Chapter 29

1997 Words
"Sinong naghatid sayo? Ang lakas talaga ng loob mo na maghanap ng ibang lalaki," sabi sa akin ni Dexx pagkapasok ko sa bahay. Sinara niya ang pinto at sinandal ako doon tapos ay sinapak ako sa mukha. Napadapa ako sa ginawa niyang iyon at talagang nabingi ako sa ginawa niya. Hindi pa siya natapos ay tinayo ako tapos ay sa sikmura naman niya ako sinapak. Nadura ko ang dugo galing sa pananapak niya sa akin at halos masuka na ako sa ginawa niyang pananapak. "Tama na," pagmamakaawa ko sa kanya at lumuhod na ako saka niyakap ang kanyang mga hita at tumingala sa kanya. Galit na galit pa rin siya at sinabunutan niya ako at marahas na tinayo. Kinaladlad niya ako papasok sa kwarto ko at hinagis sa kama. "Sumusobra ka na!" sigaw niya sa akin at sinampal niya ako muli at talagang tumilapon ako sa ginawa niyang pananampal sa akin. Humagulgol na ako at nagmamakaawa na tumigil na siya sa ginagawa niyang papanakit pero hindi siya natigil. Hinila niya ang buhok ko at marahas niya akong hinalikan. Tinutulak ko siya habang ginagawa niya iyon pero hindi ako makakawala dahil sa sakit ng katawan na nararamdaman ko. Pilit niyang pinupunit ang damit ko at hinawakan ang kamay niya. "Dexx, tama na!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya natigil at tuluyan na niyang nasira ang suot kong blouse. Nagkaroon ako ng pagkakataon na kumawala sa kanya at tinakpan ko ang dibdib ko. Nakita kong matalim ang tingin niya sa akin at ginawa niya na ang balak niya. Habang patuloy niya akong hinahalay, umiiyak lang ako at nagmamakaawa sa Diyos na sana bumalik na siya sa katinuan. Nagbabalik sa isip ko kung paano ako hinalay noon kaya hinihiling ko rin na sana ay matapos na ang buhay ko ng gabing iyon. "Ito gusto mo diba, kaya naghahanap ka ng iba? Nabigay mo na ba ang katawan mo sa kanya, ha? Ako ang tumulong sayo, nagpasensya at walang tigil na naghintay pero ibang lalaki ang makikinabang?" tanong niya at sinakal niya ako habang patuloy niyang pinapasok ang kanya. Nabaon ko na ang kuko ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsakal niya sa akin hanggang sa biglaan ang pagpasok niya at nakaramdam na lumuluwag ang pagkakasal niya sa akin. Humiga siya sa tabi ko pero ako, umiwas ako sa kanya at baluktot akong nahiga habang lumuha. Nawalan talaga ako ng lakas dahil sa pagtatanggol ko sa sarili ko pero wala pa rin iyon nagawa. Sobrang lakas niya at dinaan niya pa ako sa dahas dahil sa gusto niyang mangyari. Mahimbing na siyang natutulog habang pinagmamasdan ko siya. Kahit masama ang pakiramdam ko, tinitigan ko siya at mahimbing siyang natutulog. Dahan-dahan akong tumayo para magbihis at kumuha ng ilang mga damit at pera. Pati ang mga importanteng papeles ni Tita Myline ay kinuha ko na rin tapos ay lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina tapos ay kumuha ng kutsilyo. Kailangan kong makaganti sa kanya dahil sa pananakit niya sa akin. Habang nakahiga pa rin siya ay sinaksak ko siya sa kanyang binti at bigla siyang bumangon at humiyaw sa sakit. "Dapat lang iyan sayo, demonyo ka!" sigaw ko sa kanya at sinaksak ko ulit siya ng dalawang beses pa saka tumakbo palabas ng bahay. Sigurado akong hindi na siya makakalakad o makakatakbo pa dahil sa sugat ng kanyang binti. Habang tumatakbo ako palabas ng bahay ay tinatawagan ko si Camilla para humingi ng tulong pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya si Grant na lang ang sinubukan kong tawagan at ilang pag-ring lang ay sumagot na siya sa akin. "Hello, Grant? Nasaan ka? Tulungan mo ko, gusto akong patayin ni Dexx," sigaw ko sa kanya habang tumatakbo pa rin palayo. Hingal na hingal na ako ng oras na iyon at naghihintay ako ng sagot pero nakita ko na lang na binaba niya na ang tawag. Madilim pa rin ang paligid at walang taong dumadaan. Naisip kong magtago sa mga talahib dahil alam kong masusundan pa rin ako ni Dexx. Nanatili lang ako ng ilang minuto ng biglang tumunog uli ang aking telepono pero si Dexx iyon kaya agad kong pinatay ang tawag niya sa akin. Sumilip ako sa labas para tingnan kung nasa paligid pa ang kotse ni Dexx pero awa ng Diyos ay wala pa ring tao at lumiwanag na ng kaunti ang kalangitan. Tanging text message lang ang natanggap ko kgaling kay Grant at sinabi niya kung saan niya ako hihintayin kaya nilakad ko nal ang iyon pero hindi mawala sa akin ang pagtingin sa paligid dahil sa takot na baka makita ako ni Dexx. Narating ko na ang lugar na sinabi ni Grant at nakita kong bumaba siya ng sasakyan. Huminto na ako at lumabo na ang mata ko habang ngumigiti dahil sa wakas ay ligtas na ako. Alam kong hindi ako mapapahamak sa kamay ng mga Natividad. Tumakbo papalapit sa akin si Grant at unti-unti ko rin nilakad ang mga paa ko. Sobrang bigat na nila at hindi ko na kayang humakbang pa, pati ang mga talukap ng mga mata ko ay bumibigat na rin hanggang sa makaramdam na ako ng pagkahilo at nagdilim na ang paningin ko. "Huwag! Tama na!" sigaw ko dahil nakita ko si Dexx sa harapan ko at sinasakal ako. Bigla akong napabangon at hapong-hapo dahil sa panaginip kong iyon. Napatingin ako sa paligid at doon ko nalaman na hindi ko kwarto iyon. Madilim ang paligid pero may kaunti pa rin ilaw galing sa lampshade ng kwarto. Pamilyar ang itsura ng mga pintura at doon ko naisip ang huling nangyari matapos kong makatakas sa kamay ni Dexx. Naramdaman ko na naman ang sakit ng katawan ko kaya napahiga na lang ako ulit at naluha na naman dahil sa takot. Habang nakahiga, narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon. Isang katulong ang pumasok at madala siyang tray ng pagkain. "Ma'am, gising na po kayo? Kumain na po muna kayo at mamaya, pupunta po si Ma'am Camilla dito," sabi sa akin ni Katulong at nilapag sa table na katabi ng kama ang pagkain. Pinagmasdan ko lang siyang umalis at tinitigan ang pagkain. Wala akong gana ng oras na iyon kaya naisip kong magpahinga na lang ulit at kailangan kong magpagaling. Paglingon ko sa kabilang parte ng higaan ay nakita ko doon ang mga gamit ko. "Si Dexx ang may gawa kay Rion ng bagay na iyon!" sigaw ni Camilla at sobrang lakas na umabot na hanggang sa akin. Pinilit kong lumabas ng kwarto at sinilip kung sino ang kausap niya para magalit siya ng gano'n. Nakita kong si Grant ang kasunod niya at galit na galit ang itsura nito na animo'y makakapatay ang tingin niya ng sandaling iyon. "Grant?" patanong kong tawag sa kanya at napatingin silang magkapatid sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga ekspresyon ng mukha nila ng oras na iyon at biglang sumakit ang ulo ko. "Rion, gising ka na pala. Kumain ka na ba? What happened?" tanong sa akin ni Camilla at mabilis akong nilapitan saka niyakap. Hinimas niya pa ang likod ko at naramdaman kong umiyak siya dahil nabasa ang pisngi niya na nakadikit sa pisngi ko. "Napakawalanghiya talaga ng Dexx na iyon! Ganyan din ang ginawa niya kay Sheena! Demonyo siya!" sigaw ni Camilla matapos niyang humiwalay sa akin. Pinipigilan siya ni Grant sa pagwawala niya at hinila ang kapatid papunta sa kwarto nito. Nakatingin lang ako sa kanila kasama ang iilan sa mga katulong hanggang sa marinig namin ang pagkabasag ng isang vase dahil sa binato iyon. Lumabas si Grant pagkatapos no'n at lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba? Kumain ka na?" tanong niya sa akin habang hinihimas ang mga braso ko at inuusisa ang bawat parte ng mukha ko dahil sa malikot niyang tingin. "Grant, hindi ako okay. Kita mo naman tong mga pasa ko? Binugbog ako! Dahil sayo!" sigaw ko sa kanya at inulak ko siya papalayo sa akin. umatras ako papalayo sa kanya dahil siya ang pinagmulan ng nangyari sa akin. Bumalik ako sa kwarto kung saan ako galing kanina at ni-lock ko ang pinto nun. Kahit alam kong makakapasok pa rin siya dahil bahay nila ito, ginawa ko pa rin yon. Wala akong narinig na kahit ano matapos kong gawin iyon at pagdilat ng mata ko, maliwanag na at alam kong umaga na rin. Nakaramdam na ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto para maghanap ng makakain. Habang nag-iikot sa loob ng bahay nila dahil hindi ko naman kabisado ang pasikot-sikot doon ay nakarinig na ako ng pagkalansing ng mga kubyertos at pinggan kaya sinundan ko kung saan iyon nanggagaling. "Ay! Nagugutom na po ba kayo? Gusto niyo na po bang kumain?" tanong ng katulong na siya rin nagbigay ng pagkain sa akin kagabi. Tumango lang ako at tinigil niya na muna ang paghahanda ng almusal nila Camilla at Grant. "Halika dito at kumain ka na," Tinuro niya ang maliit na lamesita at sinandukan ako ng pagkain. Umupo naman ako agad sa tinuro niya at hinintay ko lang siyang bigyan ako ng makakain. Biglang kumulo ulit ang tiyan ko dahil isang araw na siguro akong walang kinakain. Mabilis kong sinunggaban ang binigay niya dahil sa sobrang pagkagutom ko talaga. Nakakahiya man pero mas maigi na lagyan ko ng laman ang sikmura ko. "Matapos mong kumain, maligo ka. Isang araw ka ng hindi nakakaligo at gusto ko na linisin yang mga sugat at pasa mo," sabi niya sa akin at nginitian ako. Sumunod na lang ako sa sinabi niya pagkatapos kumain dahil nanglalagkit na rin ako sa katawan ko. Kumuha muna ako ng damit at hinanap ko na lang kung saan ba ang cr dito. Bawat pinto na madadaanan ko ay binubuksan ko. Hanggang sa mahanap ko na ang bathroom. "RION!" narinig kong sigaw matapos kong pumasok. Paglingon ko, nakita ko si Grant na nakatapis at gulat na gulat ng makita ako. Bukas pa rin ang shower may tapis pa rin ng tuwalya si Grant. "Bakit ka basta-basta pumapasok dito? Hindi ba sinabi sayo ng mga katulong na ang cr na to ay para sakin?" sigaw niya at tinuturo ang pinto. Hindi man niya sinabi ay umalis na lang ako. Hindi ko rin kasi narnig na bukas ang shower ng pumasok ako. Basta nakita kong may malaking salamin at lababo para sa handwash ay pumasok ako. "Sorry, hindi ko alam saan ang cr dito, basta lang ako naghanap." Lumakad na ako papalabas matapos kong sabihin iyon. Nakatakip pa ang mata ko para di makita si Grant. Pagkalabas ko, nakita ko ang dalawang katulong na nakatayo na sa harap ng cr at nagbbulungan. Nahiya ako dahil baka isipin nila na may ginagawa kami ni Grant habang nasa loob ng cr kaya nakayuko lang ako at hindi ko malaman kung saan ako pupunta ng oras na iyon. "Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? Mga tsismosa!" sigaw ni Camilla habang nakapabaywang siyang tinitingnan kami. Nakapusod ang kanyang buhok at pantulog pa ang suot niya ng oras na iyon. "Sorry po," sagot sa kanya ng dalawang katulong at umalis na sa harap. Nakatingin lang ako sa kanya. "Rion, sa kwarto ko, may cr, doon ka na lang maligo, halika na at kailangan mapatingin ka sa doktor para malaman kung may internal bleeding ka," sabi sa akin ni Camilla at lumakad na siya. Sumunod naman ako at nakaramdam ng ginhawa dahil alam kong mapapanagutan na ang nangyari sa akin. Habang naliligo ako, nakaramdam ako ng ginhawa pero kasabay no'n ay ang hapdi sa mga kalmot at sugat ko sa paa dahil sa mga nagawa sa akin ni Dexx. Pinagmasdan ko rin sa malaking salamin ang katawan ko na puro pasa. Sa tiyan ko ay may dalawang malaking pasa at sa leeg ko naman ay may bakas ng mga kamay ni Dexx. Hinaplos ko ang mga iyon at nakaramdam ako ng kirot. Naluha na lang ako dahil sa nangyayari at di ko akalain mararanasan ko ito sa kamay ng lalaking pinagbilinan sa akin ni Tita Myline at pinagkatiwalaan kong aalagaan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD