Chapter 34

2008 Words
Nasa isang event kami ngayon at sa araw na to, ipapakilala na ako ni Camilla sa lahat. Marami akong pinagdaanan sa kanya kahit dalawang buwan lang akong tinuruan. Simula sa paglakad na hindi kinakabahan hanggang sa pagsasalita na may tapang ay tinuro sa akin ni Camilla. Kaming dalawa lang ni Grant ang nasa tabi ni Camilla. Nakapwesto kami sa pinakaharap ng mga tao, sa entablado kaya kitang-kita namin ang mga taong nandoon. Habang nagkakasiyahan na ang lahat, dumating na ang pinakahihintay naming tatlo, ang mga Lacson. Tumayo si Camilla para salubungin silang lahat. Nakatuon na ang atensyon ko kay Dexx. Lahat sila ay nakaputi. Puting tuxedo at dress na kumikinang sa mga dyamanteng disenyo nito. Lumingon ako kay Grant at agad siyang nagtago, ayaw niya talagang nakikita ang mga Lacson. Masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng babaeng minamahal niya at ang kanyang namatay na anak. Hinayaan ko lang siyang umalis sa tabi ko dahil parte ng plano ang hindi niya pagpapakita sa mga Lacson dahil kilala siya ng mga ito at makakasira iyon sa mga plano namin ni Camilla. Nang may lumapit na isang waitress at may dalang baso ng champagne, kumuha ako ng isa at unti-unting lumapit kung nasaan sila Camilla dahil tinaas niya na ang kanyang kamay bilang hudyat ng paglapit ko sa kanya. "Goodevening," bati ko sa kanila at lumingon silang lahat sa akin. Napangiti naman si Camilla sa akin at pinatong ang kanyang kamay sa balikat ko. "Oh, ito na pala ang future CEO ng lahat ng business ko," sabi ni Camilla sa akin at nakipaghandshake ang ilan sa akin. Nakatitig lang ako kay Dexx at alam kong kanina pa rin siya nakatingin sa akin. "You look familiar," sabi niya at tinaas ang baso ng alak na hawak niya. Ginaya ko rin ang ginawa niya at ngumiti sa kanya. Umalis na ako sa pwesto nila at umikot sa paligid para batiin ang ilan sa mga imbitadong bisita ni Camilla. Ang ilan sa kanila ay kilala ko na talaga, lalo na ang mga may malalaking investors sa hawak kong negosyo. Bumalik na ako sa entablado dahil sumenyas sa akin ang Emcee para ipakilala na ako. "Ladies and Gentlemen. May I present to you, our star of the night... Miss Margaret Sandoval!" pagpapakilala sa akin ng Emcee at nagpalakpakan ang mga tao. Lumapit ako sa mikropono at nagpakilala lang sa kanila tapos ay pinagpatuloy ko na sila sa mga ginagawa nila. "Hindi ka man lang nag-iwan ng isang speech?" tanong sa akin ni Camilla ng tumabi ako sa kanya. Naisip kong makikilala ni Dexx ang boses ko kapag nagsalita ako ng matagal kaya di ko na iyon ginawa pa at isa pa, hindi naman rin makikinig ang mga tao kung mag-speech ako. "Mas gusto kong mapalapit sa mga Lacson tonight," sabi ko kay Camilla habang nakatingin ako sa likod niya dahil nandoon nakatayo ang mga Lacson. Nakita ko na si Misa at kailangan kong lumapit sa kanya. Lumingon si Camilla kung saan ako nakatingin at nakita niyang si Misa ang tinitingnan ko. "Huwag muna ngayon, Margaret, may araw din ang pagkikipaglapit sa kanya," sabi ni Camilla sa akin at hinila ako papunta sa kumpulan ng mga bisita niya. Hanggang sa matapos ang party niya ay hindi ako nilubayan ni Camilla at pinakilala sa mga iba pang investors galing sa ibang lugar. Napagod ako sa pakikipag-usap sa mga tao. Nasa kotse lang si Grant simula ng umalis siya sa party at nagpapatugtog lang. Gumuhit ang saya sa mukha ni Grant dahil kitang kita ang pagkainip niya sa paghihintay sa amin. "Nakakapagod ang araw na ito," sabi ni Camilla pagkasakay namin ng sasakyan. Huminga ng malalim si Grant pero hindi na siya nagsalita pa. Nag-umpisa na siyang magmaneho. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako buong byahe at nagising ako ng maramdaman ko ang pagbuhat sa akin ni Grant. Agad akong bumaba at inayos ang suot ko. "Sorry, sabi ko sa kanya at taas noo akong lumakad papasok sa bahay. Binati ako ng ilang mga katulong pero dahil sa gulat pa ako na buhat ako ni Grant ay binaliwala ko na lang silang lahat at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. inabukasan, late na rin ako nagising dahil sa pagbawi ko ng tulog. "Goodmorning," bati ko kay Camilla pagpasok ko sa opisina niya. Simula ng kinupkop niya ako ay dito na ako nagtrabaho sa loob ng opisina niya at hindi na muling nagpakita pa kila Regina. Kapag nalaman nilang buhay ako ay sigurado akong masisira ang plano namin ni Camilla at ayokong mangyari iyon. "Goodmorning, mag-set ka na ng schedule para makipag-meeting sa Lacson Empire. Kailangan magkaroon na tayo ng investment sa kanila," sabi sa akin ni Camilla at ginawa ko agad iyon. Pinuno ko ang schedule ko ng puro meeting para lang sa kanila at inumpisahan kong gawin ang mga business proposal ko. Nang matapos ako, sakto naman na tanghali na kaya sabay na kami ni Camilla lumabas ng kwarto para kumain. Mas maigi na rin na dito na lang sa bahay kami magtrabaho ni Camilla para hindi na lumabas pa si Grant, baka kasi makita pa siya ni Dexx at malaman na nandito ako. Nung nakaraang buwan ay pinaghinalaan ni Dexx na nandito ako. Ilang beses bumisita si Dexx dito at wala kaming ibang ginawa ni Grant kung hindi magtago. Hinayaan muna namin si Camilla na makipag-usap kay Dexx. Nang mga oras na iyon, gusto kong sugurin na si Dexx at saksakin na lang siya pero hindi ko ginawa. Gusto kong pahirapan siya ng paunti-unti at makita kung paano siya magdusa. Naging magkaibigan na si Camilla at Dexx. Umayos na rin ang takbo ng grocery at wala nang nangyari masama sa mga empleyado doon. "Ma'am, may nghahanap po sa inyo sa labas," sabi ng katulong habang kumakain kami. Nagkatingin nan kami ni Camilla at parang nag-uusap kung may inimbitahan ba kaming bisita pero nagulat kami ng biglang sumulpot si Dexx sa harapan namin. Mabuti na lang ay wala si Grant habang kumakain kami. "Dexx, what a surprise. Bakit ka nandito?" tanong ni Camilla at lumapit kay Dexx saka humalik sa pisngi nito. Nakaramdam ako ng pagkaduwal pero pinigilan ko iyon. Sa akin nakatitig si Dexx ng mga sandaling iyon. "Mr. Lacson. Nice to see you, again!" bati ko sa kanya at lumapit na rin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "Sit, Dexx. Nag-lunch ka na ba?" tanong sa kanya ni Camilla at hindi ap rin binibitawan ang kamay ko kaya ako na ang kusang kumuha nito sa kanya. Bumalik ako sa upuan ko at tumabi sa akin si Dexx. "I'm sorry. Pamilyar ka kasi sakin. Nagkita na ba tayo noon?" tanong niya sa akin at hinarap ko siya. Alam kong damit at buhok lang ang nagbago sa akin pero ang mukha at boses ay hindi nagbago. "No, Mr. Lacson. As far as I can remember, last night was the first time we saw each other," sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain ko. Sumaglit ako ng tingin kay Camilla habang nakaupo siya sa pinakaunahan ng lamesa. Nakita kong nakatingin rin siya sa akin at nakangisi lang siya. Alam kong ibig sabihin no'n ay huwag akong magpahalata. Kung mahahalata man niya ako, kaya kong lusutan ang gagawin ni Dexx at hinding-hindi ako magpapahuli. "That's impossible, Mr. Lacson. Hindi lumalabas ng bahay si Margaret dahil siya ang tagapamahala ko dito sa bahay. Simula ng mawala si Rion, hindi na ako muli pa naghanap pa ng bagong sekretarya at si Margaret na ang sumalo ng lahat para kay Rion," sabi ni Canilla sa kanya at nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Dexx. "Can we not talk about Rion?" tanong ni Dexx at tumango lang si Camilla sa kanya. Gusto ko sanang sumali sa usapan nila pero hindi ko na lang iyon ginawa. Habang kumakain, nagulat na lang kami ng biglang umubo ng umubo si Dexx kaya sabay kaming tumayo ni Camilla at dinaluhan si Dexx. Nakahawak siya sa dibdib niya at sinuka niya ang lahat ng pagkain sa sahig namin. Mabilis kaming dinaluhan ng mga katulong at nagulat pa sila sa amin. Namumutla na si Dexx at nangingitim ang kanyang labi kaya hinampas ko ang kanyang likod at pinainom siya ng tubig. Habang nasusuka ni Dexx ang mga kinain niya ay bumabalik ang kanyang kulay. "M-May sesame oil ba kayo sa sala?" tanong sa amin ni Camilla at tinawag niya ang katulong na nagluto ng pagkain. "Naglagay ka ba ng sesame oil sa salad?" tanong ni Camilla sa kanya at tumango ang katulong. Nakita ko ang takot sa mukha ni Myra kaya agad kong hinarang ang sarili ko dahil alam kong sermon ang aabutin niya kay Camilla. "Dexx, sorry. Hindi namin alam na allergy ka sa sesame oil at hindi rin alam ng katulong ko na bibisita ka," sabi ni Camilla at habang nakatalikod siya kay Dexx, ngumisi siya saglit at nagbago rin agad ang reaksyon niya. "A-ayos lang. Hindi ko rin kasi nasabi sa inyo na may allergy ako," sagot ni Dexx at uminom na lang ulit ng pagkain. "Anong mga pagkain ang pwede sayo? Ipapaluto ko," sabi ni Camilla kay Dexx pero umiling na lang ito sa amin at tumayo na. "Aalis na ako, may sasabihin sana ako pero sa ibang araw na lang at kailangan kong bumili ng gamot para sa allergy ko," sabi sa amin ni Dexx at lumabas na siya ng bahay. Nilinis na lang ng katulong ang kalat ni Dexx habang kami ni Camilla ay nagpapakiramdaman sa magiging reaksyon. Nauna akong tumawa at sumunod naman siya. Alam namin pareho na may allergy siya sa sesame oil kaya simula ng dumating ako sa bahay na ito, lahat ng ipapalutong pagkain ni Camilla ay nilalagyan nito. Nagkataon lang ngayong araw na biglaan siyang bumisita at niyaya siya agad ni Camilla kumain. "Nakita mo ba, muntikan na siyang mamatay pero may gamot ang binigay kong tubig sa kanya. Masyado pang maaga para mawala siya sa mundong ito. Gusto ko pa siyang pahirapan," sabi ni Camilla sa akin at muli akong tumawa ng malakas. Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami agad sa opisina niya at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ni Dexx. Sobrang saya na makita ang kaaway mo na malapit ng mamatay sa harapan mo. Nang matapos kami sa trabaho, tumabi sa akin si Camilla at sinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. Naging kaugalian na ni Camila gawin ito kapag naisip niyang may sabihin na alam niyang malulungkot ako. "Anong naramdaman mo ng makita mo si Dexx kagabi? Gusto ko sana itanong sayo iyan kagabi pa pero dahil parehas tayong pagod, hindi ko na ginawa pa," sabi niya sa akin at niyakap ako. Alam kong pinakikiramdaman ni Camilla kung ano ang nasa isip ko ng oras na iyon pero kahit tiwala ako sa kanya, hindi ako basta nagsasabi ng nararamdaman sa kanya. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa pag-iisip na makikilala ako ni Dexx kagabi pero madaling lusutan ang lahat dahil sa tulong ni Camilla. Mabuti na lang talaga ay hindi muna ako masyadong lumapit sa kanya pero ngayong umaga, laking gulat ko talaga sa biglaan niyang pagdating. "Hindi ako kinabahan kagabi ng makilala ko siya dahil matagal natin iyon pinaghandaan pero kaninang umaga, ang biglaan niyang pagsulpot dito, doon ako kinabahan," sagot ko kay Camilla at bumungisngis siya sa akin saka hinarap ako. "Alam ko, kaya nilusutan ko na lang. Mabuti na lang at naniwala siya sa atin," sabi ni Camilla at hindi na iyon nadugtungan pa. Magaling umarte si Camilla at minsan, kahit ako ay nadadala sa palabas na ginagawa niya. Bumalik siya sa kanyang monitor at pinatay na ito. Gano'n na rin ang ginawa ko at sabay na kaming lumabas sa kwartong iyon. Hindi ko talaga makalimutan ang mukha ni Dexx kanina habang nahihirapan huminga, sana natuluyan na lang siya kanina pero hindi niya pa oras. Marami pa siyang dadanasin sa kamay namin ni Camilla at umpisa lang ang nangyari kanina. Kailangan niyang maghirap sa kamay ni Camilla, kay Grant at lalo na sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD