Chapter 48

2011 Words
"Ma'am, may bisita po kayo," sambit ng katulong at nakita namin lahat na kasunod na nang katulong sila Arman, Josef at Misa sa loob ng pamamahay namin. Hindi ko inaasahan ang pagpunta nila dito. Wala naman akong natatandaan na may usapan kami ng umangang ito. Tumingin ako kay Camilla at nakita kong nakaarko na ang kanyang kilay habang nakatingin s akin. "What a surprise! Arman and relatives?" sarkastiko kong pagbati sa kanila at inutusan ko ang katulong para kumuha ng sapat na plato at kubyertos para sa kanila. "Goodmorning, Margaret. Gusto ko sana makausap ka tungkol sa investment na hindi mo tinuloy-" Tinaas ko ang aking kamay para tigilan siya sa pagsasalita. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa kong iyon at tumayo ako para makalapit sa kanila. Hind ko na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni Camilla. Kung ano man ang sasabihin niya tungkol sa investment ay wala akong balak makinig. "Arman, pwede ka naman mag-set ng meeting sa lugar at oras na gusto mo, bakit kailangan mo pang magpunta dito sa bahay ko?" tanong ko sa kanya at tinitigan ang mga kasama niyang makasalanan. Kung pupunta siya dito, bakit hindi niya kasama si Dexx, alam kong alam niya na may gusto sa akin ang kanyang apo. "Gusto ko lang malaman kung bakit sobra mong inaapi ang apo ko. Are you one of his girl?" tanong sa akin ni Arman at tanging pagtawa lang ang sinagot ko sa kanya. "Hahaha! Masyado palang Lolo's boy ang apo mo, Arman. You know what, shall we eat first?" taong ko sa kanya at nauna na akong umupo sa upuan para ipagpatuloy ang pagkain ko. Nagpadagdag na rin si Camilla ng pagkain para sa kanila. "Wala bang lason to?" tanong ni Josef sa amin at sinamaan siya ng tingin ni Camilla. "Well, the last time kumain dito si Dexx ay inatake siya ng allergy sa sesame oil. Nag-iingat lang," sabi niya na may halong pang-aasar. "Paano namin lalagyan, hindi naman expected ang pagdating niyo. Kung ayaw mong kumain, wag. Yolly, pakibalik ang plato niya sa kusina," utos ko sa katulong at sinunod naman agad iyon. Pansin kong nagbago ang reaksyon ng mukha niya at parang gustong bawiin ang plato pero pinanindigan ng katulong ko ang utos ko sa kanya. "Bukod sa involve na kayo sa ilang mga krimen, bastos rin pala ang bunganga ng ilang apo mo?" sabi ni Camilla. "What crime are you talking about?" tanong ni Arman kay Camilla pero hindi na nakasagot dahil aktong tatayo na si Josef pero sinaway siya ni Arman. Hinawakan ito sa kamay at umupo na muli si Josef. "Hindi kita pinalaking ganyan, Josef!" sabi ni Arman at nag-umpisa na siyang sumandok ng makakain. Kahit halata sa kanya ang pag-aalinlangan ay kumain pa rin ito. Ilang sandali pa ay nagsabi muli ang katulong na may isa pa kamig bisita at dumating si Dexx. Speaking of the devil. Dumating na ang pinakamasama sa mga apo ni Arman. We both glanced at each other like we're conspiring on something. Nalipat ang tingin ko kay Grant dahil sa pagtikhim nito. This crazy morning is so damn unforgettable.The Lacson and Natividad are here. Parang isang teleserye ang eksenang ito. "I'm sorry, na-late ako. May inasikaso lang," sabi niya sa amin at aktong babati siya pero hindi niya na tinuloy dahil sinamaan ko siya ng tingin. "Hi...Margaret?" patanong niya na lang na sinabi at tumabi na kay Misa. Doon ko lang napansin na namumutla si Misa at makapal ang make-up niya ng umagang iyon. Nagkatitigan lang kami ni Grant ng sandaling iyon. Wala rin talaga akong alam na darating sila dito at mang-iistorbo sa umaga namin. "So, sapat na ba sa'yo ang pag-iinvest lang sa mga negosyo, Margaret? I mean, gusto sana kitang alukin para maging parte ng partylist ni Dexx dahil tatakbo siya bilang Mayor ng lalawigang ito," tanong niya sa akin at inayos ni Dexx ang kanyang suot ng umagang iyon. "Bakit naman ako ang napili mo? Marami pang may alam sa politika ang nasa paligid mo, Arman?" nagtataka kong tanong at parang alam kok nang ayaw niyang bitawan ang pagkakaroon niya ng koneksyon sa akin. Hindi sila nagtagumpay na makuha ang perang kaya kong bitawan kaya siguro ay gagawin niya ang kahit ano para makuha ang loob ko. "Sa tagal ko na sa politika, marunong na akong kumilatis ng tao at kung ano ang kakayanan nila. Kung pwede lang ba maging anak kita at ikaw ang maging acting CEO ko sa Lacson Empire, ginawa k na. Sa lahat ng apo ko, si Dexx lang ang may potential sa kanilang lahat pero ayon, he is such a disappointment. Blinded by love." Lumingon siya at tumingin kay Dexx. "Okay, what position are you going to offer?" tanong ko at tinitigan siya. Kung bibigyan niya ako ng posisyon, sigurado akong mataas iyon. "Anong posisyon ang gusto mo?" ani ni Arman at malagkit ang tingin sa akin. "It's up to you. Kung ano ang available na posisyon, I'm willing to accept," sagot ko sa kanya at tumango lang siya sa akin. I didn't even do anything para makuha ang loob niya pero parang siya na mismo ang kusang lumalapit sa akin. Kita sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pagkahiya dahil sa sinabi ng kanyang lolo at humingang malalim saka tumayo. "Wala ng posisyon sa partylist! Anong inaalok mo sa kanya?" galit na tanong ni Josef at tumayo na siya dahil wala naman siyang ginagawa sa hapagkainan na iyon. Hindi talaga siya kumain at nakikinig lang sa amin ni Arman. "Saan ka pupunta! Mga bastos talaga kayo nila Josef. Bumalik ka dito at kailangan natin ang tulong ni Margaret," sigaw ni Arman sa kanyang apo at tinuktok ang kanyang baston bilang tanda ng kanyang galit. Bumalik sa pagkakaupo si Dexx at napagtanto namin, ni Camilla at Grant na ang takot nila ay hindi sa mga kaaway galing kung hindi sa sarili nilang kadugo. Para silang isang mga puppet na pinapagalaw ni Arman kung kailan niya gusto. "So, anong desisyon mo, Margaret?" tanong niya sa akin at lumingon ako sa magkapatid para malaman kung ano ang desisyon nila. Ngumiti silang dalawa sa akin at tumango ako. "I'll let you know. For now, let's have a peaceful breakfast." Nilahad ko ang aking kamay para yayain silang kumain. Nagsimula na silang kumain at matapos iyon. matiwasay silang umalis sa bahay. Ramdam ko kasi ang init sa mga titig ni Camilla kay Dexx na sobrang pinagtataka ko. Samantalang si Grant ay tahimik lang na kumakain. Mas may galit talaga si Camilla kay Dexx kumpara kay Grant? Baka si Camilla ang tinutukoy ni Arman na isa sa mga naging babae ni Dexx noon at sa akin lang idinadaan ni Arman ang pasaling niya para kay Camilla. "Si Dexx, tatakbong Mayor? Wala na siguro siyang matakbuhan at magawa sa buhay niya kaya siguro naisip niyang pumasok na sa politika." Humalakhak ako pagkasabi ko no'n kay Camilla habang nasa opisina kaming dalawa. Tumawa rin siya sa akin dahil sa sinabi ko. May dala akong bote ng champagne at dalawang baso. Nagsalin na rin ako para sa aming dalawa at binigay ko sa kanya ang isang baso. "So, are you going to conspire with your ex-lover?" tanong sa akin ni Camilla at uminom ng kaunting champagne sa kanyang baso tapos ay mapanuksong tumingin sa akin na parang nabawasan ang kanyang tiwala. "Yes. Kung gusto nilang makipaglaro sa akin, makikipaglaro ako," sagot ko sa kanya at uminom na rin ng kaunti sa baso ko. Ngumiti ako kay Camilla at kahit alam kong nagdadalawang-isip siya sa plano ko dahil hindi ko iyon sinabi sa kanya. "Alam ko na may plano tayo pero sana maisip mo na kahit anong oras, pwedeng magbago iyon dahil marunong makipaglaro ang pamilya nila," dagdag ko pa sa sinabi ko at nilapag niya ang basong hawak niya at saka tinaas ang kanyang dalawang kamay. "Fine! Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka at alam ko rin na alam mo ang ginagawa mo. Mas mainam na rin na dumikit tayo sa kanila lalo hanggang sa makuha na natin ang lahat sa kanila." Lumabas na siya sa opisina at sumunod sa kanya para ilabas ang bote ng champagne. Alam kong hindi magandang ideya ang makipag-usap pa sa pamilya nila pero kung ito ang tanging paraan para makuha akong loob nila ay gagawin ko. Nilabas ko ang aking telepono para kausapin si Misa at malaman nilang bibisita ako mamayang gabi. Naisip ko na kung mas magiging malapit talaga ako sa kanila ay mas madali akong makakakuha ng ebidensya para mapatunayan ang krimen na ginawa sa akin nila Dexx noon. Sila na rin naman ang kusang lumalapit sa akin para makuha ang atensyon ko. "Misa? Are you busy tonight? Gusto kong pumunta dyan para makipag-usap kay Arman tungkol sa alok niya sa akin," sabi ko sa kanya habang nasa kusina at doon ko sinabi ang gusto kong sabihin kay Misa. "Talaga? Dito ka na rin mag-dinner. Siguradong magiging masaya si Lolo Arman sa sinabi mong iyan. Oh siya at tatapusin ko muna ang mga business meeting ko at mamaya magpapahanda ako ng masasarap," sabi niya sa akin at siya na ang naunang magbaba ng tawag. "Sinong kausap mo? Aalis ka na naman?" Napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si Grant galing sa likod ko at palihim akong niyakap. "Ano ba, makita tayo ng kapatid mo!" mariin kong bulong sa kanya at inalis ang pagkakayakap niya s akin dahil baka may biglang dumating na katulong at makita kami. "So what? Hindi ka dapat matakot kay Camilla. Hindi ako gagawa ng kahit anong makakasagabal sa lahat ng plano natin," bulong niya sa akin at tumagal pa ng ilang segundo ang pagkakayakap niya kaya hinawakan ko ang kamay niya sa baywang ko at diniin ko iyon sa katawan ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa ginawa kong iyon tapos ay kumalas na rin. May pumasok na isang katulong at kumuha ng tubig sa ref. Nagkatitigan na lang kaming dalawa ni Grant dahil doon at nauna na siyang umalis sa kusina tapos ay sumunod ako. Simula nang may mangyari sa amin ni Grant ay palagi ko na iyon naiisip. Kung paano ang mga katawan namin ay naging isa at pinagsaluhan ang init ng mga damdamin namin. Hapon at matapos kong gawin ang trabaho sa opisina ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Misa. Naaalala ko ang usapan namin at kailangan kong pumunta sa kanila. "Uuwi ka ba pagkatapos ng meeting niyo?" tanong sa akin ni Camilla at sa tingin ko, kailangan doon ako matulog ngayong gabi. "Hindi ako uuwi. Baka bukas na lang ng umaga at gusto kong libutin ang buong bahay nila, ang mansyon," sagot ko sa kanya at lumabas na ako ng kwartong iyon. "Misa!" tawag ko sa kanya at tumayo siya agad para salubungin ako. Ginawaran niya ako ng halik sa pisngi at gano'n rin ang ginawa ko sa kanya. Nakakasawang makipaglokohan at makipaglaro sa kanila pero kailangan kong gawin ito para makuha ang tiwala nila at makahanap ng ebidensya laban sa kanila. "Halika at samahan mo ko sa kwarto ko, kukuha lang ako ng ilang mga damit." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta sa kwarto ko. "Teka, bakit kailangan mo magdala ng damit?" nagtatakang tanong niya sa akin ng makapasok kami sa kwarto ko. "Why? Gusto kong maging maayos ang damit ko habang nakikipag-usap sa inyo. Tell me, Misa, anong posisyon ba ang pwede kong hingiin kay Arman?" tanong ko sa kanya at nakita kong yumuko siya pagkatapos kong magtanong. "Nako, sa totoo lang, wala naman na available na posisyon talaga, Margaret. Hindi ko alam kay Lolo Arman kung ano ang iniisip niya," mahinang sabi ni Misa sa akin at doon ko napagtanto na talagang nakikipaglaro siya. Kung Gobernador ang posisyon na gusto ni Dexx, siguro ay hihilingin ko ang maging Personal Advisor niya. "Okay, siguro kailangan ko ng klarong sagot. Mamaya ay kakausapin ko siya." Binuksan ko ang cabinet at kumuha lang ako ng ilang pirasong patulog at formal na dress para mamaya. Dinala ko ang pinaka nakakaakit kong damit. Pagkakataon ko na para akitin si Dexx.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD