Chapter 12

2150 Words
Marami akong pasa sa braso at inialis ko ang kumot sa paa ko. Kitang kita ko rin na may iilang pasa ako sa binti. Sinubukan kong umupo pero agad akong napabalik sa pagkakahiga dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking likod. Doon nagbalik ang lahat ng memorya ko. Pinagtangkaan akong patayin nang tatlong lalaki. "Dok, kailan po makakalabas ang pamangkin ko?" tanong ni Tita sa doktor at hinila niya ito papalayo sa akin. Naririnig ko ang mga bulungan nila pero hindi ko maintindihan ang mga iyon. Tumingin sa akin ang doktor at binalik kay Tita ang atensyon. Tumango ito at saka sila bumalik sa tabi ko. Pumikit ako muli at pilit kong iniisip kung bakit nga ba ako nasa hospital at sobrang sakit ng katawan ko. "Bibigyan ko po kayo ng reseta ng mga gamot at bukas, pwede na pong lumabas si Miss Rion," sabi sa akin ng doktor at nagpasalamat naman agad si Tita. Umalis na ang doktor kasunod ang mga nurse. Naramdaman kong tumabi sa akin si Tita at hinaplos ang noo ko. Natigil lang siya dahil may narinig akong pumasok sa loob ng ward. "Nandito ka na pala, pakainin mo na si Rion at iinom siya ng gamot. Pero bibili muna ako ng gamot," sabi sa kanya ni Tita at nagdilat ako ng kaunti para makita kung sino ang kausap niya, si Dexx iyon at may bitbit na pagkain. Umalis na si Tita at inumpisahan na ni Dexx na ayusin ang pagkain ko. "Rion, gising na. Kailangan mong kumain at iinom ka pa ng gamot," sabi sa akin ni Dexx at nang dumilat ako, nakita ko ang mga bulaklak sa kwarto. Kaming dalawa lang ni Dexx ang nasa ward ng oras na iyon. Inaayos niya na ang tray kung saan nakalagay ang pagkain ko at ipinatong iyon sa aking tiyan. Wala akong gana kumain pero dahil sa ginawa niya ay napakislot ako. "Kumain ka na," utos niya at dahil hindi ko pa maigalaw ang kamay ko dahil sa dami ng pasa at may pilay pa ako, kailangan talaga na susubuan niya ako. Pinilit kong lunukin ang mga pagkain kahit masakit sa lalamunan at humingi lang ako ng tubig sa kanya para panulak sa kinain ko. Nang matapos, agad niyang iniligpit ang pinagkainan ko at niyakap ako. "Kung sino man ang may gawa nito, kailangan natin silang pagbayarin," matiim niyang sabi sa akin at tumingala ako sa kanya dahil sa pagtataka ko at sobrang galit niya. "I-ihi..." bulong ko at nagmadali siyang ayusin ang swero saka ako tinulungan tumayo. Paika-ika pa rin ang paglakad ko ng oras na iyon at tiniis ko lang ang sakit ng katawan. Nakaupo na ako at nagsimulang ilabas ang likido ng maramdaman ko ang hapdi sa bawat pag-agos nito kaya nang matapos, nakita kong may dugo itong kasama. Nagmadali akong lumabas sa cr at nakita ni Dexx ang pagkataranta ko. "May masakit ba sayo?" tanong niya sa akin at hinawakan ang balikat ko tapos ay sinilip ang cr. "B-bakit may dugo?" tanong ko sa kanya ng nasa harapan ko na siya ulit. Nakita ko ang paglingid ng luha sa kanyang mga mata at kahit hindi niya na sagutin, alam ko na ang gusto niyang sabihin. Natumba ako dahil sa mga bagay na naiisip ko. Lumunod siya sa harap ko at pilit niya akong itinatayo pero tinutulak ko siya habang lumuluha. "I'm sorry, hindi kita naprotektahan. Kung sana, sinundo kita kahit ayaw mo, hindi sana mangyayari to," bulong sa akin ni Dexx at tinabihan ako sa kama tapos ay niyakap ako. Tahimik lang akong umiiyak at hinayaan niya ako, marahil para ilabas na ril lahat ng nararamdaman kong sakit. Pinupunasan niya ang bawat luhang dumadaloy sa pisngi ko ng oras na iyon. Narape ako. Nirape ako. Hindi ko maisip kung ano ba ang naging dahilan para gawin nila iyon sa akin. Hindi pa sila nakuntento at halos patayin nila ako. "Rion, calm down!" sigaw ni Dexx habang pinapatahan ako. Pumasok naman ang mga nurse sa kwarto at may itinurok sa akin. Namanhid ang buong katawan ko dahil doon hanggang sa unti-unti na akong nakatulog uli. Nagising ako ng madaling araw at nakayakap pa rin sa akin si Dexx habang mahimbing ang tulog. Hinayaan ko siya at alam kong hindi niya ako papabayaan kaya yumakap na rin ako sa kanya dahil sa piling niya, ligtas ako. Alam kong hindi naman niya ako mababantayan oras-oras pero ngayon, sigurado akong hindi niya ako papabayaan, sana ay matanggap niya pa rin ako kahit ganoon ang nangyari sa akin. Kahit hindi na ako buo. "Naghihilik ba ako? Sorry kung nagising kita," bulong niya sa akin at idinikit ang kanyang mukha sa akin bilang paglalambing. "Salamat. Maraming salamat" bulong ko pabalik at yumakap lang siya lalo sa akin. "Matulog ka na uli at kailangan mong magpagaling," bulong niya at tumango lang ako at tahimik na lumuha uli. Nakatingin lang ako sa kisame ng oras na iyon at hindi ko alam kung makakatulog pa ako ulit dahil sa mga pangyayari na tumatakbo na naman sa isip ko. Paulit-ulit na bumabalik saisip ko ang mga pangyayari at kung paano nila ako binugbog pero hindi ko maaalala ang panggagahasa sa akin ngunit ramdam ko iyon sa aking katawan, tanging sakit lang ang naiwan sa akin. "Goodmorning po! Kailangan na po uminom ng gamot ni Ma'am," nagising ako sa paggalaw ni Dexx para bumaba sa higaan. Lumapit ang nurse papunta sa table na katabi ng kama at inilapag lang ang mga gamot na dapat kong inumin tapos ay humarap sa akin. "Lilinisin ko lang po muna ang mga sugat niyo," sabi sa akin ng nurse at humiga ako ng maayos at nagsimula na siya alisin ang mga gasa at pinahiran iyon ng gamot. "Gusto ko sana makita ang mga sugat, pwede po ba?" tanong ko sa nurse at tumingin iyon kay Dexx para humingi ng permiso nito pero umiling lang si Dexx. Kaya pinilit kong umupo at nag-baka sakaling maabot ko ng tingin iyon pero kumirot lang ito kaya humiga na ako ulit. "Hindi mo naman kailangan makita, bakit at para saan?" tanong ni Dexx at pinagpatuloy na lang ng nurse ang pag-lilinis niya at nagmadaling lumabas ng kwarto dahil sa takot nito, matalim na ang tingin niya sa nurse. "Lalabas lang ako at bibili ng pagkain natin tapos ay iinom ka na ng gamot pagkatapos kumain. Huwag kang magtatangka gumawa ng kahit anong ikakasama mo," Tumayo na siya at lumabas na rin ng kwarto. Tulala na lang akong naghintay sa pagbalik niya dahil tama siya, ganito na ang nangyari sa akin ay gagawa pa ako ng bagay na ikakapahamak ko. Kailangan ko rin naman mahalin ang sarili ko at hindi lang lagi ang ibang tao. "Hi, love. Sorry kung natagalan ako," bungad sa akin ni Dexx pagkapasok niya at agad niyang inilapag ang mga pagkain. Kaya ko naman na igalaw ang katawan ko pero pilit niya pa rin siya sa pakainin ako. "Hayaan mo akong pagsilbihan ka. Gusto kong alagaan ka hindi lang ngayon pero sa mga susunod pang araw at hanggang maging isa tayo," sabi niya sa akin at muli na naman akong naluha dahil ramdam ko ang pagiging totoo ng mga pangako niya. "Hush. Umiiyak ka na naman," sabi niya at pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Napangiti na langa ko dahil sa mga galaw na pinapakita niya sa akin. Tumango ako at yumakap sa kanya saka dinampian ng halik ang labi niya. Hindi ko alam pero gusto kong gawin iyon. Tinitigan niya lang ako na parang ako ang pinakamagandang bagay na nakita niya sa buong buhay niya. "Kumain ka na at kailangan mo pang uminom ng gamot." Sinubuan niya ako ulit ng pagkain hanggang sa maubos ko ang binili niya tapos ay iniabot niya sa akin ang gamot. Pagkatapos kong inumin ang gamot ko, siya naman ang kumain at ilang sandali pa, Pumasok na si Tita Myline sa kwarto. "Kamusta pakiramdam mo? Kaya mo na ba lumabas ngayon?" tanong niya sa akin at nilapag sa table ang mga dala niyang damit. "Gusto ko sana makalabas ka na ngayon at sa bahay na lang kita aalagaan dahil hirap akong mabantayan ka," sabi niya sa akin pero alam kong gusto niya lang akong iiwas sa mga reporter na gustong guluhin ang pagpapagaling ko. Kilala ko si Tita Myline at alam kong gusto lang niya ng katahimikan. "May nakita na naman kasi akong mga reporter sa labas ng ward at gustong humingi ng mga detalye kung ano ang nangyari sayo," sabi sa akin ni Tita Myline. "Maayos naman na si Rion at mukhang mabilis naman siyang nakarecover hindi gaya ng ibang mga babae na biktima ng ganitong kahayupan," matiim na sabi ni Dexx. Gusto ko na rin makalabas ng ospital dahil wala masyadong makausap dito at puro tulog lang ang pwede kong magawa. "Sige po, gusto ko na rin pong makalabas dito at sumasakit na ang ulo ko sa sobrang tulog. Mas makakabuti na rin na makalabas ako dahil ayokong magbigay ng statement na hinihingi nila," sagot ko sa kanya at tumango siya tapos ay naglabas ng damit galing sa plastic bag na dala niya. Tinulungan nila akong makababa sa kama para makapagbihis. Si TIta Myline lang ang kasama ko sa cr para tulungan akong magtanggal ng damit. Pagpasok sa cr, nakita ko ang malaking salamin at doon ko tiningnan ang mga natamo kong sugat. Pitong saksak sa tiyan at may pasa ako sa leeg at braso. "Kung sino man ang hayop na may gawa nito sa akin, gusto ko silang pagbayarin," galit kong sabi at alam kong narinig iyon ni Tita Myline kaya hinawakan niya ang braso ko at hinaplos ito ng marahan. "Hayaan mo at darating tayo diyan, sa ngayon, magpagaling ka para may lakas ka. Hindi ako papayag na hindi mo makamit ang hustisya," sabi sa akin ni Tita Myline at humarap ako sa kanya at matalim ko siyang tinitigan. "Hustisya? Noon pa man, hindi na ako naniniwala sa hustisya, simula ng mamatay ang mga magulang ko at hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ang pumatay sa magulang ko tapos isinama niya pa sa pagtatago ang kapatid ko," galit kong sabi sa kanya at nahabag na lang ako sa reaksyon ng kanyang mukha. "Makakamit mo ang hinahanap mong hustisya dahil iba ang nangyari noon at iba rin ang nangyari ngayon," mahinahon na sagot sa akin ni Tita Myline at naisio kong tama siya. Hindi na ako sumagot pa at nagsimula na lang akong magtanggal ng damit. Kailangan kong magpakatatag at maging matibay. Hindi ako papayag na hindi ko makamit ang hustisya na kailangan ko. Wala akong malapitan noon para hanapin si Aero pero ngayon, nandiyan si Tita Myline at pati si Dexx, alam kong hindi nila ako papabayaan sa magiging laban ko sa susunod na araw. Tanghali ng makalabas ako sa hospital sa tulong ni Dexx. Gusto sana bayaran ni Tita Myline ang bill pero nagpumilit si Dexx. Tahimik lang kami sa byahe at ng napadaan kami sa lugar kung saan nangyari ang krimen, napapikit na ako dahil ayokong makita ang lugar na iyon. Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko at indi ko malaman kung sino ang gumawa noon. Pagdating namin sa bahay, biglang naglabasan ang mga tao at tinitingnan ako. "Huwag mong pansinin," bulong sa akin ni Tita Myline at sinunod ko na lang siya at lumakas papasok sa bahay. "Umuwi na kayo!" narinig kong sigaw ni Dexx ng tuluyan akong makasok sa loob. Hinintay pa muna ni Tita makapasok si Dexx bago ini-lock ang pinto. Huminga siya ng malalim at tumabi sa akin. Nakailang ulit si Dexx sa pagpapabalik-balik niya ng lakad sa harapan namin at sinusundan ko lang siya ng tingin. "Sa kwarto na muna ako," malamig kong sabi sa kanila at hindi ko na hinintay ang permiso nila bago ako pumasok ng kwarto. Malinis ito at pati ang pagkakalagay ng mga gamit at libro. Naisip ko ang pag-aaral ko, kung ano ang mangyayari sa akin ngayon, kung makakaakyat ba ako sa entablado at makakapagsuot ng medalya? May epekto ba ito sa paghahanap ko ng trabaho dahil kalat na sa bayan ang nangyari sa akin. Kumatok si Tita Myline sa kwarto ko tinabihan ako sa kama. "Rion, huwag kang magmukmok dito sa kwarto mo. Doon tayo sa labas at gusto ko lagi ka ng may kasama," sabi sa akin ni Tita at sumunod na lang ako. Paglabas niya sa kwarto, lumapit siya kay Dexx na nakaupo na sa sofa. Tumayo ito at kami ang pumalit sa kanya. "Dexx, may pagkain doon sa kusina, kumain ka," sabi ni Tita Myline sa kanya at para matigil siya sa pagpapabalik-balik niya ng lakad. "Rion, mamaya, may pupunta dito para humingi ng statement mo. Sabihin mo lahat ng natatandaan mo at huwag kang matakot, sasamahan ka namin sa laban mong ito. Aalis muna ako at kailangan may mag-asikaso sa grocery. Dexx, ikaw na muna bahala mag-asikaso sa kanya," utos ni Tita Myline at lumabas na siya ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD