Chapter 49

2005 Words
"Ito na ba ang mansyon niyo? Ang laki naman pala at ang lawak ng palayan niyo, pero bakit walang mga magsasaka?" tanong ko sa kanya habang nasa sasakyan kami at tinatahak ang bukid papunta sa kanila. "Hindi ko rin alam. Si Josef ang humahawak sa mga magsasaka dito at sa koop," sagot sa akin ni Misa at napansin ko rin, nang may madaanan kaming isang magsasaka, hindi man lang nila nagawang batiin si Misa. Siguro dahil sa kasamaan ng ugali nila ay pati ang mga trabahador ay galit sa kanila. Nakakapagtaka kasi na hindi man lang nito nagawang pansinin si Misa. "May kanya-kanya na kaming hinahawakan para makatulong kay Lolo Arman. Si Josef, siya ang bahala sa mga palayan. Si Joshua nasa Manila para asikasuhin ang negosyo doon. Si Philip naman ay ang nag-aasikaso sa bahay tapos at kami ni Dexx ang bahala sa negosyo pero dahil problemado siya, hinayaan muna namin siya. Ngayon, siya na ang papalit kay Lolo bilang Gobernador," paliwanag ni Misa sa akin at tanging pagtango lang ang nasagot ko sa kanya. Hindi pala ako nagkamali sa taong nilapitan. Si Misa at Dexx ang may hawak sa kayamanan nila at ngayon, tatakbong Gobernador si Dexx. Isang bagay na labis kong kinasasaya dahil malalaman ko ang bawat transaksyon nila at alam kong may mga illegal silang ginagawa kaya hindi mabitawan ni Arman ang koneksyon sa politika. Talaga ngang puppet ang turing ni Arman sa mga apo niya at bakit hindi man lang nangingialam ang mga magulang ng mga ito? "Bakit kayo ang pinapakilos ni Arman? Nasaan ang mga magulang niyo?" tanong ko muli sa kanya pero tumungo lang siya sa akin. Parang may nasabi akong hindi maganda dahil doon. "Mga bata pa lang kami, namatay na sila sa aksidente. Nahulog sa bangin ang sinasakyan nilang kotse kaya rin hindi na makalakad ng maayos si Lolo dahil doon," sagot niya at hindi na ako muling nagtanong pa. Nang makaasok ako sa bahay, talagang namangha ako dahil marmol ang pader na ginamit doon at masasabi kong isa nga itong mansyon pero hindi mga tao ang nakatira kung hindi mga laruang manika na pinapakilos ni Arman. "Margaret!" bati sa akin ni Philip at hinalikan ako sa pisngi. Iginaya niya ako para umakyat at nakita ko sa gitna ng hagdan ay may malaking litrato ng buong pamilya nila na nakalagay doon. Nasa gitna nila si Misa at nakaupo samantalagang sa kaliwa niya ay si Philip at Joshua. Sa kanan naman ay si Dexx at Josef. "Dito ako tutuloy mamayang gabi," sabi ko kay Philip at labis siyang natuwa sa sinabi kong iyon. Nagningning ang kanyang mga mata. "That's great!" sabi ni Philip sa akin at tinawag ang isang katulong. "Halika at ipapakita ko sayo ang tutuluyan mong kwarto." dagdag niya pa at hinawakan ang kamay ko saka umakyat na kami sa hagdan. May ilang pinto doon at natitiyak kong yon ang kanilang mga kwarto. "Dito ka matutulog mamaya. Papalinis ko na lang sa mga katulong," sabi niya sa akin at binuksan ang pinto at kinuha ang bag ko saka nilagay sa kama. "Maraming salamat." Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at tinitigan niya ito saka kinuha. "Misa, pakita mo muna kay Margaret ang garden dito. I'll bet, she will like my creation," sabi niya sa akin at lumabas na kami ng kwarto. Sinalubong ni Philip ang mga katulong at nagpatuloy na lang kami ni Misa sa paglalakad palabas ng mansyon. Sandaling oras lang kaming nanatili sa hardin nila dahil tinawag na kami agad ng katulong para sabihing handa na ang hapunan. Nagtungo na muna ako sa aking kwarto para magpalit ng damit. Nilibot ko ang kwarto para makahanap ng ilang mga papeles na maaari kong gamitin laban sa kanila pero walang laman ang kwartong iyon. "Margaret, tara na!" tawag sa akin ni Misa at lumabas na ako ng kwarto. Inusisa ko ang loob ng bahay kung may kakaiba rito. May mga nakabantay ng mga bodyguard sa bawat sulok ng bahay. "Bakit marami kayong bodyguard?" tanong ko kay Misa pero nagkibit-balikat lang ito. Alam kong may di sinasabi sa akin si Misa at aalamin ko na lang iyon habang naghahapunan. "Goodevening!" bati ko sa kanila at parang nakakita ng multo sila Dexx at Josef dahil nanglaki ang kanilang mga mata ng makita ako. "You look surprise, Dexx?" bati ko sa kanya at doon ako umupo sa tabi niya. Nasa pinakadulo si Arman, sila Josef, Philip at Misa naman ay nasa harapan namin. "Mabuti naman at napaunlakan mo kami, Margaret. Welcome to our family. Tama ba, Dexx?" tanong niya sa kanyang apo at sa kanya naman tumitig si Dexx habang nagtataka ito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Dexx sa matanda at humalakhak ito. "Oh, come on. Dexx, alam kong si Margaret ang ideal woman mo. Kilala kita." Nagsandok na ng pagkain si Arman pero nakatitig pa rin kay Dexx tapos ay tumingin rin sa akin. "Arman, hindi ko alam na joker ka pala. Hindi pa nakaka-move on si Dexxsa ex-lover niya. Nung nakaraang gabi, pinagkamalan niya pa ako ang ex-lover niya." sabi ko sa matanda at pekeng ngumiti tapos ay bumalik kay Dexx. "Nga pala, bakit mo naman napagkamalan na ako ang babaeng iyon, Dexx?" tanong ko sa kanya at yumuko lang ito at hindi makatingin sa akin. "Tama na yan, kumain na lang tayo." Nagsandok na rin ng pagkain si Philip at natahimik na si Arman at tahimik na kaming kumain. Palihim kong pinagmasdan sila Josef at Dexx dahil pasulyap-sulyap sa akin si Josef tapos ay lilipat kay Dexx. "Josef, may gusto ka bang sabihin?" mataray kong tanong sa kanya at binagsak niya ang kubyertos na hawak niya. "Well, kamukha mo kasi talaga ang dating nobya ni Dexx kaya di ko mapigilan titigan ka," mapanuya niyang sabi sa akin at nalipat ang tingin ko kay Dexx. "Is that true? Palagi naman kasing masama ang tingin sa akin ni Dexx at parang may gagawing masama sa akin," maamo kong sagot at tumawa lang si Josef. Magiging kamukha talaga ako ng dating mong nobya dahil ako rin naman iyon. Ibang pangalan at pag-uugali lang. Ngumisi ako dahil nakita ko ang pamumula ng mukha ni Dexx. "Pwede ba, wala ba kayo ibang mapapag-usapan? Ikaw Misa, kamusta ang kompanya?" sabat sa amin ni Arman at nakita kong nanglaki na naman ang mata ni Misa. Matagal bago nakasagot si Misa dahil sumenyas ito para sa sagot niya. "Ah, Lolo, may ilang investors ang lumipat sa GN Corporation," mahinang sabi ni Misa at umalingawngaw ang pagpukpok ni Arman ng kanyang baston. "Bakit hindi mo kayang panatilihin ang loyaltyngmga investors natin?"galit na sigaw ni Arman sa kanyang apo at naluha na lang si Misa sa takot kay Arman. "S-si Dexx daw po kasi ang gusto nilang makausap," nanginginig na sagot nito sa kanya at sinamaan nito ng tingin si Dexx. "And?" ani ni Arman. Pansin ko na sa kanya ang pagkadismaya dahil sa sinabi ni Misa. "Arman, gano'n talaga sa negosyo. May mga umaalis at may bagong darating." Pinatong ko sa likod ng mga palad ko ang aking baba at mapang-akit na tumingin kay Arman. Ngumiti ako kay Misa pero matalim na tingin ang binalik niya sa akin kaya tinaasan ko na rin siya ng kilay. "What do you mean?" tanong niya sa akin at tinuro ko ang sarili ko saka tumawa ng kaunti. "I'm here. Nasa harap niyo na ako. Hindi ba, sayo na rin nanggaling na para akong si Dexx? Why not try me." Mapang-lait kong sabi sa kanya at tumango si Arman habang nakatingin na parang may pinaplano siya sa akin pero kita sa kanya ang saya nang sabihin ko iyon. "Walang lugar ang Lacson Empire para sa mga amateurs," sabat ni Dexx at tumawa ng malakas si Josef at umirap naman si Philip sa akin. Para akong binuhusan ng malamig sa sinabi niyang pang-iinsulto sa akin. "Amateur?" pagmamamaang-maangan ko sa kanya para hindi ko mapahalata ang pagka-inis ko sa kanya. "Yes. Actually, nalaman kong dalawang na buwan ka pa lang humahawak ng isang malaking kompanya. Mas matagal pa nga sayo si Misa kung tutuusin," sagot niya sa akin at pinanglakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niyang iyon. Paano niya nalaman na dalawang buwan pa lang ako sa paghahawak ng nito pero malamang ay pina-iimbestigahan niya na ako. "Pina-iimbestigahan mo ba ako?" tanong ko sa kanya at natigil kami sa pag-uusap dahil hinampas ni Arman ang lamesa gamit ang kanyang kamay. "Tama na yan! This is very unusual dinner for Margaret. Baka isipin niya ay tinuturing natin siyang kaaway. Ang pagpapa-imbestiga mo kay Margaret ay sobrang inappropriate, Dexx." Pinukpok na naman nito ang dulo ng kanyang baston sa sahig para sabihin na siya ang masusunod. Magkakasunod kami ni Misa para umakyat at naisip kong magpalit na ng pangtulog. "Ah, Misa. Pwede ba akong makahingi ng isang baso ng wine with ice tapos ay isang baso? Tingin ko kasi mamamahay ako ngayong gabi. Hindi ako sanay makitulog sa ibang bahay," sabi ko sa kanya habang nasa unahan ko siya. "Sure. Ihahatid ko na lang sa kwarto mo," sagot niya sa akin at mag-isa na akong nagtungo sa kwarto. Mainit ng gabing iyon at naisip ko maligo para mabawasan ang init sa katawan ko. Pakiramdam ko ay para akong nasa impyerno dahil mga demonyo ang kasama ko sa bahay na 'to. "Gusto mo rin ba, Misa? Nakaka-miss ang makasama ka," sabi ko sa kanya at pinapapasok ko pa siya sa kwarto ko pero tumanggi siya. "Maaga ako aalis bukas, pasensya ka na." Sinara niya ang pinto pagkaabot sa akin ng hinihingi ko at tumalikod na rin ako. Kailangan kong magpalipas ng oras para makapaglibot dito sa bahay nila mamaya kung kailan tulog na silang lahat. Nang matapos na ako sa isang bote ng wine ay nakaramdam na ako ng pagkaaliw kaya naman dahan-dahan ko na binuksan ang pinto pero nagulat ako ng makita ko si Dexx sa labas ng pinto ng kwarto ko. Mabuti na lang ay hawak ko ang bote ng wine para gawing alibi kapag nahuli akong nag-iikot. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkagulat. "Gusto ko lang kamustahin kung okay ba sayo ang kwartong ito?" "Ayos naman. Hindi naman ako mapili sa tutulugan." "Gano'n ba? Hindi ka ba naiinitan diyan?" Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Naka lingerie na suot ko. Totoong sobrang mainit dito sa kwartong ito at wala man lang aircon tapos ay isa lang ang bintana. "Sa totoo lang, mainit nga dito pero gano'n naman talaga sa probinsya, maalinsangan." Hinawi ko ang aking buhok at pinaypay ang kamay ko sa aking leeg. Nakita kong tinitigan iyon ni Dexx at yumuko sandali pero bumalik rin ang tingin sa akin. "Kung gano'n gusto mo bang magpalit tayo ng kwarto? May aircon ako do'n." Tinuro niya ang kanyang kwarto tapos ay lumingon na rin. Masyado naman naging mabait sa akin ngayon si Dexx at nakakapagtaka lang. Ganito rin ang trato niya sa akin noong kinikilala niya pa akong Rion pero hinding-hindi na ako mahuhulog sa patibong niya. Ang pagbabait-baitan sa mga babaeng hindi niya kayang makuha agad. "Sure ka?" tanong niya at parang isang maamong bata. "Yes. And besides, hindi mo kailangang maging mabait sa akin. I'm not one of the common girls na makukuha mo sa pagiging bait-baitan mo. Marami na akong nalaman tungkol sayo, including sa pagka-involve sa isang kaso ng rape," sagot ko sa kanya na dahilan para manglaki ang kanyang mga mata. "Anong ibig mo sabihin, rape?" pagtataka niyang tanong. Alam kong nagmamaang-maangan siya para pagtakpan ang kanyang kasalanan. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kung gusto niyang makipaglokohan, papatulan ko siya. "Salamat pero ayos na ako dito," sagot ko sa kanya at nilahad ang bote ng wine. Kinuha niya iyon at sinara ko na ang pinto ng aking kwarto. Pakiramdam ko ay binabantayan niya ako kaya hindi ko na nagawa paa ang maglibot sa pamamahay nial dahil doon. Kailangan kong bumalik dito para sa mga susunod na araw. Hindi sapat ang isang gabi lang para sa paghahanap ng ebidensiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD