Chapter 13

1981 Words
Nakatingin lang ako sa pinto nang ilapag ni Dexx ang pagkain sa table at tumabi sa akin. Wala akong gana sa kahit ano dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa akin. "Gusto kong mapag-isa!" Hinawi ko ang tray sa table at nakita ko ang gulat kay Dexx dahil sa ginawa ko. Hindi ako nagpigil maglabas ng galit dahil sa sobrang inis ko ng araw na iyon. "Rion!" sigaw ni Dexx at isa-isa niyang nilinis ang mga nabasag na plato at baso tapos ay lumabas ulit at saka siya lumabas muli ng kwarto. Hindi ko na hinintay pa ang pagbalik niya at dahan-dahan akong kumilos para makatayo. Paano na ang pag-aaral ko? Nahihiya ako dahil sa nangyari sa akin ay mawawala lahat ng pinaghirapan ni Tita Myline. Kahit hirap akong kumilos ay lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa cr. Binuhusan ko ang sarili ko ng paulit-ulit at kinuskos ko ang balat ko hanggang sa makaramdam ako ng hapdi ay saka ako tumigil. "Rion!" Narinig kong sigaw ni Tita Myline at sinira nila ang pinto ng cr. Naupo na ako sa sahig at saka humagulgol. Naramdaman ko na lang ang paglagay sa akin ng tuwalya at pilit akong itinayo ni Tita Myline. "Gusto ko na mamatay! Bakit nangyari sakin ito!" sigaw ko at sinapak ko ng ilang beses si Dexx dahil kinukuha niya ako kay Tita Myline at pilit na pinapatahan. "Wag kang magsalita ng ganyan!" sigaw ni Tita sa akin at niyugyog ang balikat ko. Tinitigan niya ako ng mariin sa mata at doon ko lang nakita ang sakit na nararamdaman niya. "Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa nangyari! Akala mo ba hindi ako nasaktan? Rion, kailangan mo rin maging matatag!' sigaw ni Tita sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na araramdaman ko ng oras na iyon pero kahit gawin ko iyon, mamaya o bukas ay nandito pa rin ang sakit. Hindi agad mawawala ito dahil lang sa mga salitang sinabi nila sa akin. "Kasalanan ko ang lahat! Kung sana, nagpasundo na lang ako kay Dexx, hindi ito mangyayari sa akin!" sigaw ko pero hinimas ng paulit ulit ni Tita ang likod ko at pilit akong pinapatahan. "Wala kang kasalanan. Hindi mo naman ginusto ang nangyari. Huwag mong sisihin ang sarili mo," bulong niya at dinala na ako sa loob ng kwarto. Kaming dalawa lang ng oras na iyon. Inutusan niya na rin si Dexx na kunin ang first aid kit bago pa ito tuluyan sumunod sa amin. Pagkabigay ni Dexx ng first aid kit ay narinig ko ang pagpindot ni Tita ng lock ng kwarto. Hindi ako gumagalaw pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid, wala lang ako sa katinuan na bigyan ng pansin ang mga iyon. Isa-isang inalis ni Tita ang damit ko at hinayaan ko lang siya tapos ay binalutan niya ako ng tuwalya pero mabubuksan pa rin sa parte ng tiyan ko. Nilinis niya ang sugat ko at kahit nakakaramdam ako ng hapdi ay hinayaan ko lang siya. Pagkatapos ay sinuotan niya na ako ng panibagong damit. Iniwan niya akong nakahiga tapos ay ilang sandali, may dala na siyang pagkain para sa akin. "Kumain ka," bulong niya sa akin pero hindi ako kumilos. Wala akong gana kumain at mas gusto ko lang na mahiga. Nang naramdaman niyang hindi ako kumikilos ay nagbilin na lang siya na kumain ako at uminom ng gamot tapos ay lumabas na ng kwarto. Nagising na lang at madilim na sa labas, may bintana rin kasi sa kwarto. Pati sa loob ay madilim na. Binuksan ko ang ilaw at bigla na lang pumasok si Dexx at dala ang tray ng pagkain. Inilipat niya na muna ang pagkain na dapat ay kakainin ko kanina at pinalitan iyo ng dala niya. "Okay ka na ba? Kumain ka na, kanina pa wala laman ang tiyan mo at kailangan mong uminom ng gamot," malambing niyang sabi sa akin. Humiga na lang ako sa kama at nakatalikod sa kanya saka nagsimulang umiyak. Naaalala ko kasi ang mga pinaghirapan naming report na ngayon ay hindi na maipapasa dahil sa nangyari sa akin. "Umiiyak ka ba?" tanong ni Dexx dahil hindi ko sinasadyang mapalakas ang paghikbi ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama at hinaplos ang braso ko. Marahan niya akong pinaharap sa kanya at inayos ang pwesto ko. Nilagyan niya ng ilang mga unan ang likod ko para makaupo ako. "Rion, pilitin mong maayos dahil ilalaban natin ang nangyari sayo," bulong ni Dexxsa akin pero umiwas lang ako ng pagkakatingin sa kanya. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa pwesto ng mga gamit ko kaya naman inayos niya iyon at lumapit sa akin. "Ang mga kaklase mo, nag-aalala rin sila sayo. Yung mga dapat mong ipasa ay sila na ang gumawa at kanina, nakapasok na muli si Miss Miriam. Sobrang nagpapasalamat siya sayo. Dumaan kasi ako doon para ipasa ang mga nagawa nating report," sabi sa akin ni Dexx at naluha na lang ako. "Paano na lang ang pag-aaral ko? Makakaakyat pa ba ako sa stage kahit nangyari sa akin ito? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin?" sunod-sunod kong tanong sa kanya pero ng titigan ko siya ay parang alam niya ang bawat sagot sa tanong ko. "Huwag mo na muna alalahanin iyan, mas importante ang matandaan mo kung sino ang may gawa nito sayo para mas mapabilis ang paghahanap sa mga gumawa nito sayo," sabi niya sa akin at lumipat na uli ng pwesto saka kinuha ang mangkok ng lugaw. Hinalo niya iyon at alam kong papakainin niya na naman ako. Kahit ayokong kumain at pinilit ko na lang dahil tama rin naman siya, walang mangyayari kung magiging ganito ako pero hindi naman masama kung maglalabas ako ng sama ng loob,. Tatlong subo ko pa lang ng lugaw ay umayaw na ako at kinuha ko ang gamot, ako na mismo ang nagkusang uminom at hindi ko na hinintay pang tulungan ako ni Dexx. "Lumabas ka na!" sabi ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako ng ilang minuto tapos ay umiling saka inayos ang pinagkainan ko. Pinagmasdan ko lang siya palabas ng kwarto at tumingin na ako muli sa gawi ng bintana. Hindi ko napigilan umiyak habang pinagmamasdan ang mga pasa ko sa braso. Pilit ko rin inaaalala ang mga nangyari ng gabing iyon. Kung paano nila ako saktan. Hanggang sa natandaan ko ang paglapit sa akin ng isang lalaki bago ako mawalan ng malay. Kinabukasan ng umaga, pumasok sila Trisha at may dalang mga prutas at bulaklak para sa akin. Gusto ko silang ipagtabuyan dahil ayoko makita nila ako sa ganitong kalagayan kaya pinikit ko na lang ang mata ko at hindi sila kinausap. "Rion..." tawag sa akin ni Trisha pero nagbingi-bingihan ako pra umalis na sila at narinig ko ang sinabi ni Tita na hayaan na muna ako at siya na lang ang magsasabi sa akin ng gusto nilang iparating. "Rion..." bulong ni Tita matapos niyang isara ang pinto. Hindi pa rin ako kumikilos at gusto ko lang mahiga ng oras na iyon. "Tingnan mo, yung pinaghirapan niyong report, nakapasa kayo. Sabi rin ni Miss Miriam na ipapasa kanya kahit hindi ka na pumasok, siya na daw ang bahala sa iyo," sabi ni Tita sa akin at doon lang ako kumilos dahil sa sinabi niya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong makakapasa ako pero ayoko pa rin magpakita sa mga tao dahil sa kahihiyan na nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay magiging usapan ako ng bawat taong makakasalubong ko. Niyakap ako ni Tita dahil hindi ko na namamalayan na humahagulgol na pala ako sa pag-iyak. Yumakap ako pabalik sa kanya. "Hindi ko pa rin matanggap ang nangyarisa akin!" sigaw ko at kahit masakit pa ang katawan ko ay nagawa kong lumuhod habang umiiyak. Umiiyak na rin si Tita Myline ng oras na iyon hanggang sa maramdaman kong napapakapit siya sa kanyang dibdib. "Dexx!" sigaw ko at kumaripas naman siya ng pagtingin sa kwarto. Umalis ulit siya at may dala ng baso ng tubig pagkabalik. Pinainom niya agad ng tubig si Tita at unti-unting bumalik ang kulay ng kanyang labi. Huminga ng malalim si Dexx at inilayo na sa akin si Tita Myline. Naiwan ako mag-isa at iniisip kung ano ba ang dahilan ng pananakip ng dibdib ni Tita Myline. Nakahiga lang ako ng oras na iyon at dapat ay maging masaya ako dahil makakatungtong ako sa stage kahit hindi na ako pumasok. Ilang subject na lang naman ang kulang ko at alam kong makaka-graduate naman talaga ako pero para sa akin, hindi ko lang gusto na parang unfair para sa mga pumapasok sa eskwelahan ang nangyari. Paglingon ko, nakita ko ang baso ng tubig at parang mauy bumubulong sa akin na may kailangan akong gawin. Marahan akong tumayo at sinara ko ang pinto ng aking kwarto. Binalot ko ng kumot ang baso at hinampas iyon sa sahig tapos ay kumuha ng isang piraso ng basag na baso. Humiga ulit ako at iniangat ko ang piraso ng bubog para tingnan kung matalas ba ito at kakayanin ba talagang makabasag. Huminga akong malalim at idinikit ang bubog sa aking balat. "Rion, papasok na muna ako!" narinig kong sabi ni Dexx na nasa tapat lang ng pinto at kumatok, sinubukan niyang buksan ito pero dahil sa nakalock, hindi na siya tuluyan pang pumasok. Walang makakaalam sa binabalak kong gawin. Wala si Dexx at si Tita Myline naman ay nagpapahinga. Tumulo na muli ang luha ko ng mapatingin ako sa hawak kong bubog at idinikit na iyon sa aking pulsuhan. Tiniisin ko ang sakit sa paghiwa sa aking sariling balat hanggang sa magkaroon ito ng mahabang sugat. Pinagmasdan ko ang pagdaloy ng dugo doon. Mahapdi na talaga siya at kahit anong pisil ang gawin ko ay patuloy lang ang pagdaloy ng dugo kaya naman pinatong ko na lang iyon sa kama at pinagmasdan ko ang pagkalat ng dugo sa higaan. Napapapikit na ako dahil sa pagkahilong nararamdaman ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. "Bakit kailangan pang gawin iyon ni Rion? Wala siyang kasalanan! Walang naninisi sa kanya!" narinig kong pagbulahaw ni Tita Myline at naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko. Masakit pa rin ang parte kung saan ko sinugatan ang sarili ko dahil naramdaman ko ang paglalagay nila ng gamot dito. Dinilat ko ang mata ko at nakita kong nakayakap si Tita Myline kay Dexx at ang gumagamot naman ng sugat ko ay si Trisha. Masakit ang pagdampi ng bulak na may gamot sa pulso ko kaya napapakislot ako ng oras na iyon. "Dalahin natin sya sa hospital at kailangang maagapan ang paggamot dito," sabi ni Trisha. May malay na ako noon pero namamanhid ang buo kong katawan para kumilos at hilingin na huwag na nila akong dalahin pa sa hospital. Napapikit na lang ako dahil naramdaman ko na naman ang pagbuhat sa akin ni Dexx hanggang sa maisakay niya ako sa sasakyan. "Rion, hindi mo kasalanan ang nangyari!" sigaw ni Tita Myline at pinatong niya ang ulo ko s kanyang hita. Umiiyak pa rin siya nang oras na iyon kaya naluha na rin ako dahil sobra ko siyang nasasaktan. Naramdaman niya siguro ang pagtulo ng luha ko kaya naman sinipat niya ang aking mukha at tinapik tapik ang pisngi ko. Dinilat ko ng kaunti ang mata ko at nakita ko ang pamumula ng kanyang mata. Halata na rin sa kanya na wala siyang tulog at bakas ang pagod sa kanyang mukha. Sinubukan kong iangat ang kamay kong hindi ko sinugatan at hinawakan iyon ni Tita saka inilapit sa kanyang mukha. "Sorry..." bulong ko at pumikit na ako dahil nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Nararamdaman ko pa rin ang pag-andar ng sasakyan hanggang sa huminto na ito at binuhat na ako muli ni Dexx. Alam kong nasa hospital na kami pero alam ko rin sa sarili ko na ayoko na bumalik pa sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD