Chapter 10

2103 Words
Magkatabi na kami dahil doon pero nang titigan ko siya, seryoso na siyang nakatingin sa kawalan at parang malalim ang iniisip. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya pero wala naman akong nakikita doon dahil madilim. "Kailangan mo ba talagang magtrabaho ng dalawa? Daig mo pa ang may sampung anak," Natatawa niyang sabi sa akin at napayuko na lang ako at naisip ang kapatid ko. Nanatili akong nakayuko at kumuha ng isang stick at saka nagsulat ng kung ano sa lupa nang hinila ni Dexx ang stick at inihagis sa kung saan. "Huwag mo na sagutin ang tanong ko kung ikakalungkot mo lang naman. Magpahinga ka muna dito bago umuwi," sabi niya sa akin at nagkatitigan lang kami ng ilang segundo bago ko iniiwas ang tingin ko. Hinawakan niya ang batok ko at marahan na isinandal sa kanyang balikat. Isa iyon sa mga bagay na hindi ko nagawa ni Markus sa akin noon kahit gaano pa kami kalapit na magpinsan at ngayon ko lang nalaman na masarap sa pakiramdam ang may masasandalan ka. "May kaibigan ka pa ba sa sobrang busy mo?" tanong niya sa akin at naisip ko, wala akong naging kaibigan sa tagal ko nang nag-aaral sa unibersidad. May iilan na bumabati sa akin pero mga studyanteng natulungan ko lang ang mga iyon, wala ni-isa sa kanila ang nakausap ko tungkol sa buhay ko. "Meron naman, pero mga kaklase lang iyon at ilang mga kakilala," sagot ko sa kanya at alam kong batid niya ang gusto kong iparating, na wala akong naging kaibigan. "I can be one," sagot niya sa akin at dinampian nang halik ang noo ko at saka siya tumayo at tinulungan niya na rin akong tumayo tapos ay sumakay na kami ng kotse. "Nagawa ko na pala ang pagta-tally ng kinita ng grocery kaya wala ka na masyadong gagawin," sabi sa akin ni Dexx at nagpasalamat lang ako sa kanya, nahihiya na rin ako dahil trabaho ko iyon pero siya na ang gumagawa. Iyon ang huli ko natatandaan pagkatapos namin sumakay sa sasakyan at nagising na lang ako na nasa kwarto na ako. "Kamusta ang prinsesa namin?" tanong sa akin ni Tita Myline pagka-upo ko sa table. Biglang tumawa si Dexx at sinundan naman ni Tita iyon. Inilagay ko na lang ang tumakas kong buhok sa aking tenga at naupo na. Naglagay na ako ng pagkain sa lamesa ko at nagsimulang kumain. "Dadaan ka ba kay Miss Miriam ngayon?" tanong sa akin ni Dexx at tumango lang ako sa kanya. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari kagabi. Wala akong maaalalang kahit ano. "Sa sobrang pagod mo, binuhat ka na ni Dexx papunta sa kwarto mo, hindi mo naman kailangan magpakapagod ng ganyan, Rion," sambit sa akin ni Tita Myline at may iniabot na sobre. "Para saan po ito?" tanong ko sa kanya pero nakatutok ang tingin ko sa sobre sunod kong tinitigan si Dexx at naiilang akong sabihin sa kanya kung bakit kailangan kong magtrabaho ng dalawa. Para iyon mapuntahan ang Ate at ibalik siya dito. Hindi ko rin kayang sabihin iyon kay Tita Myline dahil alam kong masasaktan siya. "Hindi niyo naman po kailangan magbigay sa akin, Tita. Gusto ko lang din pong mag-ipon ng pera para sa sarili ko," pagsisinungaling na rason ko sa kanya. Gusto ko sana sabihin na walang permanente sa mundo, kagaya ng pagtira ko, hindi naman ako habang buhay nasa puder niya kaya nag-iipon ako. "Gusto lang kitang matulungan sa kung ano ang gusto mong mangyari o marating," Sabi niya. "Salamat po," hindi na ako sumagot pa, ayoko rin naman humaba pa ang usapan namin. Itinabi ko na muna ang pera at nagpatuloy sa pagkain. Gusto ko rin naman bumukod o magkaroon man lang ng sariling ambag sa bahay na ito dahil hindi na bumabata si Tita. Kitang kita na ang linya sa kanyang mukha at ang buhok niya ay mga puti na rin. Hindi naman habang buhay ay kaya niya akong suportahan at tulungan. Gusto ko rin makatulong sa kanya at tumayo sa sarili kong paa. Ang paghahanap may Ate, malaking suntok sa buwan iyon pero hindi kk naman maiwasan hindi mangulila sa aking kapatid. Ginampanan niya na ang lahat ng kailangan ko tapos ay malalaman niyang kulang pa rin ako. Ayokong isipin niyang iiwanan ko siya pero gusto ko lang naman makita ulit ang kapatid ko. Balak araw, masusuklian ko rin ang lahat ng naitulong ni Tita Myline sa akin. Kaya kahit mahirap, pinipilit kong pumasok sa grocery at the same time, magkaroon ako ng trabaho na konektado sa aking pinag-aralan. Bago matulog, pinagmasdan ko uli ang sobre na ibinigay niya. May laman nga iyong pera kaya palihim akong nagtungo sa kwarto niya at narinig kong kausap niya si Markus. "Tita?" mahina kong tawag at kumatok ako sa pinto ng kanyang kwarto. Mabilis naman niya akong pinagbuksan at nakita ko sa screen ng monitor si Markus. Nag-videocall pala sila, kita kong kakagising lang ni Markus, baliktad kasi ang oras doon. Gabi na sa amin at sa kanila naman ay umaga pa lang. "Huy! Markus, lalo kang pumopogi diyan ha!" Masigla kong bati sa kanya at ngumiti lang siya sa akin saka inayos ang kanyang buhok. "Ikaw, huwag ka munang magpapaligaw diyan kay Dexx, matinik sa babae iyan, napakagaling mangbola. Salamat sa compliment, gumaganda ka lalo kahit lagi kang puyat at stress. Nangangayayat ka na, masyado mo ba akong namimiss at tinatamad kang kumain?" biro niya sa akin at natawa na lang kami ni TIta Myline. Nagkwento lang si Markus at nalaman kong may trabaho na siya doon at baka kuhain nila si Tita Myline bilang tagapamahala dahil abala ang mga magulang niya sa kompanya at siya naman, nagbabalak magtayo ng negosyo habang nagtatrabaho kaya kailangan niya si Tita Myline doon. "Ayos lang ba sayo, Rion? Wala kang makakasama na diyan?" tanong sa akin ni Markus at tumango lang ako. Sino ba naman ako para pigilan ang ikakaunlad ni Tita Myline? "Oo naman! Kaya ko naman na sarili ko at malay mo, nandyan pala yung magiging asawa ni Tita Myline nang maiba naman ang aalagaan niya at hindi lang tayo," sagot ko kay Markus at nagtawanan lang kami. Niyakap ko si Tita Myline na hindi kumikibo pero alam kong masaya siya dahil nagkausap muli kaming tatlo na masaya. "Oh siya, Tita My, matulog na kayo ni Rion at maaga pa kayong dalawa bukas. I miss you, mama at kapatid kong Rion!" pagpapaalam sa amin ni Markus at kumaway lang kaming dalawa ni Tita Myline hanggang sa mawala na sa screen si Markus. Nanatiling nakaupo si Tita Myline at nakatingin pa rin sa screen na tila malalim ang iniisip. "Ayoko sanang pumayag sa alok ni Markus na doon na ako tumira dahil maiiwan ka na naman mag-isa dito," sambit niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang lungkot sa haplos niya sa akin at niyakap ko siyang muli. "Alam mo, Tita, pinaghandaan ko na po iyan. Sa totoo lang, gusto kong makatulong sa inyo kaya nag-iipon ako ng pera na para sa sarili ko dahil hindi naman po habang buhay ay nasa puder niyo ako. Kung gusto niyo po talagang pumunta doon, wala pong problema sa akin, kaya ko po ang sarili ko," sabi ko sa kanya at yumakap na rin siya sa akin, sobrang higpit at parang Hindi na ako nakapasok sa grocery pagkaabot ko ng mga pinagawa ni Miss Miriam kaya pinauna ko na si Dexx at magpapaalam na lang ako kay Tita Myline. Hindi na nagkaroon pa ng kahit anong usapan tungkol sa trabaho ko matapos kaming mag-usap. Maluwag na ang dibdib ko dahil nasabi ko na kay Tita Myline ang matagal ko nang kinikimkim at malinaw na rin sa kanya. Kinuhaan na pala siya ni Markus ng ticket at sobrang rush ang gusto nilang mangyari sa pag-alis niya. Sa susunod na linggo ay ang nakatakdang oras ng flight niya. "Tita, hindi po muna ako makakapasok ngayon sa grocery pero nacheck ko na po ang attendance at kumpleto naman na po sila. Mamayang pag-uwi ko na lang gagawin ang daily report," pagpapaalam ko kay Tita Myline dahil gusto ako isama ni Miss Miriam sa meeting bilang assistant niya for a month. Isinama niya ako sa ibang mga klase niya para matulungan siya sa presentation ng subject niya. Ako na ang pinagawaan niya ng attendance at taga kolekta ng mga projects na pinapapasa niya. "Rion, yung quiz kanina, pwede bang i-check mo na habang nasa susunod tayong klase?" tanong niya sa akin habang nasa hallway kami papunta sa tinutukoy niyang klase. Tumango na lang ako at ginawa ang gusto niya. Grabe ang pagod ko sa unang araw bilang assistant niya, pakiramdam ko, isa na rin akong guro na wala lang lisensya. Tanghali nang nagpabili na lang siya ng makakain namin sa guard at sa opisina niya kami kumain. "Kamusta, unang araw?" tanong niya sa akin habang inaalis ang balot ng burger at nagsimula na siyang kumain. "Ayos lang po, masasanay rin ako sa ganitong routine. Ang hirap pala talagang maging guro?" tumango lang siya sa akin at ngumisi. Habang kumakain ay nakatingin naman siya sa screen para magcheck ng mga emails niya. Alas tres pa ang sumunod niyang klase kaya naman natulog na muna siya habang may pagkakataon, samantalang ako ay nagbabasa lang ng nagawa niyang lesson plan at kung ano pa. Inubos ko ang dalawang oras sa pagbabasa hanggang sa tumunog na ang alarm clock niya. Kagaya ng nauna, nasa loob lang ako ng classroom at nakikinig na rin ako sa lesson niya. Inabot na ako ng alas sais ng gabi at tinawag uli ni Miss Miriam ang guard para magpabili ng hapunan. "Rion, ayusin na lang natin ang mga paperworks tapos ay makakain na tayo ng hapunan para makauwi ka na rin," sabi niya sa akin at tumango na lang ako. Gutom na gutom na ako ng gabing iyon dahil burger lang ang tanghalian namin. "Bye!" pagpapaalam ko kay Miss Miriam dahil may hinabol pa kaming deadline ng mga grade. Inayos ko na ang mga gamit ko bago lumabas sa office. "Gusto mo, ihatid na kita sa inyo? Masyado na kasing gabi kung uuwi ka pa mag - isa. Nag-aalala ako sayo." Nakatingin na alok ni Ma'am pero tumanggi na ako at iniiwasan kong may makakitang close kami. Nasasabihan rin kasi akong Teacher's pet kahit hindi naman totoo kaya mas gugustuhin ko na umuwi mag - isa kaysa ang magkaroon ng ilang pag - uusap tungkol sa akin. "Salamat na lang po, kaya ko na po ito," sagot ko sa kanya at nauna na akong umalis. Madilim na ang hallway dahil patay na ang mga ilaw. Tanging Guard na lang ang nandoon dahil alam nitong nasa loob pa kami. "Goodnight, kuya!" bati ko sa kanya ng palabas na ako ng eskwelahan at ngumiti lang siya sa akin. Wala na masyadong tao sa daan kaya nagmadali na akong maglakad papauwi. Ilang minuto lang naman ang tatahakin ko. Kung noon, hatid sundo ako ni Markus, ngayon ay wala na dahil isang buwan na rin siyang nakaalis. Habang nasa tapat pa ako ng school ay biglang tumunog ang telepono, alarma na lowbat na ito kaya itinago ko na lang iyon sa bag ko. Mas nag-aalala na ako dahil baka mag-alala sa akin si Tita Myline kapag hindi na matawagan ang telepono ko. Nasa madilim na ako na parte ng daan ng may marinig akong kaluskos galing sa mga talahib. Dito kasi sa amin, kailangan ko rin lagpasan ang parte na ito. Madilim pa dito dahil wala pang pondo ang barangay namin para lagyan ito ang bawat isang kalye ng poste ng ilawilaw. Nakakatakot talaga ang lugar na ito kung bago lang ang dadaan pero sanay na ako sa ganitong sitwasyon kaya alam kong hindi ako mapapahamak. Inilabas ko ang dala kong flashlight ang peppermint spray para kung sakaling may makasalubong ako, magagawa ko silang makita at may panglaban ako sa kanila. Huminto ako sandali para tingnan kung ano ang nsa loob ng talahiban dahil may biglang kumaluskos doon, nanatili akong nakatayo nang biglang lumabas ang tatlong lalaki. Amoy na amoy sa kanila ang alak at doon na ako nakaramdam ng kaba dahil kakaiba ang mga ngiti nila nang makita ako. Nagsisi ako at sana hindi na ako lumapit doon at hindi na lang pinansin ang narinig kong kaluskos. Umatras agad ako ng makita kong kakaiba na rin ang tingin nila sa akin. Binilisan ko ang pag - atras ko hanggang sa nagsimula na akong tumakbo. Naging mabagal pa noong una ang paghabol nila sa akin dahil sa kalasingan nila pero unti - unti na silang bumilis. Hindi nila magawang makasigaw dahil alam nilang makakuha ito ng atensyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD