Chapter 31

2055 Words
"Rion, gising!" bulong ni Grant at napabangon ako dahil magkayakap kami ng magising ako. Kita ko ang saya sa kanyang mukha ng tingnan ko siya. Nagtaka ako dahil masaya pa siya at hindi man lang nakaramdam ng hiya dahil sa posisyon namin. Inayos ko ang aking buhok matapos kong bumangon at umupo sa gilid ng kama. Kumilos na rin siya at nagtungo sa kanyang cabinet para kumuha ng mga damit. Magkasunod kaming lumabas at mabuti ay walang tao dahil wala baka pag-usapan kami ng mga katulong. Dumiretso na ako agad sa kwarto ko para kumuha na rin ng damit at makaligo na. Oras na ng uwian ni Camilla kaya naman nag-aayos na si Grant para sunduin ang kanyang kapatid. Pagtapos kong maligo, nagpunta muna ako sa garden para magmuni-muni. Hindi pa rin ako makapaniwala na gano'n klaseng tao si Dexx. Binuksan ko ang puso ko para sa kanya pero nagawa niya ito sa akin. Iniisip ko tuloy kung paano ang mga tauhan sa grocery dahil baka makahanap na naman ng panibagong biktima si Dexx. Gusto kong lumabas para balaan ang mga tauhan pero hindi ako pinapayagan ng magkapatid. Naiintindihan ko naman ang dahilan sila Grant pero ayokong magkaroon pa ng susunod na biktima si Dexx. Nakaramdam na naman ako ng antok kaya lumabas muna ako sa kwarto at naisip kong maglakad-lakad sa labas kaysa magmukmok sa loob ng bahay. Nang mapadaan ako sa sala, do'n ko lang napansin ang malaking litrato ng pamilya ni Camilla. Kamukha ng magkapatid ang kanilang ama, dahil maamo ang mukha ng kanilang ina at parang anghel ito. Pero ang magkapatid, kapag nagagalit o kaya ay naiinis, nagiging iisa ang kanilang mukha, kagaya ng kanilang ama. Nakarinig na ako ng iilang yabag papasok sa bahay kaya nagtungo ako doon para salubungin sila, gusto kong magpasalamat kay Camilla at Grant dahil sa ginawa nila para sa akin. "Rion, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Camilla at yumakap sa akin. Tinaas lang ni Grant ang kamay niya bilang pagbati sa akin at ngumiti lang rin ako sa kanya. "Yes, medyo maayos na ako pero may mga pasa pa rin at masakit pa ang ilang parte ng katawan ko," sagot ko sa kanya at kumalas na sa pagkakayakap niya. Lumakad na siya ulit papunta sa kwarto niya, hinawakan ni Grant ang kamay ko ng aktong susunod ako kay Camilla. Umiling siya sa akin at nagtungo na rin sa kwarto niya. Marahil gano'n na rin ang gagawin ko at mananatili na lang sa kwarto ko. Inayos ko ang mga gamit ko at nakita ko ang aking telepono. Lowbat na ito kaya naman nag-charge na muna ako para malaman kung sino ang mga tumatawag at nagte-text sa akin. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago bumukas ang aking telepono. Sobrang wala na palang laman ang baterya nito dahil apat na araw na ang nakalipas simula ng makatakas ako sa puder ni Dexx. Humiga na lang muna ako at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga text messages. May iilan na galing sa mga kaklase ko at ang ilan ay galing kay Dexx. Ang mga mensahe ng kaklase ko ay hindi ko maintindihan dahil parang hindi ako ang kinakausap nila. May mga nagsasabi na ilabas nila ako at palayain na nila. Iba-ibang paraan ng pagsasabi pero iisa ang ibig sabihin ng mga mensahe nila. Pero pagkatingin ko sa mga mensahe ni Dexx, puro pananakot at pagbabanta ang laman ng unang mensahe tapos ang sumunod, para sa akin na talaga. "Rion, lumabas ka na kung saan ka nagtatago," isang mensahe lang iyan at ang pinakahuli na rin na mensahe niya para sa akin. Hinagis ko na ang telepono ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko. Nagawa niya pa akng pagbantaan kahit na siya ang may atraso sa akin. Siya ang totoong masama pero ako pa ang tinatakot niya. May tumulo ulit na luha dahil sa galit kay Dexx. Lahat ng paghanga na nararamdaman ko para sa kanya ay napalitan na ng galit. Wala ng puwang ang pagmamahal sa puso ko para sa kanya at lahat ng espasyo sa puso ko ay puro sa galit na mapupunta at iyon na ang mgpupuno ng puso ko. Humiga ako sa kama habang nakalaylay ang mga binti ko sa dulo nito, patuloy pa rin akong umiiyak at puro gano'n na lang ang ginagawa ko habang nandito ako sa bahay nila. Gusto ko may iba naman akong gawin bukod sa pag-iyak dahil wala naman iyon mararating. "Rion, halika na at kakain na!" narinig kong tawag ni Grant sa akin. Naghilamos at nagsuklay ako bago tuluyang humarap sa kanila. Maayos pa naman ang suot kong damit at hindi ko kailangan magsuot ng magarang pananamit. Lumabas na ako at sumunod sa kanya sa dining table nila. Nakahain na ang mga pagkain at kagaya ng nakasanayan ko, may sarili na akong pwesto sa lamesa na iyon. Sa tabi ni Grant at si Camilla naman ay nasa unahan. Nandoon na rin si Camilla at ngumiti siya ng dumating kami. "Balita ko, sinubukan mong tumakas, Rion? Bakit nandito ka pa?" tanong niya sa akin at naisip ko na naman ang katangahan ko kaninang tanghali. "Oo, sinubukan kong tumakas pero hindi ko kabisado ang lugar na ito kaya bumalik rin ako," sagot ko sa kanya. Ngumisi lang si Grant sa sinabi ko. "Hahahaha! I really like this girl!" Pumalakpak siya matapos niyang tumawa na parang walang bukas at pinagmasdan ko lang siya habang gano'n ang ginagawa niya. Nakakatawa rin naman talaga ang ginawa ko dahil hindi pinag-isipan ang ginawa ko. Matapos ang usapang iyon ay hindi na nasundan pa, hinayaan ko lang silang pagtawaan ang ginawa kong katangahan. Gusto ko sana kausapin si Camilla kung kailan ako pwedeng lumabas dito at makapagsumbong sa mga pulis dahil sa ginawa sa akin ni Dexx. Pumunta ako sa kwarto ni Camilla at naabutan ko siyang nagtatrabaho siya kahit kagagaling niya lang sa opisina niya. "Camilla?" tawag ko sa kanya at napatingin siya sa akin. Tumigil siya sa kanyang ginagawa. Hinubad niya ang suot niyang salamin. "Gusto ko sana lumabas dito at magsumbong sa mga pulis," sabi ko sa kanya at tumayo siya saka lumapit sa akin. "Rion, alam kong nasabi na ng kapatid ko sayo ang tungkol kay Dexx, ano pa ba ang kailangan mo para maniwala ka sa amin?" tanong sa akin ni Camilla at biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Hinila niya ako palabas ng kwarto niya at kahit nagpupumiglas ako pero kaparehas ng kanyang kapatid ay sobrang higpit niya rin kumapit. "Bitiwan mo ko!" sigaw ko sa kanya at natigil kami sa harapan ng telenbisyon sa sala. Nakita ko na lumapit sa amin ang ilang mga katulong at pati na rin si Grant. "Camilla, ano bang nangyayari!" narinig kong sigaw ni Grant at lumapit siya sa akin. Pagkabukas ni Camilla ng telebisyon ay tumambad ang isang balita ng isang lamay. Sa bahay namin iyon at halos malagutan an ako ng hininga dahil pinakita sa balita ang pagdadalamhati ni Dexx. "Pinalabas ka niyang patay! Pinatay ka na ng hayop na iyan!" sigaw niya at hinawakan ang buhok ko sa likod. Inaawat siya ni Grant pero hindi ako nakagalaw dahil sa nakikita ko. Nagtagal ng ilang segundo bago bumalik ang ulirat ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit kong inalis sa pagkakahawak niya sa akin. Binitawan niya na ko dahil hinila ng kapatid niya ang kamay niya. Napaluhod ako sa harap ng telebisyon dahil sa sobrang sama ng loob ko. Sumigaw ako at aktong babatuhin ang tv ng flower vase na nasa coffee table pero inawat ako ng isang katulong at tinulungan akong tumayo. Ubos na ang lakas ko ng sandaling iyon dahil sobra na ang ginagawa sa akin ni Dexx. Nagawa niya akong patayin sa harapan ng maraming tao at dahil iyon sa kapangyarihan ng pamilya niya. Gusto ko siyang pagbayarin sa lahat ng kasalanan niya sa akin. "Tama na, sobrang sakit na!" sigaw ko at lumakad ako papasok sa kwarto dahil sobrang sama na ng loob ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan paulit-ulit akong saktan ni Camilla. "Hindi pa tayo tapos!" narinig kong sigaw ni Camilla at paglingon ko, pinipigilan siya ng mga katulong na makalapit sa akin. Ayaw niyang magpa-awat sa ginagawa niyang pananakit sa akin. "Ano bang gusto mo! Ano pa ba kailangan mo!" sigaw ko sa kanya at natigil siya sa pagwawala at ngumiti sa akin. "Ikaw, ano ba ang gusto mo! Anong gusto mong gawin kay Dexx?!" sigaw niya sa akin at naintindihan ko na ang gusto niyang mangyari. Gusto kong maghiganti kay Dexx, gusto ko siyang bumagsak, makulong at magdusa. Gusto kong iparamdam sa kanya ang lahat ng sakit na ginawa niya sa akin. "G-gusto kong gumanti," bulong ko at tinitigan ko ang lahat ng taong nandoon habang nakikinig sa pag-aaway namin ni Camilla. "What? I can't hear you..." sagot niya at lumapit sa akin pero may kaunti pa rin siyang distansya. Binitawan na siya ng mga katulong at ni Grant dahil alam nilang hindi ako masasaktan ni Camilla. "Sabi ko, gaganti ako!" Lumakas ng kaunti ang boses ko para marinig niya. Ayokong marinig ng lahat ng tao ang plano ko dahil baka may kung ano silang maisip sa akin. Lumingon ako sa mga katulong at nakita kong umiiyak na sila. Hindi ko maisip na lahat sila ay may nararamdaman na awa sa akin. "I said, I can't hear you!" pasigaw niyang sagot sa akin at lumapit na siya ng husto, humarap siya sa akin at tinitigan akong maigi habang nakahawak ang kamay niya sa balikat ko. May nakita akong galit sa kanyang mga mata at iyon ang nagsilbing ningas ng galit sa puso ko. "Sabi ko! Gaganti ako! Pahihirapan ko siya! Ilalagay ko ang batas sa kamay ko! Papabagsakin ko siya!" sigaw ko sa harapan niya at pumapalakpak si Camilla dahil sa sinabi ko. Nakita kong nagyakapan ang mga katulong habang umiiyak para sa akin pero ako, wala nang luha na lumabas sa mga mata ko. "Yan ang gusto kong marinig sayo, ang mga salitang yan ang panghahawakan mo para sa laban mong ito," sabi sa akin ni Camilla at nang niyakap niya ako ay doon lumabas ang lahat ng nararamdaman kong sama ng loob. Hanggang sa pagsasabi ko ng plano ko ay umiiyak pa rin ako kahit hindi na dapat. Hindi mo man alam kung saan ako magsisimula pero alam kong gagabayan ako ni Camilla sa plano kong ito. Dinala niya ako sa kwarto niya at sinabing doon na ako magpahinga dahil marami siyang gustong sabihin sa akin para sa paghihiganti na gagawin namin. Habang nasa kwarto niya kami, nilabas niya ang mga magaganda niyang damit at ilang mga sapatos, tinititigan ko lang siya sa ginagawa niya at nang matapos siya ay humalukipkip siya sa akin. "From now on, kailangan mong magsuot ng mga daring na damit," sabi niya sa akin at sinukat ang isang halter na black dress. "Bakit kailangan kong matutunong magsuot ng mga ganyang damit?" tanong ko sa kanya at inaasan niya lang ako ng kilay at ngumuso ang kanyang labi. "Bukas na bukas, ipapakita ko sayo ang lungga ng mga Lacson at aaralin natin ang lahat ng transactions na meron sila, kakabisaduhin mo ang lahat ng kompanya at negosyo nila. Dahil sa mga susunod na araw, makikipag-partnership na ako sa kanila," tumingin sa akin si Camilla at inabot ang dress na hawak niya. Kinuha ko iyon at tinanggan ko na ang lahat ng sinasabi niya. Kung gusto kong gumanti, kailangan kong sumunod sa lahat ng sinasabi niya. Kailangan kong matuto kung pano lumaban sa ibang paraan at hindi gumagamit ng dahas, kung ganun ang ginawa ko, wala na akong pinagkaiba kay Dexx na puro dahas ang alam gawin. "Simula ngayon, patay na si Rion. From this day, I am Mariette Sandoval," sabi ko sa sarili ko at lumuha ako muli habang nakaharap sa salamin. Lumabas na ako ng cr at hinarap si Camilla. "Bagay sayo, Rion," sabi sa akin ni Camilla at umiling ako. Nagtaka naman siya kaya nilakasan ko ang loob ko para sabihin ang isang bagay na alam kong masasaktan ako. "Stop calling me, Rion. From now on, I am Margaret Sandoval," sabi ko sa kanya at kahit hindi niya alam kung saan ko kinuha ang pangalan na iyon ay hindi na ako nagpaliwanag pa sa kanya. Paalam sayo, Rion Margaret Monticello. Gusto kong kilalanin na ako bilang Margaret Sandoval.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD