Chapter 30

1940 Words
"Hindi niyo ba ako papalabasin? Tatlong araw na ko dito, yung trabaho, ayokong mapabayaan." Binagsak ko ang kutsara na hawak ko habang nasa hapagkainan kami. "Rion, delikado ang buhay mo, dito ka na lang muna," sabi sa akin ni Grant at tiningnan ako habang hawak lang ang kubyertos niya. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha ng sandaling iyon. Hindi ko pa rin nagagalaw ang pagkain ko habang sila ay paalis na. Wala naman kasi akong lakad kaya hindi ko kailangan magmadali kumain. Napansin na iyon ni Camilla kanina pero hindi ko siya pinansin. "Ako na ang bahala sa naiwan mong trabaho, remember, ako ang boss mo?" sagot naman ni Camilla at tama siya pero iniisip ko ang mga katrabaho ko dahil sigurado ako, sila ang sasalo sa naiwan kong gawain. "Naisip ko lang kasi, sila ang gagawa ng mga naiwan ko at tatlong araw na ako dito, bakit ba ako hindi pwedeng lumabas?" sigaw kong sagot sa kanila at hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa pagkainis. Alam ko naman na delikado ako dahil sigurado ako naghahanap si Dexx sa akin. Pero gusto kong idaan ito sa tamang paraan, gusto kong ipakulong si Dexx at pagdusahan ang ginawa niya sa akin pero bakit kinukulong ako ng magkapatid at parang may kinatatakutan. "Hindi ka pwedeng lumabas! Hindi mo alam kung anong klaseng pamilya mayroon si Dexx at kung ano ang kayang gawin ng pamilya niya! sigaw ni Camilla sa akin at mabilis siyang tumayo at aktong sasampalin ako pero pinigilan siya ni Grant. "Tama na!" sigaw ni Grant sa kanyang kapatid at hawak pa rin ang kamay nito na nasa ere. Matalim kong tinitigan si Camilla dahil sa ginawa niyang iyon pero tinulak ko si Grant at hinarap ko si Camilla. "Sige, sampalin mo ko! Hindi na ako takot masaktan! Pagkatapos kong matamo ito sa kamay ni Dexx, tingin mo, natatakot pa ako sa gagawin mo? Sige! Ituloy mo!" sigaw ko sa kanya at tinulak-tulak ko siya at simapal dahil hindi niya magawa. Inaawat na akmi ng mga katulong hanggang sa makita ko si Camilla na nakayuko sa sahig at umiiyak. Umalis na lang ako doon at nagtungo sa garden para maglabas ng sama ng loob. "Bakit!" tanong ko sa kawalan at napahawak sa dibdib ko dahil sobrang sakit ng nangyari sa akin. Minsan, naiisip ko na sana tinuluyan na ako ni Dexx. Sana pinatay na rin ako ni Aero noon. Nabuhay ang lahat ng sama ng loob ko nang sandaling iyon, simula sa mamatay ang mga magulang ko, pinili ni Ate si Aero kaysa sa akin, nagahasa ako, ang pag-alis ni Tita Myline at ang ginawa sa akin ni Dexx. Ano pa bang kulang? Nanginginig ang balikat ko habang umiiyak dahil sa sobra na ang nangyari sa akin. Bas "Rion, tama na!" sigaw ni Grant at niyakap niya ako. Kumawala ako sa kanya dahil ayokong may makaharap na kahit sino ng oras na iyon. Pero hindi siya natigil at mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin hanggang sa mawalan an ako ng lakas at tanging paghagulgol lang ang nagawa ko. "Ikaw ang may kasalanan nito! Kung sana, hindi mo ko hinatid, hindi magagalit sa akin si Dexx!" Humarap ako sa kanya at sinampal ko siya. Hindi siya gumalaw hanggang sa sinapak ko siya ng paulit-ulit sa kanyang dibdib. Kasalanan niya naman talaga ang lahat ng ito. "I'm sorry!" sabi niya sa akin at tanging iyon lang talaga ang nabanggit niya. Ilang minuto rin kaming gano'n hanggang sa unti-unti akong kumakalma. Natigil na ako sa pag-iyak kaya nagkaroon na ako muli ng lakas para kumawala sa kanya. Pagbalik ko sa loob ng bahay, nakita kong nakaalis na si Camilla at hinihintay lang si Grant na makalabas. May suot na shades si Camilla habang nasa kotse at alam kong sa akin siya nakatingin dahil ng humarap ako sa pwesto kung saan niya ako makikita ay umiwas siya ng tingin. Pumasok na ako sa loob at nagkulong lang sa kwarto. Nakahiga lang ako hanggang sa narinig ko ang usapan ng mga katulong sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at dinikit ang tainga ko doon para mas marinig ko pa ang usapan nila. "Grabe pala yung boyfriend niya, pinalabas siyang na-kidnap pagkatapos gahasain," sabi ng isang katulong at naghintay ako ng sagot pero wala nang nagsalita kaya binuksan ko ang pinto ng marahan at nakita kong nakatayo si Grant sa pinto ng kwarto ko. "Rion, kumain ka na at uminom ng gamot?" tanong sa akin ni Grant at hawak ang tray ng pagkain. Dire-diretso siya pumasok sa kwarto at nilapag ang pagkain sa table malapit sa kama. Habang nakatalikod siya ay naging pagkakataon ko na iyon para makatakas sa bahay nila. Hindi ko kasi nagawa iyon ng mga nakaraang araw dahil mahina pa ang katawan ko. Nang tinawagan ko si Grant ay wala naman akong balak magtagal sa puder nila dahil gusto ko lang magtago ng isang araw pero kinulong na nila ako dito. Nagmadali akong lumabas ng bahay at pagdating ko sa gate, wala rin mga bodyguards kaya nagmadali na akong lumabas at narinig ko ang tawag sa akin ni Grant pagkatapos kong buksan ang gate. Walang tao sa Subdivision na iyon. Hindi ko rin kabisado kung saan ang entrance pero tumakbo lag ako ng tumakbo kung saan ako dadalahin ng paa ko. Nang mapagod na ako, huminto na muna ako para magpahinga dahil masakit na rin ang paa ko kakatakbo kahit walang humahabol sa akin. Naupo ako sa espalto. Tanghaling tapat na ng oras na iyon at hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino ang pwede kong lapitan. Nagpalakad-lakad na lang ako sa loob ng Subdivision at nang makita akong dalawang guard ay hindi ako nagdalawang-isip na lumapit sa kanila para ituro ang palabas doon. Lumapit rin naman sila sa akin at may narinig akong kausap nila sa kanilang walking phone. Nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa pagtataka ng kanilang mga mukha. "Ma'am, saan po kayo nakatira dito? Ngayon lang po kasi namin kayo nakita," tanong sa akin ng isang guard at hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanila dahil hindi ko rin kabisado ang address ng bahay nila Grant. Kapag sinabi ko naman iyon, alam kong ibabalik nila ako sa bahay na iyon kaya kumaripas na ako ng takbo pabalik kung saan ako galing kanina. Napilitan akong bumalik sa bahay nila at nagmistulan akong isang inutil dahil nagawa kong tumakas pero hindi ko magawang lumabas sa loob ng Subdiviision. Pinagod ko lang ang sarili ko at kaya pala hindi ako sinubukan hanapin ni Grant dahil alam niyang ganito ang mangyayari. Naluha ako habang nakatayo sa tapat ng bahay nila at kumapit sa gate. "Rion, pumasok ka na dito!" sigaw ni Grant at binuksan niya ang gate para sa akin. Hindi siya lumapit sa akin at hinayaan niya lang akong pumasok. Nang magkalapit na kami ay hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papasok ng bahay nila. "Alam mo bang sa ginagawa mo, pwede kang mahanap ni Dexx dito?" sabi niya sa akin at nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya dahil parang mapuputol na ang braso ko sa higpit ng kapit niya. "Bitawan mo ko!" sigaw ko sa kanya at nakita kong lumuluha na rin siya. Lumuwag ang hawak niya sa akin at niyakap ako. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ng oras na iyon pero naramdaman ko ang sinseridad sa kanyang mga kilos. Bumalik ang tamang pag-iisip ko at yumakap rin ako sa kanya at lumuha na rin. Pinatahan niya ako at sabay na kaming pumasok. Dinala niya ako sa kwarto ko at pinunasan ang mukha ko habang nakaupo sa harapan ko. Inayos niya rin ang buhok ko kaya mas nakita ko ang kanyang mukha. "Ano bang mayroon kay Dexx at kailangan niyo kong itago dito?" tanong ko sa kanya at umiling lang siya sa akin. May tinatago talaga sila tungkol kay Dexx na hindi nila masabi sa akin. Hinarap ko siyang maigi at hinawakan niya ang kamay ko saka hinila palabas ng kwarto. Habang nasa kwarto, may kinuha siya sa drawer niya at inabot sa akin. Isang kumpol iyon ng dyaryo at nakita ko ang isang babae na nakahiga sa damuhan at duguan ito. "Siya si Sheena, ang kaibigan ni Camilla na pinapatay ni Dexx dahil sinubukan nitong magsumbong sa mga pulis. Tinitigan ko ang babaeng iyon at namukhaan ko siya ng may inabot pa sa akin isang litrato si Grant. Magkasama si Sheena at Camilla sa litratong iyon. Nakapunta na rin sa bahay si Sheena kasama sila Markus at Dexx noon. "Si Dexx ang kaisa-isang anak ng Congressman sa Bayan na ito at isa rin siya sa mga kilalang drug dealer dito," sabi sa akin ni Grant at napaupo ako sa kama niya. Hindi ko akalain na may kaibigan si Markus na isang drug-dealer at pinatuloy pa namin siya sa bahay namin. Hindi ko nahalata sa mga kilos ni Dexx na gano'n ang gawain niya dahil alam ko ang bawat kilos niya. Sa grocery lang siya pumasok at bigla akong naluha dahil may kasama pala kaming kriminal sa loob ng bahay. "Ayaw namin na magaya ka kay Sheena kaya tinatago ka namin ni Camilla dito sa bahay. Hindi naman maghihinala si Dexx na nandito ka dahil maingat kami sa bawat kilos namin," dagdag niya pa at tumabi siya sa akin. Naninikip ang dibdib ko sa aking nalaman at para akong nahinto sa paghinga ng ilang minuto. "Papayagan kitang manood ng balita pero ayokong sabihin mo iyon kay Camilla dahil magagalit siya sa akin," sabi sa akin ni Grant at tumango lang ako sa kanya. Binuksan niya ang tv sa kanyang silid at napanood ko doon ang isang balita. Nasa screen ang aking mukha at nasa tabi iyon ng isang reporter. Ang background ng reporter ay ang bahay namin. "Kasalukuyan pa rin pinaghahanap ng polisya si Rion Monticello dahil sa tinangay ito ng nangloob sa bahay nila," nagbago ang background ng balita at pinakita ang kwarto kung saan ko sinaksan si Dexx. Pinakita rin ang dugo ni Dexx at ang mga sugat niya na ako ang may gawa. Sumikip lalo ang dibdib ko nang makita ko iyon. Pinalabas ni Dexx na na-kidnap ako para pagtakpan ang ginawa niya sa akin. "Hayop siya! Sinungaling! Hindi yan totoo! Demonyo ka!" Kinuyom ko ang mga kamay ko na nakakapit sa kumot at sumigaw doon. Nakatayo lang si Grant sa tabi ko habang hinahaplos ang likod ko. Napayuko na ako sa kama niya at hinila ang kumot niya. Hindi ako natigil sa pagsigaw ng mga oras na iyon. Sa sobrang galit ko at hinagis ko na rin ang mga unan niya at natamaan ang kanyang flower vase. "Magbabayad ka sa kahayupan mo!" sigaw ko ulit at niyakap na ako ni Grant para pakalmahin. Pinatay niya ang tv at hinila ako pahiga. Nakasandal na ako sa kanyang dibdib habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Maghihiganti ako! Gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa akin!" sabi ko kay Grant at kinuyom ko ang kanyang suot na damit pero hinaplos-haplos niya ang kamay ko at hinalikan ang noo ko na parang gusto niyang pawiin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Mas masakit pa ang ginawa ngayon sa akin ni Dexx kaysa sa mawalan ng magulang at iwanang ng aking kapatid. Dahil pinagkatiwalaan ko siya at inakala ko na hindi niya ako magagawang saktan pero nagkamali ako. Isa siyang kasuklam-suklam na tao at hindi ko lubos maisip na pati si Markus ay nagawa niyang lokohin. Lalong-lalo na si Tita Myline. Mapapatid na ang litid ng aking leeg dahil sa bigat ng mga pagsinghap ko ng oras na iyon. "Tutulungan ka namin, si Camilla, gusto ka tulungan. Ang gusto namin mangyari ay magpalakas ka na muna at manatili ka dito," sagot niya sa akin at gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon. Nakaramdam ako ng antok dahil sa sobrang pag-iyak simula pa kanina kaya hindi ko na napigilan pa ang pagbigat ng talukap ng aking mata at tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD