Chapter 37

2002 Words
"Mina, ikaw na muna ang bahala dito sa Condo Unit. Manood ka o kaya gawin mo ang lahat ng gusto mo. Huwag ka lang magpapapasok ng hindi mo kialal," bilin ko sa kanya at iniwan na namin siya doon ni Greg. "Mae, paki-print ang mga kontrata na pinasa ko sa email mo tapos ay sumunod ka sa grocery," utos ko kay Mae at sabay-sabay na kaming umalis sa Condo. "Margaret, sigurado ka bang itutuloy mo ang paghihiganti kay Dexx? Pwede naman na gumawa na ka na lang ng hakbang para masumbong ang ginawa niya sayo?" tanong sa akin ni Greg habang nasa byahe kami at papunta sa grocery. Alam kong nagtataka siya dahil ang ginawa sa akin ni Dexx ay isa sa mga normal na problema ng mga mag-asawa pero hindi ko pa asawa si Dexx, nagawa niya iyon sa akin. Isa rin sa dahilan ko ay ang pagtanaw ng utang ng loob kay Camilla at Grant. Malaki ang naitulong nila sa akin at hinding-hindi ko sasayangin iyon. Umirap lang ako sa kanya dahil sa masyado siyang mapagtanong. Sasagot na sana ako pero biglang tumunog ang aking telepono dahil sa tawag ni Camilla. "Tinawagan ko na si Dexx pero hindi siya sumasagot. Marahil ay tulog pa siya. Kung ano man ang mangyayari, hindi ka na nag-iisa ngayon," sabi sa akin ni Camilla at hindi ko na siya sinagot dahil ayokong malaman ni Greg na si Camilla ang tumawag. Nag-iwan na lang ako ng mensahe para kay Camilla at pinagmasdan lang ang nadadaanan namin habang nasa byahe. Ako na ang ginawang manager ni Camilla doon at balak namin surpresahin si Dexx dahil sa tatanggalin namin siya ng biglaan. Natuon ang atensyon ko kay Greg na nakatingin sa pagmamaneho peor tumitingin siya sa akin sa salamin. "Margaret?" tanong niya sa akin at nag-isip na lang ako ng pwede ko maging dahilan kay Greg dahil para sa kanya, pantay pa rin ang hustisya at alam kong ayaw niyang ilagay ko ang batas sa akin mga kamay. Pero kailangan kong gawin iyon dahil malaking pamilya ang kakaharapin namin nila Camilla. Mahirap pero kailangan. "Oo. Ayoko rin sayangin ang nagawang tulong nila Camilla at Grant. Kung hindi dahil sa kanila ay baka wala na ako ngayon sa harapan mo," sagot ko sa kanya pero hinampas niya lang ang manibela ng sasakyan ko at umigting ang kanyang panga. Nagulat ako sa reaksyon niyang iyon at hindi ko alam kung bakit siya nagagalit ng mga sandaling iyon. Wala naman akong sinabing masama at gusto ko rin naman ang ginagawa ko ngayon. "Hindi ko alam kung ano ang rason mo para tulungan ang magkapatid pero kung sila ay makapangyarihan na tapos ay kailangan pa nila ang tulong mo, paano ba ang gagawin niyong paghihiganti?" tanong niya sa akin at alam kong may punto siya doon. Hindi ako nagkamali sa pagkuha kay Greg bilang akong bodyguard dahil matalas ang kanyang pag-iisip. Naaalala ko tuloy ang pagbabala niya sa akin noon at kung sana nakinig ako ay hindi ko mararanasan ang ginawa sa akin ni Dexx. Pero hindi ito ang oras para sisihin ko ang sarili ko dahil makakamit ko rin naman ang hustisya na hinahanap ko at walang makakapigil sa akin kahit ano pa ang sabihin ni Greg. Buong - buo na ang loob ko. "Pagkatiwalaan mo na lang kami, alam namin ang ginagawa namin," sagot ko sa kanya at hindi na siya muli pang nagsalita. Nang makarating kami sa grocery, wala pa si Dexx doon kaya naman sinamahan na ako ni Greg sa loob at sinimulan ko ang loob ng grocery. "Tanghali na pala siya pumapasok ngayon?" tanong ko kay Greg at tumango lang siya sa akin. Mabuti at wala pa siya dito dahil ayokong pipigilan niya ako sa mga gagawin ko ngayong umaga. Hindi na ako makapaghintay na makita ang kanyang itsura habang inaalis namin siya ni Camilla sa posisyon niya sa grocery. Wala siyang puwang sa mga bagay na pinaghirapan ni Tita Myline. Ang susunod kong babawiin sa kanya ang bahay na iniwan sa akin ni Tita Myline. "Doon pa rin ba tumutuloy si Dexx sa bahay ni Tita Myline?" tanong ko kay Greg na may bakas ng pagkagulat dahil sa tanong kong iyon. "Ang sabi niya sa amin ay binenta na sa kanya iyon ni Tita Myline," sagot ni Greg at tumango lang ako. Inangkin niya na rin pala ang bahay at gusto kong alamin kung paano iyon nalipat sa kanyang pangalan. Hiniling ko kay Camilla na sana ay wala siyang baguhin sa loob ng grocery at tinupad naman niya iyon. May iilan ng tauhan doon at nagsisimulang mag-ayos ng mga paninda. "Gusto kong tawagin mo silang lahat sa pantry, Greg,"sabi ko sa kanya at nauna na akong pumunta doon. Umupo ako sa pinakadulo ng pantry at pagpasok ni Greg, kasunod niya na ang mga empleyado. Nakade-kwatrong upo ako doon at nakahalukipkip na rin. Dumami ang mga empleyado ng oras na iyon kahit maliit ang kinikita ng grocery. Hindi naman kailangan maraming tao sa loob dahil tatlo lang ang kaha at kahit limang kargador lang naman ay pepwede na. "Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po si Margaret, ang magiging bagong Manager in Charge ng grocery na ito. Nais ko pong ipaalam na simula ngayong araw na ito ay hindi na si Dexx Lacson ang hahawak sa inyo," sabi ko sa kanila at nagbulungan ang bawat isa. "Napansin kasi ni Miss Camilla na simula ng si Dexx ang humawak ng grocery ay bumaba ang benta kumpara sa pamamahala noon ni Rion at ni Myline, ang dating may-ari. Nais ko pong sabihin na magbabawas ako ng mga empleyado sa grocery na ito," huminto ako dahil nagsimula silang mag-ingay dahil sa pagpoprotesta. Tumingin ako kay Greg at nakuha niya naman ang gusto kong sabihin. "Patapusin po muna natin si Margaret bago tayo magprotesta," sigaw ni Greg at sumunod naman ang mga tauhan sa kanya. "Lahat ng mga matatanggal ngayong araw na ito ay hindi naman mawawalan ng trabaho, dahil sa kompanyang itatayo ko, kakailanganin ko ng mga office workers at ilang mga trabahador. Kahapon, nagsimula na sila Mina at Greg bilang empleyado ko," sabi ko kanila at nang hindi gumawa ng ingay ang mga tao, kinuha ko kay Greg ang folder kung nasaan nandoon ang mga form para sagustong magtrabaho sa opisina ko. "Lahat ng tatawagin ko, sila ang mga napili kong magtrabaho sa aking opisina." Kinuha ko ang listahan ng mga empleyado na alam kong may kakayanan sa teknolohiya at kayang humawak ng Computer. Ang iniwan ko sa grocery ay ang mga taong hindi kayang malayo sa kanilang mga pamilya. Pinaliwanag ko na rin ang lahat ng makukuha nilang sahod at benefits sa akin. Sa tulong ni Greg para kumbinsihin sila ay hindi naman ako nabigo. Nakuha ko ang lahat ng mga nasa listahan at naisip kong bukas ay ipapakita ko na sa kanila ang opisina ko at uumpisahan ko na rin ang orientation para sa trabaho nila. Bumalik na ang lahat ng ga tauhan sa kani-kanilang posisyon at naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila tungkol sa akin pero hindi ko na iyon binigyan pa ng atensyon. Nang makalabas kami, nakatayo na si Dexx sa entrance ng grocery at nakatingin sa amin ni Greg. Naglakad lang ako ng diretso kahi sa loob-loob ko ay may kaba akong nararamdama dahil sa mga oras na ito, alam kong sinabi na ni Camilla sa kanya ang nangyari. "Miss," narinig kong tawag sa akin ni Dexx. Napansin ko na siya na papunta dito ngayong umaga. Pinamahala na sa akin ni Camilla ang grocery dahil kailangan niya na asikasuhin ang Natividad Association. Hindi niya pa rin siguro matanggap na tinanggal siya ni Camilla bilang manager at ako ang pinalit niya. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha habang tinititigan ko siya ng oras na iyon. Gusto ko siyang sakalin nang oras na iyon hanggang lumabas ang kanyang dila pero nanatili akong kalmado kahit nasa harapan ko ang taong nanakit sa akin. "Yes?" tanong ko sa kanya at kita ko ang matalim niyang tingin sa akin. Bumaba ang mga titig niya sa katawan ko pero hinawakan ko ang kanyang baba at inangat ko iyon. Gusto kong makita niya ang mukha ko, ang pagbabago ko. "Bakit ka nandito, Mr. Lacson? I bet, Camilla did tell you that I am the new Manager of Monticello Grocery," mapang-akit kong sagot sa kanya at kumaway ako kay Mae para samahan ako sa loob ng grocery. Dumating na rin siya at dala ang ilang mga kontrata na mamaya ay papapirmahan ko na sa mga papasok sa opisina ko bukas. Tumalikod na ako kay Dexx para lumapit kay Mae dahil kailangan ko rin pirmahan muna ang mga kontrata na iyon. "Sandali!" sigaw niya at hinawakan ako sa braso ko. Napatingin ako sa kamay niya hanggang sa mukha at sinamaan ko siya ng tingin. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at hinarap ko siya. "Bakit ikaw ang pinili ni Camilla bilang bagong Manager in Charge? Ikaw na ang umagaw ng mga empleyado ko." Umatras ako ng kaunti para may distansya pa rin sa pagitan namin dahil baka pag sobrang lapit niya akin ay magdilim ang aking paningin. Akmang lalapit na sa amin si Greg pero tinaas ko ang kanang kamay ko para pahintuin ko siya at huwag na makialam sa amin ni Dexx. Masama rin kasi ang kanyang loob dahil umalis na si Greg at Mina tapos ay nagsimulang magtrabaho para sa akin. "Bakit kailangan kong magpaliwanag sayo, Mr. Lacson? Manager ka lang dito," matabang kong sagot sa kanya pero umiling lang siya at tumawa ng kaunti. Humalukipkip ako habang nakakunot na ang aking noo at nakataas ang kilay. Umismid pa ako nang hindi siya nagsasalita. Ilang minuto ako naghintay ng sasabihin niya pero ng wala akong narinig sa kanya ay tumalikod na ako muli. Binilisan ko na lang ang pagkilos para hindi na ako muli pang mahablot ni Dexx. Kinabahan ako ng sobra dahil sa ginawa niyang iyon. Tumibok ng husto ang puso ko sahil sa muli niyang paghawak sa akin. "Bakit niyo ba ginagawa ito sa kin ni Camilla?" tanong niya gamit ang malungkot na tono. Kumirot ang puso ko sahil doon pero kailangan kong tibayan ang paninindigan ko sa paghihiganti. Hindi ako kumibo at diretso lang akong sumakay sa sasakyan ko hanggang sa makaalis na kami. "Ang kapal ng mukha niyang tanungin kung bakit namin iyon ginagawa sa kanya!" Hinampas ko ang compartment ng ilang beses hanggang sa pigilan ako ni Greg. "Ang kapal ng mukha niya!" sigaw ko at niyakap na ako ni Greg dahil inaatake na naman ako ng panic attack ko. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko nang sandaling yon dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko. "Iuwi mo ko kay Camilla," mahina kong sabi kay Greg at tumango lang siya. Nakasandal ang ulo ko at wala akong pakialam kung ilang beses akong kinakausap ni Greg dahil pinapakalma ko ang sarili ko. Ayokong maging mahina sa harap ni Greg ng mga sandaling iyon. Mabilis akong naglakad papasok sa bahay ng makarating na kami. Hinarang pa ako ni Grant pero tinulak ko lang siya at pumasok sa kwarto ko. Narinig ko sa labas ng pinto ang pag-uusap ni Greg at Grant. Pinaalis na rin muna ni Grant si Greg tapos ay bumukas na ang pinto ng kwarto ko. "Anong nangyari?" tanong ni Grant at tumabi sa akin. Tinitigan niya lang ako at huminga akong malalim bago nagsalita. "Ang Dexx na iyon, ang kapal ng kanyang mukha para magtanong kung bakit galit kami ni Camilla sa kanya. Hindi ba siya nahihiya habang nakikita niya ang mukha ko, tatanungin niya ako ng gano'n?" tanong ko sa kanya at pinahid ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. "Margaret, kailangan mong pag-aralan kung paano kontrolin ang emosyon mo dahil iyan ang magpapabagsak sayo." Tinuro niya ang parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko at hinawakan ang ulo ko. "Ito dapat ang pinapagana mo, kung hindi, masasayang ang lahat ng pinaghirapan natin," sabi niya pa at tumango ako dahil tama ang sinasabi niya. Emotions are deceiving.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD