Chapter 41

2010 Words
"Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Camilla pagkaupo ko. Hinawakan ko ang sintido ko dahil sa kirot ng ulo ko. "Oo. Pasensya na kagabi' Papalitan ko na lang ang flower vase mo," sagot ko sa kanya at ngumisi lang sa sinabi ko. "No, bibili pa ako ng maraming flower vase at basagin mo lahat." Tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi niyang iyon. Dumating na rin si Grant at umupo sa tapat ko. Makahulugan ang tingin niya sa akin ng umagang iyon pero natigil rin dahil tumikhim si Camilla. "Kaunti lang ang kakainin ko ngayong umaga. Pupunta ako ngayon kila Misa dahil nagsabi ako na doon ako kakain ng almusal," sabi ko sa kanila at naglagay ako ng kaunting pagkain sa plato ko. "Siguraduhin mo lang nag pag-uwi mo dito maayos ka pa rin mag-isip," sabi ni Camilla sa akin at hindi ko na pinansin ang sinabi niyang iyon. Si Grant na ang naghatid sa akin dahil hindi na ako nagpasundo pa kay Greg. Tahimik lang kaming tatlo ng may narinig kaming pagkatok sa gate tapos ay may narinig na kaming pagsigaw sa labas. Hindi pa kami tapos kumain pero sabay-sabay kaming tumayo para puntahan ang pinanggagalingan ng ingay. "Ano na naman ang nangyayari dito?" pasigaw na tanong ni Camilla. Nasa unahan ko ang magkapatid kaya hindi ko pa nakikita kung sino ang taong nagwawala sa bahay nila. Bibihira ang magkaroon ng bisita ang magkapatid. "Nasaan ang pamangkin ko!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses kaya hinawi ko ang magkapatid para makita ang taong iyon. Halos matunaw na ako nang makita ko siya. Nanglabo ang mga mata ko ng sandaling iyon pero agad ko rin pinunasan ang mata ko. "R-rion?" malambing na tawag ni Tita Myline sa akin. Ang laki ng pinagbago niya ng makita ko siya. Pumuti na siya at nagkaroon ng kaunting laman. Bumata rin ang kanyang mukha. Humakbang ako papunta sa kanya at niyakap ko siya. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko na halos mawalan na siya ng hininga dahil doon. Nalipat ang tingin ko kay Greg na nasa tabi niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ko ng maigi ang kanyang mukha. Hinawi niya ang buhok sa mukha ko at hinaplos ang pisngi ko na parang sinisigurado na totoong tao ang nasa harap niya. "Buhay ka talaga? Ang balita sa amin, patay ka na!" tanong niya pero umiling lang ako sa kanya at naaalala ko na kailangan kong pumunta sa bahay nila Misa ngayong umaga. "Tita, kailangan ko ng tulong mo," sabi ko sa kanya at hinila ko siya papunta sa kwarto ko. Doon ko sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari at inabot lang kami ng ilang minuto. Alam kong nagtataka pa rin siya pero may tamang oras para ipaliwanag ko sa kanya ang lahat. "Greg, ihatid mo ko sa bahay nila Dexx," sabi ni Tita Myline kay Greg. Sumunod naman si Greg sa kanya kahit alam kong nagtataka siya. Napakamot siya ng ulo habang naglalakad. "Grant, pwede mo ba akong ihatid papunta kila Dexx?" tanong ko sa kanya, ilang minuto bago nakaalis sila Tita Myline. "Bakit hindi ka pa sumama sa kanila?" pasagot niyang tanong sa akin. Hindi na ako kumibo dahil alam kong susunod naman siya s akin. Matapos namin kumain ay nag-ayos na ako at tinawag si Grant. "Ano ba naisip mong plano?" tanong niya habang nasa byahe na kami pero nasagot ang lahat ng tanong niya dahil sa pagdating namin, may gulo na sa tapat ng bahay. Pero dahil ayaw niyang makita siya ni Dexx ay pinaalis ko na siya. "Hintayin mo na lang ako sa kanto," sabi ko kay Grant at sumunod naman siya. Maraming tao sa tapat ng bahay nang sandaling iyon at pagbaba ko, may bulong-bulungan na naman nang makita ako, narinig ko ang pagsasabi nila sa pangalan ko. Si Tita Myline ang nagwawala habang ginigiba ang gate ng bahay pero nasa loob lang sila Misa at Dexx. Hindi nila magawang lumabas. Bumaba na ako sa sasakyan at agad nagtungo sa kanila. "Oh my! Anong nangyayari dito?" tanong ko at umarteng natatakot nang makita ko si Tita Myline habang nasa tabi niya si Greg. "Greg, anong nangyayari? tanong ko ulit. Nagtataka na si Greg sa ginagawa ko pero sinabihan ko na siya kanina sa byahe na kailangan niya lang magtiwala sa akin. Mamaya ko na lang ipapaliwanag ang plano ko. "Ang kapal ng mukha mo, Dexx! Ibalik mo ang bahay ko!" sigaw ni Tita at kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao ay wala siyang pakialam. Gusto kong makalapit si Tita Myline kay Dexx kaya gagawa ako ng paraan. Ayoko man madamay si Tita Myline dito pero parte na siya ng laban na ito dahil kinuha ni Dexx ang bahay niya at gagawa ako ng paraan para mabawi niya iyon. "Kumalma ka, Myline!" sigaw pabalik ni Dexx sa kanya. Binuksan ni Misa ang gate at hinila ako papasok sa bahay nila at nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Tita Myline kaya siya nakapasok sa bahay nila. Muntik na ako mapaupo sa lupa kung hindi lang ako inalalayan ni Dexx. Nagulat ako ng nasa tabi ko na si Tita Myline at humarap kay Dexx. Sinampal ni Tita Myline si Dexx ng paulit-ulit at kahit inaawat na namin siya ni Misa ay hindi siya matigil. Natuwa ako sa ginawa ni Tita Myline sa kanya at parang nakaganti na rin pero hindi yon sapat. Kulang pa ang sampal na nakuha niya. Sumunod sa pagpasok si Greg. Hinawakan niya si Tita Myline at pinalayo ng kaunti kay Dexx. Nagpupumiglas si Tita pero sumunod naman siya kay Greg. Gusto kong hilahin palayo si Greg para matigil siya sa pag-aawat kay Tita Myline pero mahahalata nila Dexx at Misa na magkasabwat kami. Alam kasi ni Dexx na si Greg na ang bodyguard ko ngayon kaya kailangan kong magkunyari na hindi ko kilala si Tita Myline. "Sino po ba kayo?" tanong ko kay Tita Myline at pinanglakihan ko siya ng mata dahil ayokong magkamali siya ng sagot sa akin. "Huwag kang makialam dito, iha!" sigaw ni Tita pero hinila na siya ni Greg palabas ng bahay at sinakay sa sasakyan saka sila umalis. "Margaret, huwag ka na muna siguro tumuloy dito, nakakahiya! Bukas na lang tayo kumain," sabi sa akin ni Misa at pinalabas na rin nila ako sa bahay nila. Unti-unti umalis ang mga tao nang sandaling iyon. Naglakad ako ng kaunti at natanaw ko na ang sasakyan ni Grant at mabilis ko naman iyon nilakad. "Anong nangyari?" tanong sa akin ni Grant at kumunot ang kanyang noo dahil isang ngiti ang sinalubong ko sa kanya. "Umuwi na tayo, doon ko na sasabihin," sagot ko sa kanya at habang nasa byahe, inabala ko ang sarili ko sa aking telepono. Pinapunta ko muli si Greg at Tita Myline sa bahay. "Nasaan ang Tita Myline?" tanong ko sa katulong at sinabing nasa garden ito kasama si Camilla. "There she is. Maiwan ko na muna kayo," sabi ni Camilla sa amin at yumakap ako muli kay Tita Myline. Hindi ko talaga inaakala na uuwi siya dito. "Rion, ang laki ng pinagbago mo!" sabi sa akin ni Tita Myline at ngumiti ako ng matamis sa kanya. Kagaya niya, malaki rin naman ang pinagbago simula ng makarating siya sa Amerika. "Ikaw rin naman po," sagot ko at hinawakan ko ang kanyang kamay. "Ano ba ang nangyari?" "Ilang araw matapos niyong umalis, nagbago ang ugali ni Dexx. Naging mapanakit na siya at muntik niya na akong mapatay." "Iba na talaga ang tingin ko sa kanya ng makita ko siya noon, kasama ni Markus pero habang kasama natin siya, wala siyang pinakitang masama." "Yun rin ang akala ko pero nagkamali ako." Sandali kaming natigil dahil sa pagbuntong hininga ni TIta Myline. "Tita, marami po akong nalaman simula ng magkasama kami ni Dexx. Siya po ang gumahasa sa akin." "Ano?!" "Kagabi, doon ako naghapunan sa bahay nila, nakita ko ang dalawang lalaki na gumahasa sa akin ng gabing iyon." "Ayoko na marinig ang mga pinagdaan mo, masyado nang masakit sa ulo ang lahat ng nangyayari," sabi niya sa akin at uminom na lang ng tsaa tapos ay dinala ko na siya muli sa kwarto ko para doon makapagpahinga. Gustuhin ko man sabihin sa kanya ang lahat ay di ko na lang ginawa. Malalaman niya rin ang lahat kapag handa na siya. Naluha ako sa harap niya bilang si Rion. Ngayon ko lang uli naipakita ang totoong ako dahil sa pagdating niya, hindi ko mapigilan hindi ilabas ang pagkatao na matagal ko na rin tinago. Pumasok ako sa kwarto ni Camilla para sabihin sa kanya ang lahat. Nakahiga lang siya ng sandaling iyon at nagbabasa ng isang libro. "Camilla, pwede bang dito muna tumuloy si Tita Myline?" "Hindi. Alam mo naman na biglaang bumibisita dito si Dexx. Patuluyin mo na lang sya doon sa Condo mo at hindi mo pa naman natitirahan iyon," aniya at tama rin naman ang sinabi niya. Para na rin may makasama doon si Mina. "Sige, kakausapin ko na lang siya mamaya para doon na tumira," sabi ko kay Camilla at lumabas na ako ng kwarto. Bumalik ako sa kwarto ko para sabihin iyon kay Tita Myline. Ayaw ko man mahiwalay sa kanya pero kailangan kong sundin ang sinabi ni Camilla. Bumalik ako sa kwarto at nakita ko si Tita na pinagmamasdan ang lahat ng mga damit ko sa kwarto. "Tita?" tawag ko sa kanya at umupo ako sa kama. Tumitig siya sa akin at parang hindi pa rin makapaniwala sa pagbabago ko. "Saan po kayo tutuloy?" "Hindi ko alam, hindi ba ako pwedeng tumuloy dito?" "Biglaan pong pumupunta si Dexx dito. Kapag nalaman niyang nandito kayo ay masisira ang plano namin. May Condo ako, gusto niyo bang doon muna? Nandoon si Mina." "Oh siya, sige. Wala naman ako magagawa kung ayaw nung babaeng iyon." "Tita, hindi natin kalaban si Camilla." Tumango na lang siya s akin at nakita ko na nasa kwarto ko pala ang mga gamit niya. "Ngayon na ba, kailangan ko na umalis?" Binuhat niya na ang mga gamit niya at akmang lalabas sa pinto pero pinigilan ko siya. "Hindi. Dito na kayo maghapunan. Ipapahatid ko kayo kay Greg mamaya," sagot ko sa kanya at binalin niya na ang mga gamit niya. Tumabi siya muli sa akin. "Maraming salamat po kanina, Tita. Pasensya na kung pati kayo ay nadamay pero iyon na po sana ang huling beses na makikita niyo si Dexx. Ako na po ang bahala sa lahat." "Hindi maaari iyon. May kinuha siyang pagmamay-ari ko." "Ako na po ang bahala..." sagot ko sa kanya at hinaplos niya muli ang aking pisngi. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon. Masaya ako ngayon dahil alam kong nadagdagan ang mga taong tutulong sa akin para makamit ang hustisya. Alam ko na hindi magugustuhan ni Tita kapag nalaman niya ang plano kong paghihiganti at lalo na ang gumawa ako ng mga bagay na maaari akong mapahamak. Pero, kung sila, pailalim ang ginagawang masama sa ga tao, huhukayin ko pa ng mas malalim ang kanilang ginagawa para makuha ang gustisyang hinahangad ko. Hindi ako makakapayag na madamay pa muli si Tita Myline. Mabuti na rin na doon talaga siya sa Condo pansamantala para hindi siya mahanap ni Dexx dito. Mas malayo ay mas maigi. Habang nasa kwarto kami kanina... "Saan kayo tutuloy ngayon?" "Malamang sa bahay ko, saan pa ba?" "Wala na kayong babalikan. Nasa pangalan na ni Dexx ang bahay." Nanglaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko at parang hindi makapaniwala. "Pupuntahan ko siya doon. Hindi ako makakapayag na ang pinaghirapan ko ay makuha niya ng gano'n kadali. Pinagpaguran ko iyon para sayo!" sabi niya s akin. Pinakalma ko siya at pinaupo muna sa kama Kailangan niyang makinig sa akin. Naintindihan ko kung bakit siya nagagalit ngayon pero mas kailangan niya ako maintindihan. "Anong kailangan kong gawin?" tanong niya ng kumalma na siya. "Alam ng lahat na patay na ako at ibang pangalan na ang ginagamit ko ngayon, Margaret." "Magkasunod tayong pupunta doon pero gusto kong huwag nila malaman na magkakilala tayo," tumango siya sa akin at lumabas na kami ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD