Chapter 33

1958 Words
"Kung hindi mo kaya, wag mo pilitin." Inagaw sa akin ni Grant ang baso at sinalin sa kanyang baso. Tumawa siya ng kaunti dahil sa nangyari. "Ang panget pala ng lasa ng alak," sabi ko sa kanya at umubo ako ng konti dahil humahagod pa sa lalamunan ko ang kaunting alak. Pinahid ko pa ang konting luha sa mata ko dahil sa epekto ng alak. Pinaupo ako ni Grant sa kama ko at pinatong ang alak na hawak niya saka hinagod ng haplos ang likod ko. Ilang sandaling lunok pa ay umayos na rin ang pakiramdam ko. "Payag ka ba sa plano ni Camilla?"tanong sa akin ni Grant at kahit wala akong alam sa plano ni Camilla at tingin ko, alam ni Grant ang gustong gawin ni Camilla. "Alam kong nag-aalala ka sa akin, pero magtiwala ka dahil ako, nagtiwala ako sa inyo at alam kong hindi niyo ako ipapahamak," sagot ko sa kanya. "Sige, kung desidido ka na," sagot niya at tumango bago umalis ng kwarto ko. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng kwarto. Handa na ako sa lahat ng mararanasan ko at ipapagawa sa akin ni Camilla, tatanggapin ko at hindi ako magdadalawang-isip na tumanggi. Kung maging tauhan man nila ako o maging puppet niya, walang problema sa akin iyon, pero hihilingin ko pa rin sa kanya na kapag may pagkakataon ay sariling plano ko ang susundin ko. Kinabukasan, nagising ako sa tawag ng isang katulong dahil pinapatawag ako ni Camilla. Araw ng linggo kaya wala siyang pasok, naisip ko na may lakad na naman kami at walang pagdadalawang-isip akong bumangon at pinuntahan siya. "Goodmorning, Camilla, anong mayroon?" tanong ko sa kanya at nakita kong gising na rin siya pero mapupungay pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kanyang salamin. Halatang wala pa siya sa katinuan ng oras na iyon pero ng marinig niya ako ay agad siyang kumilos. "Alam mo bang matalik kong kaibigan si Sheena?" tanong sa akin ni Camilla pero wala kaong ideya sa sinasabi niya. Umiling ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. "Si Sheena, siya ang dating kasintahan ni Grant pero dahil mukha siyang pera, mas pinili niyang sumama kay Dexx," sabi sa akin ni Camilla at tinapik ang kanyang kama. Tumabi ako sa kanya at interesado akong makinig sa gusto niyang sabihin. "Hindi ko binibigyan ng pera noon si Grant dahil gusto ko mag-aral siya ng mabuti. Pero nang makilala siya ni Dexx, nagbago ang isip ni Sheena at nasilaw sa salapi," dugtong niya sa kwento niya at doon ako napaisip kung bakit nga ba siya galit na galit kay Dexx. Hindi sapat na may ginawa si Dexx kay Sheena dahil hindi naman niya iyon kaano-ano at isa pa, iniwan ni Sheena ang kapatid niya para kay Dexx. Tapos ngayon, maghihiganti siya para kay Sheena? "Yon lang ba ang dahilan ng paghihiganti mo? Kasi kung ako tatanungin, dapat lang iyon kay Sheena. Iniwan niya si Grant at pinagpalit sa ibang lalaki," sagot ko sa kanya at ngumiti ng mapait si Camilla. Hindi siya sumagot at tingin ko, yon na ang kanyang sagot. Lumabas na ako ng kwarto niya dahil alam kong wala na akong mapapalang sagot galing sa kanya. "Sandali, mag-ayos ka at may pupuntahan tayo," sabi niya sa akin at tumango ako sa kanya. Sumunod ako sa gusto niya at bumalik sa kwarto niya dahil gusto kong manghiram ng damit, alam ko kasing hindi niya na ako papayagan pa para magsuot ng damit na mayroon ako. "Gusto kong mamili ng mga damit kagaya ng mga taste mo dahil alam kong hindi mo gusto ang mga damit na suot ko," sabi ko sa kanya ng pumasok ako sa kwarto niya. Agad siya kumuha ng damit sa kabinet niya at naghanap ng ipapahiram sa aking damit. "Here, wear this." Inabot niya sa akin ang isang color white na tube, gray na slock pants tapos ay kulay dark blue na cardigan. Sinuot ko iyon sa loob ng kanyang cr at paglabas ko, hinila niya ako para umupo sa kanyang table na may malaking salamin at kung saan nakalagay ang kanyang mga make up. Sinimulan niya akong ayusan sa mukha at hinayaan ko siya doon, pagkatapos ay ang buhok ko naman ang inayos niya. Blower at pagsusuklay lang ang ginawa niya sa akin. Maganda naman ang buhok ko at ayokong ipagalaw iyon sa kanya. "Pagkatapos natin sa lakad ko ngayon, mamimili tayo ng mga dress. I want you to pick as many as you want," sabi niya sa akin at pinalabas niya na ako ng kwarto niya para siya naman ang mag-ayos. Naghintay na lang ako sa sala at nakita kong gising na ang iilan sa mga katulong niya, naamoy ko na rin ang almusal na lulutuin nila para sa araw na iyon. Napadaan sa harap ko si Grant na may dalang mga damit at towel. "G-Goodmorning, you look gorgeous today, Margaret." Kinusot ni Grant ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin pero sandaling minuto lang ay nagtungo na siya sa cr para maligo. Hindi siguro namin siya kasama ngayon dahil late na siya mag-ayos. Pinagmasdan ko lang ang mga katulong habang naglilinis ng bahay at ilang sandali, lumabas na si Camilla. "Hindi ba natin kasama si Grant ngayon?" tanong ko sa kanya at umiling siya bilang sagot. Sumunod ako sa kanya palabas ng bahay at nakita kong naghihintay na rin ang ilang bodyguards at sumakay na kami sa kotse. "Dalhin mo ko sa usual na pinupuntahan ko kapag ganitong araw," utos ni Camilla sa driver at tumango iyon kay Camilla. Pamilyar sa akin ang pinuntahan namin iyon, isang sementeryo. May inabot na bulaklak ang driver kay Camilla at hinawakan niya iyon buong byahe. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Camilla pagkalabas namin sa kotse at naglakad ng kaunti. Huminto kami sa isang lapida at may korte iyon ng anghel. Ayesha Natividad. Ilang taon lang ang tinagal niya sa mundong ito kaya alam kong bata ang nakalibing sa libingan na iyon. Ang araw ngayon ay katulad sa araw ng pagkamatay ng batang ito. "Anak ni Grant kay Sheena, nadamaysa pagpatay ni Dexx," sabi ni Camilla sa akin. Nilagay niya ang bulaklak sa puntod ng batang iyon at pinunasan niya ang kaunting luha na tumakas sa kanyang mga mata. Hindi na sinabi ni Camilla kung paano namatay ang batang iyon at hindi ko na rin gustong malaman pa dahil alam kong hindi maganda ang ginagawa ni Dexx sa mga nagiging biktima niya. Habang nananatili ako sa puder ng Natividad, unti-unti ko silang nakikilala at alam kong marami pang pinagdaan si Camilla kaya siya nagkaganito. Ngayon ko lang naisip na sa edad ni Camilla ay wala pa siyang anak. Alam kong biktima siya ng pambubugbog ng kanyang asawa pero wala ba silang anak? "Pupunta ako sa grocery ngayon pero h'wag ka na lumabas sa kotse, gusto kong mapalapit kay Dexx dahil mas makikilala ko siya. Make your friends close and your enemies closer." Humalakhak siya sa sinabi niyang iyon pero natatakot ako para sa kanya dahil baka saktan siya ni Dexx. Naintindihan ko iyon, kahit na gusto ko silang makita ay mas pipiliin kong tiisin ang pagkamiss sa mga taong nakasama ko ng matagal na panahon. Mahirap pero kailangan. Habang nasa kotse ako, di ko mapigilan hindi maluha habang pinagmamasdan sila Greg sa pagtatrabaho. Gusto ko siyang kamustahin pero narinig ko ang usapan nila. "Ano nga kaya ang nangyari kay Rion? Alam kaya ni Aling Myline ang nangyari sa kanya? Hindi kasi pumunta sa lamay niya," sabi ni Greg sa kausap niyang si Mang Diego. Umiling na lang ang matanda sa kanya at hindi ko na rin narinig ang sasabihin niya dahil pumasok na rin agad si Camilla. Nang mga oras na iyon, gusto kong lumapit kay Greg. Gusto kong sabihin ang nangyari sa akin at ipaalam sa kanya na buhay ako pero ayokong sayangin ang pagkakataon na binigay sa akin nila Camilla. Kung pwede lang ay hindi na rin makarating pa may Tita Myline ang nangyari sa akin dahil ayokong madamay pa sila. Makapangyarihan ang pamilya ni Dexx at kung kikilos sila para sa akin, sigurado akong isang pitik lang ng mga iyon, may mangyayaring masama sa kanila. "Kailangan mong tiisin na hindi sila kausapin," sabi ni Camilla sa akin at inutos sa driver na pumunta na kami sa Mall. Sa malayong Mall kami nagpunta, sa isang lugar na hindi kami kilala. "Alam ko. Hindi ko kailangan idamay ang mga taong walang kaugnayan sa akin. Laban ko to at kakayanin ko lahat ng hirap na pagdadaanan ko," sagot ko sakanya at ngumiti lang siya sa akin. Wala akong gana sa mga oras na iyon pero sa bawat boutique na pinasukan namin ay may napipili naman ako mga damit at sumasang-ayon naman si Camilla sa bawat damit at sapatos na pinipili ko pero wala sa puso ang ginagawa namin. Ang ibang mga damit ay siya ang pumili para sa akin, masasabi kong kakaiba talaga ang taste ni Camilla pagdating sa fashion. Gusto kong maging isang kagaya niya, bukod sa mayaman, matapang at matalino rin siya. Matapos namin mamili ng mga damit, pumunta kami sa isang salon at pinaganda niya ako ng husto. Simula sa aking mga kuko hanggang sa pinakadulo ng aking buhok ay inayos niya. Naging hanggang balikat na lang ang aking buhok at talagang masasabi kong hindi ako ang nasa harap kk ngayon. "Nakakagutom, gusto mo na bang kumain?" tanong niya sa akin pagkalabas namin ng salon. Tumango ako sa kanya dahil wala pa kaming kinakain na almusal. Sa isang mamahalin na restaurant kami pumunta at may reservation na pala siya doon. Habang naghihintay ng makakain, may lumapit sa aming isang waiter at inayos ang mga kubyertos sa table namin. "Tuturuan kita kung para saan ang bawat kutsara at tinidor sa lamesang ito," sabi niya sa akin pagkaalis ng waiter. Ngumiti ako sa kanya at pinatong ang siko ko sa lamesa. "Hindi na kailangan. Tinuruan ako ni Tita Myline," sagot ko sa kanya at sinabi ko isa-isa kung para saan ang mga kutsarang iyon. Alam kong na-impress siya sa akin pero hindi niya lang pinahalata iyon. Matapos ang lahat ng gawain namin, sobrang saya ni Camilla dahil naturuan niya ako. "Bukas, dito lang tayo sa bahay at tuturuan kita kung pano kumilos na parang isang boss. And by the way, sayo ko na ipapangalan ang mga negosyo ko sa South Arrea. Gusto kong ikaw ang humawak ng lahat ng projects doon," sabi niya at inutos sa isang bodyguard na dalhin sa kwarto ko ang mga pinamili namin. Nakita kong malinis na ang kwarto ko at kumpleto na rin sa gamit. May malaking salamin na rin at may table na may salamin na rin doon. Punong-puno na rin iyon ng mga make-up. May bagong kabinet na rin sa kwarto ko. Habang nandoon ako, inalis ko isa-isa ang mga damit at sapatos sa paperbag saka nilagay sa cabinet. "Nagustuhan mo ba?" hindi ko namalayan na nasa loob na pala ng mwarto si Grant. Binitawan ko na muna ang gonagawa ko at humarap sa kanya. "Oo, maraming salamat. Hindi ko inaasahan na may ganto ka palang side, ha!" sabi ko sa kanya at tinapik ang kanyang braso. Hinawakan ni Grant ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n. May kung anong kuryente ang gumapang sa balat ko kaya agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Baka naiisip niya na ako si Sheena kaya siya ganto sa akin pero magkaibang - magkaiba kami. Hindi ko papairalin ang puso ko sa pagkakataong ito. Lumabas siya agad ng ginawa ko iyon. Habang pinagmamasdan ko ang keartong iyon, naisip ko na naibigay na sa akin nila Camilla ang lahat pero may kung anong kulang sa akin at hindi ko man lang malaman sa sarili ko kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD