Chapter 50

2011 Words
Kaming dalawa pa lang ni Philip ang gising ng umagang iyon at magkasalo sa hapag-kainan. "It's so peaceful na wala si Dexx sa hapagkainan." "I know right. Kaya mas pinili kong bahay ang asikasuhin ko. Dahil nakaka-stress ang mga nakatoka sa kanila." "Well, alam ko yan. Kaya nga gusto ko mag-invest na lang pero maganda pa rin magkaroon ng sariling negosyo." Natigil si Philip sa sasabihin niya dahil bumaba na si Dexx kasama si Josef. Mapungay ang kanilang mga mata at halatang puyat na puyat pa rin. "Goodmorning," bati ni Philip sa kanila at binati rin siya ng dalawang bagong dating pero parang hindi man lang nila ako tinapunan ng atensyon. Hindi nila ako binati at basta na lang umupo sa hapagkainan at nagsandok ng makakain nila. "Sabi ng Lolo, ipasyal kita sa bukid. May dala ka bang damit na presko? TIngin ko wala. Puro pang-sexy ang suot mo." Lumingon siya sa akin at ginala ang kanyang mata sa aking katawan. Isang tube at maiksing shorts ang suot ko ng uamgang iyon dahil sa sobrang init ay para akong nililiyaban kung normal na damit ang suot ko. "Yes. Minamaliit mo ba ako? I am born ready!" sagot ko sa kanya at humaba ang kanyang nguso at namangha sa sinabi ko. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Dexx. "Margaret, concern lang si Josef sayo. Tingnan mo nga yang suot mo. Hindi mo man lang naisip na may mga lalaki kang kasama dito sa bahay namin. And, bisita ka dito, please dress accordingly," saway sa akin ni Dexx at hindi na ako nakasagot dahil may isang babaeng dumating at lumingkis agad kay Dexx ito. Kagaya ng suot ko, mapang-akit rin ang mga iyon pero hindi man lang lumayo si Dexx sa babaeng iyon. "What is she doing here? Diba, pinagsabihan ka na ni Lolo na huwag papuntahin yang babaeng yan dito?" saway ni Philip sa kanya at umirap naman ang babae. "Rosa, diba nag-usap na tayo tungkol dito?" sabi ni Dexx sa kanya at hindi man lang niya pinaupo ang babae. Ngumuso ito sa kanya at parang nadismaya sa sinabi ni Dexx sa kanya. "Fine. Napadaan lang naman ako," sagot ng babaeng si Rosa at umalis na rin agad sa hapagkainan. Parang wala lang kay Dexx kung umalis ang babaeng iyon. Ang pumasok agad sa isip ko ay ito ang kanyang nobya. "Ganito pala sa bahay niyo, kahit sino nakakapasok," sabi ko sa kanila ay nagsimula na kumain. Tinitigan ko si Philip at alam kong hindi siya natuwa sa sinabi kong iyon. Gusto kong ilabas ang lahat ng ugaling mayroon sila at magagawa ko iyon kung sasagarin ko sila sa inis at galit. Hindi na sumunod sa amin sila Misa at Arman kahit tapos na kaming kumain at wala man lang naghanap sa kanila ng mga sandaling iyon. Agad akong nagbihis dahil ayokong paghintayin si Josef. Nakaayos na kasi siya ng umagang iyon. Isang puting t-shirt at pantalon ang suot ko tapos ay doll shoes lang para sa aking sapatos. Sumunod na lang ako sa kanya habang pasakay kami ng sasakyan. Tatlo kaming nasa sasakyan ng umagang iyon. Hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kaya inabala ko na lang ang sarili ko at kausapin sila Grant at Camilla. Ngayon ko lang nahawakan ang aking telepono dahil sa pagkaabalang magmatyag sa bahay nila. "Mag-iingat ka diyan." text sa akin ni Grant at agad ko iyon sinagot para malaman niyang nasa maayos akong kalagayan. "Alam mo, hindi ko alam kung nananaginip lang ako kagabi pero parang nakita ko sa kwarto ko si Rion," biglang usal ni Dexx at napatingin ako sa kanya. "Panaginip mo lang iyon. Masyado mong minahan ang babaeng iyon eh. Gumawa---" natigil na sasabihin sana ni Josef at tumingin sa akin. "May problema ba?" tanong ko sa kanya at umiling lang siya sa akin. Alam kong ang panggagahasa nila sa akin ang gusto niyang sabihin ng sandaling iyon pero dahil nandito ako ay hindi niya magawang sabihin. Mabuti na lang at hindi umaambon o umuulan ng araw na iyon dahil kung nangyari iyon, mabubulilyaso ang plano ko. Huminto kami sa isang kubo at nakita kong may ilang mga magsasaka ang kumakain doon ng tanghalian. Bumaba sila at hindi man lang binati ng mga tao si Dexx at Josef, bagkus ay umiwas ang mga ito at nagsipag-pasukan sa loob ng kubo. Naiwan lang ang isang lalaki at iyon na ang sumalubong sa kanila. "Magandang araw po, Senyorito, may mapapaglingkod po ba kami?" tanong ng matandang lalaki kay Dexx at nakita kong bumulong si Dexx sa kanya at paay ang pagtango ng matanda sa lahat ng sinasabi nito. "Tara na, pumunta tayo sa prutasan," sabi ni Dexx at inalalayan ako sa paglalakad. Nagulat ako ng tumabi sa akin si Dexx at may hawak na payong saka tinutok sa akin. "Malayo ang lalakarin natin at tirik ang araw. Baka pagalitan pa ako ni Camilla kapag nangitim ka," pagpapaliwanag ko at hinayaan ko an lang siya sa gusto niya. Hindi naman masama iyon. "How sweet," bulong ni Josef ng malagpasan niya kami dalawa ni Dexx. Umismid ako sa sinabi niyang iyon at kumapit ako sa braso ni Dexx. Napalingon siya sa akin kaya ngumiti ako at hindi niya naman inalis ang kapit ko sa kanya kaya alam kong ayos lang iyon. Malakas ang ihip ng hangin at labis akong natutuwa kapag may madadaanan kaming mga palay na tinatangay ng hangin. Ilang minuto rin kaming lumakad hanggang sa makarating sa lugar na puro puno ng mangga ang tanim. "Bakit ilang ang mga tao sa inyo, hindi nila kayo pinapansin?" tanong ko sa kanila pero umilingl nag sa akin si Dexx at nagpatuloy sa paglalakad. Parang hindi ata ako dapat magtanong sa kanya dahil alam kong hindi maganda ang dahilan ng pag-iwas ng mga tao. "Manong Ipe, hinog na po na ang mga mangga?" tanong ni Dexx sa kanya at bumaba ang isang matanda na nasa taas ng puno. May nakasabit na basket sa likod nito at punong-puno na ng mga mangga kaya naging mabagal ang pagbaba nito. "Insan, kakausapin ko muna ibang trabahdor. Maiwan muna kayo ni Margaret," sabi sa amin ni Josef at talagang malis na siya at lumapit sa mga kumpulan ng mga magsasaka. "Tara?" pag-aaya sa akin ni Dexx at nilahad muli ang kanyang kamay tapos ay pumunta kami sa isang parte ng taniman na iyon at nakita ko ang isang ilog at may munting hardin sa tabi nito. "Gusto mo ba maligo?" tanong niya sa akin at umiling ako. Pinagmasdan ko ang talon sa ilog na iyon at may iilan rin naglalaba sa di kalayuan. Naghubad siya sa harapan ko ng pag-itaas at pati ang kanyang pantalon tapos ay tumalon na sa ilog. Ilang segundo lang ay umangat na siya sa tubig. Kulay asul ang tubig at talagang nakakaakit maligo. Nagdesisyon akong maligo na rin dahil sa init ng panahon. Ngumiti ako sa kanya at tumayo. Habang nasa tubig siya ay nagsimula na akong magtanggal ng pang-itaas ko at pantalon. Nakita kong nanglaki ang kanyang mga mata dahil sa ginawa kong iyon tapos ay tumalon na ako sa tubig. Ramdam ko ang lamig at talagang para akong tinutusok sa balat dahil sa lamig. Mabilis akong lumangoy pataas at pagdilat ko nakita ko si Dexx sa harapan ko. Mas nakita ko ang taglay niyang kasikigan. "Ang pogi ko ba?" tanong sa akin ni Dexx at agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Lumangoy na rin ako palayo sa kanya at nang lumingon ako, nakita ko ang pagkatakot sa kanyang mukha. Lumangoy siya papalapit sa akin at agad akong hinila papalayo sa parte ng ilog na iyon. "Madaming linta doon," sabi niya sa akin at hanggang sa makarating kami sa batuhan, pinaupo niya ako doon at tiningnan ang mga hita ko. "Buti at walang dumikit na linta sayo," sabi niya sa akin at umupo na lang sa tabi ko. Nakaramdam na naman ako ng lamig dahil sa pagdaan ng hangin kaya niyakap ko ang sarili ko gamit ang aking kamay. "Magbihis na tayo. Sigurado ay nakahanda na ang mga prutas na pinakuha ko kay Mang Ipe," sabi niya sa akin at inalalayan ako paalis sa ilog. Nang makabalik na kami sa taniman ng mga mangga ay nakahain na ang lamesa at may mga sariwang prutas at pagkain doon. Tinawag kami ni Mang Ipe at mabilis akong umupo sa lamesa dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Agad kong nilagay ang isda sa plato ko at nagsandok ng kanin. "Ang sarap ng pagkakaluto ng isa, sariwang-sariwa po." Sinawsaw ko ang kinuha ko laman ng isda at masayang kinain iyon. "Kumain ka lang. Alam kong matagal ka na di nakakakain ng isda," sabi sa akin ni Dexx at nilagyan muli ng isda ang plato ko. Natigilan ako sa sinabi niya dahil kung papaano ako kumain ngayon ay gano'n rin dati. "Pano mo naman nalaman na matagal na akong di kumakain ng ganito?" tanong ko sa kanya at nilinis ang kamay ko saka kumilos bilang si Margaret. Hindi na siya muli pang kumibo at nang matapos kaming kumain, umalis ang na kami at bumalik sa isang kubo. Kaming dalawa lang doon kaya naman may distansya sa pagitan namin. "Dexx, bakit may mga taong papunta dito?" Nakasilip ako sa bintana nang makita ko sila. "Saan?" Humakbang siya papalapit sa akin at sinilip rin ang sinasabi ko. Agad sinara ni Dexx ang pinto ng kubo para 'wag makapasok ang mga ito. '"Dexx! Ibalik niyo ang lupain namin!" sigaw ng isang lalaki at sinundan pa ng mga kasma niya. Kinabahan ako ng oras na iyon dahil sa mga galit nila na parang handa ng pumatay. Lumabas na lang siya at sinara ang pinto. Nakinig lang ako sa kabilang parte ng pinto sa kung ano ang pag-uusapan nila ng sandaling iyon. "Teka ho, sandali! Ano po bang problema?" tanong ni Dexx sa kanila at tinago ako sa kanyang likod. "Yang magaling mong pinsan, hindi na naman kami pinasahod sa tamang araw. Ilang araw na kaming delay!" sigaw ng lalaki sa kanya at inamba ang hawak niyang itak. Umilag si Dexx pero biglang sumigaw si Manong Ipe. "Lando, tumigil ka!" sigaw nito sa lalaki at napatingin ang lahat sa kanya. Binaba ng lalaking Lando ang pangalan at lumapit kay Manong Ipe. Nagbubulungan lang sila at tinuro ang gawi namin. "Tara na mga kasama, umalis na tayo," sigaw ni Lando at sumunod naman ang mga kasamahan niya. "Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Dexx pero pagtingin ko sa kanya ay naging abala na siya sa kanyang telepono. "Nasaan ka Josef! Sinugod kami ng mga magsasaka dito! Ano na naman ang ginawa mo?" galit na tanong ni Dexx at tumingin sa akin. Matalim na naman ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at sumenyas para magtanong kung ayos lang ako. Tumango ako sa kanya at tumalikod na siya sa akin. "Mag-usap tayo mamaya sa bahay," sabi niya kay Josef at binaba na ang tawag. "Ihahatid kiya sa inyo mamaya, ayusin mo na ang gamit mo." Lumakad na siya palayo sa akin at sumunod na lang ako sa kanya na may halong pagtataka. Hindi pinapasahod ni Josef sa tamang araw ang mga magsasaka at hindi niyon alam ni Dexx. Kung hindi niya iyon malamang ay hindi rin alam ni Arman iyon. Sigurado akong pag nalaman ni Arman ang tungkol doon ay magagalint ito kay Josef. May kanya-kanya talaga silang mga kasamahan na ginagawa sa mga tao dito sa kanilang lugar, kaya siguro walang magsasaka ang bumabati sa kanila dahil doon. "Margaret, huwag sana makarating kay Lolo Arman ang nangyari kanina," pakiusap niya sa akin habang nasa kotse na kami pauwi. Takot siguro siyang malaman ni Arman na pumalpak si Josef at ayaw niyang mapagalitan ang paborito niyang pinsan. Kung malalaman ni Arman ang tungkoldoon ay hindi sa akin manggagaling iyon. Kung hindi sa mga sangay ng gobyerno. "Sure, hindi naman ako mangingialam sa kung paano niyo itrato ang mga tao dito. I have my own business to deal with," sagot ko sa kanya at natahimik na kami pauwi. Naging abala siya sa kanyang telepono at mabilis ang kanyang pagtitipa na parang may kaaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD