Chapter 43

2001 Words
Nagbugtong hininga ako ng makarating na muli sa bahay ni Tita Myline. Kung noon, masaya ako tuwing nandito pero dahil iyon sa si Tita Myline ang nakatira dito. Pero ngayon, takot na ang nararamdam ko tuwing pupunta ako dito, parang pinapain ko ang sarili ko sa mga tigre at leon. "Misa?" tawag ko sa bahay pero walang sumasagot. Nawala na rin ang katulong na nagpapasok sa akin kaya naman naghintay na lang ako sa sofa at baka dumating na si Misa. Ngayon ko siya sasamahan para makalipat doon sa kanyang Condo pero nang sinubukan ko siyang tawagin ay hindi niya sinasagot ang tawag ko. Habang naghihintay, nakita kong lumabas si Dexx sa cr at naka-towel lang sa pang-ibaba niyang katawan. Hindi na ako nagtakip na kunyari ay nagulat ng makita ang kanyang katawan dahil nang magkasama kami, palagi niya iyong ginagawa. "Margaret, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin at pinunasan ang kanyang basang buhok habang kausap ako. Matalim na naman ang kanyang tingin sa akin at kung totoong kutsilyo ang hawak niya, baka napatay niya na ako. Nakita ko nang kaunti ang peklat dahil sa pagsaksak ko sa kanya noon pero binalik ko ang tingin ko sa kanyang mukha. "Wala si Misa dito, kakatawag niya lang sa akin at nasa opisina siya gayon," sabi niya sa akin kahit hindi pa ako nagtatanong. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Napangiti ako dahil kaming dalawa lang pala ang nandito. Gusto kong gawin ang pang-aakit sa kanya. Tinitigan ko ang kanyang tiyan kung saan kita ang kanyang mapanuksong katawan. "Alam mo, may kahawig ka talaga eh kaso ibang-iba ang ugali niyo," sabi niya sa akin at umismid ako. Lumayo na ako muli sa kanya at bumalik sa pagkakaupo. "Sino naman ang kahawig ko?" tanong ko sa kanya at umirap lang siya sa akin. Hindi siya sumagot at nanatili lang sa harapan ko. Hinding-hindi ako maakit sa kanyang katawan kahit ano pa ang gawin niya. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo at siya naman, pumasok sa kanyang kwarto. "Hello, Misa? Nandito na ako ngayon sa bahay niyo," tanong ko sa kanya at narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse. "Yes, hintayin mo na lang ako diyan," sagot niya at pinatay niya na ang tawag. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa bahay. Kapag nakuha ko na ito muli, babalik ko sa dati ang disenyo nito. Sandali lang naman ang byahe mula sa Lacson Empire papunta dito kaya hindi ako naghintay ng matagal ay dumating na rin si Misa. She kissed my cheeks and lead me to her room. Ang dating kwarto ni Tita Myline ang ginawa niyang kwarto. "Sorry, ang dami kasing ginagawa sa opisina," sabi niya sa akin at nilabas na ang mga maleta niya. Tinulungan ko siyang buksan ang mga iyon hanggang sa makita ko ang isang pares ng paa sa tapat ng pinto. Nakayuko kasi ako ng mga sandaling iyon. "Saan ka pupunta, Misa?" tanong ni Dexxsa kanyang pinsan at nautal si Misa sakanyang gustong sabihin. "A-alis na ako dito, ayoko ng gulo," sagot niya kay Dexx at nalipat ang tingin sa akin. Alam kong para sa kanya, ako talaga si Rion dahil sa tuwing magkikita kami ay hindi lilipas ang oras na hindi niya ako tinititigan. "Ngayon na pala ang alis mo, sinong makakasama ko dito?" tanong niya pabalik. "Ah, siguro mag-usap muna kayong magpinsan. Mukhang hindi niya alam na aalis ka na pala," sagot ko at aktong lalabas ng kwarto nang harangin ako ni Dexx. Napansin ko ang pagsinghal niya at umiling tapos ay tinitigan ako. "Sabi ko sayo, sumama ka sakin, diba?" tanong ni Misa pero hindi pa rin ako pinapadaan ni Dexx sa pinto at parang ayaw niya rin akong palabasin. "Excuse me." Lumakad ako papunta sa kaliwa pero humarang siya at nang sa kanan naman, gano'n rin ang ginawa niya. Para kaming nagpatintero dahil sa ginagawa niya. "Parehas rin kayo ng pabangong ginagamit. Tell me, Rion?" tanong niya at para akong naestatwa sa sinabi niyang iyon. Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak ng kaunti para makalabas sa kwarto. "Margaret, hayaan mo na yan. Tara na dito at tulungan mo na ako," tawag sa akin ni Misa at sinunod ko naman siya. Paglingon ko, nawala na si Dexx sa pinto kaya naman gumaan ang pakiramdam at mabilis kaming nakapagtapos ni Misa sa ginagawa. "Goodbye, Mr. Lacson," sabi ko sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Nakaisip kong kailangan kong akitin si Dexx at unti-unti kong ilalabas ang natatagong ugali ni Rion. Isang malaking unit ang nakuha ni Misa ng makarating kami doon. Kung ihahalintulad sa isnag hotel, para itong presidential suite dahil sa laki nito. Dalawang unit ito na pinag-isa lang para makuha ang laki. "Nice unit." "Thank you." Hinintay lang namin na maipasok ang mga maletang dala niya at inumpisahan namin iyon ilagay sa kanyang cabinet. "Nakakapagod," sabi ko sa kanya nang maupo na kami. Madami-dami rin ang nadala niyang damit. "Nagugutom ka na ba? Mago-order lang ako ng pagkain. Wala akong stock ng pagkain dito dahil doon naman ako tumutuloy kay Dexx." "Okay. Do you have wine?" "Yes. Gusto mo ba?" tanong niya at hinila ako papunta sa kusina. Malaki pero walang pagkain? Nasa isang kabinet siya habang tinitingnan ang mga bote ng alak na nasa loob nito. Lumingon siya at pagtango lang ang sinagot niya. "Ayos lang ba kung buksan ko ang ref mo?" tanong ko at tiningnan ko na ang laman ng ref. Puno naman ang laman nito, marahil ay hindi siya marunong magluto. "Marami naman palang laman ang ref mo. Gusto mo ba ipagluto na lang kita?" tanong ko at natigil siya sa kanyang ginagawa. "Pasensya ka na, hindi kasi ako marunong magluto at nakakahiya naman kung susubukan ko tapos ay hindi masarap," sagot niya sa akin at ngumiti na lang ako. "Ako na lang ang magluluto para sayo," sabi ko sa kanya at isa-isa kong nilabas ang sangkap para sa paggawa ng pasta. May isang mahabang table sa harap ng kusina at nakaupo lang siya doon at inuumpisahan niya ng uminom ng wine. Nang naghihintay na lang ako matapos ang pagluluto at nagsalin ako sa isang baso ng wine na binuksan niya. "Five minutes na lang, matatapos na ang shrimp pasta," sabi ko at tumango lang siya. Nang matapos kaming kumain, alam kong nakarami na siya sa iniinom na wine dahil mapungay na ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nagke-kwento siya tungkol sa kanyang mga pinsan pero hindi niya mabanggit si Dexx kahit na iyon ang palagi niyang kasama. "Bakit hindi na lang kaya dito tumira si Dexx?" tanong ko sa kanya at natigil siya sa pagtawa na ginagawa niya ng mabanggit ko ang pangalan ng kanyang pinsan. "Ewan ko ba sa kanya. Patay na yung babaeng kinahuhumalingan niya pero naghihintay pa rin siya na babalik iyon," sagot niya sa akin at umiiling. Hindi siya magkandamali sa kung saan siya titingin ng sandaling iyon. "B-bakit? Ano bang meron sa babaeng iyon?" tanong ko at ngumiti lang sa kanya. Ngayon ko mapapatunayan na lalabas ang katotohanan kapag kausap mo ay isang lasing. Nagkunyari akong walang alam sa mga sinasabi niya para makakuha ng impormasyon. Ngumisi sa akin si Misa na parang pinag-iisipan ang sasabihin. Titig na titig siya sa aking mukha na parang inuusisa ang bawat parte ng aking mukha. Tinutok niya sa akin ang kanyang hintuturo pero mabilis niya rin iyong binaba at tumawa. "Alam mo, nakita ko na yung picture ng babaeng iyon. Kamukhang-kamukha mo nga siya, kaya gano'n na lang ang paghiling niya sa akin na lagi kang papuntahin sa bahay," sagot sa akin ni Misa at ilang sandali pa ay nilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang labi. "Talaga? Kaya siguro masama lagi ang tingin niya sa akin," sagot ko at nang makita ko siya, nakayuko na siya at parang tulog na. Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya at tinulak ko siya para mahiga doon. Naghalukipkip lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Ngayon, alam ko na totoong may hinala si Dexx na ako talaga si Rion. Unti-unti kong ipapakita kay Dexx ang mga bagay na ginagawa dati ni Rion habang magkasama sila. "Anong nangyari dito? Bakit lasing na lasing si Misa?" tanong ni Dexx at halos ikamatay ko ang pagkagulat dahil sa bigla niyang pagsulpot. Tinaasan ko lang siya ng kilay ay naghalukipkip bago sumagot. "Nakita mo naman diba? Lasing si Misa. If you'll escuse me, nahihilo na rin ako," sagot ko sa kanya at nang malalagpasan ko na siya. hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako at katapat ko siya. "RION!" sigaw niya. Nanglaki ang mata ko dahil sa pagsigaw na ginawa niya. Pilit kong inaalis ang hawak niya sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa kanya at pulang-pula ang gilid ng kanyang mga mata hanggang sa unti-unting nabasa ito. Nang hindi niya binitawan ang kapit niya sa braso ko at sinampal ko siya ng malakas. Napalingon siya dahil doon pero hindi niya pa rin nabibitawan ang hawak niya sa akin. Hindi pa sapat ang isang sampal na nagawa ko kumpara sa lahat ng pananakit niya sa akin. Ang panggagahasa niya sa akin tapos ay pinalabas niyang mabuti siyang tao. Kinupkop siya ni Tita Myline pero pangloloko pa ang igaganti niya sa akin. Napakasama niyang tao. Darating rin ang araw na makakamit ko ang hustisya na kailangan ko. "Hindi ako ang namatay mong girlfriend! Leave me alone!" sigaw ko pabalik at inalis niya ang kapit sa braso ko saka lumuhod sa harapan ko at niyakap ang baywang ko saka dinikit ang ulo sa aking tiyan. "Patawarin mo kosa nagawa ko sayo..." tinutulak ko ang kanyang ulo para malayo sa akin pero sobrang higpit ng pagkakayap niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Ano ba! Tigilan mo ko!" Hinawakan ko ng isang kamay ang kanyang mga pisngi at naramdaman kong dumiin na rin ang kuko ko sa kanyang balat pero hindi pa rin siya humiwalay sa akin. Sinabunutan ko siya at tinodo ko ang pagtulak sa kanya. Nakita ko ang sakit sa kanyang basang mukha dahil sa mga luha niya pero hindi pa sapat iyon. Nagmakaawa ako sa kanya noon pero parang hindi niya ako naririnig. Pinagkatiwalaan ko siya pero niloko niya ako, kinamkam niya rin ang bahay ni Tita Myline. Hindi pa sapat ang paghingi niya patawad ngayong gabing ito. Pagdudusahan niya muna ang lahat. Nang lumuwag ang yakap niya at sinipa ko siya papalayo sa akin saka ako mabilis na lumabas sa unit ni Misa. Pagkasara ko ng pinto ng unit, agad akong napaupo sa semento at umiyak ng ilang segundo pero mabilis ko rin inalis ang mga luhang iyon sa aking mata. "Hello, Greg! Pakisundo naman ako sa Villamore Condo Unit." Tumayo na ako at naglakad palabas sa building na iyon dahil narinig ko mula sa loob ang paglalakad. Agad akong sumakay sa elevator at tinakbo ko na lang ang palabas sa entrance. "Mina! Greg! Umalis na muna kayo, kakausapin ko alng ang Tita Myline," sigaw ko sa kanila at aligaga silang nagkatinginan at tinulak ni Greg si Mina palabas dahil akmang magtatanong pa ito pero mabuti at umaksyon agad si Greg. Yumakap ako kay Tita Myline at humagulgol. Tinapik ni Tita ang likod ko para patahanin ako pero hindi ako natigil. "T-tita, may hinala na si Dexx na buhay ako," nagmamakaawa kong sabi sa kanya at muli akong umiyak. Hindi ko makalimutan ang paghingi niya ng tawad sa akin kanina. "A-anong nangyari?" tanong niya pero parapara akong mahihimatay dahil sa sobrang pag-iyak. Mas lalo akong nahihirapan ngayon dahil nang sinabi ni Dexx iyon ay para akong natunaw. Pakiramdam ko ay kailangan kong limitahan ang bawat kilos ko lalo na kapag nasa harapan ko si Dexx. Baka may napakita akong kilos na normal kung gawin ko iyon at doon niya inakalang ako si Rion. Malaki na ang pinagbago ko, simula sa pananalita ko at sa pananamit, hinding-hindi na masasabing ako si Rion. "Humingi siya ng patawad sa akin," tanging nasagot ko sa kanya bago ako mahilo ng husto at magdilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD