Oo, Grant. Gano'n na nga. Sa totoo lang, naaawa ako kay Misa. Sa kagutuhang makatulong, nagiging sunod-sunuran kay Arman." "Wala ka na magagawa pa, yon ang desisyon niya," sagot ni Grant sa akin at pinagpatuloy na lang ang pagkain niya. May naisip na akong plano at kailangan ko ang tulong ni Mina at Greg para gawin yon kaya agad ko silang pinuntahan sa Condo pagkatapos kong maghapunan at doon na rin ako matutulog ngayong gabi. "OMG! Anong nangyari?" tanong ko nang makita ang sasakyan nila na may nakasulat na 'RAPIST!' Nakatayo silang lahat ngayon sa isang kotse na naka-park sa tapat ng mansion nila. Galit ang reaksyon na makikita sa kanilang mga mukha. "Margaret, bakit naparito ka?" tanong sa akin ni Arman. Hidi nila ako inimbita ngayong araw at kusa akong pumunta. Napatingin ako sa kanya at lumapit. "Well, gusto ko sana pag-usapan ang tungkol sa inaalok mo sa akin dahil hindi kita nakausap kahapon," sabi ko sa kanya at tumabi sila Dexx at Misa sa matanda. "Margaret, ikaw ba may gawa nito?" tanong sa akin ni Dexx. Matalim ang kanyang tingin sa akin at lumingon sa kanya si Arman. "Manahimik ka nga, Dexx! Tigilan mo si Margaret," sigaw ng matanda sa aknya at ngumisi ako dahil ako ang kinampihan ng matanda. "Pinagbibintangan mo ba ako? Kung sakaling gagawa ako ng ganyang klase ng bagay, sisiguraduhin kong iiwanan ko ng hindi humihinga ang biktima ko!" sigaw ko na umalingawngaw sa kanilang lahat. Napatingin na rin sa amin sila Philip at Josef at aktong lalapit. Hinampas ni Arman ang kanyang apo ng hawak niyang baston at nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Hindi lumaban si Dexx, bagkus, pumasok na lang siya sa loob ng bahay nila. "Pasensya ka na, Margaret. Halina at mag-almusal na tayo," sabi sa akin ni Arman at sumunod ako sa kanya. Paglagpas ko kay Josef, tinapunan ko siya ng makahulugang tingin at ngumisi. "Arman, ayokong pumasok sa politika pero gusto kong magkaroon ng posisyon sa partido ng apo mo. Gusto kong maging personal consultant niya," sabi ko sa kanya nang kaming dalawa lang ang nasa hapagkainan. Hindi sumunod sa amin ang mga apo niya. "Myrna! Tawagin mo na ang mga apo ko para makapag-almusal na kami," utos niya at saka siya tumingin sa akin. "Personal Consultant, huh? Well, kaya ko naman ibigay sayo iyan, ang tanong, ano ang kaya mong ibigay sa amin?" mapanukso niyang tingin sa akin at napangiti ako. "Bukod sa makakapagbigay ako kay Dexx ng mga magandang proyekto, kaya ko rin suportahan ang iilan sa mga livelihood na nasasakupan niyo, financially." "Madali lang naman mabigay ang gusto mo, ang gusto ko ay isang mapagkakatiwalaan at responsableng tao." "Maaasahan mo ko diyan. Kung gusto mo, pa-imbestigahan mo kung paano ko napalago ang negosyo ko," panghahamon ko sa kanya pero hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang mga apo niya at isa-isang umupo sa hapagkainan maliban kay Dexx. "Nasaan si DJ?" tanong ni Arman pero walang gustong sumagot sa tanong niya. Tinuktok niya ang dulo ng kanyang baston at nagulat ang lahat dahil sa ginawa niya. "U-umalis siya, pinalinis ang kotse," sagot ni Misa at tumango lang si Arman sa kanya. "May lihim bang galit ang mga tao sa inyo at bakit inaakusahan kayong rapist?" seryoso kong tanong sa kanila. Alam ko naman hindi sila aamin pero halatang-halata na ang galit s kanila ng mga tao dahil hindi naman sila gagawa ng mga ganitong bagay sa pamilya nila. "Hindi ko rin alam kung bakit nitong mga nakaraan, humihina ang binibigay ng mga magsasaka, may mga nagwewelga, umaalis na investors," sagot ni Arman sa akin at bumugtong hininga ng malalim. Kita na rin ang pagod sa mata ng matanda. "Bakit hindi mo pa-imbestigahan ang nangyayari?" tanong ko at sumama ang tingin sa akin ni Josef dahil sigurado akong may kasalanan siya sa mga magsasaka at kapag nalaman ni Arman, magaglait ang matanda sa kanya. Habang tahimik na kaming kumakain ay may narinig kaming nagsisigawan sa labas at pinapaalis ng mga tauhan nila ang isang babaeng nagwawala. Magkakasabay kaming tumayo para tingnan kung ano ang nangyayari at huling nakarating sa sala si Arman. "Kriminal ka! Ginahasa mo ko!" sigaw ng babae at lumapit kay Josef saka walang tigil na pinaghahampas ito. "Hindi kita kilala! Sino ka ba!" sigaw ni Josef sa babae at pilit na inaawat ito. Hinawakan ng mga bodyguard ang babaeng iyon at pinalayo kay Josef. "Josef, ikaw ang tinutukoy na rapist?" tanong ko at umarteng gulat na gulat dahil sa narinig pero sa loob-loob ko ay labis akong natutuwa dahil nalalaman na ni Arman ang mga pinaggagawa ng kanyang mga apo kapag wala ito sa ilalim ng kanyang pakpak. "Sino ka bang hampaslupa ka at sa tingin mo, papatulan ak ng apo ko?! Palabasin niyo yan dito!" sigaw niya at sunod-sunod na tinutuktok ang kanyang baston. Kinaladkad ng mga bodyguard ang babae palabas tapos ay bumalik kami sa hapagkainan pero wala ng gustong magpatuloy sa pagkain dahil sa nangyayari. "Ikaw, Josef, ayusin mo ang gulong ginawa mo! Kung kaya mo patahimikin at bayaran gawin mo! Ayoko lang mabahiran ng dungis ng kasalanan mo ang pagtakbo ng pinsan mong si Dexx!" sigaw ni Arman sa kanya. "Hindi ko kilala ang babaeng iyon at wala akong ginagawang kahit-" napatigil si Josef at tumingin sa akin. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang magkabilaan kong braso. "Ikaw! Umamin ka na! Ikaw ang kasintahan ni Dexx noon at kaya ka nandito, para maghiganti!" sigaw niya sa akin. Hinawi ko ang mga kamay niya at sinampal ko siya. "Kung gaganti man ako, madaling tapusin ang buhay niyong dalawa ng pinsan mo! Wala kang ebidensya sa mga pinagsasabi mo!" sigaw ko sa kanya at nakipagtitigan ako ng masama. "Josef! Tumahimik ka! Umalis ka sa harapan ko at sobrang nagdidilim ang paningin ko sa'yo!" sigaw ng matanda at tinitigan siya ni Josef bago tuluyang umalis sa hapagkainan. "Arman, pagsabihan mo yang mga apo mo! Hindi ako ang kaaway niyo kaya kung pwede, tigilan nila ang pangbibintang nila sa akin. Kung sino man ang sinasabi niyang kasintahan ni Dexx ay panigurado akong hindi ako iyon!" sigaw ko sa kanya at umalis na ako. Pinigilan pa ako ni Arman pero hindi ako nagpatinag at patuloy lang ako palabas ng bahay nila. Nang matapos ang agahan na iyon ay umalis na rin ako agad. Tinawagan ko si Greg para sunduin ako at ihatid sa aking Condo. Pagpasok ko sa kotse, nandoon si Mina at kasama ang isang lalaki. Inabot ko sa kanya agad ang bayad ko dahil sa ginawa niyang pagpipinta sa kotse ni Dexx bago ako dumating. Hinatid na namin ang lalaki at babae sa isang lugar kung saan hindi makikita na magkakasama kami. "Mina, siguraduhin mong hindi magsasalita ang mga taong iyon. AYokong mabulilyaso tayo," bilin ko kay Mina habang nasa sasakyan kami. "Opo, kababata ko naman po siya at siguradong-sigurado ako na hindi siya magsasalita," sagot niya s akin at hiniga ko na muna ang ulo ko sa headboard ng sasakyan dahil sa pagod. Pagod na makipaglokohan sa mga Lacson at sa pag-iisip kung ano ang mga bagay na pwede kong gawin para mapaglaruan ko sila. Habang nasa Condo ako kasama sila Greg at Mina... Umiinom ako ng scotch habang nag-iisip kung paano mapapalabas ang katotohanan kay Dexx at Josef nang biglang tumabi sa akin si Greg at may hawak ring beer at sigarilyo. "Kailan ka pa natutong uminom ng alak?" tanong niya sa akin at ngumiti lang ako. Minsan sa pag-inom ng alak ay nakakapag-isip ako ng mga plano para pabagsakin ang mga Lacson. "Greg, may kilala ka bang mag-asawang kailangan ng pera? Gusto kong palabasin sa lahat na isang rapist si Dexx at Josef. Bukas rin ay kailangan ko na sila," tanong ko sa kanya at sumunod sa kanya si Mina at tumabi sa akin. "Hindi ako makatulog at naririnig ko kayong nag-uusap. Marami akong kailangan ng pera ngayon," sabi ni Mina at agad siyang tumabi sa akin. "Kung gano'n, kailangan ko ng isang babae para magkunyaring ginahasa siya ni Josef at isang lalaki para pinturahan ng salitang 'Rapist' ang isa sa mga sasakyn nila," sagot ko kay Mina at tumango siya s akin saka naging abala sa kanyang telepono. Kinuyom ko ang aking kamao habang iniisip kung ano ang magiging itsura ni Arman kapag nalaman niyang may demonyo siyang inaalagan sa bahay niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD