Chapter 11

2026 Words
"Tulong!" sigaw ko habang tumatakbo pero ilang kilometro pa ang layo ng lugar na may bahay kaya kahit sumigaw ako, walang makakarinig. Mali ang nagawa kong iyon dahil napansin agad ng isa sa kanila na kahit gumawa ng ingay, walang makakrinig. Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata at pakiramdam ko, katapusan ko na. Nakaramdam na ako ng pamimigat ng paa pero hindi ito ang oras para mapagod. Kailangan kong tumakbo ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa bahay pero malayo pa ito kung tutuusin. Naisip kong ihagis ang bag ko dahil nakakasagabal ang laman nito sa pagtakbo ko pero naaalala ko ang mga bagay na iniwan sa akin ni Markus. Ang pang - spray lang ang nadala ko kaya agad kong kinuha ito sa bulsa ng bag ko. "Miss, saan ka pupunta!" sigaw ng isa at nagtawanan ang mga kasamahan niya na parang walang bukas pero hindi ako nagpatinag at hinubad ko na ang sandals kong suot para mas makatakbo ako ng mas mabilis. Bawat pag-apak ko sa kalsada ay may maliliit na bato akong naapakan pero binaliwala ko iyon. "Lord, please, iligtas niyo ako," bulong ko sa isip ko habang pilit na tumatakbo kahit may nararamdaman akong sakit at pagod. Hingal na hingal na ako pero hindi pa rin sila tumitigil sa kakahabol sa akin ng maramdaman ko ang biglang paghablot nila sa aking buhok. Napakapit ako sa ulo ko dahil doon at bigla ko na lang naramdaman ang isang bagay na tumusok sa likod ko. Dahilan para mapaupo ako dahil sa sakit na dulot noon. Sinipat ko ang parteng iyon at nakita ko ang sarili kong dugo. "Maawa kayo sakin! Pakiusap! Hindi ako magsusumbong, pauwiin niyo lang ako." Pagmamakaawa ko sa kanila pero sinampal ako ng isang lalaki at napasubsob ako s semento. Hindi pa sila natigil nang pinagsisipa nila ako. Tinitigan ako ng isang lalaki at iniangat ang ulo ko para tingnan siguro kung humihinga pa ako. Sinampal niya ako nang paulit-ulitulit at namanhid na ang pisngi ko sa ginagawa niya. "Tama na! Pakawalan niyo na ako!" Pag-iiwas ko ng mukha ko sa kanila pero nagtatawanan lang sila at nagtungo ang isang lalaki sa likod ko at hinawakan ang baywang ko at saka idinikit ang mukha niya sa leeg ko. Hinubad niya sa akin ang suot kong bag at inihagis iyon sa kung saan.at iniharap ako sa kanya saka siniil ako ng halik tapos ay pinatalikod niya ulit saka kinapa ang maselang bahagi ng katawan ko. "Marunong ka ba sumayaw?" bulong niya sa akin at pilit akong lumalayo sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at hinalikan niya ang leeg ko. "Simon, kumalma ka na muna at maglaro muna tayo," utos ng lalaki sa kanya at nakita ko ang kutsilyo sa likod niya dahil nagsindi siya ng sigarilyo at humarap sa akin. "Sumayaw ka sa harapan namin!" humithit siya ng sigarilyo at pumalibot na sila sa akin. Nanatili lang akong nakatayo at umiiyak habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila. Nakuha ko ang peppermint spray bago pa man inihagis ng lalaki iyon at nang nakaroon ako ng pagkakataon dahil hindi ko sinunod ang gusto nilang pagsayaw at ginawa niya akong parang isang puppet. Lumapit uli si Simon sa akin at, inispray ko siya, iyon ang dahilan para mabitawan niya ang ulo ko. Narinig ko na lang na sunod - sunod ang pagdaing nito sa sakin pero ang sumunod na nanakit sa akin ay ang isa niyang kasamahan. Iniharap ako nito at hinawakan ang dibdib ko. Itinulak niya ako dahilan para mapahiga sa kalsada tapos ay lumuhod siya para ikulong ang katawan ko. Pilit akong kumapit sa kamay niya para pigilan siya dahil alam kong katawan ko na talaga ang habol niya. "Nanglalaban ka pa talaga!" sigaw niya sa akin at sinampal niya ako at sinuntok sa tiyan. Tiniis ko ang sakit ng ginawa nila sa akin. Sinusubukan niyang alisin ang suot kong dress pero pinipilit kong ipagtanggol ang sarili ko hanggang sa punitin niya na talaga ng husto ang damit ko. Binalot ng lamig ang katawan ko pero ininda ko iyon dahil mas gusto kong mailigtas ang sarili ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak habang nagmamakaawa sa kanya. Nakita ko ang saya sa kanyang mata nang tumambad ang katawan ko. Sabik na sabik siya nang hawakan ang dibdib ko. "Please! Huwag po!" Tinutulak ko at pagmamakaawa sa kanya pero isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking dibdib at pinaghahalikan ito ng paulit ulit. Wala na akong nagawa kung hindi ang humagulgol na lang at magdasal na sana matapos na ang lahat ng ito. Hindi pa siya nakuntento at matapos pagsawaan ang aking dibdib, sinaksak niya ako sa tiyan ng paulit - ulit. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ng oras na iyon. Kung ang sakit dahil sa pagsampal sa akin, ang pangbababoy sa katawan ko o ang pagsaksak niya sa akin. Nakita kong itinabi niya ang kutsilyo sa kanyang bulsa pagkatapos niyang punasan ang dugo galing sa akin. "Tama na, maawa na kayo!" bulong ko at umalis siya sa harapan ko saka pinalitan ng kasama niya. Hinaplos nito ang aking dibdib pero natigil rin sila. "Pre, may dumadating. Itigil mo na yan, tara na!" tinapik si Simon ng kasama niyang lalaki at tumingin sa gawi kung saan galing ang liwanag ng gabing iyon. Sinundan ko sila ng tingin at iniangat ang kamay ko para harangan ang ilaw galing sa korse. "Subukan mong magsumbong, alam namin kung saan ka nakatira. Huwag na huwag kang magtatangka dahil si Myline ang sunod naming papatayin," bulong sa akin ni Simon at tumakbo na sila papasok sa talahiban. Sinubukan kong kumilos papalapit sa kotse dahil hindi pa rin lumalabas ang taong nagdadrive nito. Nakahandusay na ako sa kalsada at ang pagtakbo na lang nila ang naririnig ko ng mga oras na iyon. "T-tulong.." bulong ko at iniangat ko pa ang kamay ko. Madilim pa rin sa parteng iyon kung saan nila binaboy ang katawan ko kaya hind ko na napansin kung sino ang taong iyon. Kumuha ako ng isang dakot na lupa sa maabot ko at inihagis iyon sa gawi ng kotse pero wala pa rin akong naririnig na kahit ako. Naisip ko na baka sa takot ay hindi ako tulungan kung sino man iyon. Dumidilim na ang paningin ko hanggang sa humiga na lang ako at tumingin sa langit. Tinakpan ko ng kamay ang dibdib ko at ang isa naman ay kinakapa ang mga sugat sa aking tiyan. Nararamdaman ko ang malagkit na dugo dahil sa pagkatuyo nito at ang hapdi ng sugat ko. Sigurado akong malalim ang bawat saksak na natamo ko dahil sa kirot nito hanggang kaloob-looban. "Panginoon, sana ay makaligtas ako. Tulungan niyo ako," muli kong bulong at nangingilid na naman ang luha sa aking mata dahil pakiramdam ko, katapusan ko na. Unti - unting lumapit ito sa akin pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, bumibigat na ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong napapikit pero si Dexx ang naaaninag kong lalaki na nasa harapan ko marahil sa nagnanais akong siya ang magliligtas sa akin ng oras na iyon kaya siya ang lumilitaw sa harapan ko hanggang sa mawalan na ako ng malay. Nagising ako dahil sa ingay ng mga reporter sa ward kung nasaan ako para makakuha ng detalye tungkol sa nangyari sa akin. Iniharang ko ang kamay ko dahil panay ang kuha nila ng litrato sa akin. Tuwang-tuwa pa ang mga taong ito dahil sa sinapit ko. "Miss, magbigay ka naman ng statement!" sigaw ng isang reporter at itinagilid ko na lang ang mukha ko pero nang makita kong pumasok si Tita Myline kasama si Dexx ay agad nilang hinawi ang mga reporter. "Pakiusap lang, umalis na kayo," mahinahon na sabi ni Dexx sa kanila at pinalabas silang lahat. May iilan pa rin kumuha ng litrato habang pinaalis sila ni Dexx. "Rion!" maiyak-iyak na sabi ni Tita Myline na naging dahilan para muli akong maiyak dahil Naramdaman ko ang sakit ng katawan nang yakapin niya ako. Tanging paghagulgol lang ang nagawa ko ng lapitan noya ako. Wala rin ako masyadong maaalala sa nangyari pero ramdam ko ang sakit. "Rion, ano bang nangyari?" tanong ni Dexx sa akin dahil walang tigil ang pag-iyak ni Tita Myline. Hindi ko rin mapigil ang pag-iyak ko dahil sa pangdidiri ko sa sarili ko. Sinubukan kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa lalamunan ko at masakit pa rin kapag igagalaw ko ang ulo ko. Hindi ko na pilit ang sarili ko magsalita pa at yumakap na lang kay Tita Myline. "Yan na nga ba sinasabi ko! Susunduin kita, pero ikaw ayaw mo!" Sinuntok ni Dexx ang pader at halos tumalon sa gulat si Tita Myline. tumulo muli ang luha ko dahil doon. Oo, may kasalanan talaga ako dahil naging pabaya ako. Tumagilid na lang ako dahil ayokong makarinig ng kahit anong sasabihin ni Dexx sa akin. "Huwag mo na sisihin si Rion! Hindi niya ginusto ang nangyari!" sigaw pabalik ni Tita Myline at padabog na lumabas si Dexx. Sunod sunod ang paghinga ko ng malalim na may kasamang luha dahil sa pagwawala ni Dexx. Malabo pa ang paningin ko ng mga sandaling iyon pero kitang kita ko ang galit sa mukha ni Tita Myline ng lumapit siya sa akin. Aktong hahawakan niya ako pero pumasok ang dalawang nurse. "Miss, nandito na po ang mga pulis at gustong humingi ng statement niyo," sabi nila kay Tita ng binuksan nila ang pinto. Bumukas ang pinto at tumambad ang dalawang pulis na nakauniporme. Nagbalik ang iilang mga pangyayari sa isip ko at kaya napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot ito habang umiiling ako. Nakaramdam ako ng takot dahil ang rumehistrong mukha sa mga pulis ay ang mga gumawa sa akin nito kaya pumikit ako ng ilang segundo at pagdilat ko, nagbago na ang mukha nila. "Rion! Anong nangyayari sayo?" tanong sa akin ni Tita Myline tapos ay lumingon sa pinto. "Sa susunod na araw na lang at sariwa pa ang ala-ala niya," sagot ni tita at bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo kaya napahawak ako dito. Nakapa ko ang benda sa ulo ko "T-tita.." bulong ko pero di niya narinig niya pinilit kong umubo para makuha ang atensyon niya. Nakatingin lang siya sa akin at habag na habag ang kanyang itsura. Itinuro ko ang tubig at kaagad naman niya nakuha ang gusto kong sabihin. Nilagyan niya ng straw ang bote ng tubig at inilapit sa bibig ko. Nakaramdam ako ng ginhawa ng nakainom ako ng kaunting tubig. "Excuse me lang po, kailangan po namin kunin muna ang vital signs ng pasyente at mas makakabuti kung hindi tayo makakadulot ng stress sa kanya ngayon," sabi ng nurse sa natirang pulis at lumabas na ang mga ito. Kinuhaan ako ng blood pressurr ng nurse habang ang isa ay inalis ang suot kong hospital gown at naramdaman ko na lang ang pagtanggal niya ng mga bandage sa tiyan ko. "Napakaraming saksak, buti at nakaligtas po kayo," sabi ng nurse sa akin at inumpisahan niya ng pahiran ng gamot ang mga sugat ko. Nakaramdam ako ng kirot sa ginawa niya pero tiniis ko iyon dahil hindi pa ako makapagsalita. Pumasok ang doktor at may iniutos sa nurse saka lumabas ng kwarto. "Kamusta na po pakiramdam niyo, Miss?" tanong sa akin ng doktor pero hindi pa ako makasagot dahil sa pananakit ng lalamunan kaya tinitigan ko lang siya at pilit akong ngumiti. "Lumabas na po medico legal niya, and sad to say, may laceration po siya sa maselang bahagi," malungkot na sabi ng doktor at hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Biglang umiyak si Tita Myline ng marinig niya iyon. "Hindi pa po makakapagsalita ang pasyente dahil sa mga napala niyang pagsakal, mas makakabuti kung makapagpahinga po muna siya," dagdag pa ng doktor at nang bumalik ang nurse, iniabot nito ang papel at pinabasa kay Tita Myline. May kinuha ang doktor na parang flashlight at itinutok iyon sa aking mata. Wala ako masyadong makita ng oras na iyon tapos ay ang isang popsicle stick naman para tingnan ang aking bibig. Sumunod na lang ako sa lahat ng ginawa ng doktor, pati ang pagkuha ng temperatura ko at blood pressure ay ginawa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD