Chapter 44

2004 Words
"Goodmorning, Margaret. Sorry last night. Nasobrahan ako sa wine na ininom. By the way, paano ka nakauwi?" tanong sa akin ni Misa nang magising ako sa pagtawag niya. Wala pa ako sa wisyo para makipag-usap dahil kakagising ko lang. "It's okay. Masakit rin ang ulo ko dahil sa hang-over," sagot ko sa kanya at nang makita kong pumasok si Grant sa kwarot ko ay nagpaalam na ako kay Misa. "Anong oras ka na nakauwi?" tanong niya sa akin at nakita kong kasunod niya ang isang katulong na may dalang pagkain, para sa amin. "Anong meron? Kaya ko naman kumain sa lamesa, bakit dinala mo pa yan dito?" Umusog ako sa gilid ng kama para magkaroon ng sapat na pwesto para sa aming dalawa. Sa tuwing nakikita ko si Grant ay nawawala ang pagod ko sa lahat ng ginagawa ko na parang siya ang lakas ko sa magulong mundong ito. Pero hangga't kaya kong iwasan siya ay gagawin ko. Darating rin talaga ang panahon para sa amin. "Gusto lang kitang ma-solo, masama ba?" tanong niya sa akin at natulala ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang init sa pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Grant, hndi ako si Sheena at isa pa, alam mong ayaw ni Camilla ng ganito," sagot ko sa kanya at hindi na siya sumagot. Hinayaan niya na muna akong kumain at nang matapos kami, iginaya niya sa akin ang baso ng tubig. "Pwede ka na umalis," sabi ko sa kanya at tumayo na ako para magpunta sa banyo dahil marami pa akong gagawin sa opisina at wala akong panahon para sa pag-ibig. "Margaret," malambing na tawag sa akin ni Grant at namalayan ko na lang na may yumakap sa akin. Si Grant. "Grant, wala akong panahon para sa ganito," sagot ko sa kanya at pilit kong inaalis ang kamay niya pero wala rin akong lakas ng loob dahil katawan ko mismo ang umaayaw. Ilang sandali rin kaming nasa ganoon posisyon ng marinig kong tinatawg ni Camilla si Grant kaya madali siyang kumalas sa pagkakayakap. "Anong nangyayari? Bakit dito kayo kumain?" tanong niya at nakatingin sa pagkain na nasa kama. "Masama ang pakiramdam ni Margaret kaya naman naisip kong dito na lang kumain. Ano, aalis na ba tayo?" tanong niya at lumakad siya palabas ng kwarto pero ang tingin ni Camilla ay nasa akin lang habang nagtataka. Nagpatuloy na ako sa pag-aayos at tinawag ko an rin si Greg para ihatid ako sa Condo ni Misa. Tinibayan ko na lang ang loob ko bago pumasok sa unit at nakita kong may isang katulong na naghahanda ng pagkain para kay Misa. Nakaayos ang mga pagkain na parang dadalahin sa ibang lugar. "Margaret, ayos lang ba kung doon na lang tayo sa bahay ni Dexx kumain? Wala kasing mag-aasikaso sa kanya saka lugmok pa rin kasi alam mo naman," sabi niya sa akin at tumango ako. Paalis na rin sila ng pagdating ko kaya naman sabay-sabay na kaming nagpunta doon. "Okay lang ba kung magkikita kayo ni Dexx?" tanong niya sa akin habang nasa byahe tapos ay hinawakan ang kamay ko. "Oo naman. Bisita lang naman ako dito." "Great!" sagot niya sa akin tapos ay sinandal pa ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya sa gano'n posisyon hanggang sa makarating kami. "Anong meron at ang daming pagkain ang dinala mo dito?" gulat na tanong ni Dexx nang ipasok ng mga katulong ang pagkain. Hindi mawala sa isip ko ang itsura niya kagabi. "Well, ako lang ba ang nakaisipo mag-celebrate? Approve na kay Lolo ang proposal mo, Margaret. Parte ka na ng Lacson Empire!" masiglang sabi ni Misa sa akin at nagkunyari akong masaya rin para sa kanya. Tumalikod lang si Dexx at nagtungo na sa hapagkainan. Mukhang wala talagang kaibigan si Misa kaya naman lulubusin ko ang pagkakataon na makuha ang loob niya. Kailangan kong makuha ang tiwala niya at uunti-untiin kong kukunin ang lahat sa kanila. "Mr. Lacson, nabalitaan ko sa mga tao mo na nadamay ang pangalan mo sa isang kaso noon?" tanong ko sa kanya habang nasa hapunan kami sa bahay ni Tita Myline. "Yes, may babae kasi akong nagustuhan at dito siya sa bahay na ito tumira pero bigla siyang nawala dahil na-kidnap siya," sagot niya sa akin at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa tinidor dahil nagagawa niya talagang magsinungaling. "And that's Rion?" tanong ko at umarko ang aking kilay dahil siya mismo ang nag-ungkat nito. Paulit-ulit na sila ni Misa sa sinasabi nila tungkol sa akin, nakakasawa na ang kasinungalingan niya. "Bakit paiba-iba ang kwento? Akala ko namatay siya, tapos ngayon, na-kidnap?" nagtataka kong tanong sa kanila at binaba ni Dexx ang kubyertos na hawak niya. Gumawa na talaga siya ng kwento para pagtakpan ang lahat ng kasalanan niya sa akin. "And? Sino ang hinihinalang mong nang-kidnap sa kanya?" sunod kong tanong at pinunasan niya ang kanyang labi saka matalim na tumingin sa akin. "Margaret, bakit interesado ka?" tanong niya at tinaas ni Misa ang kanyang kamay at nagpunas na rin ng labi. "Tell her, I want to hear about that girl, too!" mahinahon na sabi ni Misa pero hindi na muli pa nagsalita si Dexx at pinagpatuloy lang ang pagkain. Sobra akong nakakaramdam ng galit ng oras na iyon at ano mang oras ay baka atakihin ako ng panic attack pero pinakalma ko ang sarili ko. Kailangan kong huminahon at kumuha ng mga impormasyon na kailangan ko para sa kasong ito. "He really likes to walk-out? malungkot kong tanong kay Misa at kibit-balikat na lang siya sa sinabi ko. "Margaret, may gagawin ka ba mamaya?" "Yes. Marami akong kailangang pirmahan sa mga naiwan kong trabaho sa kompanya. Lalo na ngayon, partners na tayo," sabi ko kay Misa at ngumiti siya sa akin. Hindi na siya sumagot pa sa sinabi ko at matapos kong kumain ay nagtungo na ako sa Condo Unit ko. "Mina, nasaan si Tita?" tanong ko sa kanya pagdating ko at kakatapos niya lang magligpit ng mga gamit. Nakita kong nasa labas ang mga maleta ni Tita Myline at parang aalis na sa unit ko. "Bakit nasa labas ang mga gamit ni Tita?" sunod kong tanong. Aktong magsasalita na siya pero pinigilan ko. "Ah, hindi niya po ba nasabi sayo? Bukas daw po ang alis niya at namimili siya ng mga pasalubong daw kay Markus," sagot niya at inayos ang pwesto ng mga maleta. "Anong oras daw siya uuwi?" "Kanina pa po siya umalis eh, baka pabalik na rin po iyon. Kumain ka na po ba ate?" "Yes, kayo kamusta pagkain niyo dito?" "Ayos naman po. Masarap magluto si Ma'am Myline." Naupo na lang ako at inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro pangpalipas oras sa paghihintay kay Tita Myline. Dalawang oras lang rin naman ang hinintay ko bago nakauwi si Tita Myline. "Rion, anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong sa akin at binaba ang lahat ng mga dala niya. "Mina, paki-ayos naman muna to sa kusina," utos niya kay Mina at sumunod naman ito sa kanya. "Hindi mo sinabi sa akin na aalis ka na pala ulit?" tanong ko at napatingin sa mga maleta tapos ay bumalik sa kanya. "Yes. Babalik rin naman ako dito. Sandaling araw lang naman ang nakuha kong araw dito," sagot niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tita, pwede bang huwag ka na lang umalis. Please?" pagmamakaawa ko sa kanya dahil ayokong mawalay na ulit kay Tita. Umiyak ako ng sandaling iyon para pigilan siyang umalis. Niyakap niya ako at pinatahan. "Babalik ako. Kakausapin ko si Markus para magtagal dito," sabi niya sa akin habang nakayakap pa rin. Natuwa ako sa sinabi niyang iyon. Kaya ko suportahan ang financial support para kay Tita Myline at sa akin. "Tita, please. Bumalik po kayo agad." "Oo. Ayokong mapahamak ka at mabalitaan ko na lang na talagang patay ka na dahil sa paghihiganti mo," sagot niya at hinaplos ang mga pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. "Tita, kaya ko po ang sarili ko. Buo na ang loob ko na ilagay ang hustisya sa mga palad ko. Gusto kong maging karma nila Dexx. Ako ang magiging batas nila," matapang kong sagot at tumango lang si Tita. Alam kong naiintindihan niya na ako pero mahirap pa rin para sa kanya na tanggapin ang lahat dahil hindi niya ako pinalaki ng ganito. "Basta, ingatan mo ang sarili mo. Pagbalik ko, siguraduhin mong buhay ka pa rin. Hindi madali ang gagawin mo, kaya mo na ba talaga?" "Opo. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanila. At sana huwag po kayong magalit kay Camilla. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko makakamit ang lahat ng ito," sabi ko pa sa kanya at tumango siya sa akin. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil naintindihan niya ako. "Yung lupa po pala, ano po ang gagawin?" tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin. "Pagbalik ko, aasikasuhin natin yan," sagot niya sa akin at ngumiti ako. Yumakap ako muli sa kanya at gano'n rin siya sa akin. Ilang sandali ko lang siyang nayakap pero parang nawala ang lahat ng pagod ko dahil sa mga gawain nitong nakaraan. "Ate Myline, tapos na po ako." sabi ni Mina sa kanya at tumulong na rin ako sa pag-aayos ng gamit niya. Nang matapos ay umuwi na rin ako agad sa bahay nila Camilla at narinig ko na naman ang malakas niyang boses. "Nag-iisip ka ba, Grant! Isang maling kilos mo, mawawala ang lahat ng pinaghirapan natin!" Nahinto sa pagsigaw si Camilla ng makita akong pumasok at padabog siyang naglakad papunta sa kanyang kwarto. Pulang-pula siya habang nakaharap sa kanyang kapatid. "Anong nangyayari?" tanong ko kay Grant pero umiling lang siya sa akin. Hindi naman magagalit ng ganito si Camilla para sa bagay na walang kahulugan. Kaya sinundan ko na si Camilla sa kwarto niya dahil hindi sanay na magsabi si Grant sa akin ng mga bagay tungkol sa plano namin. Lumapit ako ay Grant at nakita ko ang ilang mga pasa sa kanyang mukha at putok ang gilid ng kanyang labi. May sugat rin sa kanyang mga palad ng sinubukan niya akong palayuin sa kanya pero hindi ako nagpatinag. "Saan galing yang mga sugat mo?" tanong ko at wala pa rin akong nakuhang sagot galing sa kanya. Kapag nakakagawa si Grant ng kasalanan sa kanyang kapatid ay nagsasawalang kibo lang ito. Marahil ay may ginawa nga siyang ikakagalit ni Camilla. Kung ano man iyon, kailangan maayos agad ito. Hindi pwedeng tatlo na lang kami, nagkakawatak-watak pa. "Bakit highblood ka na naman?" tanong ko sa kanya nang makapasok ako. Matalim ang mata niyang tumitig sa akin at namumula pa sa galit ang gilid nito. "Yang si Grant, pumunta sa bahay ni Dexx at nakipagsuntukan!" galit niyang sabi sa akin at kahit ako, nagulat sa narinig ko. Alam kong iniiwasan na ni Grant si Dexx dahil ayaw nitong malaman na nandito siya at baka balikan siya ni Dexx dahil sa nangyari kay Sheena. "B-bakit naman niya gagawin iyon?" tanong ko habang nagtataka pa rin sa naiisip ni Grant para gawin iyon at umiling si Camilla. Pakiramdam ko ay may hindi sila sinasabi sa akin. Nagpatuloy lang siya sa pagluha kaya naman pinatahan ko siya. Tulala lang siya habang nakatingin sa pader sa harapan niya at paisa-isang pinapahid ang bawat luhang tumutulo sa kanyang pisngi. "Yang kapatid kong iyan, nagiging padalos-dalos lang naman siya dahil sa pagmamahal. Nakakagawa siya ng mga bagay na puso ang pinapagana." Nanglumo ako sa sinabi niyang yon at pakiramdam ko, may kinalaman sa akin ang pagpunta ni Grant sa bahay ni Dexx. Hindi ko na muli pang tinanong si Camilla tungkol doon at baka magkaroon siya ng hinala na may nararamdaman para sa akin ang kapatid niya. Nang gabing iyon, napagdesisyonan kong lumayo na kay Grant. Bukas na bukas din ay aalis na ako sa bahay na ito at doon na sa Condo titira. Tingin ko, hanggat nandito ako sa puder nila ay hindi titigil si Grant sa pagpaparamdam sa akin. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko para sa hinahangad kong paghihiganti. Hindi hahadlang ang emosyon ko para sa lahat ng gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD