Chapter 45

2024 Words
Habang nag-aalmusalkami,biglang dumating si Dexx at may dalang papeles. Ang pinirmahan ni Misa na investment proposal ko. Nang malaman iyon ni Grant, mabilis siyang nagtungo sa kanyang kwarto at pinahatid na lang sa mga katulong ang pagkain niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko rin talaga inaasahan na darating siya dito at walang pasabi sa akin si Misa na pupunta si Dexx dito. "Ihahatid ko lang to," sagot niya at nilapag ang folder sa lamesa tapos ay umalis na rin. Binasa ko ang papeles at binigay iyon kay Camilla. "Hindi ba nagtataka si Dexx kung bakit ka dito nakatira?" tanong sa akin ni Camilla at kibit-balikat lang ako sumagot. Mas magandang malaman ni Dexx na dito ako nakatira at malaman niyang kasama ko si Camilla. "Tapos na siya sa pagpirma sa papeles. Magpapakilala na ba ang kompanyang hahawakan ni Grant?" tanong ko kay Camilla at binasa rin ang papeles. "Yes. Gusto kong malaman nila na may handang kumalaban sa produkto ng Lacson Empire. Tapos babawiin mo ang investment mo kapag napakilala na sa mga tao ang kompanya ni Grant." Tumango ako sa kanya at nagpatuloy lang sa pagkain. Pinalabas na muli ni Camilla si Grant para sa lamesa na ulit siya kumain. Sumunod naman ang kapatid niya sa kanya at nagtataka pa rin. "Grant, tawagan mo ang sekretarya mo para sabihin na ipadala na ang mga invitation para sa launching ng kompanya mo." Nakangiti si Grant ng sinabi iyon ni Camilla at tinapos ang kanyang pagkain. Kapag nalaman ni Misa na may kakalaban sa kanila, pwede kong bawiin ang investment ko sa kanila at lilipat ako ngkompanya, sa GN Corporation, ang kompanya ni Grant. Habang nagtatrabaho na ako sa opisina ni Camilla ay nakatanggap ako ng tawag. Nalipat ang tingin ko kay Camilla ng makita kong si Misa ang tumawag sa akin. "Hello, Misa. Napatawag ka?" "Margaret, pwede ka ba ngayong lunch?" "Hindi ko sure, marami akong gagawin. Bakit?" "Oh, sorry for interrupting." sabi niya at binaba na ang tawag. Ngumiti ako kay Camilla dahil sinama namin ang kompanya nila sa mga imbitado sa launching. "Who's that?" aniya ni Camilla. "Si Misa. Mukhang nakarating na sa kanila na magkakaroon pa ng isang kompanya dito. Obviously, magkakaroon ng research ang sekretarya niya." "That's good. Mabuti na iyan at aware sila sa pagdating ng kapatid ko. Babagsak na rin ang Lacson Empire," sagot niya sa akin at tinuloy na angkanyangpagtatrabaho. Gano'n rin ang ginawa ko dahil marami na akong naiwanan na papeles at mga report sa MaRi Corporation. Tumunog ang kanyang telepono bago kami nagtanghalian at pagkatapos niyangkausapin iyon ay labis siyang sumaya. "Napadala na ang mga invitation sa lahat ng investors kasama na ang kompanya ng Lacson Empire. Samahan mo ko mamaya at kailangan natin mamili ng isusuot. I want you to look fabulous," sabi niya sa akin at nagligpit na siya ng mga gamit niya. "Pero marami pa akong kailangan asikasuhin sa MaRi Corporation," sagot ko sa kanya pero tinaas niya ang kanyang hintuturo para sabihing huwag na ako magdahilan. Nagligpit na rin ako ng gamit at sinunod ko na lang siya. Masayang-masaya si Camilla habang nasa Mall kami pero natigil ako dahil nakasalubong namin dalawa si Misa at Dexx. Palabas na kami ng isang kilalang boutique at sila naman ay papasok pa lang doon. "Bestfriend kayo?" tanong ni Dexx sa amin at nagpalipat-lipat ang tingin. Sumeryoso naman ang mukha ko at gano'n rin si Camilla. "Mr. Lacson, what a great surprise!" tanong ni Camilla at nagkunyari siyang masaya na makita si Dexx. Natuon ang pansin ni Camilla kay Misa. Yumakap sa akin si Misa at hinalikan ang pisngi ko. "Bestfriend mo?" tanong ni Camilla pabalik kay Misa at tumingin sa akin. "Ah, Camilla. This is Misa Lacson. The CEO of Lacson Empire. Misa, this is Camilla, a very close friend of mine," pagpapakilala ko sa kanila at nag-handshake naman ang dalawa. "Nice to meet you. Camilla, palagi kang nakekwento sa akin ni Dexx noon, nung sa grocery pa siya pumapasok," naramdaman ko ang pagkasarkastiko ni Misa sa kanyang sinabi. Nakakunot ang kanyang kilay ng ilang segundo pero nawala rin iyon dahil hinila na siya ni Dexx papasok pero nagpumiglas ito. "Anyway, did you hear about the new company? The GN Corporation?" tanong niya sa akin at tumango ako. "Yes, pero pag-uusapan ba natin iyan? We're about to have lunch, gusto niyo bang sumama?" tanong ko sa kanila at sumingkit ang mata ni Camilla habang nakatingin sa akin. Tila hindi alam kung ano ang planong gagawin ko. Tumingin si Misa sa kanyang relo at namilog ang kanyang labi tsaka tumingin kay Dexx "Malapit na rin naman ang lunch, sure! Mamaya na lang ako mamimili ng dress na isusuot ko," sabi ni Misa at inakay na si Dexx. Sumunod naman siya sa amin ni Camilla habang papunta sa restaurant kung saan may reservation na kami. Tinawagan ni Camilla ang receptionist ng restaurant para sabihing magpapadagdag siya ng upuan. "Camilla, hindi ba ikaw ang dating boss ni Dexx tapos ngayon ay si Margaret na ang pumalit sa posisyon niya? May nagawa bang mali ang pinsan ko para alisin siya ng biglaan?" tanong ni Misa tapos ay nagsalin ng wine sa kanyang baso. "Bakit hindi mo tanungin ang pinsan mo?" sagot ni Camilla at ginaya rin ang ginawa ni Misa. "Nevermind. Siguro ay malapit ka lang talaga kay Margaret kaya mo pinalitan ang pinsan ko. It just makes me wonder about things." Uminom siya ng kaunti sa kanyang baso at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Camilla. Alam kong may hinala si Misa at lulusutan ko na lang iyon kapag kaming dalawa na lang. "Sorry pala sa nangyari nung nakaraan," singit ni Dexx at napatingin sa akin. "Why?" tanong ng kanyang pinsan at halata sa kanyang mukha ang pagtataka kung bakit humihingi ng pasensya si Dexx sa akin. "We'll napangkamalan ko siyang si Rion dahil lasing rin ako ng gabing pumunta ako sa Condo Unit mo," sagot ni Dexx at tumikhim ako para maiba ang usapan. Babalik na naman ang topic tungkol sa akin at kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. "So, invited rin pala kayo sa launching ng bagong kompanya?" tanong ko habang naghihintay ng makakain namin. Napansin kong hindi matanggal ni Camilla ang tingin niya kay Dexx at parang gusto na itong patayinng mga sandaling iyon. "Yes. Kaya kami nandito ay para bumili ng maisusuot. Anyway, may alam ka ba kung sino ang CEO ng GN Corporation? Balita ko ay lalaki daw ang may-ari nito at nasa late 30's na daw," sabi ni Misa sa akin. Naghihintay na lang kami ng pagkain ng oras na iyon. Ramdam ko ang tensyon sa mga titig ni Camilla kay Dexx pero parang hindi iyon napapansin ni Dexx dahil sa akin siya nakatingin. "Saan mo naman nakuha ang impormasyon na iyan, Misa? You did some research about the company?" tanong ko at pinatong ko ang dalawa kong siko sa lames at sa likod naman ng palad ko ang aking mukha. "Yes. Gano'n naman sa business. Kailangan alam mo kung ano ang mayroon sa mga bagong tayong kompanya dito Sta. Cruz," aniya ni Misa at uminom ng tubig. "So, nag-background check ka rin tungkol sa akin? Tell me, nakapasa ba ako sa taste mo?" tanong ko at pinatayo na ni Dexx si Misa pero umiwas sa kanya ang dalaga. "Yes. Why not? Hindi naman siguro masama kung kikilalanin ko ang bawat negosyanteng gustong pumasok sa Lacson Empire?" tanong niya sa akin. Napangiti ako dahil alam kong gumagana rin pala ang isip ni Misa. "Well, hindi ako. Si Lolo ang nagpa-imbestiga. Acting CEO lang ako sa kompanya. I hope we're still good?" tanong niya sa akin at umiling lang ako hindi dahil sa na-disappoint ako pero dahil nalaman kong si Armando pala ang nag-uutos sa mga gagawin nila. "Saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos makipag-usap sa kanila!" Pinabalik ni Misa si Dexx sa upuan nito dahil dumating na angpagkain namin. Walang nagsasalita sa aming tatlo ng mga sandaling iyon dahil sa mainit na usapan namin ni Misa. Hindi maalis sa isip ko na pina-background check ni Misa si Grant. Pero si Camilla ay nanatiling kampante kahit maaaring mabuko ang kanyang kapatid. "Misa, ano pa ang nalalaman mo tungkol sa kompanyang iyon?" tanong ko sa kanya ng matapos kaming kumain. Gusto kong malaman kung ano pa ang mga nakuha niyang impormasyon tungkol kay Grant. "Well, same product ang mayroon siya. construction and real estate," sagot niya at binaba ko ang hawak kong baso ng wine bago siya sagutin. "Same product sa Lacson Empire? And kamusta naman ang takbo ng financial status nila?" sagot ko at tumikhim muli si Dexx. "I don't know. Malalaman ko naman iyan lahat kapag makita ko na ang misteryosong may-ari ng kompanyang iyon. Pero sa ngayon, gagawa kami ng panibagong marketing strategy dahil mababa ang halaga ng mga produkto nila kumpara sa amin. "Okay." tanong nasagot ko at nagyaya na si Camilla umuwi. Hindi kumikibo si Camilla hanggang sa makarating kami sa sasakyan. "What the hell is wrong with you?" galit niyang tnaong sa akin at nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Wala akong ginagawang mali pero bakit galing na galit siya ngayon. "What! Nagtatanong ako para malaman kung hanggang saan ang nalalaman niya tungkol kay Grant," sagot ko sa kanya at inutusan niya na lang ang driver para ihatid kami. "Ang tanging bilin ko sayo ay 'wag kang gagawa ng mga bagay na pwedeng mapahamak ka. Malamang ngayon, nagdududa na si Dexx dahil masyado kang interesado sa kompanyang kumakalaban sa kanila." "Camilla, kailangan mapakita kosa kanilang interesado ako dahil nag-invest ako ng pera sa kanila. Kung tatanungin niya ako tungkol doon, pwede kong idahilan na ayokong masayang ang investment ko kaya gusto kong malaman ang mga bagay na iyon." "Siguraduhin mo lang na hindi ka paghihinalaan ng mga iyan. Mga tuso ang pamilyang iyan. Yang si Misa, puppet ng mga Lacson iyan. Kung ano ang iuutos sa kanya ay siyang ginagawa nito." sagot niya sa akin at hindi ko na pinahaba pa ang usapan dahil alam ko naman ang ginagawa ko. HIndi niya na kailangan ulit-ulitin sa akin ang bagay na iyon dahil matagal na nakatatak sa isip ko yan. Hindi naman ako aabot sa ganito kung hindi ako desididong pabagsakin ang pamilyang iyon. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa sasakyan ng maisip ko kung bakit gano'n na lang siya makatingin kay Dexx kanina at parang may ginawa itong mali sa kanya. Alam kong kay Sheena may kasalanan si Dexx pero parang may masmalaki pa siyang dahilan para magalit kay Dexx. Matagal ko na gustong itanong ito sa kanya pero ngayon, gusto kong malaman ang totoo. "Kanina, ikaw ang may pinapakitang bagay na dapat paghinalaan ni Dexx. Yung mga tingin mo sa kanya, sobrang matalim," tinitigan ko siya para sa kanyang sagot pero parang wala siyang naririnig. "Wala akong ginagawang mali." "May nagawa bang mali sayo noon si Dexx?" "Wala!" sigaw niya at nanglalaki ang kanyang mata. Nagulat naman sa reaksyon niyang iyon at nakumpirma kong may nagawa sa kanya si Dexx na hindi niya sinasabi sa akin. Hindi ko na siya pinilit pang magsalita. Alam ko na ang totoo na may atraso rin si Dexx sa kanya. "Okay! Masyado kang halata." "Shut up!" sagot niya sa akin at ngumisi lang. Kung ano man ang nagawa sa kanya ni Dexx ay malalaman ko rin iyon pero sa ngayon, ang atensyon ko ay nasa pamilya nila Dexx. Lalabas rin ang totoo pagdating ng tamang panahon. "Alam mo, sa Lacson Empire mo na lang ituon ang atensyon mo at huwag sa akin." "Nakita mo naman kanina, nakuha ko na ang tiwala ni Misa. Hindi man lang siya naghinala kung bakit pati ako ay imbitado sa launching bukas." "That's good to know. Huwag mong alamin ang nakaraan ko." Pag-uwi namin, agad akong nagtungo sa kwarto para ihanda ang mga isusuot ko para bukas. Maigi na ayusin ko na ito ngayon dahil sa akin pinamahala ni Camilla ang mga preparation na kailangan para bukas. Simula sa pagkain hanggang sa pagkumpirma sa mga siguradong bisita na darating. Pinag-aralan ko na rin ang lahat ng financial report ng kompanya ni Grant para isagawa ang plano para bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD