Chapter 6

2025 Words
Alam ko naman na ayaw niya talagang magtrabaho kay Miss Miriam pero kung sasabihin ko naman ang dahilan ay baka maintindihan niya ako. "Oh siya at umalis na kayo, may pupuntahan ka pa pala, Rion. Ako na bahala mag-ayos dito," malumanay na sabi ni Tita Myline at tinapos ko na lang ang kinakain ko tsaka kami sumakay na sa kotse. "Gusto mo bang pumasyal?" tanong sa akin ni Dexx nang sunduin niya ako uli sa bahay. Gusto kong gumala at makapasyal naman kahit isang beses lang dahil hindi ko nagawa iyon habang nag - aaral pa ako. "Pwede, kaso saan? Kung tatanungin mo ko sa gusto kong puntahan, wala akong masasagot sayo dahil taong bahay lang naman ako," sagot ko sa kanya at ngumisi lang siya sa akin. "Ako na bahala, dalhin mo na lang ang sarili mo," sagot niya naman at tumango na lang ako. Nasa grocery na kami kaya kumilos na ako pero hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Nakaramdam ako ng init sa pisngi at hindi ko na namalayan na nabuksan niya na pala ang pinto ng kotse. "Sandali, gusto ko sanang dumaan muna sa unibersidad para kunin ang paperworks ni Miss Miriam," sabi ko sa kanya at kumunot sandali ang noo niya pero segundo lang iyon tsaka niya isinara niya muli ang pinto ng kotse at sumakay uli. "Gusto ko sana sabihin pero nahihiya kasi ako sayo at palagi mo na akong inihhatid," sabi ko sa kanya sa mahinahon na tono. "Bakit ka naman nahihiya? Gusto kitang ligawan, sana naman payagan mo ko," hindi ko alam kung tanong niya iyon o kung ano man. Nililigawan niya pala ako, hindi ko alam iyon pero mabuti na rin na nagsabi siya kesa naman mag - aksaya siya ng panahon tapos ay sa huli, hindi ko matatanggap. "Nangliligaw ka? Gusto kong malaman, kung bakit ako? Mas may maganda naman diyan at may kaya sa buhay. Sa itsurang mong iyan, mas maraming babae ang mahuhulog sayo at mga professional pa sila," sagot ko sa kanya pero umiling lang siya at hininto muna ang kotse sa tabi ng kalsada. Sinandal niya ang kamay niya sa board ng kotse at inilapit ang mukha sa akin. Hindi man lang siya pumikit ng magkalapit ang mukha namin at parang tinatandaan niya talaga ang bawat anggulo ng mukha ko dahil sa matalas niyang tingin. "Magiging professional ka na rin naman at nasa tamang edad ka na, walang mas maganda pa sayo sa lugar na to sa tinagal - tagal kong pinag - isipan kung lalapitan kita pero dahil kay Markus, hanggang tingin lang ako noon at ayokong sayangin ang pagkakataon lalo at abot - kamay na kita," Mahaba niyang sabi at nang hindi na ako nakasagot, tinitigan ko na lang ang labi niya para hintayin ang susunod niyang sasabihin pero hindi iyon ang nangyari. Dinampian niya ng halik ang labi ko at agad ko siyang nasampal dahil doon. Bumaba agad ako ng sasakyan pero mas mabilis siyang kumilos sa akin kaya nahablot niya ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. "I really want you. I know you want me too. Bakit mo pinipigilan ang sarili mo, kitang - kita ko sa araw - araw na kasama kita, kung paano ka magnakaw ng tingin sa akin," malambing niyang sabi at hindi na ako pilit na kumawala pa sa yakap niya dahil nabuko niya na ako. Hindi na ako magsisinungaling pa. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako at matapos ang ilang minuto, kumalas na rin siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Pagbigyan mo ko," sabi niya bago niya ako halikan ng mas matagal at hindi na ako pumalag pa dahil tuluyan na akong nagpasakop sa emosyon ko ng oras na iyon. Hindi ako marunong humalik kaya sinundan ko lang ang ginagawa niya. "Sweet. First kiss mo ba ako? Ang swerte ko naman kung ganoon." Pinunasan niya ang labi ko at yumakap ulit sa akin. Ngayon lang ako nakalapit sa lalaki ng ganito kalapit, malakas ang kabog ng puso ko dahil doon. "Hindi pa naman ako nagkakaboyfriend," mahina kong sabi at yumuko lang dahil sa hiya. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko. "Wag ka na mahiya sa akin, sorry kung mabilis ako masyado, hayaan mo at babalagan ko," sabi niya sa akin at tumango na lang ako tsaka nauna na rin tumayo at sumakay sa kotse. Sinamahan ako ni Dexx para kumuha ng trabaho kay Miss Miriam at pinakiusap ko na lang siya dahil walang ID si Dexx at bawal pumasok ang mga outsider. Mabuti at pinayagan kami. Habang naglalakad kami, bitbit ni Dexx ang bagpack ko at hawak ang kamay ko. Pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit ang kapit niya kaya hinayaan ko na lang siya pero sa totoo, gusto ko na lamunin ng lupa. "Miss Miriam?" Kumatok ako sa pinto ng kanyang opisina at pagkakataon ko iyon para bitawan ni Dexx ang kamay ko. Pinagbuksan ako ni Miss Miriam ng pinto pero natuon agad ang tingin niya kay Dexx. "Pasok kayo," sambit sa amin ni Miss Miriam. Inihahanda niya na ang mga paperworks, testpapers at ilang mga classcard. Ang mga paperworks niya lang ang pinaliwanag niya sa akin dahil kopya iyon ng mga gagawin kong letters tapos ay may nakasulat na kung para kanno ang mga iyon. Alam ko na ang mga dapat gawin sa classcard at testpapers kaya mabilis lang ang naging pag - uusap namin. "Gusto sana kunin kang assistant ko muna dito, Rion. Kung ayos lang naman sayo?" tanong niya sa akin habang inaayos ko ang mga gamit. Naisip ko kung kakayanin ko ba ang dalawang trabaho dahil kailangan rin naman ako ni Tita Myline sa grocery. "Pag - iisipan ko po, may trabaho din po kasi ako sa grocery, Miss Miriam, aalis na po kami at kailangan ko pong pumasok na don," paalam ko sa kanya at kinuha muli ni Dexxang bag ko. Lumayo na ako sa kanya habang naglalakad kami palabas dahil alam kong hahawakan niya na naman ang kamay ko. Ayokong makita ng mga tao ang tungkol sa amin dahil marami ang nagkakagusto sa kanya. "Ako na gagawa ng mga paperworks," Pagpepreseinta ni Dexx at tumango na lang ako dahil may binigay na deadline si Miss Miriam sa akin. Marami - rami din ang testpapers na ibinigay niya dahil ilang section rin iyon tapos ay kailangan ko pang icompute iyon bago isulat sa class card. Pagsapit naman ng gabi, inihahatid ako ni Dexx at doon na rin siya naghahapunan. "Tita, may offer sa akin si Miss Miriam, gusto niya akong maging assistant niya habang hindi pa ako nakakagraduate. Isang buwan lang naman iyon," Bungad ko sa kanya nang makarating kami ni Dexx at naghahain na siya ng pagkain. Tumulong naman ako agad sa kanya habang si Dexx ay nakaupo. "Ikaw bahala, kung tingin mo, kakayanin mo naman ang dalawang trabaho, sige ayos lang sa akin. Alam mo naman kailangan kita sa grocery," sagot niya sa akin at tumango lang ako. Tiningnan ko si Dexx at naisip kong baka hindi pa ganoon katiwala si Tita kay Dexx lalo at pera ng grocery ang hawak ko. "Gusto ko rin sana tanggapin ang offer sa akin ng Dean para maging assistant niya pansamantala," sagot ko kay Tita Myline ng makapwesto na rin siya sa table. Hindi muna siya kumibo at Magkatabi kami ni Dexx sa hapagkain na madalas na namin naging pwesto tuwing umaga. "Bukas ay pupunta muli ako sa school para ihatid ang mga letters na pinagawa niya sa akin," sagot ko sa kanya at nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato ko. Muntikan ko na mabitawan ang mangkok dahil biglang hinawakan ni Dexx ang kamat ko. Lumingon ako kay Tita kung nakita niya iyon pero hindi naman siya nagpakita ng reaksyon kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkilos ng normal kahit na alam kong nahihirapan akong makahinga dahil sa presensya ni Dexx. "Sige, kung ano ang gusto mong gawin," sagot niya sa akin at nagsimula na akong kumain. Napansin ko ang pag ngisi ni Dexx habang nakayuko at pasimple kong tinapik ang binti niya at naging dahilan para mahawakan niya ang kamay ko. Tumikhim si Tita Myline kaya agad kong binawi ang kamay ko at mabilis na kumain. "Wala ka bang kasama sa bahay niyo?" tanong ko kay Dexx para naman maiba ang ihip ng hangin. Naghihintay rin ng sagot si Tita Myline dahil bibihira naman magkwento si Dexx nang tungkol sa buhay niya. Doon ko lang din napagtanto na simula ng makilala namin siya ay wala siyang nasasabi na kahit ano tungkol sa kanyang buhay. "Wala. Lahat ng kamag - anak ko ay nasa Maynila at ayoko naman din kumuha pa ng kasambahay kaya naman pinakiusapan ko si Markus kung pwedeng dumito muna ako sa inyo.." Huminto siya at sumubo ng pagkain habang palipat lipat ang tingin niya sa amin. "akala ko, nasabi ni Markus sa inyo?" tanong niya ulit at umayos ng pagkakaupo si Tita Myline. "Tama, may nabanggit nga noon si Markus, buti at napaalala mo. Matagal ko nang nalinis ang kwarto ni Markus. Kung gusto mo, doon ka na muna?" tanong niya kay Dexx at niyakap siya nito tsaka nagpasalamat. "Rion, tulungan mo ko mamaya at papalitan natin ang kobre kama, punda sa kwarto ni Markus. Yun na lang naman ang hindi ko pa nagagawa tapos ay wawalisan na lang natin ulit iyon," utos sa akin ni Tita Myline. "Kami na lang po ni Rion ang maglilinis. Kaya naman na po namin iyon, mas mabuti kung magpapahinga ka na lang, Myline," pagkontra ni Dexx at tumango lang si TIta tsaka nagpasalamat bago tinapos ang pagkain. "Ah, Dexx. Kami na lang ni Rion ang magpapalit ng mga kailangan sa kwarto mo at may pag - uusapan lang kaming importante," sambit ni Tita at kahit wala akong ideya sa sinasabi niya, hindi na ako tumutol pa at baka mapagalitan ako. Hindi talaga ako tumututol sa kahit anong sinasabi ni Tita Myline sa akin o sa kahit anong gusto niya dahil alam kong kapakanan ko ang iniisip niya. Tumulong na lang si Dexx sa paglilinis ng hapag - kainan at si Tita Myline ay nagtungo na sa kwarto niya para kunin ang mga kumot at punda, ako naman ay nasa kusina at nagsimulang maghugas ng plato. "Rion.." Napatalon ako ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin dahil hindi ko alam na sumunod pala siya. Lumapit siya at sapat na distansya lang naman ang layo namin sa isa't - isa pero hinihiling ko na sana, hindi niya marinig ang t***k ng puso ko. "Ano yun?" Binuksan ko na ang gripo at nagsimula na ako sa paghuhugas pero hindi pa rin siya nagsasalita at nakatitig lang sa akin, bigla siyang lumakad papalayo at lumapit kay Tita Myline ng makita niya siguro ito. "Dexx, pwede bang ikaw na muna ang maghugas ng plato? Rion, halika dito," tawag sa akin ni Tita Myline at mabilis pa sa alaskwarto ang pagpapatuyo ko ng kamay para makasunod agad kay Tita Myline. Kinuha ko sa kanya ang mga dala niya tsaka niya binuksan ang pinto at ni - lock iyon. "Rion, hindi ko gustong dito matulog at tumira si Dexx pero nakiusap sa akin si Markus. Gusto lang kitang paalalahanan na hindi natin kadugo si Dexx. Walang problema sa akin kung dito siya kumakain, pero hindi ako komportable na dito siya matutulo," bulong sa akin ni Tita Myline at isa isa niyang pinalitan ang mga unan saka ako tinulungan sa paglalagay ng sapin ng kama. "Maglolock na lang po ako ng kwarto simula ngayon," sagot ko sa kanya pero alam kong hindi pa kuntento sa sagot ko si Tita Myline. "Hindi naman ako tutol kung sakaling magiging boyfriend mo si Dexx pero huwag ka na lang masyadong magtitiwala sa ngayon," sagot niya at hindi na kami muli nag - usap matapos mag - asikaso sa kwarto. "Ah, Tita, gusto ko po sana tanggapin ang inaalok sa akin ni Miss Miriam. Tatanungin ko na lang po kung pwede akong umuwi kapag kailangan niyo ako," sabi ko sa kanya habang nag-liligpit na kami. Hindi naman ako nakatingin sa kanya habang nagsasalita ako kaya hindi ko makita ang reaksyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD