Chapter 42

2000 Words
Maaga akong nagising dahil gusto ko sana ituloy ngayon ang pag-aalmusal ko kila Dexx pero habang nagbibihis ako, may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Ma'am, pinapatawag po kayo ni Miss Camilla at mag-aalmusal an daw kayo," sabi ng katulong sa akin. "Pakisabi, hindi ako mag-aalmusal dito," sagot ko at wala na ako narinig na kahit anong sagot pa galing sa labas. Pinagpatuloy ko ang pagbibihis at nang mapadaan na ako sa kusina, nagulat ako ng tawagin ako ni Tita Myline. Ang sabi ko ay hindi siya dapat nagpupunta dito pero hindi siya nakinig sa akin. Mabuti na lang ay ako ang pupunta sa bahay nila Misa. "Tita, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at siya mismo ang naghahain ng pagkain. Ngumisi siya sa akin pagkalapag niya ng hotdog at egg sa table. "Halika na at kumain ka na," sabi niya sa akin pero umiling ako. Napatingin ako kay Camilla na nagtataka rin dahil nandito si Tita Myline. "Hindi ako kakain dito, pupunta ako kila Dexx dahil nangako akong pupunta ako doon ngayon," sagot ko sa kanya at kumunot ang noo niya. Alam kong hindi niya ako papayagan kaya naman umalis na ako agad at tinawag si Greg para magpahatid sa kanya. Pagdating ko, nag-uumpisa na silang kumain kaya sabay silang napatingin sa akin na gulat. "Margaret, what a surprise!" sigaw ni Misa at lumapit sa akin saka iginaya niya ako sa hapagkainan. Nagtungo muna siya sa kusina para kmuha ng isa pang plato at pares ng kubyertos. Napatingin ako kay Dexx na seryosong-seryoso nakatingin sa akin at parang may ginawa na naman akong masama sa kanya pero hindi pa naman ako nag-uumpisa. "Alam mo, nagtataka ako, diba bodyguard mo si Greg? Bakit magkasama sila ni Myline kahapon?" tanong niya sa akin at nagkibit balikat lang ako. Hindi ako pwedeng magpahalata na kilala ko si Tita Myline. "Who's Myline? Yung babaeng nagwala dito kahapon? Alam mo, nagtataka rin ako, ang alam ko ay bahay niyo to pero may ibang umaangkin?" tanong ko sa kanya at umigting ang kanyang panga. Nilapag ni Misa sa harap ko ang dala niyang pinggan kaya nagsandok na rin ako ng pagkain ko. "Narinig ko pinag-uusapan niyo, yan rin ang pinagtataka ko. Dexx, hindi mo pa pinapaliwanag sa akin ang nangyari kahapon," ani ni Misa at nagsimula na siyang kumain. Hinigpitan ko ang kapit sa kutsara dahil hinihintay ko rinang magiging sagot ni Dexx. Kung ano nga ba ang totoo. Hindi na siya sumagot at kahit hindi pa tapos ang pagkain niya ay umalis na siya saka padabog na sinara ang pinto ng kwarto niya. Nagkibit balikat na lang si Misa nang gawin iyon ni Dexx. "I'm sorry. Simula talaga ng mamatay ang babaeng gusto niya nagkaganyan na siya." "Okay lang pero malaki ang pinagkaiba ng mga sinasabi ng tauhan sa grocery dahil ayon sa kanila, mabait daw si Dexx." "Mabait naman talaga ang pinsan kong iyon, nalungkot lang talaga siya ng sobra. Sana maintindihan mo." "Okay. Wala naman akong ibang choice," sabi ko at sinabihan ko ng pagtawa saka kumain na ulit. "Ligtas pa kung dito ka titira?" tanong ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkain pero hinihintay ko ang sagot niya. Kailangan kong malaman kung ano ang susunod niyang plano dito. "Gusto ko nga bumalik muna sa Condo ko para makaiwas muna sa gulo, marami akong iniisip. Kung hindi ko lang pinsan si Dexx, iniwanan ko na siya dito," sagot niya sa akin at ngumisi lang ako sa kanya. "Saan naka-locate ang Condo mo?" "Hindi ko alam kung anong pangalan ng bayan pero malapit siya sa Lacson Empire. Gusto ko kasi malapit lang sa kompanya." "What a surprise! Kakakuha ko lang rin doon ng isang unit." Nanglaki ang kanyang mga mata at kuminang dahil sa narinig niya. Hinawakan niya ang kamay ko at masiglang niyugyog ito. "Talaga? Kung ganon, pwede mo ba akong samahan para mag-ayos ng gamit ko, siguro next week. Lunes na naman bukas kaya sigurado, maraming gagawin sa kompanya. Speaking, magkano ang perang gusto mong i-invest sa Lacson Empire?" "Twenty million." Napatayo siya at lumapit sa akin, hinawakan ang aking mukha na parang inaalam kung totoo ba akong tao. Nanglaki ang aking mata dahil kung saan-saan niya na ako hinawakan. "Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo?" "Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ko sa kanya at umarko ang aking kilay. Pinatong ko ang aking baba sa likod ng palad ko at tinitigan ko siya. "Sorry, nagulat lang ako. Gano'n ka kayaman pala." "So, from the start, tingin mo pala ay wala akong pera? Should I back-out?" matalim kong tanong sa kanya at tumayo na ako saka lumabas ng bahay nila kahit tinatawag niya pa ako. Kailangan ko sigurong pahabulin sila na parang aso sa halaga na kaya kong ibigay. Hahabol sila ng hahabol sa akin hanggang sa mahulog sila sa bitag ko. reakfast lang naman ang pinangako ko sa kanya at wala akong balak magtagal. Pagkatapos ko, umuwi na ako ng bahay at naabutan kong nandoon pa rin si Tita Myline. "Tita, walang kasama si Mina. Sana sinamahan niyo siya sa Condo." Humalik ako sa pisngi niya nang makita ko siya. Nasa labas kasi siya ng gate at kausap ang ilang mga katulong. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nang makita ako ng kausap niya ay agad rin umalis. "Nagpaalam siya sa akin at uuwi na muna ngayong araw sa Manila para bisitahin ang kanyang magulang doon. Kamusta ang pagpunta mo doon? Wala ba silang ginawa sayo?" tanong niya sa akin at umiling ako. Hinawakan ko ang kanyang kamay para magpunta na muna kami sa garden. "Alam mo, hindi ko nagugustuhan ang ugali ng Camilla na iyan. Masyado siyang mataray," sabi niya sa akin at seryoso ang kanyang mukha. Lahat naman ng mga taong unang nakakilala kay Camilla ay ganoon ang sinasabi pero ako, naniniwala akong mabuti siyang tao. "Tita, mabuting tao si Camilla," sagot ko sa kanya pero umiling lang siya. Hindi ba niya naisip na si Camilla ang tumulong sa akin para marating ang lahat ng ito? "Rion, kung mabuti siyang tao, hindi ka niya hihikayatin para maghiganti," sabi sa akin ni Tita Myline at napahinto ako ng biglang lumabas si Camilla sa likod ni Tita Myline. "At ano ang gusto mong gawin ko?" malamig na tanong ni Camilla at napatingin si Tita Myline sa kanya. Tumayo si Tita at hinarap siya. Tumayo na rin ako at alam kong pagsasabihan ni Tita Myline si Camilla dahil ganito ang kanyang reaksyon noon kapag may nagagawa akong mali. "Sana hindi mo na lang siya hinikayat maghiganti. Kung naisip mo na lang na magsumbong sa mga pulis para sa hustisya ni RIon at hindi ang ganito. Hindi ko na kilala ang pamangkin ko!" matalim na sagot ni Tita Myline sa kanya. Humakbang si Camilla palapit kay Tita Myline at nakahalukipkip siya. Hindi ko gustong magkaaway silang dalawa dahil sa akin pero pakiramdam ko ngayon ay magkakasagutan sila. "Alam mo ba na kung gagawin iyon ni Rion, pwede siyang ipapatay ng mga kamag-anak ni Dexx?" tanong ni Camilla sa kanya at nalipat ang tingin ni Tita Myline sa akin. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pamilya ni Dexx. "A-anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong sa amin pero ang tingin niyaay na kay Camilla. "Apo si Dexx ng Governor. Tingin mo, hindimakakarating sa kanya kung magkaroon ng kaso ang apo niya?" tanong ni Camilla sa kanya at nanglaki ang mga mata ni Tita Myline. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Camilla. "Rion, naririnig mo ba ang sinasabi ng babaeng ito?" Histerikal na sabi niya at lumapit siya kay Camilla at sinampal niya ito. Nagulat ako sa ginawa ni Tita kaya naman agad ko rin siyang nilayo kay Camilla dahil alam kong pag nasaktan ito, wala itong pinapalagpas. "Tita, ano ba ginagawa mo?" tanong ko sa kanya at nilapitan ko naman si Camilla para awatin siya sa kung ano ang sunod niyang gagawin pero yumuyog lang ang kanyang balikat at ilang sandali pa, tumawa siya ng may halong panglalait. "Nababaliw ka na talaga! Ikaw ang dahilan kaya nagkaganito ang pamangkin ko!" sigaw muli ni Tita at pumasok na sa loob. Sumunod ako kay Tita Myline para ipaliwanag sa kanya ang nangyari. Pumasok siya sa kwarto ko at sumunod ako sa kanya. "Tita, bakit gano'n kayo kay Camilla? Tinulungan niya lang ako. Wala siyang kasalanan. Sariling desisyon ko ito!" sigaw ko sa kanya at natulala lang siya sa akin. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya akong ganito kaya alam kong sisisihin niya na naman si Camilla dahil dito. "Nagkaganyan ka na simula ng dumating ka dito," nanglulumo niyang sabi sa akin at may lumandas na luha sa kanyang mga mata. "May sarili akong pag-iisip at gagawin ko ang lahat para mapabagsak ang pamilyang iyon. Kukunin ko ang hustisyang gusto kong makuha." "Bahala ka! Aalis ako dito!" sigaw niya pabalik sa akin at dinala ang lahat ng mga gamit niya. Hindi ko na siya pinigilan at hinayaan ko siyang umalis sa bahay. Kailangan niyang mag-isip muna para malaman niyang walang ginagawang mali si Camilla. Napaupo na lang ako sa kama at umiyak dahil sa sama ng loob at kahihiyan sa nagawa ni Tita Myline. Ilang sandali akong napaupo ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Si Grant iyon at pumasok siya sa kwarto saka tumayo lang sa harap ko. Nakita niya na naman akong ganito kaya pinunasan ko muna ang basa kong mukha gamit ang mga palad ko bago tumingala sa kanya. "Bakit nagmamadaling umalis si Tita Myline?" tanong ni Grant sa akin at lumuhod siya sa harapan ko. Nagtama muli ang aming mga mata at naaalala ko na naman ang nangyaring paghalik ko sa kanya. Dinikit ni Grant ang likod ng kanyang palad sa pisngi ko at doon ko lang napansin na masyado na akong napapatitig sa kanya. "Nag-away sila ni Camilla, dahil nalaman ni Tita ang totoong pagkatao ni Dexx. Sinabihan ako ni Tita na huwag na ituloy ang plano dahil natatakot siyang makalaban ko ang pamilya ni Dexx." "Anong ginawa ni Camilla?" ani ni Grant. Umiling ako sa kanya at kinuyom ang aking kamay. "Mabuti at hindi gumanti si Camilla sa kanya matapos siyang sampalin nito," sagot ko at humalakhak si Grant sa sinabi ko. "Sanay na sanay si Camilla sa pananakit. Kasing kapal ng kalabaw ang balat niya," sagot nito at mas dinikit ang kanyang mukha sa akin. Naamoy ko na ang kanyang hininga at ang shave cream na ginamit niya ng may biglang tumikhim. Sabay kaming napatingin sa tapat ng pinto dahil doon yon nanggagaling. "Ihahatid ko na si Tiyang Myline sa Condo," sabi ni Greg at matalim ang tingin niya kay Grant tapos ay nalipat sa akin ang tingin niya. Kumunot ang noo ko dahil sa arko ng kanyang kilay. Tumayo na si Grant at lumabas sa kwarto pero sa tapat ng pinto ay nagkatitigan pa sila ni Greg ng ilang sandali. "Anong relasyon niyo ng lalaking iyon?" tanong sa akin ni Greg pero umiwas ako ng tingin sa kanya dahil alam kong may sasabihin na naman siyang hindi maganda. "Mag-iingat kayo ni Tita Myline," sabi ko sa kanya at lumapit sa pinto para isara ito at tinulak ko siya ng kaunti. Nang mapag-isa ako, muling bumalik ang lahat ng problemang hinahaharap ko. Unang-una doon ay ang pagkumbinse ko kay Tita Myline para makuha ko siya sa panig ko. Kailangan ko ang tulong niya dahil sa kanya ang lupang sinamsam ni Dexx. Pangalawa, alam kong nagtataka na si Dexx dahil sa biglaan kong pagsulpot at kamukhang-kamukha ko si Rion pero iniiba ko ang pananalita ko tuwing makakasama ko siya. Pangatlo ay kung paano ako hahanap ng ebidensya para mapatunayan na sila ang may gawa sa akin ng gano'n. Matagal na ang ginawa nilang kriment sa akin kaya mahihirapan ako kung muli kong bubuhayin ang kaso. Alam kong madadagdagan pa ito dahil nag-uumpisa pa langa ko sa laban pero kung ano man ang madadagdag ay handa akong harapin iyon at gagawin ko ang lahat para matupad ang mga plano ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD