Chapter 7

2088 Words
"Ikaw ang bahala, nasa sayo naman yan," sagot niya sa akin at nauna na siyang lumabas ng kwarto. Tinitigan ko muna ang iilang gamit doon ni Markus at ang iilang picture frame na nandoon. Kaming tatlo at naka-akbay siya sa aming dalawa ni Tita Myline. Naisip ko, ayaw magtagal ni Tita dito sa kanyang kwarto dahil namimiss niya si Markus. Nasa kwarto na ako at makikinig lang sa walkman nang makita ko ang text ni Dexx sa akin. Nag - goodnight lang siya sa akin at waa nang ibang sinabi pa. Inilock ko na ang pinto ng kwarto ko at nagpatuloy sa pakikinig hanggang makaramdam ng antok. Iniisip ko na ang mga gagawin ko para bukas at kung paano magkakaroon ng time management sa mga gawin ko habang nakahiga ng payapa. Tinitingnan ko ag telepono ko kung may mga nakaligtaan akong text o tawag. Pero biglang tumawag si Dexx at halos mapatalon ako sa gulat. Wala akong balak sagutin ang tawag niya kaya tinapos ko lang ang pagtunong nito at nagsilent na ako agad para makatulog ako pero nagpaflashback sa isip ko ang nangyari sa amin kanina ni Dexx. Kung paano niya ako hinalikan. Gano'n rin kaya ang naramdaman ni Ate nung unang beses siyang hinalikan ni Kuya Aero? Wala naman akong mapagtanungan ng mgaganitong bagay at puro sa mga nababasa ko lang na pocketbook ang naiimagine kong pakiramdam. Hinawakan ko ang pang-ibaba kong labi at muling naramdaman ang labi ni Dexx. "Bakit?" text ko kay Dexx at naghintay lang ako ng ilang minuto sa isasagot niya pero natigil rin dahil naisip kong hindi ko kailangan maghintay ng isasagot niya sa akin kaya naman naisip kong itabi na ang telepono ko pero pagkabitaw ko, tumunog ito. "Gusto ko lang umpisahan ang pagsasabi ng goodnight sayo." namula ang pisngi ko dahil sa mensahe sa akin ni Dexx. Naisip ko, ang tinutukoy niya siguro ay gusto niyang mas maging malapit siya sa amin ni Tita Myline. "Bakit naman kailangan ko masanay? Sige na at sobrang inaantok na ako. Gusto ko na matulog at makapagpahinga. Dami kong pagod ngayong araw na to," sagot ko sa kanya at tuluyan ko nang binitawan ang telepono at natulog ng mahimbing. Pagkatingin ko sa oras, tanghali na pala kaya bumangon ako at pumunta sa pantry para sana magkanaw ng kape. Bago pumunta doon, madadaanan ko muna ang opisina ni Tita Myline at nakita kong tutok sa ginagawa si Dexx. Hindi ko na siya inistorbo pa at naisip kong gawaan ko siya ng kape at bigyan na rin ng tinapay. "Maraming salamat," sabi ko kay Dexx nang mapadaan ako sa lamesa niya at nakatutok sa computer. Abala siya ngayon dahil sinimulan niya na ang paggawa ng iilang mga letters ni Miss Miriam. Ipinatong ko ang kape na ginawa ko para sa kanya dahil napansin skong pumupungay ang kanyang mga mata. Pati siya ay napapagod sa bagay na ako lang naman dapat. Malaki na rin ang utang ng loob ko sa kanya dahil sa dami na ng naitulong niya sa akin. "Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ko sa kanya at kinuha ang bakanteng upuan saka tinabihan siya. Binasa ko ang mga letter na ginawa niya. May printer rin sa grocery dahil doon na nagpiprint ng mga daily report si Tita Myline. "Nagugutom na nga ako eh, gusto mo bang lumabas para makapagtanghalian tayo?" tanog niya sa akin at napansin kong isa-0isa siyang nag-0ave ng mga document at nag-shutdown ng computer. Hindi pa man ako nakakasagot ay alam ko nang hindi ito papayag na hindi ako sasama sa kanya. "May magagawa pa ba ako, pinatay mo na ang computer mo, " sagot ko sa kanya at ngumisi lang siya sa akin tsaka tumayo at nag-unat ng katawan. Ilang oras rin kasi siyang nakaupo habang ako ay paikot-ikot sa grocery para tingnan ang mga empleyado. Hindi na nila ako gaano pang pinapansin simula nang mapalapit ako kay Dexx at wala naman iyon problema sa akin dahil wala naman masama kung mapapalapit ako kay Dexx. "Anong gusto mo? tanong niya sa akin at burger lang ang nais kong kainin ng tanghali iyon. Tinitigan ko lang ang menu sa harap at tapos siya naman. May dala naman akong pera dito at tingin ko sapat na iyon para ipangbayad sa kakainin namin. Hindi ko lang sigurado kung ayos lang ba kay Dexx ang mailibre ko siya. "Burger lang ang gusto ko," sagot ko sa kanya at tumango lang siya at nagsimula nang pumila. "Maghahanap na muna ako ng mauupuan natin, ha?" tanong na pagpapaalam ko sa kanya tsaka ako naglakad sa pwesto ng mga table at naghanap ng bakante. Naparaming tao gayon dahil lunchtime kaya karamihan ng kumakain ay mga empleyado. May iilan rin mga magulang at mga bata na kumakain kaya nahirapan akong humanap ng mauupuan namin. Tahimik lang akong naghihintay kay Dexx habang pinagmamasdan ang iilan sa mga kumakain. May nakita akong kumpletong pamilya di kalayuan sa inuupuan namin at naaalala ko na naman ang masasayang araw noon kung saan kasama ko pa sila Mama at Papa saka si Ate Genesis. Nakaramdam ako ng lungkot. Nagulat na lang ako ng ilapag ni Dexx ang pagkain namin sa table. Parehas na manok at may kanin ang inorder niya kaya hindi na rin ako nagreklamo dahil libre naman niya iyon. Tahimik na lang kaming kumakain pero hindi ko mapigilan hindi mapatingin sa table ng pamilyang iyon. "Rion, ano na?" tanong ni Dexx sa akin at sa gulat ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil sa kawalan ng atensyon sa sinasabi niya. "Ah, oo," Iyon lang ang tangi kng naisagot at nakita ko sa reaksyon ng mukha niya ang pagkainis pero mabilis rin gumaan ang kanyang mukha. "Sorry, namimiss ko lang kasi ang pamilya ko," sabi ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa pagkain, gano'n rin ang kanyang ginawa at hindi na kumibo pa. Hanggang sa makabalik kami sa grocery ay tahimik kami. Mukhang naging malalim rin ang iniisip niya dahil tulad ko, wala rin siyang pamilya dito at nasa Maynila lahat. "Mahirap kapag hindi mo kasama ang pamilya, diba?" tanong niya sa akin habang pabalik kami sa grocery. Napakagat labi na lang ako dahil hindi ko na rin alam ang salitang hirap, kinupkop naman ako ni Tita Myline at inalagaan bilang sariling anak niya kaya nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. "Alam mo, simula naman ng iwanan ako ng Ate ko, tumira agad ako kay Tita Myline pero syempre, maaalala mo talaga ang pamilya mo kahit anong pilit mo na huwag isipin ang mga iyon. Kumuha ako ng pera sa aking bulsa at aktong ilalagay iyon sa lamesa ng makita ko ang reaksyon ni Dexx. Matalim ang tingin niya sa akin at umiling. Doon pa lang, alam kong hindi niya kukuhanin ang pera ko. Matapos namin kumain, mabilis kami sumakay ng sasakyan at hindi na kumibo pa si Dexx kaya agad akong nagbuntong hininga at inisip ang sasabihin sa kan niya. "Sorry na," mahina kong sagot at inihinto niya sa tabi ng kalsada ang kanyang sasakyan. "Hindi mo naman ako dapat ilibre dahil tinutulungan kita sa trabaho mo, gusto kong tulungan ka ng walang kapalit, wag mo naman apakan ang ego ko," malumanay na sambit niya sa akin at kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Nakaramdam ako ng init kaya lumingon ako at pinagmasdan lang ang kalsada. "Seryoso ako sa pangliligaw ko sayo, sana.... sana mapagbigyan mo ko," hindi niya na binitawan ang kamay ko hanggang makarating kami sa grocery. Hindi na talaga kami nakapag-usap pagkadating namin sao grocery dahil marami na kaming ginagawa. Pagdating naman sa bahay, kumain lang kami at naglinis ng katawan tsaka nagpahinga dahil pare-0parehas naman kaming pagod ng araw na iyon. "Rion?" tanong ni Dexx at sinundan niya iyon ng tatlong katok. Nag-ayos ako ng buhok at damit bago siya pagbuksan ng pinto. Dahan-dahan at kaunting awang lang ang binuksan ko. Nakasando na rin siya at nakashort lang nang makita ko. "Anong oras mo kailangan yung mga letters?" tanong niya sa akin at binuo ko na ang pagbubukas ng pinto. "Ah, bukas sana ng umaga. Pero kung hindi mo pa naman tapos ngayon, ako na gagawa ng ibang kulang," sagot ko sa kanya at iniabot niya na sa akin ang isang envelop. Natuwa ko ng sobra dahil doon. "Naku, tapos mo na? Salamat! Gagawin ko pa nga ang ibang grades ngayon dahil may isa pa akong section na kulang eh, salamat ulit dito ha? Goodnight!" Sinara ko na ang pinto at tiningnan ko ang bawat isa sa mga letter na ginawa niya. Walang labis at walang kulang. Maganda rin ang pagkakagawa ni Dexx dahil may pinalitan lang siyang mga salita na alam kong mas maganda kesa sa orihinal na letter. Itinabi ko na iyon kasama ang mga natapos ko nang grades. "Pumunta ka sa school ng umaga bukas, may dagdag pa palang section," nabasa kong text ni Miss Miriam sa akin kaya hindi ko na tinapos ang naiwang grade dito at natulog na lang ng maaga. "Anong oras ka makakauwi ngayon?" tanong sa akin ni Tita Myline sa telepono habang nasa opisina ni Miss Miriam. May kulang pa kasi ako sa grades na kailangan ipasa kaya buong araw akong nandito ngayon. "Mamaya po, mga alas otso na po siguro. Huwag niyo na po akong hintayin sa hapunan at kakain na lang po kami ni Miss Miriam sa labas," sagot ko sa kanya at nauna na siyang nagbaba ng tawag. Pinagpatuloy ko na lang ang pag susulay ng grades para makauwi na rin ako ng maaga dahil gusto ko na rin magpahinga. Huling section na ang isusulat ko nang mapatingin ako kay Miss Miriam at nakatulog na siya sa kanyang desk. Matanda na si Miss Miriam pero kailangan niya pa rin kumayod para sa mga anak at apo niya. Ilang buwan na kasing nasa estado ng coma ang kanyang asawa at siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya. Nang unang beses na magtrabaho ako sa kanya ay hindi ko tinanggap ang kanyang paunang bayad pero nang sumunod na buwan, minabuti kong maliit na halaga na lang ang maging sahod ko. Bukod kasi sa pagiging Dean ng university, may panggabi pang trabaho si Miss Miriam kaya ang ilan sa mga pang - umaga niyang trabaho, ako ang gumagawa. "Rion, kumain ka na." Inilahad ng guard ang pagkain na nasa supot at mabilis na tahimik siyang umlais ng opisina ni Miss Miriam. Dahan-dahan na lang akong bumalik sa lamesa ko at tinapos na ang mga grades. Tulog pa rin si Miss Miriam at hindi na ako nagdalawang-isip na gisingin pa siya. Nagmadali na akong umuwi dahil alas nuebe na ng gabi. Hindi na ako pumayag na sunduin ako ni Dexx dahil ayokong malaman niya na gabi lagi ang uwi ko. Paglabas ko ng university, binati ko ang guard na nasa entrance at sumaludo naman siya sa akin. Pinagmasdan ko muna ang labas at halos mabingi ako sa sobrang tahimik. Naramdaman ko ang lamig ng gabing iyon at kasabay nito ang kaba dahil ako na lang mag-0isa ang nasa labas. Mabilis na ang ginawa kong lakad para makauwi agad hanggang sa napansin ko may isang ilaw sa di kalayuan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naisip kong masamang tao iyon at naghihintay ng mabibiktima. Wala naman akong ibang magiging daan kung hindi ang lugar na iyon kaya mabagal ang ginawa kong paglalakad at hindi naaalis ang tingin ko sa kotseng iyon. Nang makalapit na ako, kumurap pa ang ilaw nito at muntikan na akong mapasigaw kung hindi pa bumaba ang driver ng sasakyan. Tumakbo na ako papalayo at naririnig ko sa likod ko ang mga yabag ng taong iyon. Hingal na hingal na ako pero hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo. Kahit madilim ang daan ay tumakbo lang ako papalayo at nagdasal na sana, hindi ako maabutan ng taong iyon. "Rion! Ako to, si Dexx!" iyon ang tanging ingay na maririnig mo sa lugar na iyon at sumunod ay ang t***k ng puso ko dahil tumigil ako sa pagtakbo. Nilingon ko siya at nakita ko na si Dexx nga iyon. "Sorry. Diba sabi ko naman, huwag mo na ako sunduin?" Pagsusungit ko sa kanya at bigla siyang umupo sa lupa dahil hinihingal rin siya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan nito ang kamay ko. Kitang kita ko ang pawis niya sa kanyang noo at walang pasabi na pinunasan ko ito. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa kaya nang matapos ako. lumayo ako sa kanya pero hinablot niya ang kamay ko dahilan para mapaupo na rin ako sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD