Chapter 46

2030 Words
"Salamat, Attorney Lopez." Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos ng sarili dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang launching ni Grant. Pinagmasdan ko ang dress na isusuot ko at unang beses kong magsuot ng ganitong klaseng damit. Isang pulang sleeveless na kita ang aking dibdib kung isusuot ko. Tapos ay kinuha ko ang kulay itim na stiletto. Huminga akong malalim at nagsimula na akong magbihis. "Bukas yan!" sigaw ko taong kumatok sa pinto at paglingon ko, si Mae iyon at ngumiti habang ulo lang niya ang pinasok niya sa kwarto ko. "Ate, pinapatawag na daw po kayo ni Sir Grant," sabi niya sa akin at agad rin niyang sinara ang pinto. Isang malalim na hininga pa ulit ang ginawa ko bago ako lumabas sa kwarto. Pagpunta ko sa sala ay nando'n na silang lahat at parang ako na lang ang hinihintay pero nang tingnan ko sila isa-isa doon ay wala si Grant. Narinig ko ang tunog ng sapatos at paglingon ko, si Grant iyon. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya pero nanatili siyang nakatingin sa akin. "You look beautiful," wala sa sarili niyang sinabi sa akin at tumalikod siya. Naglakad papunta sa kwarto ni Camilla at ilang sandali pa, lumabas siya ulit. Hawak ang isang kwintas. May kulay pula iyong pendant at bagay na bagay sa suot kong dress. Lumapit siya sa akin at walang pagdadalawang-isip na sinuot iyon. "That's from our late mom," bulong niya at tinitigan ako matapos isuot iyon sa aking leeg. Pinagmasdan ko ang necklace na iyon. Tinapik ako ni Grant tapos ay nagtungo na siya sa sala. Lutang ako habang naglalakad palabas ng bahay pero nang makasakay na ako sa sasakyan ay bumalik ang ulirat ko. Nang makarating kami sa Venue, marami-rami na rin ang mga tao. Inalalayan ako ni Greg pababa ng kotse at magkasunod na kaming pumasok sa loob. Kasama ko tin si Mina at Mae na naka-dress na rin at sobrang excited sa party na ito dahil unang beses nila maka-attend ng ganitong kagarbong party. Sa loob ng event hall, may ilang bisita ang may hawak ng baso at champagne ang laman tapos ay magkakasama ang mga investors na magkakakilala. "Sino nga kaya ang may-ari ng GN Corporation? Anong oras kaya magpapakilala?" tanong ng isang babae sa kausap niyang matandang lalaki na nakapostura. Black ang tuxedo na suot nito simula sa pang-itaas hanggang sa pang-ibaba. Hindi talaga namin pinaalam sa mga tao kung sino ang may-ari at pailalim kaming gumagawa ng paraan ni Camilla para makakuha ng ilang mga investors at masasabi kong nagtagumpay kami sa dami ng mga taong pumunta dito. Hinanap agad ng mga mata ko sila Dexx pero wala pa sila dito kaya naman lumapit na ako sa iilang mga investors para kausapin sila. "Goodevening, Mr. Son. I'm so glad to finally meet you!" bati ko sa isang matabang lalaki at may hawak na baso ng scotch. Tinitigan ako ng lalaki at parang hindi niya ako natatandaan. "Are you, Margaret? Ang anino sa likod ni Camilla." Tinaas nito ang basong hawak niya at gano'n rin ang ginawa ko. We tossed our glasses. "Yes, Mr. Son. Mabuti naman at natandaan niyo ko," sagot ko sa kanya at nagtawanan ng kaunti. "So, how's your business here, Margaret?" tanong niya sa akin at sumalo na ako sa table kung nasaan sila. Nilapag ko ang pouch na hawak ko at ngumiti sa ilang mga kasama ni Mr. Son. "Going well, Mr.Son pero naghahanap pa ako ng ilang mga negosyo na pwede akong mag-invest kaya nandito ako sa event na ito dahil gusto kong makilala ang may-ari sa likod ng kompanyang ito," sagot ko sa kanya at tumango ang ilang mga lalaki sa akin. Inusisa ko ang ilang mga mukha nila para malaman kung sino ang interesadong makuha ang tulong ko. "That's great, Margaret. Marami kang makilala dito na pwede kang mag-invest," sabi niya sa akin at sumang-ayon ako doon. "Actually, nabasa ko ang background ng GN Corporation at maganda ang feedback. Maayos ang financial status nila, ang paglalabas ng mga produkto. I am very impressed," sabi ko sa kanila at umalis na ako dahil nakita ko na sa gilid ng mga mata ko ang pagdating ng mga Lacson. Pakiramdam ko sila ang isa sa mga paunahing bisita namin sa gabing ito kaya naman lahat ng ilang mga investors ay nakatingin sa kanila. Lahat ng kilala kong Lacson ay nandito at si Misa lang ang nag-iisang babae na kasama nila. Matalim ang tingin ni Arman sa ilang mga bisita at tingin ko, naghihinala siya na halos lahat ng investors niya ay nandito. Nakita kong may binulong siya kay Dexx tapos ay nilibot na rin nito ang kanyang tingin sa mga bisita. Huminto muna sila sa gitna at kinuhaan ng litrato tapos ay isa-isa na silang lumapit sa iilang mga kilalang investors. Halos lahat ng mga imbitado dito ay may koneksyon sa kanilang kompanya. Nagsimula na ang Emcee sa pagbati sa mga bisita tapos ay pinasalamatan ang ilang mga parte ng gabing iyon. Ang catering at ilan pang mga kasamahan nila sa pag-aasikaso. Natigil ang lahat ng mga tao dahil biglang nagdilim ang paligid at pinakilala na si Grant. Nakatutok sa kanya ang spotlight. Nakamaskara siya ng tumayo siya sa entablado. "May I present to you, Mr. Grant Natividad. The CEO and Owner of GN Corporation!" sabi ng Emcee at nagpalakpakan ang mga tao. Bumalik na ang ilaw tapos ay tumayo si Grant sa gitna ng stage para sabihin ang kanyang speech. Sandaling minuto lang iyon tapos ay nagbalik na ang mga tao sa kanilang pag-uusap. Sinundan ko ng tingin si Grant hanggang sa paglingon ko, nakita ko si Dexx sa harapan ko at may hawak na alak. Mag-isa ako sa table at pinagmamasdan ang ilang mga bisita. Pinalayo ko sa akin sila Greg at hinayaan silang magsaya ng oras na iyon. Nagulat ako nang biglang nilapag ni Dexx ang baso na hawak niya at ngumiti sa akin. "Hi!" Nakangiting bati niya sa akin. Umirap ako dahil hindi siya ang inaasahan kong lalapit sa akin. Nilibot ko ang paningin ko ng makita ko si Misa habang sunod-sunuran kay Arman. "Anong kailangan mo?" matabang kong tanong sa kanya at tumagilid ako hanggang sa makita ko si Grant at napapalibutan ng mga babaeng kasama ng mga investors. Escort lang ang mga ito at tingin ko, sila ang ginagamit ng mga tusong negosyante para makuha ang loob ni Grant. Kinuyom ko ang kamay ko pero hindi ko pinahalata kay Dexx iyon. "Pwede ba kitang isayaw?" tanong ni Dexx sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Nakatuon ang tingin ko kay Grant at ng malingon siya sa akin, tinaas niya ang kanyang baso at hinawi ang lahat ng babaeng nakapalibot sa kanya. Mabagal siyang lumakad papunta sa akin hanggang sa makarating siya sa pwesto ko. Malaki ang table kung saan ako nakapwesto pero ang makasama ang dalawang lalaking ito ay parang naninikip ang pakiramdam ko. "Are you of the investors? Sinong nag-imbita sayo?" kunyaring tanong ni Grant sa akin at tumawag siya ng waiter para humingi ng isang bote ng champagne. May kasama na ring yelo ito ng ilapag ng waiter sa table ko. "Yes. To be honest, I'm looking for a good business to invest my money, sagot ko sa kanya at pinagmasdan ko lang siya magsalin ng alak sa baso ko. "And? Nakahanap ka ng kompanyang gusto mo?" sagot ko at napatingin ako kay Dexx. Ngumisi ako sa kanya at binalik ang tingin kay Grant. "Hmm, yes. Sa Lacsom Empire ako nag-invest. Malaking kompanya at kilalang-kilala ng lahat," sagot ko at tumawa si Dexx dahil doon. Gusto kong palabasin na ang loyalty ko ay nasa kompanyan nila pero hindi ko ibibigay ang perang pinaghirapan nila Grant. "Thank you, Margaret. Sa lahat ng sinabi mo, ngayon lang ako natuwa." Hinawakan ni Dexx ang kamay ko pero iniwas ko iyon sa kanya. "Mr. Lacson, wala naman sigurong negosyante ang gustong mag-invest sa isang kompanyan a bigla na lang sumulpot?" tanong ko at alam ni Grant na iyon ang hudyat para magsalita siya laban kay Dexx. "Margaret, hindi ba dapat mas magtiwala ka sa uusbong pa lang na kompanya? Mas maliit na negosyo ibig sabihin, mas madaling hawakan, madaling palakihin at isang importanteng bagay. malaki ang makukuha mong shares, sabi ni Grant sa akin at tumango ako. Parte ng pagkukunyari namin iyon. "Margaret, kilala ko ang lalaking ito, huwag kang magtitiwala diyan dahil mangloloko yan," sabi ni Dexx at dinuro-duro si Grant. "Hindi naman mahala sa akin kung ano ang ugali ng kaharap ko. Investor ako at pera ang pakikisamahan ko, hndi tao," sagot ko kay Dexx at humalakhak si Grant dahil doon. "Tama naman si Mr. Natividad. Ilang porsyento na lang ang napunta sa sa akin dahil sa dami na ng investors niyo. Hindi pa naman huli ang lahat para magpalit ngdesisyon?" tanong ko kay Dexx at nakita kong namula ng husto ang mukha ni Dexx sa sinabi ko. "What do you mean?" tanong niya sa akin at may bahid na ng galit ang tono ng kanyang boses. "I want to back-out. Bukas na bukas rin, papapuntahin ko ang abogado ko para asikasuhin ang lahat. Nice to meet you, Mr. Natividad, hope to see you soon!" sabi ko at inubos ko ang lahat ng champagne sa baso ko at saka lumakad palayo sa kanila pero biglang may narinig akong nabasag. Nasagi ni Dexx ang basong pinag-inuman kaya napalingon ako. ' Biglang hinila ni Dexx ang maskara sa mukha ni Grant at nagdulot iyon ng kaunting komusyon malapit sa kanila. Walang sali-salita ay sinapak ni Grant si Dexx at nagsigawan ang ilang mga babaeng bisita tapos ay ang mga kalalakihan ay lumapit sa kanila para awatin sila sa paglaki ng gulo. "Welcome back, Grant. What a nice surprise!" sigaw ni Dexx at pinahid ang dugo sa gilid ng kanyang labi. "Dexx!" narinig kong sigaw ni Arman sa kanyang apo at agad sumaklolo ito sa kanya kasunod ang iba niya pang mga apo. Natakot ako para kay Grant dahil mag-isa lang siya at hindi namin siya pwedeng lapitan ni Camilla dahil mahahalata na magkakilala kami. "Guard!" sigaw ni Grant at mabilis pa sa alas kwatro ang pagsulpot ng mga ito. Nagulat ako sa may humila ng braso ko para palayuin sa nangyayaring away. Si Greg iyon at dinala niya ako kung nasaan sila Mae at Mina pati na rin si Camilla. Mabagal siyang tumayo ng sandaling iyon at inayos ang tuxedo na suot niya. Hinawi ni Dexx ang mga guard na humawak sa kanya para palabasin siya pero natigil siya sa harap ni Arman at may kung anong binulong dito. Lumapit sa akin si Misa at parang may gustong sabihin pero dahil napapalibutan ako nila Camilla ay hindi niya masabi iyon. "Margaret, totoo bang aatras ka sa investment mo?" nanginginig na tanong ni Misa sa akin habang magkasalop ang kanyang mga kamay. Halata sa kanya ang takot at lumingon siya kung nasaan sila Arman pero nang bumalik siya ng tingin sa akin ay nakita kong basa na ang gilid ng kanyang mga mata at may kasamang takot. "Yes. Masyado na ang ugali ng pinsan mo," sagot ko at ako naman ang sumulyap kay Arman at kitang-kita ko ang galit nito. Hinampas niya pa ng hawak niyang baston si Josef at tinuro ang palabas. "Misa, tara na!" sigaw nito sa kanyang babaeng apo at takot na takot itong lumapit sa kanya. Hindi magawa ni Misa ang lumapit kay Arman dahil sa takot. Hindi ko maintindihan kung bakit kay Misa nagagalit ang matandang ito at dapat ay kay Dexx. Walang kinalaman si Misa sa nangyari sa aming tatlo. "Sige, bukas na lang tayo mag-usap. Pasensya na," malungkot niyang sabi sa akin at lumakad na siya papunta kay Arman. Nilingon pa nila ang ilang mga bisita na nakatingin rin sa kanila at nakita kong pinag-uusapan sila ng mga ito. Marami siguro silang mga hindi magandang ginawa sa mga tao dahil wala man lang nakiramay sa kanila para magtanong kung ano ang nangyari bagkus pinagbubulungan pa sila ng mga ito. Matalim rin ang tingin sa akin ni Arman at nakaramdam ako ng takot sa tingin niyang iyon. Pero hindi ako magpapasindak. Taas noo ko siyang tinitigan rin at umiling habang nakangiti bago tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD