Chapter 40

2006 Words
Padabog kong sinara ang pinto pagkapasok ko sa bahay kaya alam kong nagulat ang lahat sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam kung paano ko ba ilalabas ang sama ng loob ko dahil sa nalaman ko. Kung pwede lang ay sinaksak ko na si Dexx habang nasa hapangkainan kami kanina ay ginawa ko na. Pero hindi iyon gano'n kadali. Nahihirapan ako dahil sa pagkuha ng hustisya pero sa tuwing naaalala ko ang lahat ng kasamaan nila ay mas lalong lumiliyab ang galit na nararamdaman ko. "Sino yun?" tanong ng isang katulong at tumakbo papunta sa akin. Nahinto siya sa kinatatayuan niya habang kinukusot ang suot niyang uniporme at tinitigan lang ako dahil sa kaba nang makita ako. Matalim ko siyang tiningnan at hinagis ko ang flower vase na nakita ko. Tinakpan ng katulong ang kanyang tainga dahil sa pagwawala kong iyon. "M-ma'am! Ma'am Camilla!" sigaw nito tapos ay nagtungo sa kwarto ni Camilla at kinatok ang pinto. Hindi magkamayaw ang pagkatong ng katulong nang sandaling iyon. Lumabas ito habang nakaroba pantulog at tinatali pa ang ribbon sa baywang nito. "Ano ba!" sigaw nito at nakita niya ang pagwawalang ginawa ko. Nagpalipat - lipat siya ng tingin sa akin at sa katulong tapos ay pinaalis niya ito. Lumabas na rin si Grant na mapungay ang kanyang mga mata. Alam kong matutulog na sila pero sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko iyon nailabas habang nasa byahe kami ni Greg. "Yong putang-inang Dexx na iyon, siya ang gumahasa sa akin!" sigaw ko at nanglaki ang mga mata ni Camilla habang napanganga. Maging siya ay nagulat sa sinabi ko. Hinagis ko muli ang isa pang flower vase na nahawakan ko at sumalampak na ako sa sahig dahil wala na akong magawa. Umiyak ako ng oras na iyon dahil sa galit na nararamdaman ko. "What do you mean, siya? Paano mo nalaman? Ano ba nangyari sa dinner niyo?" sunod - sunod na tanong ni Camilla sa akin at nilapitan ako para pakalmahin pero tinulak ko siya. Ayokong pakalmahin ako ng kahit sino dahil gusto kong ilabas ang galit na nararamdaman ko. Gusto kong ilabas ang lahat ng galit na naramdaman ko kanina habang kumakain kami. Yung lalaking gustong patayin ako ay siya rin palang gumahasa sa akin. Napakasama niyang tao! Harap-harapan niya kaming niloloko ni Tita Myline. Napakagaling niyang magkunyari na mabait siya pero ang totoo, napakademonyo niya. "Yung mga lalaking gumahasa sa akin, mga pinsan sila ni Dexx!" sigaw ko at narinig kong sinuntok ni Grant ang pader. Tinitigan ko siya at gustohin ko mang lumapit siya sa akin ay itutulak ko lang siya palayo dahil ayokong may aawat sa akin sa paglalabas ng galit ko. "Anong tinatayo-tayo niyo? Linisin niyo ang kalat!" sigaw niya sa mga katulong at agad naman kumilos ang mga iyon. Humarap siya sa akin at humalukipkip. "Tanga ka ba? Ngayon mo lang narealize yan?" sarkastikong tanong sa akin ni Camilla. Umarko ang kilay ko at natigil bigla ang nararamdaman kong pagkainis. "Diba, ang sabi mo, siya ang naghatid sayo sa hospital? Do'n pa lang, halata na! Ginahasa ka niya pagkatapos niyang paalisin ang mga pinsan niya!" sigaw niya sa akin at nakangiti. Doon ko lang naisip na tama si Camilla. Pinagtagpi-tagpi ko ang lahat. Kaya pala sinasabi niyang tanggap niya ako dahil siya ang may gawa sa akin no'n. Napakahayop niya talaga! "Lumayo ka sa akin!" sigaw ko at muli akong napaupo sa sahig at nais muling magwala pero wala na akong lakas para gawin yon. Lumayo nga sa akin si Camilla at bumalik na sa kanyang kwarto. Ako at si Grant na lang ang naiwan sa sala. "Huwag mo kong hawakan! Bitiwan mo ko!" sigaw ko habang inaakay ako ni Grant papunta sa kwarto ko' Mas mahigpit ang kapit niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa hanggang sa makapasok sa kwarto ko. Naupo ako doon habang kinukuyom ang kumot sa kamay ko. Hinila ako ni Grant pahiga at walang pag-aalinlangan akong sumunod sa gusto niya. "Ano ba nangyari?" tanong niya sa akin habang tumabi at hinahaplos ang buhok ko. Humarap ako kay Grant at niyakap siya saka nagsimulang umiyak. Yumakap rin siya sa akin at hinihimas ang likod ko. Nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa ginagawa niyang iyon. "S-si Dexx ang gumahasa sa akin. Yung ibang lalaki, nakita ko sila. Kasama sa hapunan kanina," pahinto-hinto ang ginawa kong pagsasalita dahil hinahabol ko ang hininga ko ng mga oras na iyon. Patuloy ang masagana pagdaloy ng luha sa aking mga mata kaya hindi ko magawa humarap kay Grant. "May ginawa ba sila sayo?" tanong niya sa akin at pilit niya akong pinapaharap pero mas dinidikit ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ayokong makita niya akong mahina sa sandaling ito. "Wala.. Wala silang ginawa sa akin," sagot ko sa kanya at humikbi na naman ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng sandaling iyon. "Mabuti at wala silang ginawa sayo." aniya ni Grant. "Sige, umiyak ka lang. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo. Makikinig ako," ani ni Grant habang patuloy akng umiiyak nang sandaling iyon. Hindi ko na inisip kung ano ang posisyon namin at kung gaano kalapit ang katawan naming dalawa. Ang mahalaga sa akin, malabas ko ang lahat ng galit ko ngayong gabi. "Masyado niya kaming pinaikot ni Tita Myline sa mga palad niya. Akala ko, totoo ang pagmamalasakit niya sa akin nang malaman niyang ginahasa ako. Kaya pala tinanggap niya ako kahit gano'n ang nangyari sa akin, dahil siya pala ang gumahasa sa akin. Napakademonyo niya! Binaboy niya ako!" dagdag ko pa at humagulgol ako at mas humigpit ang pagkakayakap kay Grant. "Hush... Nandito na kami, hindi makakatakas si Dexx sa lahat ng mga kasalanan niya sayo," bulong ni Grant at bawat salitang bitawan niya ay gumiginhawa ang nararamdaman ko. "Yung kung paano akong bugbugin ng mga kasabwat niya, paulit-ulit na sa isip ko simula ng makita ko sila kanina!" sigaw ko kay Grant pero hindi siya nagsasalita at alam kong nakikinig lang siya sa akin. Hindi ko na rin gustong magsalita kaya niluwagan ko ang pagkakayakap kay Grant at tinitigan ko siya. "We will do something. Hindi papayag ang ate na maulit ang nangyari kay Sheena," sabi ni Grant at kumirot ang puso ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ng babaeng minahal niya noon. Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha dahil sa sinabi niya. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang awa sa akin ng sandaling iyon. Nalipat sa kanyang mga labi ang tingin ko at walang pagpapaalam na hinalikan ko siya. Gumanti siya ng halik sa akin at nilapit ang katawan ko sa kanya. Binuhat niya ako dahilan para mapunta ako sa ibabaw niya. Parang mababaliw na ako ng mga sandaling iyon. Galit na galit ako kay Dexx dahil sa nalaman kong siya ang gumahasa sa akin pero lahat ng galit na iyon ay tuluyang nabura ni Grant. Hindi ko akalain na gagantihan niya ako ng halik. Mas lalong hindi ko inaakala na hahalikan niya rin ako. Ang nasa isip ko ay aayawan niya ako dahil para sa akin, si Sheena pa rin ang nasa puso niya. Dikit na dikit pa rin ang mga labi namin kagaya ng aming mga katawan at tanging mga saplot na lang namin ang hadlang. Tumagal ang halik ko sa kanya at agad akong lumayo. Nakaramdam ako ng init ng katawan kaya naisip kong lumayo sa kanya pero pati ang sarili kong katawan ay hindi nagiging totoo sa akin. Humiga na ako ulit sa tabi niya. Hindi pa ako handang ibigay ang lahat sa kanya dahil sa takot. Tumayo na rin siya at umupo na lang sa tabi ko. "I'm sorry," bulong sa akin ni Grant at inayos ang buhok ko. Nilagay niya iyon sa likod ng aking tenga at dinampian muli ang aking labi. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa paghingi niya ng tawad. Dahil ba sa gumanti siya sa halik ko? "No, I'm sorry," sagot ko sa kanya pero hinila niya lang ako at niyakap. Dama ko na rin ang init ng kanyang paghinga pero kinuyom ko ang kamao ko dahil hindi pa oras para mawala ang lahat ng galit na nararamdaman ko. "Magiging maayos ka rin, makukuha mo rin ang hustisya. Palagi lang akong nandito, hihintayin kita," sabi niya sa akin at sa huling pagkakataon, dinampian niya ng halik ang labi ko. Nahiga na ako muli at iniisip kung gaano kalambot ang labi ni Grant. Alam kong totoo siya sa akin at hinding - hindi niya ako magagawng lokohin. Ilang oras na rin simula ng mangyari iyon, pinilit kong makatulog pero hindi ko magawa. Kaya naman lumabas ako para uminom ng alak pampaantok. Nang nasa kusina na ako, nakarinig ako ng ingay kaya agad akong nagtungo kung saan ko iyon nanggagaling. Kumuha na ako ng kahit anong pwedeng ihampas sa gumagawa ng ingay ng oras na iyon. Labis ang kaba ko habang dahan-dahan lumalapit sa pinanggalingan ng ingay. Hawak ko pa rin ang ng baso na may alak nang makita ko si Grant papunta sa kusina, kaya binitiwan ko ang flower vase na dinampot ko para ipanghampas sa gumagawa ng ingat. Dumiretso siya sa ref para kumuha ng tubig. Para akong naestatwa at hinayaan ko lang siyang kumilos pero grabe na ang t***k ng puso ko dahil sa pag-aasam na maulit ang halik niya ng sandaling iyon. "Bakit gising ka pa?" tanong niya sa akin at tumikhim ako saka uminom ng alak. Tinaas ko ang baso ko para alukin siya pero tinanggihan niya ako. "Nag-isip ako kung paano ako makakuha ng ebidensyang magpapatunay na si Dexx at ang mga pinsan niya ang gumahasa sa akin," sabi ko kay Grant. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko kay Grant ang plano ko pero dahil sa nangyari kanina, alam kong ikakagalit niya iyon. "Huwag mo na muna alalahanin iyon, makakahadlang iyan sa pagkuha mo ng yaman ng mga Lacson," sagot niya at tumawa ako ng kaunti dahil sa sinabi niyang iyon. Napangiti ako dahil ayokong maipakita kay Grant na dismayado ako sa sinagot niya. Kaya kong pagsabayin ang dalawang iyon. Alam kong mahirap pero ngayon pa lang, nakikita kong magtatagumpay ako. Walang puwang sa bokabularyo ko ang salitang talo kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang gusto ko. "Pwede ko naman pagsabayin. Naisip ko na habang kinukuha ko ang yaman nila, unti-unti akong napapalapit sa kanila," sagot ko at may isang ideya na ako. "Sinong sa kanila? Si Misa lang ang kailangan mong makuha ang loob," sagot niya sa akin at nakita kong tumalim na ang kanyang mga mata. Alam kong naiisip niya rin ang tumatakbong plano sa isip ko ng sandalign iyon. "Yes, buong lahi ng Lacson,. Aakitin ko silang lahat tapos ay pababagsakin ko sila," matipid kong sagot at nagulat na lang ako ng ikulong ako ni Grant sa mga bisig niya. Tinitigan ko siya nang sandaling iyon at alam kong galit si Grant ng sandaling iyon. "Subukan mong makipaglapit muli sa mga demonyong iyon, ako na mismo ang papatay sa kanila," bulong sa akin ni Grant at nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko pa siya nakikitang ganito at saya rin dahil alam kong kaya akong ipaglaban ni Grant, dahil sa nalaman kong iisa ang tinitibok ng puso namin. "Huwag kanggagawa ng mga bagay na makakasira sa plano ko," sagot ko sa kanya at hinalikan niya akong muli pero hindi iyon kagaya ng unang halik niya sa akin kanina. Ramdam ko ang galit sa kanyang halik ng oras na iyon. Sa loob ng dalawang buwan, napalagay kay Grant ang loob ko dahil alam kong toto siya at buo ang binigay niyang pag-aalaga sa akin. Alam ko sa sarili ko na hindi makakapayag si Camilla sa kung ano man ang nararamdaman ko dahil magiging hadlang iyon sa mga plano namin. Gaya ng sinabi ni Grant, maghihintay siya. Hindi magtatagal, darating rin ang oras para sa mga nararamdaman namin ni Grant. Pag dumating ang araw na iyon, bibigay ko ng todo ang lahat kay Grant. Lahat ng pagmamahal na dapat niyang maramdaman ay ibibigay ko sa kanya. Bong-buo, walang labis at walang kulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD