Chapter 32

1942 Words
Unang gabi ngayon ay nakaramdam ako ng gaan sa pakiramdam dahil nailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko at nagpapasalamat ako sa magkapatid na Natividad. Hindi ko man alam kung paano ako magsisimula sa paghihiganti ko pero alam kong hindi ako papabayaan ni Camilla. Habang nakahiga, narinig ko ang marahan pagbukas ng pinto at nakita kong si Grant iyon at sumisilip. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Bumangon ako at humarap sa kanya. Pumasok siya sa kwarto ko at binuksan ang ilaw. "Gising ka pa? Gusto ko lang matingnan kung tulog ka na, pasensya sa istorbo," sabi niya sa akin at lumabas na muli ng kwarto ko. Nahiga lang ako at tuluyan na nakatulog. Kinabukasan, sobrang gaan ng pakiramdam ko. Binawi ko ang lahat ng pagod ko at kumain ako ng marami. "Margaret, dahan-dahan lang. Hindi ka mauubusan ng pagkain," saway sa akin ni Camilla pero hindi ako nagpatigil sa kanya. "Hayaan mo lang ako at babawi ako ng lakas. Nga pala, yung mga naiwanan kong trabaho, pwede ba pagpatuloy ko na ulit? Kahit dito na lang sa bahay mo, kung pwede lang?" tanong ko sa kanya at napansin kong nagtingin ang magkapatid. "Sure, pero sasama ka sa akin, marami tayong pupuntahan," sabi niya at tumango lang ako dahil abala ako sa pagkain. Huling sandok ko na ng kanin at nakaramdam na ako ng pagkabusog. "Bakit nga pala Margaret ang pinili mong pangalan?" tanong ni Grant at si Camilla ang sumagot sa kanya. "Rion Margaret Sandoval Monticello ang full name ni Rion, at tingin ko, hindi alam ni Dexx iyon," sagot ni Camilla sa kanya at nagpatuloy na lang sila sa pagkain ng agahan. "Margaret, sabado pala ngayon, gusto mo ba mamasyal?" tanong sa akin ni Camilla at may kakaibang ibig sabihin ang tanong niya sa akin. "Saan naman?" tanong ko sa kana pero hindi na sia sumagot hanggang sa matapos kami sa pagkain. Pumasok na ako sa kwarto at nag-ayos dahil susunduin ako ni Camilal kapag tapos na siyang mag-ayos ng sarili niya. "Ahhhhh! Ano ba yang suot mo? Magbihis ka! Halika dito sa kwarto ko, magpalit ka!" sigaw ni Camilla tapios ay hinila ako papunta sa kwarto niya. Hindi na ako pumalag pa dahil nahiya rin kasi akong pumasok sa kwarto niya para humiram ng masusuot. Gusto ko rin sanayin ang sarili ko na magbihis ng maganda at maging sopistikadang babae at kailangan ko ang tulong ni Camilla kaya tiwala ako sa lahat ng gusto niya at sa lahat ng plano niya. Isang white dress na maiksi ang binigay niya sa akin at isa lang ang sleeve ng damit na iyon. Hapit na hapit sa akin pero hindi naman siya masyadong masikip. "Simula ngayon, Margaret, mga dress na ang isusuot mo, nagkakaintindihan ba tayo?" tanong sa akin ni Camilla at tumango ako sa kanya. Gusto ko rin matuto maging isang elegante kaya naman sobra akong natuwa dahil nandyan si Camilla para sa akin. Hindi pa rin niya sinasbai kung saan kami pupunta kahit nasa byahe na kami. Hindi naman na din ako umulit sa tanong ko dahil alam kong wala silang balak sabihin iyon. Huminto kami sa tapat ng isang bukirin at sa dulo no'n ay isang malaking mansion. "Yan ang kaharian ng mga Lacson," sabi ni Camilla at tinitigan lang namin iyon. Maraming magsasaka ng oras na iyon at kitang-kita ko sa harapan ng mansion ay maraming sasakyan. "Mayaman pala talaga ang pamilya nila," sagot ko sa kanila at tinitigan ko ang bahay na iyon. Kung ikukumpara ang bahay namin sa Manila ay baka cr pa lang nila ay bahay na namin. Naisip ko, paano ba papabagsakin ni Camilla ang isang malaking pangalan? Kung sugurin na lang namin sana sa bahay ko si Dexx at saksakin ng walang humpay para hindi na pahirapan pa ang mga sarili namin at mapatay na agad si Dexx. "Pano mo papabagsakin iyan, isang mayaman na pamilya," tanong ko sa kanya. Hinitay ko pa ang isasagot nila bago ko sabihin ang plano kong madali. "Simple lang, nakakawin ang lahat ng yaman nila dahil doon sila kumukuha ng kapangyarihan. No money, no power," sabi sa akin ni Camilla at hindi na ako muling nagtanong pa. Umalis na rin kami agad at may sumunod kaming pinuntahan. Isang building sa siyudad at Lacson Building Corporation ang pangalan ng building na iyan. "Dyan naman kung saan gumagawa ng ginto ang pamilyang Lacson, balang araw, mapapasok mo rin ang building na iyan at makakasama mo rin ang iilan sa mga prinsesa at prinsipe ng mga Lacson," sabi ni Camilla at inutusan niya si Grant na madaliin ang pagmamaneho pauwi dahil marami siyang trabahong gagawin. "Magiging sekretarya mo na ako uli?" tanong ko sakanya at tumango sa akin si Camilla. Sa wakas ay may gagawinn na rin akosa bahay na iyon at hindi lang puro paghiga. Gusto ko siya yakapin ng oras na iyon dahil sa sobrang saya ko pero hindi ko na ginawa pa dahil ayokong maging kaugali ko muli si Rion. Uumpisahan ko ang pagbabago sa bawat kilos at galaw ni Rion. Unti-unti kong iibahin kung paano ako kumilos. Kailangan maging isa akong matapang at sopistikadang babae. Hindi lang ko dapat asahan si Camilla sa pagbabago sa akin, gusto kong umpisahan din iyon sa sarili ko. Naisip ko, dahil sa masyadong madali makuha ang loob ko ay nagawa iyon sa akin ni Dexx. Nasa sarili ko rin ang pagbabago na gusto kong matamo. "Simulan natin ang pagkikipaglaban sa mga Lacson sa pamamagitan ng pakikipagtransaksyon sa kanila, kailangan natin ng ilang mga business proposal at gusto ko, ikaw ang gumawa no'n. Ito ang listahan ng mga business title na kailangan mo," sabi niya sa akin habang nasa opisina na kami sa loob ng bahay niya. Nasa sampu lang naman ang kailangan kong gawaan ng business proposal. Umupo si Camilla sa tabi ng computer ko at tinitigan lang ako. "Hindi lang business proposal ang gusto kong gawin mo, kailangan mo rin pag-aralan ang bawat kilos nila. Kilos ng bawat Lacson at bibigyan kita ng listahan para sa mga miyembro ng pamilya nila na may posisyon sa Lacson Empire," sabi sa akin ni Camilla at may halong pag-uutos ang mga salitang binitiwan niya. Nakita kong una sa listahan ang isag babae at Misa Lacson ang pangalan niya. Sinumulan ko magsiyasat sa kung sino si Misa at bakit siya ang nasa pinakauna sa lahat ng mga Lacson na nasa listahan ni Camilla. "Maiwan na muna kita at marami pa akong kailangang gawin para sa mga plano natin," sabi ni Camilla sa akin at sinundan ko lang siya palabas ng kwarto. Tanging ingay lang ng pagta-type ang naririnig ko ng sandaling iyon dahil isa-isa kong inalam ang tungkol sa kanya. Si Misa Lacson ang President ng Lacson Empire, ang utak ng lahat ng negosyo nila. Babae ang pinaka-head ng pamilya nila pero bakit nagawa ni Dexx na manakit ng kapwa babae? Bata pa si Misa at halos kaedad ko lang siya, sa batang edad ay siya na ang namamahala ng mga negosyo nila. "Bata pa si Misa pero bakit siya na agad ang Presidente ng Lacson Empire?" tanong ko sa sarili ko. Wala na ako maanap na iba pang impormasyon tungkol sa kanya kaya naman inumpisahan ko na lang ang mga business proposal para papirmahan ko na kay Camilla ang mga ito. "Sino si Misa Lacson?" tanong ko kay Camilla pagkapasok ko sa kwarto niya. Nakahiga lang siya sa kama pagkapasok ko at kita ko sa mga mata niya ang pagod at puyat dahil sa pagtatrabaho. "Margaret, alam mo, gusto ko sana ikaw ang magtrabaho tungkol kay Misa Lacson. May mga bodyguards akong ipapahiram sayo, you can use them all you want," sagot sa akin ni Camilla pero hindi man lang nya ako hinarap. Naramdaman ko na gusto niya magpahinga at parang nakaka-istorbo ako sa kanya kaya hindi na ako sumagot at iniwanan ko na muna siya para makakuha ng lakas. Nasa opisina lang ako sa bahay at tinatapos ko ang iilan sa mga trabaho na naiwanan ko dahil hindi pala iyon pinagawa ni Camilla sa ibang tao. Sinimulan ko muna gawin ang mga monthly benefits ng mga empleyado dahil kailangan nila iyon tapos ay ang mga loan. Pinagsama-sama ko ang mga iyon sa parehas na buwan tapos ang sales report naman ang sunod kong ginawa. Nakaramdam na ako ng gutom at hindi ko namalayan na hapunan na pala. Tinawag ako ng isang katulong sa kwarto para kumain. Habang naglalakad ako patungo sa hapagkainan, narinig kong nagtatalo ang magkapatid. "Hindi mo siya pwedeng itulad kay Sheena, Camilla. Baka mamaya mapatay na talaga siya ni Dexx," narinig kong sabi ni Grant at may pagtutol talaga ang mga salita niyang iyon. Ako kaya ang tinutukoy niyang gustong igaya ni Camilla kay Sheena? "Hindi sila magkaparehas! Si Sheena, nilandi niya si Dexx. PInagpalit ka niya kay Dexx. Si Rion or si Margaret, may galit kay Dexx kaya gaganti. Ano ang pagakaparehas nila bukod sa iisang lalaki ang nilalapitan? Wala!" sigaw ni Camilla at tumahimik na muna sila sandali. Hindi pa rin ako nagsasalita dahil ayokong malaman nila na naririnig ko silang dalawa. Dahil sa pagtatalo nila, natuklasan ko na may relasyon si Grant at Sheena noon at mas pinili ni Sheena si Dexx. Sa kasawiang-palad ay pinatay ni Dexx si Sheena. Dahil sa mabilis nakuha ni Dexx ang gusto niya kay Sheena kaya gano'n ang ginawa niya sa babae. Hindi ko kasi binibigay ang lahat ko kay Dexx at punong-puno pa rin ako ng pag-aalinlangan kung mamahalin ko ba siya o hindi kaya siguro ng malaman ni Dexx na hindi niya ako makuha agad ay pinilit niya akong makipagtalik sa kanya. Kahit hindi ako gamitin ni Camilla o kaya ay pakiusapan na gumanti kay Dexx, gaganti pa rin ako dahil sa kagustuhan ko iyon. Sariling desisyon ko ang gumanti at hindi kailangan magtalo ng magkapatid. Lumabas na ako sa pader na pinagtataguan ko at umupo na sa pwesto ko. Sumandok naman ako agad ng pagkain at nagsimula na. Hindi nagkikibuan ang magkapatid hanggang sa matapos kaming kumain. Nakakailang man pero hindi ko masisisi si Grant kung bakit gano'n siya tumutol sa gusto ng kapatid niya. "Margaret, hindi pa ako sanay na tawagin ka sa ibang pangalan pero irerespeto ko pa rin ang desisyon mo," si Grant. Nagsandok na rin silang magkapatid ng pagkain at hindi na nasundan pa ang pag-uusan nila tungkol sa akin. "Kailangan mo masanay, dahil unti-unti ko na buburahin sa sistema ko si Rion," sagot ko sa kanya. "Ohhhh, very powerful decision," sabat ni Camilla sa amin at sumubo ulit ng pagkain niya. Tumingin lang ako sa kanya at nalipat rin kay Grant ant tingin ko. Tumawa lang siya dahil sa ginawa ng kanyang kapatid. "Mamaya, mag-usap tayo mamaya," sabi ni Grant. Tumango ako sa kanya kahit hindi ko alam kung ano ang dapat namin pag-usapan. Dumiretso na lang ako sa kwarto matapos kumain. Kung noon, ako ang nagliligpit at nag-aasikaso ng makakain ko pero ngayon, may mga katulong na dito at hindi ako sanay sa ganitong klaseng buhay. "Margaret?" narinig kong tawag ni Grant at pinagbuksan ko na lang siya ng pinto. Pagkakita ko sa kanya, may hawak siyang dalawang baso at amoy alak iyon. "Do you drink?" tanong niya sa akin at inalok na rin ang isang baso na hawak niya. Hindi ako umiinom pero kung magiging parte iyon ng paghihiganti ko, dahil kailangan kong makisalamuha sa mga mayayaman na tao, gagawin ko. Kinuha ko ang basong hawak niya, sa amoy pa lang nito, nasusuka na ako pero pipilitin kong inumin iyon. Tumikhim ako ng kaunti at hindi ko nagustuhan ang pait na lasa nito kaya naduwal ako dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD