Chapter 35

2005 Words
May ilang mga Condominiums malapit sa Lacson Empire kaya agad akong nagtungo doon para humanap ng mabibiling unit. Gusto ko ay kitang-kita ko ang building ng mga Lacson sa mabibili kong unit. Kasama ko ang Consultant sa unit na iyon at hiniling ko talaga sa kanya na gusto kong makita sa terrace ng unit ko at nahanap ko ang tamang unit para sa akin. Sa ika-labing anim na palapag ang nahanap ko ang gusto kong unit. Iniikot ako ng Consultant hanggang sa makarating na kami sa terrace. "Mae, kukunin ko ang unit na to," sabi ko sa kasama at at inabot sa akin ng isang bodyguard ang cheque. Nakita kong kuminang ang mata ni Mae dahil hawak ko na ang ballpen at cheque. "Magkano ito?" tanong ko sa kanya at nang sabihin niya ang halaga ng unit, agad ko iyon sinulat at pinirmahan. Inabot ko kay Mae ang pera at pinagmasdan ko ulit ang unit. "After po mahulog ang cheque, pwede na po kayong lumipat dito. Kailan niyo po balak, Miss Sandoval?" tanong niya sa akin. Tinawag ko ang bodyguard para tanungin kung nakahanda na ba ang mga gamit ko. "Gusto ko sana ay makalipat na rin ako agad, hindi ba kaya ngayong araw? Naka-schedule na kasi ang pagpapadeliver ko ng mga gamit dito," sabi ko sa kanya at humarap ako sa kanya na malungkot ang aking mukha. Nakita ko ang pagka-awa sa mukha ni Mae at nagpaalam muna siya para tawagin ang head nila at magtatanong kung pwede ba ang request ko sa kanya. Tinitigan ko lang ng ilang sandali ang building at sinukat ko iyon gamit ang aking mga kamay tapos ay kinuyom. Balang araw, mapapabagsak ko rin ang building na to. "Miss Sandoval, sorry po pero hindi pa daw po kayo pwedeng lumipat ngayon pero pwede na po namin tanggapin dito ang mga gamit na pinadeliver niyo," sabi sa akin ni Mae at kumunot ang noo ko ng oras na iyon. "I want to live here, right now. Kung hindi pwede, babawiin ko na lang ang pera ko," sabi ko sa kanya at nakita ko ang kaba sa mukha ni Mae. Umalis ulit siya at may tinawagan. Humalukipkip ako habang nakatingin na kay Mae. Natataranta pa siya dahil sa hindi ko na siya inalisan pa ng tingin. Kailangan ngayon na ako makalipat dito dahil sa ibabang floor ay doon naman nakatira si Misa. Gusto kong umpisahan ang makipaglapit sa kanya ngayon araw na ito at ayokng masira ang plano ko. "Miss Sandoval, kung ok lang ba sa inyo na hintayin niyo na lang ako dahil magpe-prepare pa ako ng kontrata at papeles para mailipat ito sa pangalan niyo "Babalikan ka na lang namin dito," sagot ko sa kanya at tumango lang siya sa akin saka lumabas na ng unit. Sumunod na kami at inutusan ko muna ang bodyguard para sabihin na ituloy na ang pagdedeliver dito. "No, kung di maayos ngayon, marami pa naman ibang Condo unit diyan. Gusto ko ngayong araw rin ako makalipat dito," sabi ko sa kanya at hinablot ko ang cheque na hawak niya at dumiretso na ako paalis. "Miss Sandoval, ayos na po ang lahat, kaso pinapaayos ko pa ang mga papers. Pwede na po kayong lumipat ngayon dito, kailangan lang po ng mga papeles para pirmahan niyo, konting oras lang ang hinihiling namin," pagmamakaawa sa akin ni Mae at tinitigan ko siya para malaman kung totoo ang sinasabi niya. Nakita kong maiyak-iyak na siya kaya naman binalik ko sa kanya ang cheque. "I want you to entertain me while waiting," sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin at may tinawagan ulit sa kanyang telepono. Nagsabi siya na hindi ko siya pinaalis para may makasama ako dito. Pinaalis ko na lang ang mga bodyguards ko para bumili ng pagkain nila at pinasabay ko na rin ang pagkain ko. Naisip ko, gusto ko magkaroon ng sarili kong bodyguard at ang ilan sa mga kilala kong trabahador sa grocery ay gusto kong kunin bilang mga empleyado ko. "Hello, Camilla? Are you free later?" tanong ko kay Camilla dahil gusto kong hingiin ang tulong niya. Siya naman na ang namamahala sa grocery kasama si Dexx. "Why? Nandito ako sa grocery ngayon. May kailangan ka ba?" sagot niya sa akin at mas lalong natuwa ako doon. "Sasabihin ko sayo mamaya," sagot ko sa kanya dahil dumating na ang isang kasamahan ni Mae. May inabot ito sa kanya at binasa niya muna. Naglabas na rin siya ng ballpen at inumpisahan ko ang pagpirma sa iilang mga papeles. Matapos iyon ay dumating na ang bodyguards at may dalang pagkain. Binigyan ko si Mae ng makakain at namangha pa siya dahil kumakain ako ng simpleng pagkain, kagaya niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil maliit na bagay lang naman iyon. Matapos ang transaction namin, umalis na si Mae at ang kasama nito. Umalis na rin ako kasama ang mga guard at nagtungo kami sa grocery. Habang nandoon, tiningnan ko ang mga litrato ng mga tauhan sa grocery at bumabalik sa akin ang dating samahan namin ng mga ito. Nang makarating na ako, tinawagan ko na lang muna si Camilla para puntahan niya ako sa kotse. Hindi pa ako makalabas dahil takot pa akong makilala ng mga ito. Naghintay lang ako ng ilang sandali at lumabas na doon si Camilla. "Margaret, bakit ka naparito, diba dapat inaayos mo na ang Condo unit mo?" tanong sa akin ni Camilla at tumango ako. "Oo, kaya rin ako naparito dahil gusto kong kunin si Greg at Mina para maging bodyguard ko at katulong," sabi ko kay Camilla at nakita ko ang pagdadalawang-isip niya sa sinabi ko. "Sigurado naman ako na hindi nila sasabihin sa iba na buhay ako, matagal ko na silang kilala." Hinawakan ko ang kamay ni Camilla bilang pagpilit sa kanya. Hindi na siya sumagot pa sa akin at lumabas ng kotse. Naghintay ako ng ilang minuto bago bumalik si Camilla at kasama na ang dalawang gustong - gusto ko makita. "Rion!" sigaw ni MIna at aktong yayakap siya sa akin ng bigla siyang hinila palayo ng isang guard. Umawat naman agad si Greg sa mga guard. "Tama na yan!" sigaw ko sa guard at tiningnan lang sila Greg at Mina. Nakatitig rin sila sa akin hanggang sa dumating si Camilla at sumakay na rin sa sasakyan. "Greg at Mina, gusto kong makilala niyo si Margaret. Siya yung sinasabi kong naghahanap ng katulong at bodyguard," sabi ni Camilla sa kanila at pinasakay na rin silang dalawa sa sasakyan. "Goodafternoon," bati ko sa kanila at nakipag-kamay ako sa kanila. Tinanggap nila ang kamay ko. Nagsuot ng earphone si Camilla at parang may pinapanood siya ng tingnan ko. Doon na ako nagsimula maglatag ng proposal kay Greg at Mina. "Magandang tanghali rin po sa inyo," nahihiyang sagot ni Mina sa akin at tumango ako. Wala akong hawak na papel para sa proposal ko sa kanila pero bawat gagawin kong benefits sa kanila ay isusulat ko na lang sa notebook ko para gawin ko ang kontrata bukas. "Naghahanap ako ng magiging bagong katulong at bodyguard ko at naisip ko makisuyo kay Camilla para makahanap agad ako ng makakasama," sabi ko sa kanila at umayos na ako ng pagkakaupo. "Interesado ba kayo magtrabaho para sa akin?" tanong ko sa kanila at tumango naman agad si Mina pero si Greg, matalim ang tingin niya sa akin na parang pinaghihinalaan niya ako. "Ang rate ko araw-araw ay apat na daan, may benefits, libre ang pagkain, tirahan at pwede kayong umuwi isang beses sa loob ng isang linggo. May sarili akong Condo Unit. Bilang isang katulong, gusto ko maging masinop sa bahay, tatanggap ng tawag para sa akin at marunong magtago ng sikreto," humarap ako kay Mina at hinintay ko ang magiging sagot niya. Alam kong hindi niya kukunin iyon. "Saan po ba kami magtatrabaho?" tanong ni Mina sa akin at alam kong imposibleng kukunin niya ang alok ko dahil sa huling pag-uusap namin ay alam kong nag-aaral pa siya. "Sa Kalye Uno," sabi ko sa kanya at parang nagdalawang-isip siya sa sinabi ko. Malayo ang titirahan ko sa bahay nila. Pero kung sakaling tatanggihan niya ako ay maghahanap ako ng iba. Gusto kong kunin rin si Mae bilang kasama ko sa bahay. "Tanong ko lang po, pwede po ba na araw-araw na lang ang uwian ko?" tanong niya sa akin at umiling ako sa gusto niya. Ayokong mapahamak siya at baka gabihin siya ng uwi. "Hindi ako makakapayag na gabihin kayo ng uwi," matabang na sagot ko sa kanya. Magsasalita na sana ako pero bigla akong inunahan ni Greg. "Kung gano'n, hindi kami makakapayag sa alok niyo. May pamilya pa rin po kami dito," sagot nito sa akin at napatingin ako kay Camilla. Nakatingin na rin pala siya kay Greg dahil sa kinikilos nito. "Greg, alam naman namin iyon. Pero sapat na ba sayo ang kinikita mo sa grocery?" tanong niya sa lalaki at hinawakan ni Mina ang kasama niya. "Payag po ako, kailan po ako magsisimula?" tanong niya sa akin at ngumiti ako sa kanya. Wala naman akong intensyon na mapahamak sila at puro magagandang bagay ang sinabi ko sa kanila. Hindi ko lang alam kung bakit hindi maintindihan ni Greg ang sinasabi ko. "Pero pwede po ba na uwian na kami? Sabay na lang kami ni Greg uuwi at alam kong hindi naman po kami mapapahamak," sagot nito sa akin at inusisa ko ang kanyang mukha. Nakita kong gusto niya talaga magtrabaho sa akin pero hindi nila kaya na manatili sa Unit ko. "I'm sorry. Pero gusto ko makakasama ko ang kukunin kong kasambahay. Ang bodyguard na kailangan ko ay dapat bente-kwatro na makakasama ko. Kung hindi niyo matatanggap ang proposal ko, wala na tayo dapat pag-usapan. Camila, maghahanap na lang ako ng iba," sabi ko sa kanya at alam kong nakaramdam siya ng pagkadismaya sa gusto ko. Ayoko sana silang paalisin dahil nakita na nila ako. Huling alas ko na siguro ang sabihin sa kanila ang totoo para lang tanggapin nila ang alok ko. "No, Rion!" sigaw ni Camilla at dahil sa tawag niyang iyon, mas lalong nagulat ang itsura ng dalawa. Mabilis kong ni-lock ang pinto ng kotse at hindi na magkamayaw ang pagtambol ng puso ko sa kaba. Hindi na ako makakatanggi pa sa ginawa ni Camilla kaya huminga akong malalim at naisip na sabihin na lang ang totoo sa kanila. "Buhay ka, Rion?" sabi ni Greg sa akin at nakita kong namumula ang mata nito at pinipigilan ang pagluha. Pero si Mina, nakatingin lang sa akin at parang hindi pa makapaniwala na buhay ako. "I'm sorry, Hindi ko gustong sabihin ang sikreto mo pero alam kong kailangan mo ng makakasama sa unit at gusto kong mapapagkatiwalaan ang taong mahahanap mo," sabi ni Camilla at sinuot na lang muli ang earphone niya at nagpatuloy sa panonood niya. Yumakap ako kay Greg, isang bagay na matagal ko na gustong gawin. Hindi ko mapigilan hindi maluha ng mga sandaling iyon. Nakausap ko kasi ang matalik kong kaibigan at ngayon ko na iyon nagawa. "Tatanggapin namin ang inaalok mo," sabi ni Greg sa akin at mas lalo akong naiyak doon. Hinawakan ko ang mukha ni Mina at pinunasan ang mga patak ng luha niya. "Salamat. Pero may hihilingin sana ako. Gusto ko sana, hindi na makarating ito sa iba. Ayokong may mangyaring masama sa inyo," sabi ko kay Greg at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. "Sino ba ang gumawa ng bagay na ito sayo? Bakit bigla kang nawala?" tanong niya sa akin at ngumiti ako ng mapait. Sa dami ng tanong niya sa akin ay hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. "Maraming nangyari sa loob lang ng ilang buwan. Ipapaliwanag ko ang lahat sa inyo, basta ipangako niyo sa akin na walang makakaalam ng tungkol sa pagbabalik ko," sabi ko sa kanila at tanging pagtango lang ang sinagot nila sa akin. Nakita kong umirap si Camilla dahil ayaw niya ng drama pero wala siyang magagawa at lumabas ang dating ugali ni Rion. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nadagdagan ako ng kakampi sa laban na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD