Chapter 8

2016 Words
Tahimik lang ako pagkasakay ko sa sasakyan ni Dexx dahil sa ayoko talaga na sinusundo niya pa ako. "Hey, magsalita ka naman. Natakot ba kita?" tanong sa akin ni Dexx pero hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi kasi ako sanay sa ginagawa ni Dexx na susunduin ako. Kaya ko naman ang sarili ko, bakit kailangan niya pa akong sunduin? "Sinabi ko naman sayo na huwag mo na ako sunduin," iritable ang pagsagot ko sa kanya pero sa labas lang ako nakatingin. "Wala naman masama kung susunduin kita, gusto ko lang safe kang nakakauwi," sagot niya sa akin at itinungkod ko ang siko ko sa binata ng kotse at isinandal sa kamay ko ang aking ulo. Maganda naman ang sinasabi ni Dexx pero ayoko magkaroon siya ng onbligasyon sa akin. "Fine. Panalo ka na. Ayoko lang kasi madagdag pa sa ginagawa mo at kaya ko naman umuwi mag-isa," matabang kong sagot sa kanya at tumango lang siya sa akin. Hanggang makarating na kami sa bahay ay hindi ako kumikibo. Isa kasi sa ayaw ko ang makadagdag pa sa trabaho ng iba. "Nandito na kami," masiglang sabi ni Dexx pagkapasok namin. Dumiretso na ako agad sa kwarto para magbihis ng pangbahay at si Dexx naman ay sa kusina nagtungo. Pagkalabas ko, nakahain na agad ang pagkain pero kami dalawa na lang ni Dexx ang kakain. "Tulog na si Myline," wika sa akin ni Dexx at tumango ako bago umupo. Konti lang ang kinain ko dahil kumain naman ako bago umalis kanina sa university. "I'm sorry. Bukas, hindi na kita susunduin," sabi sa akin ni Dexx at lumuwag na ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. "Ayos lang. Ako na magliligpit ng pinagkainan at magpahinga ka na," sagot ko sa kanya at tumayo na siya tapos ay lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi tapos at nagpunta na sa kwarto niya. Naestatwa ako sa gulat dahil sa ginawa niya at kumaway pa siya sa akin bago tuluyan pumasok sa kwarto niya. Habang nakahiga, hinawakan ko ang pisngi ko na hinalikan ni Dexx. Madami siyang mga pasaring sa akin at ang iba ay parang ayokong ginagawa niya dahil gusto ko unahin niya ang sarili niya kaysa sa akin. "Goodnight," text niya na naman sa akin at tuwing gabi iya na ito ginagawa. Simula noong dito na siya pinatuloy ay walang gabi na hindi siya nagtetext sa akin ng ganito. Habang nasa byahe na kami dahil wala naman problema sa akin kung ihahatid niya ako tuwing umaga dahil ayokong malate sa pagpasok bilang assistant ni Miss Miriam ay hindi na ako nagreklamo. "Goodmorning, Rion. Wala si Miss Miriam ngayon at sinugod namin sa emergency dahin inatake na naman siya ng highblood," paunang bati sa akin ng guard at halos mangatog ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Kawawa naman talaga si Miss Miriam at wala na nga mag-aalaga sa kanya, nagkasakit pa siya. Inalam ko na lang sa guard kung saang hospital nila dinala si Miss Miriam at naisip kong dalawin siya. Bumili na rin siya ng prutas at bulaklak. Pagdating ko sa hospital ay nagtungo na ako kung nasaan siya at iniwanan ko na lang sa table niya ang mga dala ko dahil naabutan ko siyang mahimibing na natutulog pero nang makasalubong ako ng nurse ay tinanong ako kung kamag-anak ba ako ni Miss Miriam. "Hindi po, assistant niya po ako sa school. Wala na pong kamag-anak si Miss Miriam na pwedeng pumunta dito," sagot ko sa nurse at ipinakita lang nito sa akin ang reseta at mga gamot na dapat bilhin. Mabuti na lang ay may extra akong pera at nabili ko ang mga iyon. Malapit na pala ang pag-inom niya ng gamot kaya ginising ko na siya at pinainom ang isang gamot. "Maraming salamat," Hinawakan ni Miss Miriam ang kamay ko at nagsimulang umiyak. Naluha na rin ako dahil alam ko ang rason ng pag-iyak niya. "Kung may nararamdaman po kayo, huwag kayong mahihiyang tumawag sa akin," sabi ko sa kanya at hinila niya ako para yakapin. Hindi na ako pumalag pa sa pagkakayakap niya dahil alam kong mas kailangan niya ng makakasama lalo at may sakit ang anak at asawa niya. "Hindi na rin muna ako magtatrabaho sa school at uunahin ko na alagaan na lang ang anak ko. Pasensya ka na, pwede bang ikaw muna ang humarap sa ibang mga maiiwanan kong gawain?" tanong niya sa akin at tumango na lang ako dahil wala naman akong pagpipilian. Ihahatid ko na lang ang ilang mga papeles na kailangan pirmahan ni Miss Miriam. "Bakit wala ka sa opisina ni Miss Miriam? Nagdala ako ng pagkain," text sa akin ni Dexx at kasalukuyan akong nasa isang klase at sinunod ko lang ang nasa to do list ni Miss Miriam. Nagpapa-quiz ako ngayon sa isang klase at may iilan na nagtanong kung kamusta na si Miss Miriam. Marami rin mga estudyante niya ang nagmamahal at nag-aalala sa kanya. May iilan pa bumili ng mga prutas at hinabilin na lang sa akin na dalhin ko ang mga iyon. "May sakit si Miss Miriam kaya ako na muna ang pumalit sa kanya bilang guro. Hindi pa nila alam kung sino ang papalit kaya ako na lang muna ang nag-asikaso," mahaba kong sagot kay Dexx at hindi na siya sumagot ulit. Pagbalik ko, nakita ko na agad ang dalang pagkain ni Dexx at mabilis kong kinain iyon dahil sa gutom na rin ako. Habang break, nagulat ako ng biglang pumasok si Dexx sa opisina ni Miss Miriam. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at may dala siyang bulaklak nang makapasok na siya ng tuluyan sa loob. "Gusto ko lang matulungan ka, wala naman masyadong ginagawa sa grocery at kaya naman na nila Greg doon, kaya naisip kong tulungan ka na lang dito," sabi niya sa akin at inilapag ang bulaklak sa table at inumpisahan niyang tingnan ang mga papel na nasa table rin. "Ako na mag-check ng mga ito habang nasa klase ka para mabilis mo rin silang ma-compute," sabi niya sa akin at tumango ako. Nahihirapan na rin naman kasi ako pero kailangan kong magtrabaho. "Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan mong kumayod ng sobra pero kung ano man ang dahilan, kaya ko naman tumulong sayo," sabi niya sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya, totoo naman dahil may kaya siya sa buhay pero mas gusto kong pinaghihirapan ko ang perang gagamitin ko balang araw. "Alam ko naman may kaya ka, pero mas gusto kong pinaghihirapan ang perang kailangan ko. Maraming salamat sa pag-aalok," sagot ko sa kanya at itinabi ko na ang pinagkainan ko at inumpisahan ang paggawa ng ilang assignment na iiwanan ko para sa susunod na klase. "Miss Miriam?" narinig kong tawag at sumilip ito sa pinto. "Pasok ka. Wala dito si Miss Miriam. May emergency kaya absent. Ano kailangan mo?" tanong ko sa kanya at lumabas siya ulit at pagbalik, may dala na siyang mga gamit. "Miss Rion, iwanan ko na lang po dito yung mga projects namin," sagot niya sa akin at tumango na lang ako sa kanya at pagtapos niyang ipasok lahat, tiningnan ko kung anong section nila at kung ano ang project na iniwan sa kanila ni Miss Miriam. "Mukhang gabi na naman ako uuwi nito. Napakadaming gagawin," bulong ko kay Dexx at tinitigan ko siya. Alam niya na ang gusto kong sabihin. "Fine, hidi kita susunduin. Mag-iingat ka lang lagi," sagot niya at nagsimula na uli kami sa ginagawa namin. Tiningnan ko ang oras at mahaba pa ang susunod na klase at may oras pa kami para tapusin ang mga nakaraang gawain ni Miss Miriam. "Sana pala teacher ka na lang din, malaki pa ang benefits na makukuha mo. Ang swerte naman ni Miss Miriam sayo," sabi sa akin ni Dexx at napahinto ako sa pagbabasa ng mga projects. "Magkano ba ang pinapasahod niya sayo?" tanong sa akin ni Dexx. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. "Maliit na halaga lang naman ang ibinibigay niya at wala iyon sa akin dahil gusto ko rin naman makatulong. Nakaratay na lang ang anak ni Miss Miriam at ang asawa niya, wala na siyang katuwang sa buhay kaya ginusto ko ito para makatulong," sagot ko sa kanya. "Napakabuti mong tao," huling sinabi niya sa akin bago ang oras ng susunod na klase ni Miss Miriam. Iniwanan ko na siya sa loob ng opisina at nagtungo na ako susunod na klase. Mababait ang lahat ng nagiging studyante ni Miss Miriam at masasabi kong hindi nila binibigyan ng sakit ng ulo ang guro. Sandali lang ako sa klase na iyon dahil nag-iwan lang ako ng habilin at pinauwi ko na rin sila pagkatapos. "Ang bilis mo naman," sabi sa akin ni Dexx pagbalik ko sa office. Binasa ko ang mga projects at binigyan ng grado bago nag-compute. "Uwian na. Huling klase na yung kanina. Mabuti at maaga tayo natapos," sabi ko kay Dexx at inayos niya na ang mga gamit. "Rion, kumain na muna tayo bago umuwi. Tatawagan ko si Myline para hindi na siya magluto dahil panigurado, pagod iyon sa grocery. Uwian na lang rin natin siya ng makakain," sabi sa akin ni Dexx habang naglalakad kami palabas ng university. "Sige, ikaw bahala. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa amin," sagot ko sa kanya at tumabi siya sa akin tapos ay hinawakan ang kamay ko. Inilabas niya ang kanyang telepono at inilagay iyon sa kanyang tainga. "Hello, Myline. Pauwi na kami. Huwag ka na magluto at dadalhan ka na lang namin ng makakain," narinig kong sabi niya at ngumiti ako dahil alam kong hindi lang ako ang inaalala niya, pati na rin si Tita Myline. Pinayagan ko siyang gawin iyon hanggang makasakay kami sa kotse niya. Sa isang fast food kami kumain at maraming tao ng oras na iyon dahil uwian na rin ng mga empleyado. "Ang haba ng pila," bulong sa akin ni dexx at hinawakan ang baywang ko. Nilingon ko siya at nakatitig lang siya sa menu sa harapan ng fast food. "Mag-take out na lang tayo, sabi ko kay Dexx at sumang-ayon naman siya sa sinabi ko. Habang nasa pila ay hawak niya lang ako at hindi binibitawan. Para tuloy akong isang bata na kahit anong oras ay pwedeng maligaw pero dahil nandyan si Dexx, alam kong hindi ako mapapahamak. "Nandito na kami," usal ni Dexx nang makarating na kami sa bahay at sinalubong kami ni Myline. "Salamat naman at gutom na gutom na ako. Napakadaming tao talaga sa grocery tuwing sahod," usal ni Tita Myline at kinuha niya na ang dala naming pagkain at nagsimula na siyang ihanda iyon sa lamesa. "Ako na gagawa ng pag-tally ng pera. Magpahinga na kayong dalawa," sabi sa amin ni Dexx at nagtinginan lang kami ni Tita Myline. Hindi na kami kumontra pa sa gusto niyang gawin. Hindi naman namin siya pinilit para gawin iyon sa amin. "Maraming salamat talaga, napakaswerte ng mapapangasawa mo," sabi ni Tita Myline kay Dexx at napansin kong nakatingin siya sa akin. "Sino? Si Rion? Ako ata ang swerte kung siya mapapangasawa ko. Matalino, maganda at masipag. Ano pa hahanapin ko?" sagot ni Dexx at humalakhak si Tita Myline sa sagot niya. Ako naman ay nakaramdam ng init sa pisngi dahil sa sinabi niya. "Ewan ko ba sa isa diyan at wala na ata balak magkaroon ng nobyo. Hindi pa nagkakaroon yan kahit isa simula ng dumating dito. Marami ang nagtangka pero walang sinagot kahit isa," sabi naman ni Tita Myline at napayuko na lang ako. Gusto sana sabihin na makakapaghintay naman iyan pero hindi na ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagkain. "Napakatahimik mo, Rion. Wala ka bang balak sagutin ako?" tanong ni Dexx sa akin at hinimas ang balikat ko. "Love can wait," maiksi kong sagot sa kanya at tumango siya bilang pagsang-ayon sa akin. Kung talagang seryoso naman siya ay alam kong mahihintay niya ako dahil ang isip ko ay nasa pagtatrabaho. "Sabagay," sagot naman ni Tita Myline at tumayo na siya saka iniligpit ang pinagkainan niya. Sumunod naman kami ni Dexx sa kanya. Pagpasok ko sa kwarto, nagbihis na agad ako at natulog dahil maaga pa ako para bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD