Chapter 38

2005 Words
"Anong nangyari kahapon? Inatake ka na naman ng panic attack mo?" tanong sa akin ni Camilla habang nag-aalmusal kami. Tumikhim si Grant bilang sagot. Alam kong siya ang nagsabi kay Camilla sa nangyari. "Hindi na importante kung ano ang nangyari, ang mahalaga, hindi nakahalata si Dexx sa atin kahapon," mahinahon kong sagot sa kanya pero hindi ko inaasahan na magsasalita si Grant para sa akin. "Hayaan mo na siya Ate, hindi naman kasi gano'n kadaling makalimot, alam na alam mo yan," sagot sa kanya ni Grant at padabog na binitawan ni Camilla ang kubyertos. "Hahayaan? Ngayon siya makikipag-usap para sa business proposal, hindi pwedeng masyado pa siyang emosyonal dahil baka atakihin siya ng panic attack kapag nakita ang mga iyon," mataray na sagot ni Camilla sa kapatid. Hindi na ako nakapagtimpi dahil ako ang pinag-aawayan nila kaya padabog rin akong nagbagsak ng kubyertos. Napatitig ako sa ginawa niyang iyon dahil pangalang beses pa lang na nasaksihan kong ginawa niya iyon. Sa loob ng dalawang buwan kong pamamalagi sa kanila ay nalaman kong palabas lang noon ni Camilla ay pinapakita niyang ugali sa amin ni Dexx. Isa siyang disenteng babae at puro trabaho lang ang nasa isip niya. Kaya gano'n na lang ang gulat ko sa reaksyon niyang iyon. "Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi ng Dexx na iyon," sagot ko sa kanya at tinitigan niya langa ko. Alam kong para sa plano namin ang iniisip niya at kapag nalaman ni Dexx ang tungkol doon, sigurado akong magkakaroon ito ng ideya na ako si Rion. "Hindi mo kaya!" "Kaya ko, mamaya uumpisahan ko na gawin ang business proposal." "Oh, really?" Natigil na kami sa pagtatalo dahil si Grant naman ang nagdabog kaya parehas kaming napatingin sa kanya. Kung si Camilla ay minsan ko nang nakita sa gano'n reaksyon, si Grant ay hindi ko pa nakitang nagalit kahit isang beses. Alam kong mahinahon siyang tao at maunawain sa akin. "Hindi ba kayo titigil? Nasa harap pa kayo ng pagkain," sigaw niya at parang nabulunan ako dahil hindi ko pa nakikitang naiinis si Grant. Pero si Camilla ay walang reaksyo, marahil ay sanay na siya nakikita ang kapatid na naiinis. Hindi muli kaming nagtalo pa ng umagang iyon at nagtrabaho na lang ako sa opisina ni Camilla. Sinimulan kong gawin ang mga financial reports dahil iyon ang isa sa maselan na impormasyon sa gagawin kong proposal. Hindi ko pa masyadong gamay to kaya nais ko sana mapakita kay Camilla ang gawa ko para malaman kung tama ba ito. "Camilla, natapos ko na ang ginawa kong business proposal," sabi ko sa kanya at kinuha ko sa printer ang natapos kong gawain. "Huwag mong masamain kung sinabi ko iyon kanina, gusto ko lang maging handa ka kapag kaharap mo sila, tandaan mo, ikaw na kakausapin nila at wala ako sa tabi mo," sabi sa akin ni Camilla ng lumapit ako sa kanya para mapakita ang ginawa kong report. Hindi naman ako gagawa ng isang bagay na makakasira sa mga plano namin. Sana ay maintindihan niya iyon. "I know pero sana pagkatiwalaan mo ako," sagot ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin tapos ay binasa niya ang iilan sa mga papeles na ginawa ko bago niya pinirmahan iyon. Pagtapos kong mag-ayos ay agad kong tinawagan si Greg para ihatid ako sa restaurant na napag-usapan namin. Habang naghihintay, biglang tumunog ang telepono ko at si Misa ang tumatawag. "May nagbago sa schedule ko, pwede ba na dito na lang sa bahay namin ang meeting place? I hope you don't mind," sabi niya sa akin na naging dahilan para kumunot ang aking noo. "Sure, no problem. I'm on my way." sagot ko sa kanya. Pumayag ako kahit na hindi ako sang-ayon dahil sigurado akong makikita ko doon si Dexx. "Thank you." Pinatay ko na ang tawag at ilang sandali lang, dumating na si Greg. Kinakabahan ako buong byahe dahil sa loob ng ilang buwan, ngayon lang ako ulit makakapunta sa bahay ko. "Nagbago plano, dalahin mo ko sa bahay ni Tita Myline at doon na lang daw kami magkita ni Misa," utos ko kay Greg at lumingon siya sa akin. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya na tinuloy pa iyon. Pinagtataka ko pa rin kung paano napunta sa pangalan ni Dexx ang bahay ni Tita Myline. Pagpasok may kaunting nagbago sa bahay. Nagkaroon na ng garden sa labas at napalitan rin ang mga pintura nito. Sumilip ako sa loob ng bahay at nakita kong nag-uusap si Misa at Dexx. Kitang-kita ko na lugong-lugo habang katabi si Misa. Hinihimas naman ni Misa ang likod ni Dexx. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero nakikita kong kumikilos ang kanilang mga labi. "Misa?" tawag ko sa kanya at kumatok na rin sa pinto. Humnga akong malalim at inayos ang sarili ko bago humarap sa kanila. "Margaret," matabang na sabi niya sa akin at pinatuloy ako sa loob. Batid kong iba ang timpla ng kanyang mukha ng sandaling iyon at napatingin ako kay Dexx na matalim naman ang tingin sa akin. Nagkaroon ako ng hinala kung ano ang pinag-uusapan nila kanina at handa akong harapin iyon. Peke akong ngumiti sa kanya ag umupo sa sofa kung saan nandoon rin si Dexx. Tinitigan ko siya at nilapag ang hawak kong folder sa aking mga hita. "Do you want something? Coffee, juice, water?" tanong sa akin ni Misa habang pinagsalop ang kanyang mga kamay pero ang mata niya ay nakatingin kay Dexx. Lumingon ako sa lalaki at nakita kong nakatitig siya sa akin na parang inusisa ang aking mukha. "Juice na lang siguro." Hinubad ko ang suot kong vest para mapakita na naiinitan ako. Tumalikod na si Misa sa amin dalawa. Kinakabahan ako dahil naiwan kaming dalawa ni Dexx doon. Umatras ako ng kaunti sa kanya at binasa ko na lang muli ang dala kong papeles. Mabilis naman nakabalik si Misa sa amin at siya talaga ang nag-prepare ng juice para sa akin. Nasa pitsel ang ginawa niyang juice at hindi pa siya nakakapagsalin para sa akin. Nag-aalangan pa akong uminom dahil baka may kung ano sa juice na iyon. Napansin iyon ni Misa kaya siya na muna ang nagsalin at uminom ng juice. "Huwag kang mag-alala, walang lason ang juice," sabi niya sa akin at iba pa rin ang reaksyon ng kanyang mukha. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niyang iyon. Nagsalin na rin ako ng juice para sa akin at inabot ko na ang folder kay Misa. "Nandyan na ang lahat tungkol sa investment proposal ko, sana ma-appreciate mo," sabi ko sa kanya at tinanggap niya iyon pero hindi niya pa binubuklat ang folder bago siya nagsalita. "Miss Margaret, bago ang lahat. Gusto kong itanong, paano mo pinakikitunguhan ang mga empleyado niyo?" tanong niya sa akin at naka de kwatro na siyang umupo sa akin at sumingkit ang kanyang mga mata. Tumikhim ako at tumingin kay Dexx. Tama nga ang hinala ko, nasabi na ni Dexx ang ginawa ni Camilla nito sa kanya. Ngumisi ako at ginaya rin ang kanyang pag-upo. "Miss Misa, business proposal ang pinunta ko dito, hindi ang pagkekwento kung paano ang pamamalakad ko sa mga tao ko," sagot ko sa kanya at nagulat ako dahil sa pagtawa niya. "Gusto ko ang pagiging prangka mo. Nakwento kasi sa akin ni Dexx ang nangyari kahapon. Biglaan siyang tinanggal bilang Manager at ikaw ang pumalit? I wonder, are you one of his ex?" tanong niya sa akin at binasa niya na ang dala kong proposal. "Of course not!" Ngayon ko lang nakilala si Mr. Lacson. I don't know what's wrong with Camilla but if she needs my help, I will." Uminom ako sa juice na gawa niya at pinalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "And one more think, I don't discuss business with outsiders," dagdag ko pa at tumingin kay Dexx. Hindi siya kailangan sa pag-uusapan namin ni Misa kaya naman hiniling kong paalisin na sana siya ni Misa. Hindi na nagsalita pa si Misa at kusa na umalis si Dexx at pumunta sa kwarto niya. Naging abala na lang ako sa pagpapaliwanag kay Misa tungkol sa mga sales report ng negosyong hawak ko. "Magaling. Maganda ang pasok ng pera sa kompanya niyo, matanong ko lang, bakit ang Lacson Empire ang napili mong bigyan ng business proposal?" aniya ni Misa. "Well, ayon sa research na ginawa ko, kaunti pa lang ang may negosyo ng household ang construction supplier dito sa Laguna," sagot ko at walang pasubali na pinirmahan ni Misa ang proposal kahit hindi ko pa napapakita iyon sa board members niya. "I like you and I want to see you more. Gusto ko magkaroon pa tayo ng maraming oras para mag-usap," sabi niya sa akin at inabot na ang folder. Tiningnan ko isa-isa iyon para makita kung wala siyang kulang sa mga kailangan pirmahan. "Gusto ko magkaroon ng meeting kasama ang mga board members ko at ilang mga investors dahil malaking halaga ang gusto kong ilaan para sa partnership natin," sabi niya sa akin at nagsalin ulit siya ng juice sa kanyang baso. Gusto ko rin mapasok agad ang kompanya niyo para mapabagsak na kayong lahat. Si Misa, para sa akin ay isang alitaptap na naaakit sa apoy ng paghihiganti ko. Ngumiti ako sa kanya dahil siya na mismo ang may gustong magkalapit kami pero kailangan ko pa rin bantayan ang sarili ko at huwag magtiwala sa kanya ng husto dahil isa pa rin siyang Lacson. "Im glad to have business with you, Ms. Lacson," sabi ko sa kanya at nilahad ko ang palad ko para makipagkamay sa kanya. Nang dinikit niya ang kamay niya sa akin ay peke akong ngumiti sa kanya. "Sure, walang problema sa akin," sagot ko sa kanya at kuminang ang kanyang mga mata. Mukhang mas mapapadali ang pakikipagkaibigan ko kay Misa dahil siya mismo ang nag-aalok ng mga bagay na gusto kong mangyari. "Gusto mo dito ka na lang maghapunan mamaya? Nakakabagot sa bahay na ito dahil dalawa lang kami ni Dexx dito," sagot niya sa akin. "That's a great idea." Tumingin ako sa orasan ko para mapakita na may mga lakad pa ako at makaalis. "I'm sorry, I have to go. Pupunta pa ako sa grocery para tingnan ang mga empleyado doon. Again, thank you." Humalik ako sa pisngi niya at hindi na ako naghintay pa na ihatid niya ako sa pintuan at kusa na akong umalis. Muli akong kumaway sa kanya bago sumakay ng sasakyan. "Kamusta ang pag-uusap niyo? May ginawa ba si Dexx?" tanong sa akin ni Greg at umiling langako. Kita kk ang pag-aalala noya sa akin. "Ang unang hakbang namin para pabagsakin ang pamilya nila ay naging maayos. Magiging ka-partner na namin ang kompanya nila kaya magkakaroon ako ng pagkakataon na makita palagi si Dexx," sabi ko kay Greg at hinatid niya na ako sa grocery. "Maayos nga, pero ang kalooban mo? Walang magandang maidudulot ang paghihiganti at maaaring mas lumaki ang gulo kapag pinagpatuloy mo iyan," sagot sa akin ni Greg. Naiintindihan kong gusto niya akong ilayo sa hulo at ayaw niyang mapahamak ako pero buong-buo na talaga ang loob ko. Hinding-hindi ako magpapaawat sa binabalak ko. Wala doon si Camilla kaya naman ginawa ko ang bagay na alam kong dapat gawin. Bilang tagapamahala na rin ng negosyo nila, ginagampanan ko ang responsibilidad ko. Mahirap pagsabayin ang lagsagawa ng mga plano kasabay ang pamamalakas ng negosyo kaya kailangan talaga ng iilang mga tauhan. Mabuti at nasa panig ko si Greg at Mina. Nanatili lang ako ng ilang oras doon habang pinipirmahan ang ilang mga papeles. Kailangan kong matapos ang ibang gawain dahil mamayang gabi, pupunta ako sa bahay nila para sa hapunan. "Camilla, hindi ako maghahapunan mamaya sa bahay. Niyaya ako nila Misa para doon kumain sa kanila," sabi ko sa kanya habang nagpapahinga. 'Huwag mong kalimutan na mag-isa ka lang doon. Tibayan mo ang loob mo," sagot niya sa akin. Hinding-hindi ko nakakalimutan ang lahat ng mga sinabi niya noon at mas lalo ang mga ginawa sa akin ni Dexx. Iyon ang magiging lakas ko para gawin ang lahat ng plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD