Chapter 39

2004 Words
"Sigurado ka na bang kaya mo humarap mag-isa sa kanila?" tanong sa akin ni Camilla matapos kong sabihin ang sales kahit tanghali pa lang. Tinanggap ko ang alok ni Misa para maghapunan sa kanilang bahay at kasama si Dexx. Pinagbasehan ko ang pag-uusap namin kanina at para sakin, unti-unti ko na makukuha ang kanyang loob. Kailangan kong malaman ang mga bagay tungkol sa negosyo at ang nmga personal na rin nilang impormasyon para sa kahinaan nila. Si Mosa ang magdadala sa akin sa unang hakbang ng paghihiganti. "Oo, kailangan kong umpisahan na mapalapit sa kanilang pamilya at tingin ko, si Misa ang magiging daan para mangyari iyon. Mahirap pa sabihin ngayon kung sino ang magiging susi para mapabagsak ang Lacson Empire pero gusto kong isa-isahin silang lahat," sagot ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa sasakyan ko. Huli na ang lahat para umatras pa sa laban na ito dahil kaya ko nang harapin ang lalaking sumira ng buhay ko. Hinding - hindi ako makakapayag na mapupunta sa wala ang lahat ng tulong na binigay sa akin nila Camilla at Grant. Kailangan kong mapatunayan sa kanila na ako ang maghihiganti para sa lahat ng kasalanan sa kanila ni Dexx. Naghihintay na sa akin si Greg at pinagbuksan niya ako ng pinto hanggang sa matanaw ko si Grant na nakatingin sa akin at hawak ang kanyang baba. Ilang araw na rin simula ng sa Condo na ako tumuloy kaya ngayon ko lang ulit nakita si Grant. Kumaway ako sa kanya pero umirap lang siya sa akin at tinaas ang bintana sa pinto ng kotse. Hindi ko alam kung bakit siya gano'n kaya binaliwala ko nal nag iyon dahil mas gusto ko pa isipin kung paano mapapalapit sa pamilya ni Dexx. Kailangan kong mapasok ang mga personal nilang buhay. "Maraming salamat," sabi ko kay Greg at pumasok na rin siya saka nagsimulang magmaneho. "Saan tayo pupunta? Susunduin ba kita?" aniya ni Greg na seryosong nakatingin sa akin wari ay may gustong sabihin kahapon pa siya ganito. "Tatawagan kita," sagot ko sa kanya at humingang malalim. "May gusto ka ba itanong? Kahapon ka ba ganyan," ani ko sa kanya at siya naman ngayon ang huminga ng malalim. "Naisip ko lang, ano ba naramdaman mo ng makita mo ulit ang bahay mo? Hindi mo ba gustong bumalik?" tanong niya sa akin at humarap uli siya sa kalsada tapos ay nagsimula na siyang magmaneho. Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Sino ba ang taong ayaw bumalik sa sarili nilang bahay? Taas noo akong naglakad papasok sa bahay ni Tita Myline. Hindi na ako tumawag pa kay Misa para sabihin na pupunta ako dito. Kumatok na ako sa pinto at natagalan pa bago niya buksan ang pinto. Naririnig kong nagiging abala sila sa loob nang pumasok ako. Isang katulong ang nagbukas ng pinto para sa akin. "Sino po sila?" tanong ng katulong sa akin at sinara ang pinto sa likuran ko. "Nasaan si Misa?" tanong ko sa katulong pero hindi niya na ako pumunta na siya sa kusina at tinawag na lang niya si Misa. "Ang aga mo naman!" sabi sa akin ni Misa at hinalikan ang pisngi ko. Yumakap ako sa kanya ng kaunti at doon ko napansin ang sala. Inalis nila ang coffee table sa gitna ng sala tapos ay pinalit ang isang mahabang table. Nakaayos na rin iyon. May limang upuan at may mga plato, kubyertos na nakalagay doon. May iba pa siguro kasing kasama dahil sa dami ng upuan na nasa lamesang iyon. "Ayokong ma-late sa first dinner natin. Anyway, may iba pa ba tayong makakasama? May maitutulong ba ako?" "Nako, umupo ka na lang muna diyan at matatapos na rin kami sa pag-aayos." Tumalikod na siya at bumalik muli sa kusina. Naiwan akong mag-isa doon kaya naman nilibot ko na lang ang atensyon ko sa pagbabago ng bahay. Ilang sandali pa, may narinig akong mga kotse dumating kaya sinilip kung sino ang dumating. May isang kotse ang pumarada sa labas at lumabas ang apat na lalaki. Tatlong lalaki na nasa trenta ang edad at isang matandang lalaki ang pinakahuling bumaba. Nakaporma ang mga ito. Nang pumasok sila sa gate, umupo na ako sa hapagkainan at kunwari, inabala ang sarili sa aking telepono. Napatingin ako sa pagbukas ng pint at unang pumasok ang matandang lalaki. May hawak itong tungkod bilang suporta sa kanyang paglalakad. Nakatayo sa likod niya ang tatlong lalaki at napansin kong nanglaki ang kanilang mga mata nang makita ako. Dumiretso lang sa pagpasok ang matanda habang nakatingin sa akin. "You must be, Miss Sandoval from Natividad Corporation?" bati nito sa akin at tumayo ako para magbigay galang sa kanya. Nagmano ako at malugod naman niyang tinanggap ang ginawa ko. Hindi ako pinansin ng dalawang lalaking kasama niya pero ang isa ay ngumiti sa akin. Tinitigan ko ang dalawang lalaki, mukha silang pamilyar sa akin at nagbalik sa isip ko ang nangyaring pangagahasa sa akin. Sila ang dalawang lalaki na gumahasa sa akin, ang kasama ni Simon ng gabing iyon. Nang maisip ko ang ginawa nila, nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa nakita ko ang kanilang mukha. Wala akong narinig sa paligid ng mga oras na iyon, tinungkod ko ang aking kamay sa lamesa dahil ano mang oras, parang babagsak ako. Pero kailangan kong maging maayos at hindi mapahalata sa kanila na kilala ko sila. "Opo," sagot ko at umupo na ako para mapakalma ang sarili ko. Sakto naman na lumabas na si Misa sa kusina kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para umiwas na tingnan sila. Sa ilalim ng lamesang iyon, mariin kong kinuyom ang aking kamay dahil sa galit na umuusbong sa akin at sa mga tanong sa isip ko. Bakit sila nandito ngayong gabi at kung kilala ba sila ni Dexx? "Ang aga niyo naman dumating dito, Lolo Arman. Kayong dalawa diyan, para kayong tuod. Tulungan niyo ko sa kusina," utos ni Misa sa kanila at naglakad sila papunta doon pero nararamdaman kong nakatingin pa rin sila sa akin ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko, mahihirapan ako sa gabing ito para kilalanin sila dahil mag-isa lang ako at buong pamilya ang makakasama ko ngayon. Ilang sandali pa, natapos na sa paghahanda si Misa at tinawag na niya si Dexx sa kwarto nito. Nakabihis na lumabas ang lalaking paghihigantihan ko at nagulat rin siya nang makita ako. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa dalawang lalaking kasama niya. "So, kamusta ang negosyo, Miss Sandoval? Mabuti at nakapunta ka dito ngayong gabi," sabi sa akin ni Arman habang kumakain na kami. "It's good, looking forward for more projects with Misa, Mr. Arman," sagot ko at nakita kong masigla ang matanda sa sagot ko. "What's wrong with you, ngayon lang kayo nagkita-kita magpipinsan, ang tahimik niyo?" ani ni Misa. Simula kasi ng kumain kami ay hindi man lang kumibo ang mga lalaking kasama ni Arman, pati na rin si Dexx. "Hindi ata sila sanay na may makitang maganda habang kumakain," ani ng isang lalaki at hindi man lang sila napakilala sa akin ni Misa. "What did you say, Philip? Parang sinabi mo na rin na hindi ako maganda?" sagot ni Misa sa kanya at doon na nagkaroon ng reaksyon ang tatlong lalaki. Tumawa ng kaunti ang mga ito pero umirap lang si Misa sa kanila kaya natahimik sila. Mga pinsan pala ni Dexx ang mga ito. Doon ko napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari. Inutusan niya ang mga ito nang gabing iyon para gawin sa akin ang bagay na iyon. Humigpit ang kapit ko sa kutsara na hawak ko pero hindi ko pinahalata sa kanila iyon. "Magpipinsan pala kayo. Are you all bachelors?" tanong ko sa knaila at magkasabay na nabulunan ang dalawang lalaki. Si Dexx naman ay uminom lang ng tubig. "No," tipid na sagot nila at hindi man lang makatingin sa akin. Siguro ay inuusig na sila ng konsensya nila sa ginawa nila sa akin dahil hindi rin sila makatingin habang nagsasalita. "I'm sorry, hindi ko pa pala sila napapakilala sayo," sabi ni Misa at uminom muna ng tubig bago nagsalita. "Josef at Joshua ang pangalan nila," sabi ni Misa. Informal ang gainawa niyang pagpapakilala sa kanila. Nilahat ko ang mga kamay ko tinanggap naman nila iyon. Nakita kong pawisan na sila dahil sa pagpapakilala ni Misa. Peke akong ngumiti sa kanila at alam kong natatakot na sila ng mga oras na iyon dahil sa pagkakita sa akin. "Si Dexx na lang ang wala pang asawa sa kanilang tatlo," si Misa ang sumagot para sa kanya. "Misa!" saway ni Dexx sa kanyang pinsan at hindi na muli pa nagsalita si Misa, nagpatuloy na lang itong kumain. "Nagluluksa pa rin si Dexx simula ng umalis ang babaeng kinahuhumalingan niya noon," sagot ni Philip at tila hindi ito natakot kay Dexx dahil sa sinabi niya. "And who's that lucky girl?" mapang-akit kong tanong at pinunasan ni Dexx ang kanyang labi saka tumingin sa akin. "Bakit ka interesado, Miss Sandoval?" matalim niyang tanong at nalipat ang tingin ko kay Arman dahil tinuktok niya ang hawak niyang baston. "Dexx, don't be rude. Bisita siya ni Misa," saway nito sa kanyang apo. Tumayo si Dexx at bumalik sa kanyang kwarto kahit hindi pa siya tapos kumain. "I'm sorry, may nasabi ba akong masama?" tanong ko pero hinawakan ni Misa ang kamay ko at umiling. "Huwag mo na intindihin ang apo kong iyon, masyado lang siyang nalungkot simula ng umalis ang babaeng pinapangarap niya," ani ni Arman at nagsandok muli ng pagkain. "This house is nice, paano niyo nakuha ang bahay na ito?" tanong ko sa kanila at nilibot ang mata ko sa buong sala at tumingin sa dalawang lalaki. Pawisan na talaga ang kanilang mga noo ng oras na iyon. "Nakuha? Binili ito ni Dexx. Dating bahay ito ng kasintahan niya at nagbabaka-sakaling buhay pa ito kaya naisip niyang bilihin," sagot naman ni Philip sa akin. Tama, bumalik na ako pero para maghinganti, sabi ko sa sarili ko ng mga sandaling iyon. Pinagmasdan ko sila habang naiisip na ihanda na nila ang mga sarili nila dahil iisa-isahin ko sila. Mag-uumpisa ako sa pagkakaroon ng malaking share sa kompanya nila hanggang sa unti-unti kong kukunin ang lahat. "Alam mo, Miss Sandoval, kahiwig mo ang babaeng gusto niya. Pero masyadong simple ang babaeng iyon at hindi man lang marunong maglagay ng make-up sa kanyang mukha," sagot ni Joshua na kinagulat ko. Tinapik siya ni Josef para matigil ito sa pagsasalita. Isa si Josef sa sumampal sa akin ng gabing iyon pero si Simon ang may maraming ginawang pananakit sa akin pero wala siya ngayon dito. Nang mga oras na iyon, palihim akong tumingin sa dalawang lalaki at sa isip ko, unti-unti ko silang pinapatay dahil sa sobrang galit pero gaya ng mga payo nila Camilla at Grant, kailangan isip ang paganahin ko at hindi ang damdamin. Mas lalong nagkaroon ng apoy ang paghihiganti sa puso ko dahil nabuo ang konklusyon sa isip ko na sila talaga ang gumahasa sa akin. Kailangan kong magkaroon ng matinding ebidensya. "Kamusta ang hapunan?" tanong sa akin ni Greg nang sunduin niya ako. Tumalim ang tingin ko at kung nakakamatay ito, bumagsak na si Greg sa harapan ko. "Alam ko na kung sino ang gumahasa sa akin pero kailangna ko ng matinding ebidensya dahil hindi basta-basta ang kakaharapin ko," sagot ko sa kanya at umiling lang siya. "Masyado mong papahirapan ang sarili mo, bakit hindi ka na lang magsumbong sa mga pulis?" tanong niya sa akin at kinuyom ko ang aking mga kamay. Nalipat doon ang tingin ni Greg at hindi na isya kumibo pa. "Alam ng lahat na patay na si Rion, paano pa ang sinasabi mong magsumbong sa mga pulis? Ayokong masayang ang pinaghirapan namin nila Camilla. Nandito na ako, Greg, kaharap ko na sila!" sigaw ko sa kanya at umigting lang ang kanyang mga panga habang nagmamaneho. Hawak ng pamilyang ito ang batas, pero ako, ilalagay ko ang hustisya para sa mga palad ko. Hustisya para sa ginawa niya sa akin at sa ilan pang mga tao na nagawaan nila ng masama. Uumpisahan ko ang laban na ito bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD