Chapter 47 (Warning: SPG)

2003 Words
Isang buwan ang lumipas at nagawa ko na rin ang lahat para mabawi ang bahay ni Tita Myline. Pinadala niya sa akin ang mga papeles para magawa ko iyon dahil hindi na siya pinayagan pa ni Markus na umalis. "Ma'am, nandito na po si Attorney Aguirre," sabi ng katulong at pinatuloy na nila ito. Kasalukuyan kaming nag-hahapunan at dito ko na naisip na pakainin si Atty. Aguirre. "Neri!" bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Isa siya sa mga kaklase ko noon at alam kong mapagkakatiwalaan siya. Alam niyang buhay ako at handa siyang tumulong sa akin. "Goodmorning!" bati na rin ni Neri kay Camilla at inutusan ko ang katulong para kumuha ng isa pang plato at ilang kubyertos para sa kanya pero tumanggi si Neri dahil nag-almusal na siya papunta dito at may lunch meeting pa siyang kailangan puntahan at hindi siya magtatagal sa bahay. "Ayos na ang lahat ng papeles at bukas, pwede mo na paalisin ang Dexx na iyon." Binuksan niya ang kanyang bag at nilabas ang isang folder kung saan nakalagay ang mga katibayan na hindi pinahihintulutan ni Tita Myline ang pagtira doon ni Dexx. "Mabuti naman kung gano'n. Sigurado ka at ayaw mong kumain muna? Nakakahiya naman sayo at paghatid lang ang pakay mo dito. Pwede ko naman utusan na lang ang sekretarya ko para kunin iyan," sabi ko sa kanya at humagikgik lang siya sa akin. "Okay lang. Gusto ko rin naman makita ka kung totoo bang buhay ka. Ilang taon na rin kitang hindi nakikita," sabi niya sa akin at ngumiti ako sa kanya. Mag-isa si Neri na pupunta sa bahay ni Dexx para paalisin niya ito dahil wala na akong koneksyon sa kanila. Wala na akong rason para magpakita pa sa pamilyang iyon. Nasa opisina lang ako ni Camilla buong araw at ng hapunan na, bumalik si Neri at ramdam kong mabuting balita ang kanyang dala. "Bukas ay aalis na siya doon. Ayon sa kanya, wala ng natitirang kamag-anak si Tita Myline kaya naman naisip niyang ilipat ang lupa sa pangalan niya," sabi ni Neri sa akin at tumango ako. Tama naman dahil alam ng lahat na patay na ako at wala si Markus dito. Pero hindi niya pa rin dapat inangkin ang bahay ni Tita Myline. "Humingi pa ba siya ng palugit kung kailan siya pwedeng lumipat?" tanong ko pero umiling si Neri. Mabuti naman at naisip niya ng umalis doon agad. Masaya kaming nag-hapunan nila Neri kasama si Camilla at nagkasundo naman agad ang dalawang iyon. Parehas silang sopistikada at may class kaya sigurado magugustuhan ni Camilla ang ugali ni Neri. Kinabukasan, masigla ako ng umagang iyon dahil pwede ko ng puntahan kahit anong oras ang bahay ni Tita Myline. Mabilis akong nagbihis at kumain ng almusal tapos ay nagpahatid kay Greg papunta sa bahay. Nang makarating ako doon, may iilan ng maleta ang nasa hagdan ng bahay at alam kong aalis na si Dexx doon. Walang pahintulot akong pumasok sa bahay at kinatok ang pinto. Gusto kong makita ang itsura ni Dexx habang pinapalayas ko siya sa bahay ko. Pinagbuksan niya ako at agad umarko ang kanyang kilay ng makita ako. Nakabihis na siya pang-alis ng sandaling iyon. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin at isang mapang-asar na ngiti ang ginawa ko bilang sagot sa kanya. "Well, sinisiguro ko lang naman na wala ng tao dito sa bago kong bahay. I want this house. Nang malaman kong binebenta na pala ito ay agad kong kinuha," sarkastikong sagot ko sa kanya at pinapasok ko na ang sarili ko sa bahay ko. "Sandali, tresspasing ka!" sigaw ni Dexx sa akin ng maupo ako sa sofa. Tumayo siya sa harap ko at parang gusto niya talaga akong paalisin. "Hahahahaha! Ako, trespassing? Mr. Lacson, hindi ikaw ang may-ari ng bahay na ito. Balita ko, bahay pala ito ng Tita ng ex mo na inangkin mo?" mapangkutya kong tanong sa kanya at natigil siya sa pag-papaalis sa akin. Nakakuyom ang kanyang kamao ng sandaling iyon. "Ano pa ba ang gusto mong kunin? Na-comatos si Misa dahil umalis siya ng bahay matapos mapagalitan ni Lolo Arman! Dahil sa pagbawi mo ng investment, sobrang napagalitan si Misa!" galit na sabi niya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa likod ko ng marinig ko iyon. May kung ano akong naramdaman dahil sa nangyari. Mabuting tao si Misa pero nadamay siya sa gulong ito. "And so? Mr. Lacson, baka nakakalimutan mong negosyante ako at hindi may-ari ng isang charity. Malaking pera ang ilalabas ko at gusto kong malaking pera rin ang babalik sa akin. Ngayon, kung ano man ang nangyari sa pinsan mo, labas na ako doon!" sagot ko sa kanya at tinitigan ko siya ng mas malalim. May sasabihin pa sana si Dexx pero biglang dumating si Neri at hawak ang titulo ng lupa na nakapangalan sa akin. "Mabuti naman at nandito na po kayo, Miss Sandoval. Heto na po ang titulo ng lupat at kahit anong oras, pwede na po kayong lumipat dito." Inabot niya sa akin ang titulo at binasa ko. Pagkatapos ay binigay ko kay Greg. "Miss Aguirre, papaano ako makakalipat kung nandito pa ang lalaking iyan? Gusto kong umalis na siya." Tinuro ko si Dexx at tumango lang siy saka naglakad papalabas ng bahay. Sinundan namin siya at nakita kong hila-hila niya na ang kanyang dalawang maleta. Di kalayuan sa bahay ay may humintong kotse. Si Arman at ilang mga pinsan niya ang nandoon at tinulungan siyang ipasok ang mga maleta niya. Nakatingin sa akin si Arman kaya naman tinaas ko ang aking kamay at kumaway sa kanya. Napalitan ng galit ang kanyang maamong mukha at tinaas ang salamin ng kotse. "Greg, gusto kong sunduin mo silang lahat at dito tayo sa bahay magtatanghalian. Neri, sumama ka sa amin." Lumakad na ako papuntang kusina at tiningnan kung maayos ba iyon. Pati ang ilang parte ng bahay ay isa-isa kong pinuntahan. Walang nagbago sa kwarto ko at parang araw-araw pa rin nililinisan dahil wala kang makikitang alikabok dito. Napaupo ako sa kama at binuksan ang mga drawer ko doon. Nakita kong nandoon rin ang mga photo album na matagal ko ng tinatago. Naramdaman ko na lang nag tumabi sa akin si Neri at tiningnan rin ang hawak ko. Binuksan ko ito at masaya naming pinagkwentuhan ang bawat litratong nandoon. Nalaman ni Neri ang katotohanan kung bakit ako napunta sa puder ni Tita Myline. Ang tungkol kay Kuya Aero at Ate Genesis. Hindi ko namalayan na dumating na pala silang lahat. Si Camilla, Mae, Mina, Greg at si Grant. "Pinapunta mo kami lahat dito, wala ka pa naman palang handa at preparation," mataray na sabi sa akin ni Camilla. "Mag-order na lang tayo ng mga lutong pagkain. Panigurado, marami naman nagbebenta sa tabi-tabi," aniya ni Mina. Gano'n nga ang ginawa namin at doon ko lang na-realize na malayo na ang narating namin. Nakaabot na kami sa isang hot spring resort sa Pansol kaya naisipan ko na lang na doon na rin kumain at maglibang na rin. Unang beses iyon na magkakasma kami at sa una ring pagkakataon, naramdaman ko na nagkaroon ako ng mga totoong kaibigan. Wala man silang dalang mga damit, binilihan ko na lang sila sa isang malapit na tiangge ng isusuot pamalit nila. Sobrang saya namin ng araw na iyon. Puro halakhak at pagkekwentuhan lang ang nangyari hanggang sa may ilabas na alak si Camilla. Marami siyang dala dahil alam niyang walang alak sa bahay ni Tita Myline. Mabuti na lang ay nabitbit niya iyon. Brandy ang iniinom nila Grant, Greg, Mina at Mae samantalang kaming tatlo nila Camilla at Neri ay bote ng wine. May nirentahan ring karaoke si Grant dahil hiling iyon ni Mina sa kanya. Masaya silang apat na nagkakantahan samantalang kaming tatlo ay tungkol sa nakaraan ko. "May kapatid ka palang babae? Alam mo kung ako nasa kalagayan mo, ipapahuli ko ang lalaking iyon," sabi ni Camilla at ramdam ko na sa boses niya ang pagkalasing. "Gusto ko rin iyan gawin ngayon pero hindi ko alam kung nasaan na siya. Saka isa pa, bakit malulungkot na bagay ang pinag-uusapan natin? Kaya ako nag-yaya dito ay para ipagdiwang ang pagbawi ko ng bahay ni Tita Myline," sagot ko sa kanya. Tumayo siya bigla at sumisigaw habang nagsasalin ng wine sa kanyang baso. Si Neri naman ay nag-cheer para sa kanya. Isang lagok lang ang ginawa ni Camilla sa isang basong wine na ininom niya at ng matapos iyon, inagaw ko na sa kanya ang bote at nilapag sa lamesa pero malayo sa kanya. Tumungtong rin siya sa upuan na kahoy tapos ay sinundan ang ritmo ng kinakanta ni Mae. "Grant, si Camilla!" tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumapit sa akin tapos ay magkatulong namin dinala si Camilla sa inupahan na rin naming mga kwarto. Tatlo ang kwartong inupahan namin. Isa para kay Greg at Grant, sa akin at kay Camilla tapos ay kay Mina at Mae. Kalmado naman sumama si Camilla sa amin at nang maramdaman niya ang malambot na kama, agad siyang humiga dito at nakatulog. Gusto ko pa sana siyang bantayan pero nang lumingon ako sa gawi ni Grant ay nakita kong malagkit na rin ang tingin niya sa akin. Uminit na naman ang pisngi ko, bukod kasi sa alak ay naramdaman ko ang pagnanasa sa mga titig sa akin ni Grant. Nasa ibaba ang pool at ang karaoke. Lumabas na ako ng kwarto namin ni Camilla dahil alam kong hindi magiging maganda kung kaming dalawa lang ni Grant ang magkasama. Pero hindi ko alam na sumunod pala siya sa akin ng lumabas ako. "What the!" sambit ko ng bigla akong hilahin ni Grant papasok sa isang kwarto. Pagkasara ng pinto ay mabilis niya akong kinulong sa kanyang mga bisig at hinalikan. Pinigilan ko pa siya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kamay ko sa kanyang balikat pero dahil sa lango rin ako sa alak ay nadala na ako ng mga halik niyang iyon. Ang mga kamay ko na pumipigil sa kanya ay ngayong nakasabit na sa kanyang leeg. Mas lumalim ang mga halik niya s akin at naramdaman ko na lang sa aking likod ang malambot na kama. Nasa ibabaw ko na siya at hinahalikan ang aking leeg. Naging malikot na ang kanyang mga kamay hanggang sa tinanggal niya na ang aking saplot tapos ay ang aking dibdib naman ang hinalikan niya. Sobrang kiliti ang naramdaman ko ng sandaling iyon. Ang isang kamay niya ay nasa kaliwang dibdib ko tapos ang isa ay nasa aking p********e. "So damn wet! bulong niya sa akin at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Wala pa akong karanasan sa ganitong bagay kaya halo-halong emosyon ang nararamdaman ko samantalagang si Grant ay marami ng karanasan. May kung anong naramdaman ako sa aking puson at hindi ko iyon nagawang pigilan. Mas lalong lumakas ang naramdaman kong kiliti ng pinasok ni Grant ang isang daliri sa aking p********e. "Ah! Sige pa! tanging nasabi ko at nagulat ako sa nasabi kong iyon. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa hanggang sa tuluyan na ako. Lumuhod siya sa harapan ko at nakita kong hinubad niya ang kanyang pang-ibabang damit. Unang beses kong nakakita ng gano'n at natakot ako dahil parang masakit iyon pero hindi naman na ako birhen para makaramdam ng sakit. Tinutok ni Grant ang kanya sa akin tapos ay dahan-dahan niyang pinasok. May naramdaman pa rin akong hapdi nang sandaling iyon kaya dinampian ni Grant ang labi ko ng halik habang unti-unti rin pinapasok ang kanya. Nang tuluyan niya na maipasok ang lahat ay doon na siya nagsimulang gumalaw. Bawat galaw niya ay may munti akong tinig na sinasabi dahil ang hapdi ay napalitan ng ligaya. Mas bumilis ang paggalaw niya at nilalaro niya pa ang aking dibdib hanggang sa may naramdaman na naman akong kung ano at sa huling paggalaw ni Grant ay naramdaman ko ang mainit na likido kahit nasa loob ko 'yon. Tumabi siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit hanggang sa makaramdam ako ng pagod dahil sa ginawa namin. It feels like the first time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD