Chapter 36

2001 Words
Matapos ang pag-uusap namin, iniwan ko na muli si Camila at pinagpaalam na niya sa mga trabahador si Greg at Mina. Hinatid ko sa bahay si Mina para kumuha ng mga gamit niya. Sila talaga ang hiniling ko kay Camilal dahil ang mga magulang ni Mina ay nasa Maynila, wala na pinadala sa kanya ang mga iyon dahil may kanya-kanya ng pamilya at tanging ang lola at lolo niya ang nag-aruga sa kanya pero namaalam rin ang mga ito kaya kinupkop siya ni Tita Myline bilang trabahador sa grocery. Si Greg naman ay ulila na, nakikituloy lang siya sa bahay ng kanyang tiyahin at inaalipusta siya ng mga ito kaya nagpursige siyang magsikap para pag-aralin ang sarili niya. Inutusan ko ang mga guard para tulungan si Mina kumuha ng mga gamit niya at gano'n rin kay Greg. "Unang kita ko pa lang sayo, alam kong ikaw yan, Rion," sabi sa akin ni Greg habang nasa byahe na kami papunta sa Condo Unit ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad kong iniwas iyon sa kanya dahil hanggang ngayon, takot pa rin akong mahawakan ng mga lalaki. "Ano ba nangyari sayo, ate Rion? Ang alam namin, patay ka na. Ibig sabihin ba nito, nagsinungaling sa lahat si Kuya Dexx?" tanong niya sa akin at alam kong mataas ang respeto niya kay Dexx. "Mahabang kwento at matagal ko na rin binaon sa limot iyon. Oo nga pala, pagdating natin sa Condo Unit, gusto ko tratuhin niyo lang ako bilang kapatid niyo pero pag nasa labas tayo, ako ang amo niyo, nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ko sa kanila at tumango na. Pinahinto ko muna ang sasakyan at nagpalipat ako sa harapan. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko alam kung ano ang dahilan nito kaya umiwas ako sa kanila at minabuting mapag-isa sa oras ng byahe. Pagdating sa Condo, sobrang namangha si Mina sa ganda nito at tinawag niya pa si Greg para pumunta sa terrace at tingnan ang tanawin. "Tingnan mo, kitang-kita dito ang building nila Kuya Dexx oh," sabi ni Mina at namangha ako dahil alam niya ang tungkol sa Lacson Empire. "Alam mo ang tungkol sa mga Lacson?" tanong ko kay Mina at tumango siya sa akin pero nanatiling nakatingin doon. Bumukas ang pinto ng Condo at pumasok muli si Mae sa kwarto. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa maing tatlo pero nang tumikhim ako, nagsimula na siyang magsalita. "Ma'am, nandiyan na daw po ang mga pinadeliver niyo," sabi niya sa akin at agad akong lumakad papunta sa pinto. Tiningnan ko ang mga pasilyo kung saan lalabas ang mga gamit. Ilang sandali pa, lumabas sa elevator ang ilang mga gamit. "Ililipat na lang po muna namin ang mga gamit na nasa loob ng unit niyo, Miss Sandoval," sabi sa akin ni Mae at lumapit na siya sa mga nagdala ng gamit at tinuro ang unit ko. "Mae, halika!" tawag ko sa kanya at dinala ko siya sa malayo para kausapin. Gusto kong magtrabaho sa akin si Mae dahil sa paraan niya ng pagkilos ay alam kong nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. "B-bakit po?" tanong niya sa akin at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. Tinitigan ko siyang maigi bago ako nagsalita. "Gusto kitang kunin bilang secretary ko. Five hundred per day, with benefits and health insurance," seryoso kong tanong sa kanya at parang hindi pa siya makapaniwala dahil nanlaki ang kanyang mga mata at titig na titig sa akin. Kumurap siya ng dalawang beses at hinawakan ang mukha ko. "Bakit po ako?" tanong niya sa akin at doon ko na siya binitiwan saka lumayo ng kaunti. Kailangan kong makuha ang serbisyo ni Mae dahil ang pananalita niya ay parang may awtoridad. "Gusto ko ang personality mo. Is it a yes or no?" tanong ko sa kanya at umirap ng kaunti para malaman niyang hindi ako basta pwedeng tanggihan ng kung sino lang. "Okay, yes!" sagot niya sa akin at agad ko siyang niyakap. Wala siyang personal na kaugnayan sa akin pero gusto ko talaga ang awra ni Mae. Bumalik na kami sa kwarto at nagsimula na silang magbuhat ng mga gamit. Nasa loob na ang ilang mga kama at sofa kaya sumikip ito ng kaunti dahil ang mga kagamitan na pang show room nila ay nandoon pa rin. "Mae, gusto kong magpa-renovate. Tatlo kaming titira dito kaya gusto ko sana tatlo rin ang kwarto?" tanong ko kay Mae pero nakita kong nakatingin lang siya sa akin at parang hindi pa rin siya nakakabalik sa kanyang kalooban simula ng inalok ko siya bilang sekretarya ko. "Sige po, Miss Sandoval," sagot niya sa akin at pinaubaya ko na sa kanya ang pag-aasikaso ng mga gamit ko. "Greg at Mina, tara na." Lumabas na ako sa Condo Unit ko at naisip kong kailangan ko muna makausap ang dalawang ito para mapaliwanag ang ilan sa mga bagay tungkol sa akin. "Napakawalanghiya pala ng Dexx na iyon," sabi ni Mina matapos kong ikwento sa kanila ang ginawa sa akin ni Dexx. Tinapik ni Greg ang balikat ko at pinagmasdan ko lang iyon. "Kaya pala bigla kang nawala? Mabuti at hindi ka tinuluyan ng Dexx na iyon, kung hindi ay magiging isang misteryo talaga ang pagkawala mo." Sinuntok ni Greg ang kanyang palad pagkasabi niya noon. Kita ako ang galit sa kanyang mukha. "Rion, bakit hindi mo na lang sinumbong sa mga pulis ang nangyari sayo? Kaya naman nilang protektahan," sabi ni Mina sa akin at yumuko lang ako. "Margaret ang itawag niyo sa akin. Sanayin niyong huwag akong tawagin sa unang pangalan ko," sabi ko sa kanila at sabay silang tumango. "Mayaman ang pamilya nila, kaya nilang baliktarin ang batas. Mabuti na lang ay nandyan ang magkapatid na Grant at Camilla para tulungan ako," sagot ko kay Mina at tumango lang siya s akin. Kung para sa kanila, madali ang sabihin na sana lumapit ako sa mga pulis pero para sa akin, walang magagawa ang mga iyon dahil makapangyarihan ang pamila nila. "Nagkakamali ka doon, Mina. Walang nangyari sa kaso ni Rion. Binaliwala ng mga pulis ang kaso ng panggahasa sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensya," sagot ni Greg sa kanya at naaalala ko na naman ang karumal-dumal na ginawa sa akin. "Pero, bakit ka naman pala tinulungan ng magkapatid na iyon? Ginawaan rin ba sila ng masama ni Dexx? tanong ni Greg sa akin at hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon, dahil hindi ko naman kwento ang nangyari sa kanila. Naisip kong ibahin na lang ang usapan. "Huwag na natin pag-usapan yan. Ang gusto ko mangyari ngayon ay matulungan niyo sana ako para sa mga plano ko," ngumiti ako ng mapait sa harapan nila at naghihintay ng positibong sabot galing sa kanila. Sana ay matulungan nila ako. Wala na rin akong mahanap na mapagkakatiwalaan kung hindi ang mga taong matagal ko nang kilala. "Alam ko naman na hindi ako ang nakatulong sa inyo, si Tita Myline pero hinihiling ko pa rin na sana ay matulungan niyo ako," dagdag ko pa at ang pagda-drama lang ang huling paraan ko para makuha ang loob nila. Kailangan na kailangan ang maging tauhan ko ay yung mga trabahador niya sa grocery dahil bukod sa kakilala ko na sila, alam kong kabisado na nila ang bawat galaw ni Dexx. Sigurado rin akong mapipilayan ang grocery kapag nawala ang dalawang ito. Susunod na kukunin ko ay ang pamamahala sa grocery pero sa ngayon, kailangan mapilayan ng grocery. "Maiba ang usapan, kailan ba kami magsisimula magtrabaho sayo?" tanong ni Mina sa akin. Gusto ko ngayon na sila magtrabaho dahil nakuha naman na nila ang mga gamit nila pero nagsisimula pa lang ako sa pagpilay ng pamamalakad ni Dexx sa grocery. "Magpapa-renovate na muna ako para sa magiging kwarto ko. Gusto ko ay ngayon na sana pero hndi naman pwedeng magsama kayo ni Greg sa iisang kwarto," sagot ko kay Mina at nakita kong namula ang kanyang pisngi saka tumingin kay Greg. "Greg, marunong ka bang mag-drive?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Ang alam ko kasi ay puro pagbubuhat lang ang ginagawa niya sa grocery at wala akong ideya kung kaya niya ba magmaneho. Naisip kong magpahatid na lang kami kay Greg pabalik sa grocery. Habang nasa byahe, patuloy lang ang palitan namin ni Camilla ng mga text para sa plano kong gawin pagbalik ko sa grocery. "Hintayin muna natin si Camilla pumunta dito, baka kasi mamaya sundan siya ni Dexx," sabi ko sa dalawa kaya tinawagan ko na si Camilla para sabihin sa kanya na nandito na kami. "Hello, Cams. Nandito na kami," sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa dalawa. Ilang sandali ay nakita ako ng kumpulan sa bandang unahan ng kotse ni Camilla. Nakita kong hinablot ni Dexx ang braso ni Camilla at alam kong nakita rin iyon ni Greg dahil mabilis siyang bumaba at tumakbo sa kinaroroonan nila Camilla. "Hala!" narinig kong sigaw ni Mina at siya naman ang tumakbo papunta doon. Sumunod na rin ako sa kanila para malaman kung ano ang nangyayari. "Mabuti naman at nandito na kayong dalawa! Saan kayo nagpupunta at hinahanap kayo ni Camilla!" sigaw ni Dexx kay Greg at Mina. Nagkatingin kaming apat pero hindi namin iyon pinahalata kay Dexx. Nakatayo lang ako sa likod ni Dexx habang nakatingin sa kanya ng masama. "Nag-resign na sila sa trabaho dahil bukas, magsisimula na sila magtrabaho sa akin," sagot ko at pagkalingon niya, nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Napansin kong nagbulungan ang mga tao nang makita ako. Tinibayan ko ang loob ko dahil alam ko ang tumatakbo sa isip nila, pinag-uusap nila na ako si Rion. Nakahalukipkip lang ako habang naghihintay ng sagot ni Dexx pero para siyang na-estatwa pagkakita sa akin. Natigil ang lahat ng biglang sinampal ni Camilla si Dexx. "Nag-resign o sinulot mo ang mga empleyado ko?" tanong ni Dexx sa akin at sinubukan niyang hilahin si Mina pero hinawakan ni Greg ang kanyang pulso at pahagis ang pagkakatanggal ng kapit niya kay Mina. "Tauhan mo-?" naputol na sinasabi ni Camilla dahil humarang si Greg sa kanila. Si Greg ang matalim na tumingin kay Dexx at kulang na lang ay idikit na nito ang kanyang mukha sa lalaking nasa harapan niya. "Hindi mo kami tauhan, Manager ka lang! Sa puso at isip ko, sila Tita Myline at Rion pa rin ang amo namin," sagot sa kanya ni Greg at tinuro nito ang mga parte ng katawan na kanyang nabanggit. Nag-igting ang panga ni Dexx kaya alam kong naiinis na ito. Ngumiti sa kanya si Greg at tinapik ang pisngi nito at umalis na saharapan niya. Nakatingin sa akin si Greg ng makita kong tinulak siya ni Camilla at ito naman ang humarap kay Dexx. "Empleyado lang kita at hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo para maging loyal sila," sigaw ni Camilla. "Magkakilala kayo ng babaeng to diba?" turo niya sa akin. Natatawa na lang ako sa kanya dahil sa hindi niya maisip na pinaglalaruan lang namin siya ni Camilla. Galit na galit si Dexx ng sandaling iyon pero alam kong parehas kami ni Camilla na labis ang saya dahil nakikita namin siya sa ganoong reaksyon. Pinipilit kong hindi ngumiti dahil seryosong-seryoso si Camilla. I really admired how she acts in front of other people. Kailangan kong matuto sa kanya. "Siya ang sisihin mo dahil kung di niya inalok si Greg at Mina ay hindi ito aalis," sigaw ni Dexx at nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko akalain na sasagot siya ng gano'n kay Camilla. "Hindi ka pala maaasahan, umalis ka na sa posisyon mo bilang manager!" sigaw ni Camilla at lumakad na siya papasok sa sasakyan niya. Hindi na nakagalaw pa si Dexx at nang makita niyang sumunod sa akin sila Greg at Mina, matalim niya akong tinitigan. "Sandali! sigaw niya at sabay-sabay kaming lumingon ni Greg at Mina para makita si Dexx. Nakita kong nakakuyom ang kanyang mga kamao. Dahil nasa tabi ko naman si Greg at alam kong ipagtatanggol niya ako kaya hindi ako nagkaroon ng takot na baka masaktan ako ulit ni Dexx.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD