Chapter 9

1871 Words
"Dexx, huwag ka muna pumasok sa grocery at isasara ko muna. Gusto ko muna magpahinga ngayon araw," sabi ni Tita Myline habang kumakain kami ng almusal. Holiday kasi ngayon kaya pinayagan niya na rin hindi pumasok ang mga empleyado. Wala kasing day off ang mga iyon. '"Sige," sagot niya at tumingin sa akin na parang may binabalak na naman siya. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa tingin niyang iyon kaya umiwas na lang ako sa kanya tapos ay nakita kong ngumisi siya sandali pero nagbago rin ang ekspresyon niya. Hindi na muli kami nag-usap matapos ang hapagkainan at tumulong na lang ako magligpit kay Tita Myline. "Rion, may gagawin ka ba? Anong oras ang pasok mo?" tanong ni Dexx sa akin habang kumakatok sa pinto ng kwarto. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon at nanatili pa akong nakaupo bago ako lumapit sa pinto ng kwarto ko at pinakiramdaman siya. Tumawag kasi sakin ang isang guro sa university at sinabing huwag na muna ako pumasok bilang assistant ni Miss Miriam dahil malapit na ang presentation ng thesis namin. Kaya kinausap ko ang mga kasamahan ko sa grupo at nagsabi na lang ako na kailangan na namin asikasuhin ang mga ipapasa. "May bisita ako dito mamaya, mag-aasikaso kami ng thesis," sagot ko sa kanya bago ko siya pinagbuksan ng pinto. Nakaayos siya habang nakatayo sa harap ng pintuan ko at parang mayroon siyang lakad. "Bisita?" tanong niya sa akin habang nakatayo lang sa tapat ng pinto at pinagmamasdan ako. Gumagawa na kasi ako ng mga ipapagawa ko sa mga kasamahan ko mamaya at naisip kong magpunta kami sa isang library. "May pupuntahan ako mamaya tapos ay dito kami tutuloy. Pupunta muna kami sa library para kumuha ng mga libro na gagamitin," sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat. Lima kami sa grupo kaya sa isang chapter ay isang tao ang ilalagay ko. "May matutulong ba ako?" tanong niya sa akin at agad kong naisip na kung pwede bang ihatid niya kami sa library at sunduin na rin dahil mas matatagalan kung maghihintayan kami. "Actually, meron. Ayos lang ba sayo kung magpapahatid at sundo kami sayo? Para hindi na kami maghintayan sa library at mas mahaba ang maging paggawa namin? Saglit lang naman kami sa library dahil nakalista na ang mga librong hihiramin namin," sagot ko sa kanya at pinaglaruan niya ang susi ng kotse niya tapos ang umalis na pintuan ko. Sinundan ko siya ng tingin atn akita kong palabas ng pinto ang tungo niya. Inayos ko na ang gamit ko at naghanda na rin ako palabas ng kwarto. Kinuha ni Dexx ang dala kong bag at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Habang nasa byahe ay abala akong kausap ang mga kagrupo ko dahil kailangan ko silang sabihan para masundo namin ni Dexx. "Saan tayo unang pupunta?" tanong niya sa akin at itinabi ko na muna ang telepono ko. "Sa Kalye Mastrili, Kamatsili, Kamias at Sili," sagot ko sa kanya at tumango naman siya tapos ay nagsimula na sa pagmamaneho. Bumalik na ang atensyon ko sa telepono. Una kong sinundo si Trisha dahil siya ang pinakamalayo. Nakita ko siyang nasa labas na ng bahay niya at parang may hinahanap. "Ayun na si Trisha," sabi ko kay Dexx at inihinto niya ito sa tapat mismo ni Trisha. Una kong nakita ang pagkagulat sa mukha niya nang ibaba ko ang bintana ng kotse. Tumagos ang tingin niya kay Dexx ng sandaling iyon. "Sakay ka na," sabi ko sa kanya at hindi pa rin siya kumikilos. Tinapik ko na ang braso niya at natauhan na siya agad. "S-sorry," sabi niya sa akin at sumakay na siya sa likod. Hindi ko na lang pinansin ang reaksyon niyang iyon at kinausap agad si Lisa dahil siya ang susunod kong susunduin. Halos lahat sila ay parehas ng reaksyon nang makita si Dexx. Parang nakakita ng multo at hindi makakibo ng maayos kapag kinakausap ko sila. "Hintayin mo na lang kami? Sandali lang naman kami," sabi ko kay Dexx bago kami bumaba lahat. Pagpasok namin sa library, agad kong hinarangan ang apat para tanungin kung ano ang nangyayari sa kanila o kung kilala ba nila si Dexx. "Okay, anong meron?" tanong ko sa kanila at nagtinginan silang apat bago sumagot sa akin. "Hindi mo ba kilala kung sino kasama mo?" tanong sa akin ni Trisha na parang gulat na gulat at hindi makapaniwala dahil sa may alam silang hindi ko alam. "Bakit? Si Dexx lang naman ang kasama ko? Ano bang meron?" tanong ko sa kanila at hinila nila ako para tumabi sa isang sulok dahil nakaharang na kami sa daanan. "Rion, kilalang kilala sila Dexx sa university, kasama nila Markus," sabi naman ni Lisa at parang sobrang namamangha sila dahil kasama nila ang isa sa mga hinahangaan sa university. "So? Tao pa rin naman sila at walang masama kung makasama ko," sagot ko at humalakhak lang sila sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ideya na baka ginagamit ko si Dexx, kagaya ngayon. Siya mismo ang naghatid sa amin para sa gawain sa school. "Rion, kapag nakita nilang kasama mo si Dexx, marami kang makalalaban. Kilala rin ang pamilya nila bilang isa sa mayaman at makapangyarihan sa lugar na ito," sagot naman ni Becky at hindi ko na iyon pinansin. "Ano kung mayaman siya?" hindi na sila sumagot pagkasabi ko noon dahil alam ko na ang gusto nilang sabihin. Nagtungo na ako sa library at nag-umpisang kunin ang mga librong kailangan namin. nawa nila pero hindi ko na sila kinibo. Hanggang sa makabalik kami sa sasakyan ay hindi ko sila kinakausap. Para kasing malaking bagay sa kanila ang makasama si Dexx pero ako ay normal na sa akin. "Ang tahimik niyo ata?" tanong ni Dexx iniba niya ang dinadaanan namin. Napatingin ako sa kanya dahil papunta iyon sa fast food restaurant na madalas naming pinupuntahan. "Okay, alam kong kilala niyo akong apat. Napansin ko na ang reaksyon niyo ng makita ako. Just to make it clear, nililigawan ko si Rion at seryoso ako sa kanya," sabi ni Dexx sa kanila at nauna na siyang bumaba sa sasakyan matapos niyang ipark ang kotse. "Wala naman problema kung magiging magkalapit kami ni Dexx, bakit ba kayo ganyan?" tanong ko at sinundan na si Dexx sa loob ng fast food at gusto ko sana sabihin sa kanya ang nangyari pero hindi na lang ako kumibo dahil pumasok na rin silang apat. Nauna silang maghanap ng mauupuan namin at hinayaan na lang kami ni Dexx sa pagpila. "Sorry sa naging usapan, Rion. Hindi naman namin sinasadya na masabi yon," Si Trisha ang unang nagsalita pagkadating namin sa pwestong napili nila. Ibinigay na ni Dexx ang binili niyang pagkain para sa kanila. "Hindi naman ako naghahangad ng lalaking mayaman. Kaya kong kumita ng pera sa sarili kong paraan. Kung maging malapit man kami ni Dexx, iyon ay dahil sa kaibigan siya ni Markus at ayokong pakitaan siya ng masamang pag-uugali," mahaba kong sagot sa kanila at tumango na lang sila. Magkatabi kami ni Dexx at alam kong naiintindihan niya na ang nangyari. "Yun ba ang pinag-awayan niyo? Girls, nililigawan ko si Rion at seryoso ako sa kanya. Hindi nanghingi ng kahit ano sa akin si Rion," sagot naman ni Dexx at hindi na ako kumibo pa dahil ayoko rion naman humaba pa ang usapan. Humingi na rin naman sila ng pasensya sa akin. "Isa lang sa concern namin ay baka mapahamak si Rion dahil sa pagdikit niya sayo. Ayaw namin magkaroon ng babaeng maiingit sa kanya dahil siya ang natipuhan mo.." sabi ni Lisa at uminom sa kanyang softdrinks. "Alam mo naman ang gusto kong sabihin?" dugtong pa nito at tumawa na lang si Dexx. Masaya naman ang naging pag-uusap namin habang kumakain at pati ang pagpunta sa bahay. Kasama namin si Dexx habang gumagawa kami ng ipapasang report sa thesis dahil magaganda rin ang mga ideya niya at pati sa grammar. "Alas sais na pala, dito ba kayo maghahapunan?" tanong sa amin ni Dexx at hindi na talaga namin napansin ang oras. Hindi ako sigurado kung ayos lang ba na gabihin sila sa paggawa. Ayoko rin kasing gabihin sila ng pag-uwi at baka mapahamak sila sa daan. "Pwede pa naman ituloy ito bukas, diba?" tanong sa akin ni Lisa. Kilala ang mga magulang niya sa pagiging istrikto dahil nag-iisang anak si Lisa. "Sige, mag-ayos na kayo at ihahatid ko na lang ulit kayo," pag-aalok sa kanila ni Dexx at nauna na siyang lumabas ng kwarto. "Rion, sabihin mo kay Dexx, huawg na kaming hatid at kaya na namin umuwi. Magtatricycle na lang kami at uupahan para ihatid kami, sabi naman ni Trisha. Pwede rin naman kasi sa iisang tricycle sila magpahatid lahat. "Sigurado ba kayo?" tanong ko sa kanila at sumunod na ako palabas ng kwarto para sabihin kay Dexx na huwag na silang ihatid at tumawag na lang kami ng tricycle para ihatid sila. Naghintay na lang kami ni Dexx sa kanila sa labas ng bahay at naabutan pa kami ni Tita Myline sa labas ng gate. "Oh, may hinihintay kayo?" tanong niya sa amin pagkatapos niyang bumaba sa tricycle. Nagmano ako sa kanya pagkalapit niya sa amin. "May pagkain na ba tayo? nagugutom na ako," sabi sa amin ni Tita at naaalala kong hindi pa pala ako nakakapagluto. Hindi pa ako nakapagluto dahil sa dami ng ginawa ko. Alam kong pagod si Tita sa grocery pero hindi ko pa siya napaghain ng makakain. "Ako na magluluto," sagot ni Dexx at pumasok na siya sa bahay. Naiwan naman kami ni Tita Myline sa labas. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinitigan si Tita Myline bago ako nagsalita. "Hindi po ako nakapagluto dahil naging abala ako sa paggawa ng report sa thesis. Nandito pa po sila Trisha at hinihintay na lang namin matapos sa pag-aayos ng gamit nila. Matapos kong sabihin iyon ay saktong lumabas na silang apat. Binati nila si Tita Myline at dahil naghihintay na sa kanila ang dalawang tricycle at agad silang sumakay. Pumasok na kami ni Tita Myline at tinulungan si Dexx sa pagluluto. Matapos kumain, ako na ang naglipit ng pinagkainan at agad akong nagbihis dahil tatapusin ko na lang ang mga naiwanan na gawain. "Rion?" tawag ni Dexx at kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko siya at napakamot na lang siya sa ulo. Nagkalat rin kasi ang gamit sa kwarto ko at alam kong naiisip niyang itinuloy ko ang paggawa sa mga naiwanan. "Tulungan na kita," sabi niya sa akin at pinayagan ko siya sa gusto niyang gawin kung makakatulong naman at hindi ako mapapahamak sa gagawin niya ay hahayaan ko ang lahat. "Nakakagutom, kain tayo sa labas?" tanong sa akin ni Dexx at nakaramdam rin ako ng gutom dahil sa dami pa ng ginawa namin. Tumango ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko. Dahan-dahan siyang lumakad palabas ng kwarto at sumilip muna sa labas dahil baka makita siya ni Tita Myline. Hinila niya na ako palabas at marahan lang naglakad pati ang pagsasara ng pinto ng bahay at hindi nakagawa ng ingay. Hindi kami kumain sa loob mismo ng restaurant at take-out lang ang ginawa niya. "Gusto kong sa bukid tayo kumain," sabi niyasa akin at wala na akong nagawa dahil wala rin naman mangyayari kung kokontrahin ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD